Ang Kahalagahan ng Pagkakaisa

Ang tatalakayin natin ngayon ay tungkol sa “pagkakaisa.” To be more specific, hindi natin tatalakayin ang tungkol sa pagkakaisa ng mga Pilipino, bagamat may nakikita tayo ngayon na some level of unity, yung nagkakaisa to cry out for justice, dahil sa mga kurapsyon na nae-expose sa gobyerno lalo na yung mga tungkol sa flood control projects. Hindi rin naman tungkol sa pagiging Kristiyano in general, tulad ng relasyon ng mga churches sa ibang churches sa parehong denomination o sa ibang denomination man. Ang pag-uusapan natin, to be more specific, ay ang pagkakaisa bilang mga Kristiyano sa isang local church. Hindi ko sinasabi na hindi mahalaga yung ibang nabanggit ko. Dito naman kasi sa local church yung pinakamalapit na konteksto natin at yung meron tayong greater opportunity na mai-apply itong pagkakaisa na pag-uusapan natin. At kung matututuhan natin kung paano mamuhay na may pagkakaisa sa loob ng church, madi-discover natin na merong epekto ‘yan sa relasyon natin sa ibang church, at maging sa relasyon natin sa ibang tao.

Mahalagang pag-usapan ‘to. Kasi posible na magkaroon ng disunity sa church natin. Posibleng hindi man ganun ka widespread yung problem, pero merong mga conflicts na hindi nareresolba, merong mga pag-aaway na nakakasira sa unity ng church. Tulad ng problema sa church sa Corinth, nabalitaan ni Pablo na sila ay “nag-aaway-away,” kaya pinagsabihan niya sila na “magkaisa kayo at huwag magkabaha-bahagi” (1 Cor. 1:10-11 MBB). Posibleng may ganito rin sa church na sinulatan ni Pablo sa Ephesus, kasi nga merong mga Jews at mga Gentiles (mga non-Jews) na historically ay merong divisions, ito yung “dividing wall of hostility” na binanggit ni Paul sa chapter 2 (Eph. 2:14).

Now, karamihan sa atin pwedeng sabihin na hindi naman tayo nakikipag-away sa iba. That’s good. Pero kailangan pa rin nating i-evaluate kung yung “unity” ba na tingin natin na nae-enjoy natin ngayon ay baka naman “superficial unity.” Ibig sabihin, peaceful nga, wala ngang gulo o away-away, pero baka naman false peace? O kaya, baka naman may mga mahahalagang issues na ayaw lang talagang pag-usapan, pero baka naman dapat pag-usapan. O kaya, pwedeng nae-enjoy mo nga yung friendship mo sa ibang mga members ng church, pero baka sinasamahan mo lang yung mga gusto mong kasama, yung mga taong kaedad mo o kapareho mo ng interes, o yung madaling pakisamahan. Paano naman yung iba na ibang-iba sa ‘yo, at ang halos pinagkapareho n’yo lang ay yung gospel na pareho n’yong pinaniniwalaan?

So, mahalagang pag-usapan ‘to kasi gusto ng Diyos na maranasan natin kung ano talaga yung Christian unity, yung distinctly Christian, yung gospel-centered, yung supernatural kind of unity. At ito naman yung burden ni Pablo sa kanyang paunang exhortation o utos na dapat nilang gawin sa second half ng Ephesians. Tapos na natin ang first three chapters na karamihan ay doctrinal exposition ng mga katotohanan ng gospel, ng pakikipag-isa natin kay Cristo at sa yaman na meron tayong lahat na nakay Cristo. Tinatawag din itong “indicatives.” Ngayon naman, beginning chapter 4, hanggang sa dulo sa chapter 6, ang nangingibabaw na dito ay yung mga “imperatives” o utos na dapat nating gawin bilang implikasyon o tugon sa “indicatives” ng gospel. In light of the riches we have in Christ, ano ngayon ang mga dapat nating gawin, o paano dapat mamuhay ang mga taong pinagpalang lubos ni Cristo? May mga tatalakayin si Pablo tungkol sa personal sanctification natin, sa relasyon natin sa church, sa relasyon natin sa pamilya, sa pagtatrabaho, at sa spiritual warfare.

