Preached on January 11, 2026 at Baliwag Bible Christian Church

Mainam na meron tayong disiplina at maging habit natin ang araw-araw o regular na personal na pagbabasa ng Bibliya. Mainam din na gawin natin ito kasama ang ating pamilya. Mainam din na gawin natin ito kasama ang church. Mainam din na i-memorize natin ang ilang mga talata tulad ng Psalm 119:105, “Your word is a lamp to my feet and a light to my path.” Para laging nating naaalala ang kahalagahan ng salita ng Diyos sa araw-araw na buhay natin, gawin nating practice ang memorization at meditation ng Word of God. Pero siyempre, hindi lang ito dapat na mere duty or habit lang. Na basta nagagawa natin ay okay na yun. No. God is concerned sa puso na meron tayo sa kanyang mga salita. Dahil kung ang puso natin ay wala naman sa mga salita ng Diyos, gaano man ka-strong ang mga resolutions mo ngayon na bumalik sa daily habit of Bible reading, eventually hihina ‘yan, mapapabayaan mo na naman ‘yan. 

Isa sa mga pangunahing factors kung bakit nangyayari ‘yan ay dahil sa mga kasamaang nakapaligid sa atin. May mga tao na gagawa ng kasalanan sa ‘yo. Masasaktan ka. May mga mababalitaan ka sa social media na madi-disappoint ka. Maiimpluwensyahan ka ng mga unbelievers na tumulad sa lifestyle nila. Ang tanong: Paano nakakaapekto ang mga kasamaang nasa paligid natin sa damdamin natin sa salita ng Diyos? Magiging malamig ang puso mo sa salita ng Diyos. Nababawasan ang pagpapahalaga. Nababawasan ang tiwala sa pangako ng Diyos. Nagiging ordinaryo na lang ang salita ng Diyos na para bang salita rin ng tao. 

Dito rin sa text natin sa Psalm 119:113-120, merong mga tao sa paligid niya na talagang makakaapekto sa kanyang relasyon sa Diyos kung hindi magiging buo ang loob niya na panghawakan ang salita ng Diyos nang higit sa lahat. Meron mga “double-minded” (v. 113), mga “evildoers” (v. 115), merong mga “naliligaw” o “lumalayo” o “lumalabag” (“all who go astray”) sa mga salita ng Diyos (v. 118), merong binanggit na “lahat ng masasama rito sa mundo” (v. 119 ASD). Hindi naman mawawala ang mga ‘yan. Araw-araw natin ‘yang ma-eencounter. Sa loob ng bahay, sa kapitbahay, sa trabaho, sa eskwelahan, sa social media. 

Ang tanong: Paano ngayon tayo dapat na tumugon sa salita ng Diyos? Ito naman ang matututunan natin sa Psalm 119 kaya ito ang text natin especially kapag magsisimula ang taon. Nandito na tayo sa 15th section. Samekh ang tawag sa section na ‘to dahil bawat simula ng verse ay nagsisimula sa Hebrew letter na samekh (parang “s” sa English). Hindi man natin makita ‘yan sa English or Tagalog translations natin, ang mas mahalaga ay makita natin na bawat verse nito ay may tinutukoy tungkol sa salita ng Diyos, at kung ano ang damdamin o response niya sa salita ng Diyos:

I hate the double-minded, but I love your law. You are my hiding place and my shield; I hope in your word. Depart from me, you evildoers, that I may keep the commandments of my God. Uphold me according to your promise, that I may live, and let me not be put to shame in my hope! Hold me up, that I may be safe and have regard for your statutes continually! You spurn all who go astray from your statutes, for their cunning is in vain. All the wicked of the earth you discard like dross, therefore I love your testimonies. My flesh trembles for fear of you, and I am afraid of your judgments. 