Heto ang inuna ni Pablo, yung may kinalaman sa Christian unity. Sinabi niya sa verses 1-3 yung exhortation, at sa verses 4-6 naman yung doctrinal foundation ng exhortation na yun, so makikita nating hindi talaga niya iniiwanan yung mga tinalakay niya sa first three chapters, kundi palaging ipinapakita kung paano nakaugnay yung gagawin natin ngayon sa mga katotohanang pinaniniwalaan natin. Heto ang sabi niya:

I therefore, a prisoner for the Lord, urge you to walk in a manner worthy of the calling to which you have been called, with all humility and gentleness, with patience, bearing with one another in love, eager to maintain the unity of the Spirit in the bond of peace. There is one body and one Spirit—just as you were called to the one hope that belongs to your call— one Lord, one faith, one baptism, one God and Father of all, who is over all and through all and in all. (Eph. 4:1-6)

Sa mga talatang ito, mas matututunan natin kung ano ang ibig sabihin ng Christian unity kung titingnan natin: (1) Una, yung kaugnayan ng Christian unity sa gospel (v. 1); (2) Ikalawa, yung mga katangiang nagpapatibay ng Christian unity (vv. 2-3); at (3) Ikatlo, yung mga katotohanang nagsisilbing pundasyon ng Christian unity (vv. 4-6).

Ang Kaugnayan ng Gospel sa Christian Unity (v. 1)

Una, ano ba yung kaugnayan ng gospel sa Christian unity? Makikita ito sa pangunahing exhortation ni Pablo sa verse 1: “I therefore, a prisoner for the Lord, urge you to walk in a manner worthy of the calling to which you have been called.” Dito sa verse 1, wala pang sinasabi si Pablo tungkol sa call for unity. General exhortation pa ‘to kung paano tayo mamumuhay bilang mga Kristiyano, at siyempre nakapaloob dito yung specific call for unity. In a way, ito yung summary ng mga exhortations na sasabihin ni Pablo sa chapters 4-6. At ang salitang nagdudugtong sa dalawang major sections sa Ephesians, chapters 1-3 at chapters 4-6, ay ang salitang “therefore” o “kaya’t.” Itong crucial word na ito ay nagpapaalala sa atin na may kaugnayan o koneksyon ang buhay natin bilang mga Kristiyano sa gospel—ang mabuting balita ng ginawa ni Cristo para ipagkasundo tayo sa Diyos at sa isa’t isa, na tayo ngayo’y nakay Cristo na at tumanggap ng lahat ng pagpapalang espirituwal dahil sa pakikipag-isa natin kay Cristo.

Alam ito ni Pablo, at gusto niyang ipaalala ito sa mga taga-Efeso, “I therefore, a prisoner for the Lord, urge you…” Alam naman nila na nakakulong si Paul during this time. Pero ipinapaalala niya sa kanila kung bakit at para kanino siya nakakulong, “a prisoner for the Lord.” Dahil sa Panginoon, o para sa Panginoon, o “a prisoner in the Lord.” Sabi rin niya sa chapter 3, “a prisoner of Jesus Christ” (Eph. 3:1). Dahil siya ay nakay Cristo at siya ay matapang at tapat na tagapangaral ng ebanghelyo kaya siya nakakulong. Alam niya yung cost of proclaiming the truth about Jesus. Tulad ng pinatay na si Charlie Kirk sa America dahil sa kanyang boldness to proclaim the truth and to expose yung mga kasinungalingang ng modern American society. May koneksyon ang gospel sa buhay na nararanasan ni Pablo sa kulungan. Sa dulo ng sulat niya, sinabi niya na ipag-pray siya, “an ambassador in chains, that I may declare it boldly” (Eph. 6:20). Hindi madali ang mamuhay sa paraang consistent sa gospel message na ipinapangaral natin. It may cost us our lives. Pero hindi tayo maihihiwalay nito kay Christ. We will always remain “in Christ.”

Nandun din yung boldness ni Paul na sabihin sa kanila hindi lang kung paano maging matapang sa preaching ng gospel, kundi pati sa klase ng pamumuhay na dapat meron ang isang Kristiyano, “I…urge you,” sabi niya. Hindi lang siya magbibigay ng suggestions na pwede nilang i-consider. Hindi lang ito parang nakikiusap siya, tulad ng mga salin sa Tagalog, na para bang nagmamakaawa siya. Nananawagan siya, merong urgent exhortation, merong serious call to respond. Meron itong apostolic authority, meron itong divine authority. Heto ang mga utos na galing mismo sa Diyos na dapat nating sundin. To disobey is not an option para sa mga tagasunod ni Cristo.

Ano raw ang dapat nating gawin? “…to walk in a manner worthy of the calling to which you have been called.” Kapag sinabing “to walk,” ito ay tumutukoy hindi lang sa ilang mga bagay na dapat nating gawin, kundi sa paraan kung paano natin ipinapamuhay ang buong buhay natin. Hindi lang tuwing Linggo, but 24/7. Ibang-iba na ito sa dating buhay na nilalakaran natin noong tayo ay mga patay pa dahil sa ating mga kasalanan, noong tayo ay mga “sons of disobedience” pa, noong tayo ay “children of wrath” pa, noong tayo ay katulad pa ng mga tao sa mundong hindi kumikilala sa Diyos (Eph. 2:1-3). Niligtas na tayo ng Diyos dahil sa kanyang pag-ibig, awa, at kagandahang-loob (Eph. 2:4-7). Ito yung “calling to which you have been called” na binabanggit dito ni Paul. Hindi ito tumutukoy sa specific “calling” na tinanggap natin sa ministry, kung magpapastor ka ba o anuman. Ito ang calling to salvation na tinanggap ng lahat ng Kristiyano. At ang sabi ni Paul, mamuhay tayo “in a manner worthy” of our salvation. Of course, none of us is worthy of being saved. Ang point dito, yung sinasabi mo bang status mo na ligtas ka na dahil nakay Cristo ka ay consistent sa nakikita sa pamumuhay mo? The gospel changes our lives, hindi pwedeng walang pagbabago. Yes, may mga times na inconsistent tayo, pero ang panawagan dito ay tiyakin natin, to make every effort, na naka-align yung buhay natin sa gospel na ipinapahayag natin.

We say we believe the gospel, we sing the gospel, we preach the gospel, we love the gospel, we are gospel people. Pero yung gospel ba na ‘yan ay bumabago sa buhay mo at nakikita ng ibang tao—ng mga kasama mo sa church, ng mga kasama mo sa bahay, ng mga kasama mo sa trabaho o sa eskwelahan, ng mga friends at followers mo sa social media—na that gospel is powerful to change you, everything about you?

Now, ano ang kinalaman nito sa pinag-uusapan natin tungkol sa church unity? Ang panawagan ni Pablo sa pagkakaisa sa mga susunod na verses ay bahagi nitong general exhortation na mamuhay in a way na consistent sa gospel. Kung walang nakikitang pagkakaisa sa church, hindi ito consistent sa message of the gospel reconciling us to God and to one another. Ang kawalan ng pagkakaisa ay nagsasalita ng kasinungalingan tungkol sa gospel, na para bang walang kapangyarihan ang gospel na bumago sa mga relasyon natin, na buuin ang mga pagkakabaha-bahagi, na hilumin ang mga sugat natin, na lumago ang pag-ibig natin sa isa’t isa. Pero kung malinaw na nakikita nag pagkakaisa, malinaw ring naidi-display ang kapangyarihan ng gospel. Malaki ang kaugnayan ng Christian unity sa gospel. Kung walang gospel, imposible ang pagkakaisa.

Mga Katangiang Nagpapatibay ng Christian Unity (vv. 2-3)

Pagkatapos nating makita ang kaugnayan ng gospel sa Christian unity, tingnan naman natin ngayon kung anu-ano ba yung mga katangiang kinakailangang taglayin natin para mapagtibay yung unity sa church. Binanggit ‘yan ni Paul sa verses 2-3. Bagamat sa pagkakasulat ni Paul ay hindi mga utos ang nakalagay rito kundi pagsasalarawan kung paanong magagawa yung utos sa verse 1, implied din naman na ito rin ay mga dapat nating gawin. Kaya nga isinalin ito sa MBB na pautos: “Kayo’y maging…Sikapin ninyo…” Sa ESV ganito ang nakasulat: “with all humility and gentleness, with patience, bearing with one another in love, eager to maintain the unity of the Spirit in the bond of peace” (Eph. 4:2-3). May tatlong bahagi ang sinasabi niya dito, na merong seven Christlike virtues. At habang iniisa-isa natin, i-assess natin ang sarili natin at tulungan din natin ang iba sa church na ma-cultivate yung ganitong mga katangian, na magtulung-tulong tayo para yung mga ugali natin ay maging consistent sa gospel na pinaniniwalaan natin.