Nangingibabaw sa damdamin niya ay ang pagmamahal niya sa salita ng Diyos. Dalawang beses niyang binanggit, sa dalawang parte ng section na ‘to: “I love your law” (v. 113); “I love your testimonies” (v. 119). Pero makikita rin natin na sa pagmamahal na ito sa salita ng Diyos, may nakakabit na pag-asa (vv. 114, 116) at pagkatakot (v. 120). Tingnan natin ito isa-isa.

Love and Hope (vv. 113-116)

Ang una ay sa vv. 113-116, love and hope. Makikita natin dito na: Ang nagmamahal (love) sa salita ng Diyos ay may matibay na pag-asa (hope) sa pagliligtas ng Diyos mula sa kasamaan.

Love (v. 113): Pagmamahal sa salita ng Diyos

Unang verse pa lang sa section na ‘to ay ipinahayag na ng mang-aawit ang kanyang damdamin sa salita ng Diyos, ang kanyang pagmamahal sa salita ng Diyos: “I hate the double-minded, but I love your law” (Ps 119:113). Heto ang dalawang magkasalungat na bagay, ang mga taong “double-minded” at ang kautusan ng Diyos. Sino ba yung “double-minded”? Actually, yung salitang ginamit dito ay dito lang sa bahaging ito ng Old Testament ginamit. Ito yung taong hati at hindi buo ang pag-iisip, half-hearted, divided ang loyalty. Ngayon kapanig ng sinumang nanunungkulan, sa susunod na araw kalaban na. Hawig ito sa sinabi ni prophet Elijah tungkol sa mga Israelita na sumasamba kay Yahweh pero sumasamba rin kay Baal at iba pang mga diyos-diyosan: “Hanggang kailan pa kayo mag-aalinlangan (sa Ang Biblia, magpapatalun-talon sa dalawang magkaibang kuru-kuro)? Kung si Yahweh ang tunay na Diyos, siya ang sundin ninyo; at kung si Baal naman, kay Baal kayo maglingkod” (1 Kgs 18:21 MBB). Kumbaga namamangka sa dalawang ilog. Ito rin yung sinabi ni James na nagpe-pray nga sa Diyos pero pinagdududahan naman ang Diyos at hindi nagtitiwala: “pabagu-bago ang isip (ESV, double-minded man) at di alam kung ano talaga ang nais niya” (Jas 1:8; also Jas 4:8). 

Ano ang malaking kaibahan ng double-minded man sa salita ng Diyos? Tinawag ito dito na “your law,” o kautusan ng Diyos. Kapag nagsalita ang Diyos, hindi niya kokontrahin, hindi niya babaliin. Meron siyang isang salita. “Ang Dios ay hindi tao na magsisinungaling, o magbabago ng kanyang isip. Nagsasabi ba siya ng hindi niya ginagawa? Nangangako ba siya ng hindi niya tinutupad” (Num 23:19)? Tapat ang Diyos sa kanyang salita. Hindi niya ito babaguhin just to accomodate kung ano ang popular sa culture natin ngayon. Kung ganito ang salita ng Diyos, at ibang-ibang sa double-minded man, we are confronted to make a decision: kaninong salita ang papakinggan at pahahalagahan natin?

Kung may sinasabi ang science, o government natin, o ang Church, na pabagu-bago at hindi sang-ayon sa salita ng Diyos, the word of God must have the supreme place in our hearts. Kaya heto rin ang dalawang magkasalungat na damdamin ng mang-aawit: “I hate the double-minded, but I love your law” (Ps 119:113). Ibig sabihin, mas pinahahalagahan niya sa puso niya ang mga salita ng Diyos kumpara sa salita ng tao. Pahahalagahan lang natin at papakinggan at paniniwalaan ang salita ng tao kung hindi ito kumokontra o naglalayo sa atin sa salita ng Diyos. Dapat buo ang loob natin na isantabi, sabihing “no!”, kapag may katuruang salungat sa salita ng Diyos. 