humility/gentleness (v. 2a)

Sabi niya, “with all humility and gentleness” (Eph. 4:2). Unang-una yung humility. Sabi nga ni Augustine, merong tatlong virtues na pinakamahalaga. Una, humility. Ikalawa, humility. Hulaan n’yo kung ano yung ikatlo: humility. Ito yung itinuturing natin ang sarili natin na hindi nakakahigit kaysa sa iba, yung hindi tayo ang nagiging sentro sa mga relasyon natin, yung kuntento tayo na hindi kailangang magpapansin o maitaas, yung nakikita natin ang sarili natin nang hindi mas mataas kaysa sa nararapat. “Bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili” (Phil. 2:4). Ito yung humility na katulad ni Cristo (Philippians 2:5-8), ang Anak ng Diyos na nagpakababa at naging tao na tulad natin, naging alipin, inialay ang kanyang buhay para sa atin. Kung si Cristo nga nagpakababa nang ganyan, paano pa tayo na mga nilikha ng Diyos at nagkasala laban sa kanya? How can we be so proud of ourselves? Humility is Christlikeness. Ang kayabangan ay un-Christlike. Ang pride din ay kaaway ng unity. We cultivate unity in the church by cultivating humility in our hearts. Kaya nga sabi ni Paul, “with all humility…” kasi hindi tayo dapat makuntento sa konting humility lang, but keep on growing and growing and growing to become Christlike in every way and at all times.

Ganun din sa gentleness, yung ikalawa. We all need to grow in gentleness. Nakakabit ‘yan sa humility. Kung humble ka, gentle ka rin. Mahinahon, hindi madaling magalit. Kung hindi ka gentle, yun ay dahil mataas ang tingin mo sa sarili mo. Akala ng iba weakness ang gentleness, pati ang humility. The Lord Jesus is “gentle and lowly” but he is not weak. It takes a considerable amount of power para makontrol natin ang sarili natin, para malaman hindi lang kung ano ang tamang gawin, kundi pati na rin kung ano ang tamang paraan at tamang panahon para gawin yun. Kaya nga ang Christlike “gentleness” ay posible lang sa pamamagitan ng tulong ng Holy Spirit: “The fruit of the Spirit is . . . gentleness” (Gal. 5:22-23). We hope kaming mga elders ng church ay nagiging magandang modelo ng humility and gentleness para sa inyo. Mahalaga ‘yan if we want to cultivate unity in the church. Mapagpakumbaba, hindi mayabang. Mahinahon, hindi magaspang ang ugali. ‘Yan ba ang nakikita sa inyo?

patience/forbearance/love (v. 2b)

Masasabi rin nating bunga ng Espiritu o ng power of the gospel ang mga sumusunod na sinabi ni Paul: “with patience, bearing with one another in love.” Tatlo ‘yan: patience, forebearance, love. Yung una dito ay patience: yung pagtitiyaga sa mga hirap na nangyayari sa paligid, kapag hindi mo pa nakikita yung mga inaasahan mo o pinagpe-pray mo at patuloy ka pa ring naghihintay, patuloy pa rin na naglilingkod. Mahalaga ‘yan sa unity kasi madali tayong sumuko, panghinaan ng loob at umayaw na, na iniisip na baka kapag lumipat ng ibang church mas maging madali.

Kaugnay rin nito yung forbearance, “bearing with one another,” kapag mga kasama mo na sa church ang pinagtitiisan mo. Ito yung pagpapasensya sa mga kapatid na iba ang pananaw kesa sa ‘yo, o mababaw pa ang kaalaman sa mga biblical doctrines, o immature pa sa kanilang spiritual life, o kahit mga matagal nang Christians pero parang ang bagal ng kanilang paglago. This is also Christlikeness. Isipin mo na lang ang haba ng pasensya at pagtitiis ni Cristo sa mga disciples niya na ang bagal umunawa, slow of heart to believe. It also takes humility on our part para gawin yun, dahil iniisip din natin na merong mga miyembro na nagtitiis din sa immaturities natin. Lalo naman kung may nakasakit sa ‘yo, may nagawa sila o nasabi na sobrang hirap sa ‘yo na tanggapin, at kapag in-express mo ang feelings mo sa kanila parang binabalewala naman niya. Pero nagtitiis ka kahit masakit, nagpapatuloy ka na tulad ni Cristo na nagtiis ng hirap hanggang sa kanyang kamatayan sa krus.

At nagawa niya ‘yan siyempre dahil sa laki ng pag-ibig niya sa atin. At magagawa lang din natin ito, yung magtiis at magtiyaga “in love.” Imposible kasi itong pagtitiis kung hindi mo minamahal ang kapatid mo. But because you love them, iniisip mo hindi lang kung ano ang makakabuti sa ‘yo, kundi kung ano ang makakabuti sa kanila. At hindi lang iniisip, you respond in a way to do good kahit sa mga taong nagkasala sa ‘yo. Imposible ‘yan sa sarili natin. Kaya nga supernatural yung Christian unity. This is how we show the world that we really belong to Christ. “By this all people will know that you are my disciples, if you have love for one another” (John 13:35). Sa chapter 5, ganito ang simula ni Pablo, “Mamuhay kayo nang may pagmamahal tulad ni Cristo” (Eph. 5:2). Kung matututo tayo na magmahal hindi lang ng mga taong we find easy to love, kundi magmahal na tulad ni Cristo, we will be more patient, and therefore maku-cultivate ang unity sa church.

unity/peace (v. 3)

Ito rin naman ang prayer ni Cristo para sa atin: “upang [tayong] lahat ay maging isa” (John 17:21 AB). Ito rin naman yung binanggit na sumunod ni Paul sa verse 3, na tayo ay maging “eager to maintain the unity of the Spirit in the bond of peace.” Explicit nang tinukoy rito ni Paul yung unity. Ito ay “unity of the Spirit.” Ibig sabihin, ito yung unity na nilikha ng Espiritu sa church. Ito yung unity na meron na ang church. Ito yung sinasabi ni Paul sa chapter 2 na yung dating magkahiwalay, mga Judio at mga Hentil, dahil sila ay nakipag-isa kay Cristo, sila rin ay isa na (Eph. 2:14-15). We don’t create or manufacture unity. Meron na, objective reality na ‘yan. Ang gagawin na lang natin ay to “maintain” that unity, panatilihin, bantayan para hindi masira. Every member, then, is a guardian of church unity, hindi lang mga leaders. May responsibilidad tayo na iwasan ang anumang makakasira ng pagkakaisa sa church at sawayin ang sinumang nakakasira ng pagkakaisa ng church. Dapat nating gawin ang lahat ng magagawa natin, at hikayatin ang iba na magtulung-tulong towards greater unity sa church. At gagawin natin ito with eagerness, “eager to maintain the unity of the Spirit.” Merong zeal, merong passion, merong intense desire. Hindi tayo dapat maging passive dito, but actively working for the good of the church.

At magagawa lang natin ito “in the bond of peace.” Merong nagtatali sa atin, like yung cord sa kasal, sagisag ng pagiging isa ng mag-asawa na walang dapat maghiwalay. Itong bond na ‘to ay parang matibay na glue o “Mighty Bond” holding us together. O yung semento na ginagamit sa paggawa ng kongkreto na siyang nagdidikit sa graba at buhangin para maging matibay. Pero siyempre yung iba, malabnaw ang timpla kaya sira-sira agad. Uso pa nga ang mga ghost projects! Pero sa church, ito ay Holy Ghost Project, proyekto ng Holy Spirit ang pagkakaisang ito. At mangyayari lang yun kung si Cristo na siyang ating kapayapaan ang ipinapangaral natin palagi (Eph 2:17). Ito yung “the gospel of peace” (Eph 6:15) na siyang bond or glue that holds our church together. Nagkakaisa tayo hindi dahil pare-pareho tayo ng mga pananaw sa pulitika, o sa isang secondary doctrine, o sa hilig sa pagkain, o hilig na mga hobbies, o passion sa isang particular ministry project. Nagkakaisa tayo because of the gospel. The gospel is the bond that holds our church together in unity. At kapag nagsisikap tayo in pursuing peace sa church, we become Christlike.