Yung salitang “hate” ay parang napakabigat, pero ito ay consistent naman at sumasalamin sa damdamin ng Diyos sa mga taong ito na makikita natin sa verse 118, “Niri-reject mo lahat ng di sumusunod sa mga utos mo, di uubra ang kanilang panloloko” (PV). So, we reject anumang salita o anumang bagay na makahahadlang sa ating pagmamahal sa salita ng Diyos. Gawin natin ang lahat ng dapat gawin so our love for the word will grow deeper each day. Bantayan natin ang puso natin para sa salita ng Diyos. At mas lalo naman tayong mapapamahal sa salita ng Diyos kung ito ang palaging laman ng isip natin: “Oh how I love your law! It is my meditation all the day” (Ps 119:97). ‘Wag mong intaying nag-aapoy ang puso mo sa salita ng Diyos bago mo ito basahin. Anuman ang nararamdaman mo ngayon, read and listen to the Word, at kung ibababad mo ang isip at puso mo sa salita ng Diyos, your love for God and his word will surely grow. 

Hope (v. 114): Matibay na pag-asa sa salita ng Diyos

Nakakabit sa kanyang damdamin ng pagmamahal sa salita ng Diyos ang kanyang matibay na pag-asa sa salita ng Diyos, na kanyang ipinahayag naman sa sumunod na verse: “You are my hiding place and my shield; I hope in your word” (Ps 119:114). “I hope in your word,” salita ng Diyos ang inaasahan natin. Kapag may problema tayo, sa pera halimbawa, umaasa tayo kapag may nangako sa atin na tutulungan tayo. Naghihintay tayo kung kelan darating yung tulong na yun. Kapag may nakaagrabyado sa ‘tin, umaasa tayo na merong magtatanggol sa ‘tin. Pero minsan, hindi dumarating yung tulong na inaasahan natin. Kapag sa tao kasi, pwedeng magbago ang isip (tulad ng double-minded man). Pwedeng sumira sa pangako. O gustuhin man pero limitado naman ang kakayahan, ang oras, o ang resources. Pwedeng ma-bankrupt ang insurance company na inaasahan mong sasagip sa ‘yo. This is why we don’t put our highest trust sa tao at sa salita ng tao.

Ito na naman ang malaking kaibahan kapag sa Diyos at sa kanyang salita tayo umaasa. Kasi, maaasahan ang Diyos, fully trustworthy. Sabi ng psalmist, “You are my hiding place and my shield.” Yung “hiding place” ay lugar na matataguan natin o masisilungan kapag may mga masamang tao na naghahanap sa atin. Yung “shield” ay yung panangga kapag inaatake tayo ng kaaway. Ibig sabihin, ang proteksyon, ang depensang kailangan natin laban sa anumang kasamaan sa mundong ito ay sa Diyos natin matatagpuan. Meron tayong masisilungan, meron tayong tagapagtanggol laban sa kaaway. Hindi ba’t bawat atake ni Satanas (ibig sabihin, Kaaway) laban kay Jesus, tempting him na pagdudahan ang salita ng Diyos at lumihis ng landas, ang palagi niyang armas na panlaban ay ang salita ng Diyos, “Nasusulat…” (Mt 4:4710). Tulad ni Jesus at ng umawit ng Psalm 119, ang matibay na pag-asa natin laban sa atake ng mga kaaway natin ay nasa Diyos at nasa kanyang salita. Kung araw-araw ay walang hinto ang kaaway natin at humahanap ng pagkakataon para tayo’y atakihin, di ba’t araw-araw din ay dapat nating basahin at pagbulayan ang salita ng Diyos? Ang pinaka-vulnerable na maibagsak ng kaaway ay ang Kristiyanong hindi nakababad sa salita ng Diyos araw-araw.