Christlike virtues lahat ng nakita natin: humility, gentleness, patience, forbearance, love, pursuit of unity and peace. Kung sinasabi mo na ikaw ay nakay Cristo, are you growing sa pagiging katulad ni Cristo sa mga bagay na ‘yan? Nakikita ba ng iba na lumalago ka nga at nagiging katulad ni Cristo?

Mga Katotohanang Pundasyon ng Christian Unity (vv. 4-6)

Pagkatapos ng mga utos na may kinalaman sa kaugnayan ng gospel sa unity sa church at mga katangiang dapat nating taglayin para makatulong sa unity sa church, ipinaalala naman ni Pablo yung mga katotohanang pundasyon ng Christian unity sa verses 4-6. Walang salita na nagkokonekta sa verse sa mga nauna, pero obvious na ito ay dahilan o ground o foundation ng mga sinabi niya sa verses 1-3. Dapat tayong gumawa para sa pagkakaisa sa church dahil dito: “There is one body and one Spirit—just as you were called to the one hope that belongs to your call— one Lord, one faith, one baptism, one God and Father of all, who is over all and through all and in all” (Eph. 4:4–6). Inilatag dito ni Paul ang theological foundation ng Christian unity. Meron din itong tatlong bahagi, na merong pitong “isa.” Tulad sa naraang section, pito na naman dito. Sa Bible, ang pito ay number of perfection. Ito yung goal natin, to reflect our perfect God. Yes, hindi tayo magiging perfectly mature sa buhay na ito, pero hangarin natin to reflect God’s perfections sa buhay natin. Yun ang ibig sabihin na tayo ay created in the image of God—we reflect God’s perfect unity in our pursuit of unity.

Obviously, ang burden dito ni Paul is to argue for the unity of the church on the basis of these objective realities. Very subjective kasi ang view natin ng unity, nakadepende sa feelings natin, sa mga gusto natin, sa madali nating nakikita, sa mga outward behaviors. Pero bago yung mga yun, tiyakin muna natin na nakatayo o nakatindig tayo sa matibay na pundasyong ito, yung mga objective realities about God, the gospel, and the church. Pansinin natin yung trinitarian foundation ng pagkakaisang Kristiyano. Merong isang Diyos, tatlong persona. Tatlo, pero isa. Sa church, maraming miyembro, iba-iba, pero isang katawan, isang pamilya, at nagkakaisa.

one body, one Spirit, one hope (v. 4)

Itong unang grupo ay naka-highlight ang persona ng Holy Spirit at ang gawa niya para sa church. Merong one body. Singular ‘yan, not many bodies. Dapat magkaisa ang church dahil meron lang iisang katawan. Yes, maraming local churches, maraming denominations, pero meron lang one body of Christ. ‘Yan yung kino-confess natin sa Nicene Creed: “We believe in one holy catholic and apostolic church.” Kapag sinabing “catholic,” hindi Roman Catholic Church ang tinutukoy diyan. Kundi yung realidad na merong lang isang Church na binubuo ng mga tunay na mananampalataya, mga tunay na nakay Cristo, sa lahat ng lugar sa buong mundo at sa lahat ng panahon sa buong kasaysayan.

Merong one Spirit. Isang Espiritu, hindi maraming Espiritu. Dapat magkaisa ang church dahil meron lang iisang Espiritu. Through the one Spirit kaya nagkaroon ng one body, “For in one Spirit we were all baptized into one body—Jews or Greeks, slaves or free—and all were made to drink of one Spirit” (1 Cor. 12:13). Through this “one Spirit” we all have access to the Father (Eph 2:18). At yung church ay binubuo na maging tahanan ng Diyos “by the Spirit” (Eph 2:22).