Resolve (v. 115): Determinasyon na sumunod sa salita ng Diyos

Kung ayaw nating sapitin ang kapahamakang naghihintay sa mga nagpapatuloy sa kasalanan, dapat magkaroon tayo ng resolve na ipinapakita ng psalmist sa verse 115, yung determinasyon niya na sumunod sa salita ng Diyos: “Depart from me, you evildoers, that I may keep the commandments of my God” (Ps 119:115). Merong shift of audience na ina-address niya. Karaniwan kasi, ang kausap niya sa Psalm 119 ay ang Diyos. Dito naman, intentional na ang kinakausap niya ay ang mga gumagawa ng masama: “Depart from me, you evildoers…” Hawig ito sa Psalm 6:8, “Depart from me, all you workers of evil…” Of course, malamang na hindi naman siya naririnig ng mga ito, maliban na lang kung mag-aannounce ka publicly, or mag-iissue ng public statement sa social media. So, malamang na ito ay expression ng personal resolve na ang gusto niya ay layuan siya o siya ang lumayo sa mga masasamang tao. 

Of course, hindi naman ito nangangahulugan na mga Kristiyano lang ang mga dapat nating makasama araw-araw. Hindi rin naman praktikal yun. Kasi posible na meron kang kasama sa bahay na unbeliever—o sa trabaho o sa eskwelahan. Nangangahulugan ito ng commitment na gagawin natin ang lahat ng dapat gawin para hindi tayo mahatak sa gawain ng mga unbelievers. Lalo na yung mga taong tahasan at hayag talaga sa kasalanang ginagawa nila. Ang kaaway kasi natin, ang diyablo, ay aali-aligid na parang isang mabangis na leon na naghahanap ng malalapa (1 Pt 5:8). Kaya ano ang dapat nating gawin, “Resist him, firm in your faith…” (1 Pt 5:9). Tulad ng sabi ni Jesus kay Satanas nang siya ay tuksuhin, “Lumayas ka, Satanas!” (Mt 4:10).

Ano ang layunin kung bakit gusto ng psalmist na layasan siya ng mga masasamang tao? Negatively, para hindi siya matulad sa pamumuhay nila na taliwas sa kalooban ng Diyos. And positively, “…that (eto yung purpose) I may keep the commandments of my God” (Ps 119:115). Literally, para “maingatan” niya ang mga utos ng Diyos. Kung siya ay iniingatan at binabantayan ng Diyos laban sa kanyang mga kaaway, meron din siyang tungkulin na ingatan ang mga salita ng Diyos na parang isang kayamanang ipinagkatiwala sa kanya. Ibig sabihin, kailangan niya itong pahalagahan. Pinapahalagahan natin ang utos ng Diyos kapag sinusunod natin ang utos ng Diyos. 

At hindi ito basta isang utos lang na parang barangay ordinance o policy ng gobyerno na impersonal ang dating sa atin. Ito ay “the commandments of my God.” So, ito ay resolve hindi para gawin lang kung ano ang kanyang responsibilidad na ine-expect sa kanya. Ito ay determinasyon in the context of a personal relationship. Kung hindi natin pinahahalagahan ang personal na relasyon natin sa Diyos, babalewalain din natin ang mga utos niya. Ang mga taong consistently ay sumusuway sa Diyos ay ang mga taong wala talagang personal na relasyon kay Cristo, kahit na sabihin pa nilang sila’y mga Kristiyano.

Prayer (v. 116): Pagliligtas na ayon sa salita ng Diyos

At tulad ng nakita natin sa sermon last week sa previous section (Ps 119:105-112), bawat resolution na ginagawa ng psalmist ay usually may nakakabit na prayer. Ito ay pagkilala na hindi malayo ang mararating ng anumang self-determination natin kung wala ang tulong ng Diyos. Ganyan kahalaga ang prayer. Kaya yun ang susunod na makikita natin sa verse 116, yung last verse sa first half ng passage natin, yung prayer niya sa pagliligtas sa kanya na ayon sa salita ng Diyos: “Uphold me according to your promise, that I may live, and let me not be put to shame in my hope” (Ps 119:116)! May dalawang bahagi yung prayer niya dito. Yung una ay may kinalaman sa pagliligtas ng Diyos sa kanya mula sa kamatayan: “Uphold me according to your promise, that I may live…” Hinihiling niya sa Diyos na alalayan siya ng Diyos, na ibigay sa kanya ng Diyos ang kailangan niyang tulong at suporta para mabuhay siya, “that I may live.” Ito ay pagkilala na ang bawat hininga niya para mabuhay ay galing sa Diyos. Kung titigil ang Diyos sa pag-alalay sa atin nang isang segundo man lang, mamamatay tayo. Ganyan tayo ka-dependent sa Diyos. At yung panalanging ito ay nakabatay sa mga pangako ng Diyos na nakasulat sa kanyang salita. He is a covenant-keeping God. Ipinangako niya ang buhay para sa atin. Hindi lang pisikal na buhay, pero higit sa lahat ay ang buhay na walang hanggan. Hindi ba’t yun ang nakasulat sa purpose statement ng Gospel of John: “but these are written so that you may believe that Jesus is the Christ, the Son of God, and that by believing you may have life in his name” (Jn 20:31)? Mabubuhay lang tayo, truly alive, kung tayo ay sasampalataya kay Cristo, “The righteous shall live by faith” (Rom 1:17).

Yung ikalawa naman ay may kinalaman sa pagliligtas ng Diyos sa kanya mula sa kahihiyan: “…and let me not be put to shame in my hope.” Kung nasa Diyos at sa kanyang mga pangako ang pag-asa niya, ito rin yung ipinagmamalaki niya sa mga tao. Kung meron kang kandidato na maging presidente noong nakaraang eleksyon, ikinakampanya mo, ipinagmamalaki mo kung bakit maaasahan yung mga pangako at track record niya. Tapos naging presidente na, at nabalitaan mo na kurakot at inefficient na leader pala. Napahiya ka kasi yung inaasahan mo ay binigo ka. So, kung hindi tutuparin ng Diyos ang pangako niya, mapapahiya tayo sa mga taong ipinagmamalaki natin ang Diyos. So yung prayer na ito ng psalmist ay sinasabi niyang, “Lord, tuparin mo ang pangako mo! ‘Wag mo akong bibiguin!” And of course, ‘yan ang confidence na meron tayo dahil ang mga pangako ng Diyos ay yes and amen in Christ: “For all the promises of God find their Yes in him. That is why it is through him that we utter our Amen to God for his glory” (2 Cor 1:20–21). 

So, yung matibay na pag-asa na pinanghahawakan natin ay nasa pagliligtas ng Diyos na he accomplished through Christ, para iligtas tayo sa kasamaan ng mundong ito at ng sarili nating puso. Dito sa verses 113-116 nakita natin na ang pagmamahal sa salita ng Diyos ay may kasamang matibay na pag-asa sa salita ng Diyos. Salita ba ng Diyos ang higit na inaasahan mo? O salita ng tao? 

Love and Fear (vv. 117-120)

Love and hope, magkasama ‘yan. Sa ikalawang bahagi naman, sa vv. 117-120, makikita nating magkasama rin yung love and fear: Ang nagmamahal (love) sa salita ng Diyos ay may banal na takot (fear) sa paghatol ng Diyos laban sa kasamaan. Bawat verse sa second half nito ay may corresponding connection sa first half, baligtad nga lang, chiasm ang tawag sa ganitong Hebrew literary device. Yung verse 117 prayer din na hawig sa prayer ng v. 116. Yung determinasyon ng Diyos na ilayo ang mga masasama sa v. 118 ay katumbas ng determinasyon ng psalmist na layuan ang mga masasama sa v. 115. Yung love and fear niya sa salita ng Diyos sa vv. 119 at 120 ay katumbas ng love and hope niya sa salita ng Diyos sa vv. 113 at 114.