One hope. Oo, meron tayong iba-ibang pangarap sa buhay. Pero meron lang tayong iisang pag-asa. Dati, wala tayong pag-asa (Eph. 2:12). Pero nang tawagin tayo ng Diyos para maligtas, kasama dito yung pag-asa, yung future hope na inaabangan natin, yung kalubusan ng kaligtasan natin sa pagbabalik ni Cristo. This is “our blessed hope” (Titus 2:13). Lahat tayo ay merong pare-parehong future sa piling ni Cristo magpakailanman. Gawa rin ng Holy Spirit para matulungan tayong makita at masabik sa pag-asa na meron tayo sa pagbabalik ni Cristo. Iba-iba man ang tumatakbo sa isip natin o ine-expect natin, nagkakaisa tayo bilang isang church dahil meron tayong iisang pag-asa.

one Lord, one faith, one baptism (v. 5)

Itong ikalawang grupo naman, sa verse 5, ay nakahighlight ang persona ng Anak ng Diyos, the Lord Jesus Christ, ang kanyang gawa, at ang pakikipag-isa natin sa kanya. Merong lang one Lord. Ang Panginoong Jesus ang tinutukoy rito. Maraming mga pastors, Christian leaders, meron pa ngang mga “bishops” na kinikilala ngayon na nag-ooversee ng maraming mga churches at head ng mga denominations. Pero isa lang ang ulo ng katawan, not many heads. Dahil diyan ay dapat magkaisa ang church dahil iisa lang ang Panginoon natin.

Merong lang one faith. Siyempre, iba-iba nag level of faith and maturity natin. Pero iisa lang ang object of our faith, iisa lang ang pananampalatayang naging paraan para maligtas tayo, ang pananampalataya kay Cristo. Ito yung pananampalataya sa mensahe ng ebanghelyo na narinig natin (Eph. 1:13), kung sino si Cristo, kung ano ang ginawa niya para sa atin (1 Cor. 15:1-5). Ito yung isang pananampalataya na kino-confess natin sa Apostles’ Creed at sa Nicene Creed. Iba-iba man ang pag-unawa natin sa ilang mga aspeto ng gospel na ‘to, pero hindi natin pwedeng sabihing maraming gospels, isa lang. We make sure na yun ang pinaniniwalaan natin, hindi yung ibang gospel, dahil wala namang ibang gospel maliban sa mabuting balita ni Cristo (Gal. 1:6-9).

Merong lang one baptism. Ang tinutukoy rito, again, ay hindi yung bawat bautismo ng bawat isa sa atin, siyempre marami yun. At meron nga na na-baptize pa nang higit sa isang beses. Saan ba nakaturo yung baptism na yun? Ano ang inilalarawan nun? Walang iba kundi ang pakikipag-isa natin kay Cristo sa kanyang kamatayan at muling pagkabuhay (Rom. 6:1-4). Sa church natin, we practice baptism only for those who give credible evidence of their faith (credobaptism), sa ibang church kahit mga anak ng mga miyembro ay bina-baptize kahit sanggol pa lang (paedobaptism); sa church natin we practice baptism by immersion, sa ibang church by sprinkling o pouring. Maaari ngang mahirap pagsamahin ang magkaibang pananaw na ‘yan sa isang local church, pero dapat nating marealize na we are all members of one body dahil meron lang one baptism. Ibig sabihin, we have real unity with everyone who is united to Christ, magkakahiwalay man ng local churches o denominations. Isang magandang expression ng pagkakaisang ‘yan ay sa tuwing nagsasalo-salo tayong mga Kristiyano sa Banal na Hapunan at pinagsasaluhan ang isang tinapay, ang isang katawan ni Cristo.

one God and Father of all (v. 6)

Sa verse 6, ang Diyos Ama ang huling binanggit ni Pablo, “one God and Father of all, who is over all and through all and in all.” Siya ang Ama hindi ng lahat ng tao, kailangang i-qualify ‘yan at sabihing siya ang Ama ng lahat ng kanyang mga anak, lahat ng mga Kristiyano. Ano ang kinalaman nito sa unity? Mga bata, kapag may kapatid kayo, isa ang tatay n’yo, isang pamilya kayo di ba? Tapos sasabihin ng nanay n’yo, “Wag kayong mag-aaway ha, magkapatid kayo.” Pero nag-aaway pa rin kayo, di ba? Tayo namang mga Kristiyano, bakit nga naman tayo hindi magkakasundo samantalang meron tayong isang Ama, magkakapatid tayo, isang pamilya tayo, members of the one household of God (Eph 2:19). Yung “all” inulit pa ulit ng tatlong beses, “who is over all and through all and in all.” Kung mga Christians pa rin ang tinutukoy rito, ibig sabihin, siya ang namamahala sa ating lahat, siya ang kumikilos to empower us, siya ang dahilan at layunin ng lahat ng ginagawa natin. God is the reason, the means, and the end of Christian unity.