Prayer (v. 117): Pagpapahalaga sa salita ng Diyos

Unahin natin yung prayer niya sa v. 117, na continuation ng prayer niya sa v. 116 (“Uphold me…”): “Hold me up, that I may be safe and have regard for your statutes continually” (Ps 119:117)! Ang prayer niya ay “hold me up.” Halos parehong salita sa v. 116. Ibig sabihin nito ay paghiling na suportahan siya, i-sustain siya, palakasin siya ng Diyos. O sa Ang Biblia, “Alalayan mo ako.” Ang panalanging ito ay pag-amin na kailangan niya ang tulong ng Diyos araw-araw. Para ano? “That I may be safe.” Para maging ligtas siya sa anumang panganib, lalo na yung patibong ng mga masasama laban sa kanya (v. 110). Pero higit pa sa physical safety, mas nangingibabaw na concern sa kanya ay spiritual safety. Na hindi siya mapahamak spiritually at mangyayari yun kung tutularan niya ang kasamaan ng mga tao sa paligid niya. 

Kaya kasama sa layunin kung bakit siya humihingi ng tulong sa Diyos ay nasa second line ng verse 117, “and have regard for your statutes continually,” “laging magkaroon ako ng pagpapahalaga sa iyong mga batas” (AB). Dalangin niya sa Diyos na patuloy siyang ingatan ng Diyos para ang puso niya ay magpatuloy sa pagpapahalaga sa salita ng Diyos. Napakagandang prayer, na makakabuti kung ganito rin ang magiging prayer natin. Hindi lang yung, “Lord, ingatan mo po ako sa pagmamaneho. Ingatan mo po ang asawa ko araw-araw.” Kundi lalo na yung ganito, “Lord, kumilos ka sa puso ko para ang pagmamahal at pagpapahalaga ko sa iyong salita ay manatili at mas uminit pa araw-araw. Ganyan din po ang prayer ko para sa asawa ko at sa mga anak ko.”

Resolve (v. 118): Determinasyon na parusahan ang sumusuway sa salita ng Diyos

Alam kasi natin na mapapahamak talaga tayo kung lilihis tayo ng landas at lalayo sa mga salita ng Diyos. Ito naman yung resolve na makikita natin sa v. 118 na katumbas ng resolve niya sa v. 115, “Depart from me, you evildoers…” Pero this time hindi ito tumutukoy sa resolve ng psalmist, kundi sa resolve ng Diyos, na tumutukoy sa kanyang determinasyon na parusahan ang sumusuway sa salita ng Diyos. Kung sa first half ay nangingibabaw ang pagliligtas ng Diyos (salvation), dito naman sa second half ay ang paghatol at pagpaparusa ng Diyos (judgment): “You spurn all who go astray from your statutes, for their cunning is in vain” (Ps 119:118). Totoo naman, in a sense, na “God hates the sin but loves the sinner.” Pero yun ay kung nakay Cristo yung sinner. Pero kung wala, at nagpapatuloy sa pagsuway sa utos ng Diyos, tulad ng binanggit dito na “all (without exemption) who go astray from your statutes.” Yung mga taong walang faith, walang repentance, walang love for the word of God. Ano ang response ng Diyos sa kanila? “You spurn” them, sabi ng psalmist. Itinatakwil, tinatanggihan, itinuturing na walang halaga, itinatapon na parang basura. God hates sin and God hates the sinner in the case of the unrepentant sinner. Hindi pwedeng ang theology natin about God ay love, love, love lang na walang room for divine hatred. “His soul hates the wicked and the one who loves violence” (Ps 11:5), hindi lang yung kasalanang ginagawa nila, kundi sila mismo na gumagawa ng kasalanan. “I hate the assembly of evildoers, and I will not sit with the wicked” (Ps 26:5).