Pero sabi ni Frank Thielman sa kanyang commentary sa Ephesians na kung pagsasama-samahin ‘to, masasabing ang Diyos ay “over all” dahil siya ang lumikha ng lahat (Eph. 3:9) at ipinailalim ang lahat kay Cristo (Eph. 1:22). Siya ay “through all and in all” dahil pinag-iisa niya ang lahat ng bagay kay Cristo (Eph. 1:10) at gumagawa sa lahat ng bagay para maisakatuparan ang kanyang kalooban (Eph. 1:11). Sabi pa niya, “May critical role ang church sa planong ito ng Diyos (Eph. 1:22-23; 2:11-22; 3:9-10), kaya dapat din itong maging united. Yung uniqueness ng Diyos at ng plano niya para sa unity ng buong universe ay dapat makita in practical ways sa pagkakaisa ng mga believers sa isa’t isa” (Thielman, Ephesians, 260).

Mga Hakbang tungo sa Higit na Pagkakaisa

Merong isang Diyos, merong isang gospel, merong isang church—kaya dapat na nagkakaisa ang church. Hindi tayo ang lumilikha ng pagkakaisang ito; binabantayan natin at pinagyayaman natin ang pagkakaisang ito sa pamamagitan ng pagtataglay ng mga katangiang katulad ni Cristo. Ito ang klase ng pamumuhay na consistent sa gospel na pinaniniwalaan natin. Ito ang mensahe ng Ephesians 4:1-6. Ngayon, ano ang mga praktikal na paraan para ma-cultivate natin ang ganitong pagkakaisa sa church?

Para sa mga members ng church, pahalagahan natin kung bakit ganito ang unang commitment na nakasulat sa church covenant natin: Pagsisikapan nating manalangin at gawin ang lahat para mapanatili ang pagkakaisang mula sa Espiritu sa pamamagitan ng kapayapaang nagbubuklod sa atin, na may pagpapakumbaba, pagmamalasakit sa kapakanan ng iba, at pagpapatawad sa isa’t isa tulad ng pagpapatawad sa atin ng Diyos. Regular ka bang nananalangin para sa church? Meron ka bang ginagawa para lalong magkaisa ang church? Sasabihin ng iba, “Pastor, wala naman po akong ginagawa para masira ang pagkakaisa. Hindi naman ako nakikipag-away.” Well and good. Pero baka ang problema ay yung wala kang ginagawa? May magagawa ka kung makikiisa ka sa mga regular na pagtitipon ng church—worship service, equipping classes, discipleship opportunities, quarterly members’ meetings—at makikibahagi sa mga ministries para makatulong.

Para sa mga regular nang dumadalo pero hindi pa members ng church, makagagawa ka sa pagkakaisa kung makikiisa ka bilang miyembro ng church. Attend our membership class simula sa October. Kung na-baptize ka na sa ibang church dati, at ngayon ay nakiki-partake sa Lord’s Supper, yun ay dahil sa pagkakaisa na meron tayo sa pananampalataya kay Cristo. Pero ‘wag mong isipin na hanggang dun lang. Gusto ng Diyos na mas maranasan natin ang tunay na pagkakaisa kung magiging committted members tayo ng church.

At para naman sa mga wala pa kay Cristo, para sa mga bata, para sa mga hindi pa Kristiyano, nagtatanong kayo kung bakit hindi kayo binibigyan ng Lord’s Supper. Yun ay dahil hindi pa nabibigyang-patunay kung kayo ba ay nakipag-isa na kay Cristo. Yun ang pinakamahalaga sa lahat. Are you in Christ? Do you belong to Christ? Christian unity is about our unity in Christ. Tungkol ito sa gospel higit sa lahat. Magkakaroon lang ng tunay na pagkakaisa sa church at sa buhay ng bawat isa sa atin kung pinaniniwalaan natin, kung pinaghahawakan natin, at kung ipinapamuhay natin ang mabuting balita ni Cristo.

Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)

Sign up to get your free pdf

By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

Leave a Reply