So, kung ikaw yun, isang makasalanang hanggang ngayon ay hindi pa sumu-surrender sa Diyos, at nagpapatuloy pa sa paggawa ng sarili mong kagustuhan, the Lord is calling you to repent and believe in the Lord Jesus Christ. Hindi mo pwedeng takasan ang parusa ng Diyos sa sariling diskarte mo. Pwede mong maloko ang ibang tao, pero hindi mo maloloko ang Diyos. Kaya nga sabi sa sumunod na line ng verse 118, “for their cunning is in vain” / “ang kanilang panlilinlang ay wala ring sasapitin” (MBB). Ang tanging paraan ay talikuran ang kasinungalingan ng kasalanan at sumampalataya kay Cristo na siyang “daan, katotohanan, at buhay” (Jn 14:6). There is no other way. Kaya nga nung tinanong ni Jesus yung mga disciples niya, matapos na umalis na ang ibang mga sumusunod sa kanya dahil mabibigat na yung mga salitang binibitiwan niya, “Kayo, aalis din ba kayo?”, ang sagot nila, “Lord, kanino kami pupunta? You have the words of eternal life” (Jn 6:68). Kung tayo ay nakay Cristo na, ‘wag na tayong aalis pa. Nasa atin na ang pagliligtas at pag-ibig ng Diyos at ang buhay na yun ay forever. 

Love (v. 119): Pagmamahal sa salita ng Diyos

Kung ganito ang laki ng pagmamahal ng Diyos sa atin—at pinawi ni Cristo ang galit ng Diyos na nararapat para sa atin nang siya ay mamatay sa krus para sa ating mga makasalanan—hindi ba’t nararapat lang na tugon natin dito ay higit pang pagmamahal sa Diyos at sa kanyang salita? At makikita natin sa huling dalawang verses na hindi lang ito basta love for God’s word, kundi magkasama yung love and fear sa verses 119 at 120, tulad naman ng nakita natin sa first two verses (vv. 113, 114) na magkasama ang love and hope. Dito sa verse 119, yung love niya sa salita ng Diyos ay hindi lang fueled ng pag-ibig ng Diyos sa pagliligtas sa atin (salvation). Ito rin ay fueled ng pag-ibig ng Diyos sa kabanalan ng kanyang pangalan sa kanyang paghatol at pagpaparusa (judgment) sa mga makasalanan. “All the wicked of the earth you discard like dross, therefore I love your testimonies” (Ps 119:119). “Therefore,” dahil sa determinasyon ng Diyos na parusahan ang lahat ng mga wicked, na para bang basura na itinatapon dahil walang halaga, ito ang nagtutulak sa atin para mas mahalin pa at pahalagahan ang kanyang salita. 

Bakit? Dahil ipinapakita nito na banal ang Diyos, na matuwid ang Diyos, na makatarungan ang Diyos, na tapat ang Diyos hindi lang sa pangako niya na ililigtas ang mga sumasampalataya kay Cristo kundi pati sa kanyang babala na paparusahan ang mga hindi nagtitiwala kay Cristo. Hindi pabagu-bago ang isip ng Diyos. Buo ang loob niya na igawad ang parusa sa mga nagkasala. And we love him for that. Oo, dahil inako na ni Cristo ang parusa na nararapat para sa atin para hindi tayo maitapon na parang basurang susunugin sa impiyerno. And more than that, dahil makakaasa tayo na na lahat ng kasalanan, lahat ng pang-aabuso, lahat ng injustices, lahat ng oppression na namamayagpag ngayon sa mundong ito—at sa naranasan natin sa buhay—ay itatama, itutuwid, at papawiin niya. ‘Yan din ay resulta ng ginawa ni Cristo sa krus.

Fear (v. 120): Pagkatakot sa salita ng Diyos

Kung aalalahanin natin ‘yan, ‘yang mga nakasulat sa salita ng Diyos tungkol sa kanyang mga gawa, tungkol sa kanyang plano, magkakaroon din tayo hindi lang ng pag-ibig sa Diyos at sa kanyang salita, kundi pati na rin ng banal na takot sa Diyos at sa kanyang salita. Tulad ng psalmist sa last verse, “My flesh trembles for fear of you, and I am afraid of your judgments” (Ps 119:120). Hindi ito yung takot na magko-cause sa atin na lumayo sa Diyos. Ito yung pagkatakot na tamang response kung kilala talaga natin kung sino ang Diyos sa kanyang kabanalan at kadakilaan at kapangyarihan. Yung “tremble for fear” dito ay tulad ng nararanasan natin kapag tumatayo ang balahibo natin, na may kaba sa kung ano ang mangyayari. Kaya salin sa Pinoy Version, “Nanginginig ang buong katawan ko sa takot sayo, natatakot ako sa mga hatol mo” (PV). Yes, natatakot tayo na maranasan natin ang hatol ng Diyos. Nakakatakot naman talaga yung sasapitin ng mga wala kay Cristo. Kaya nga tayo lumapit kay Cristo, humingi ng tawad sa Diyos. At yung takot na yun ay napalitan ng assurance na “there is therefore now no condemnation for those who are in Christ Jesus” (Rom 8:1). Pero meron pa ring takot in the sense na nandun yung reverence sa Diyos. Mas nakita natin ang kadakilaan hindi lang ng pagpaparusa ng Diyos, kundi pati yung kadakilaan ng kanyang pag-ibig at pagpapatawad at pagliligtas. Kasi inakong lahat ni Cristo ang poot ng galit ng Diyos. Sabi sa Psalm 130:4, “But with you there is forgiveness, that you may be feared.” So hindi incompatible ang gospel sa pagkakaroon ng takot sa Diyos, nararapat na takot sa Diyos.

Mas matakot tayo kung nagiging casual na sa atin ang pag-aaral ng salita ng Diyos at ng mga doktrina tungkol sa Diyos. Something is wrong kapag ganun. Nai-share nga ni Bert sa ‘kin Thursday night during our gathering sa bahay nila kung paanong kaba, takot, panginginig ang naramdaman niya noong nagkaroon siya ng pagkakataon to preach the Word during one of our Christmas dawn services, pati yung pagli-lead ng small group Bible study. Na mahalagang encouragement at reminder sa akin din na ‘wag maging casual, o ordinary na lang, o professional job na lang yung pag-aaral at pagtuturo ng Salita ng Diyos. Meron fear, merong reverence, merong respect dahil salita ng Diyos, at hindi ng ordinaryong tao, ang pinag-uusapan natin dito.

Conclusion

Ito ang panawagan sa ating lahat ng Diyos. Na sa halip na matakot tayo sa mga kasamaang nangyayari sa paligid natin araw-araw, o mag-alala, o mahadlangan tayo nito sa pamumuhay natin bilang mga tagasunod ni Jesus, ano ang dapat na maging response natin? Dapat pa nga nating mas mahalin at pahalagahan ang salita ng Diyos. At ang pagmamahal na ito ay dapat may kalakip na matibay na pag-asa na ayon sa pagliligtas ng Diyos sa atin through Christ at banal na pagkatakot na ayon sa paghatol ng Diyos sa kasamaan, ang hatol na inako na ni Cristo para sa atin. That love for God and his word, that hope in God and in his word, that fear for God and his word—‘yan ang dapat na nai-stir up sa puso natin everyday ay we devote ourselves sa pagbabasa at pagbubulay ng salita ng Diyos bawat araw. And especially every Sunday, kapag sama-sama tayong nagbabasa ng salita ng Diyos, nakikinig ng salita ng Diyos, umaawit ng salita ng Diyos, nananalangin nang ayon sa salita ng Diyos, at nagsasalu-salo sa pagkain ng Banal na Hapunan ng Panginoon, na siyang Salita na nagkatawang-tao at namatay para sa atin, hindi lang para mapakinggan natin ang salita ng Diyos kundi para matikman natin ang salita ng Diyos. At masabi sa isa’t isa, “Oh taste and see that the Lord is good!” (Ps 34:8).

Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)

Sign up to get your free pdf

By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

Leave a Reply