Madali sa atin na pagduduhan ang kabutihan ng Diyos.
Madali para sa atin na pagdududahan ang kabutihan ng Diyos sa buhay natin. Madaling sabihing, “Si Yahweh ang aking pastol, hindi ako magkukulang” (Psa. 23:1 MBB) kapag hindi kulang ang pambayad natin sa kuryente, o wala tayong sakit, o kapag walang masyadong pinoproblema. Madaling sabihin at awitin yung kabutihan ng Diyos kapag nararanasan at nararamdaman natin ito: “pinahihiga niya ako sa luntiang pastulan, inaakay niya ako sa tabi ng mga tubig na pahingahan. Pinanunumbalik niya ang aking kaluluwa. Inaakay niya ako sa mga landas ng katuwiran alang-alang sa kanyang pangalan” (Psa. 23:2-3 AB). Pero ibang usapan na kapag walang pambayad sa kuryente, o nagka-cancer ka, o kapag nagkakagulo ang relasyon mo sa pamilya mo. Madali para sa atin na pagdududahan ang kabutihan ng Diyos sa mga ganung sitwasyon. Pero tulad nga ng focus natin last time, masasabi pa rin nating mabuti ang Diyos dahil sinasamahan niya tayo at inaakay sa madilim at nakakatakot na yugto ng paglalakbay natin bilang mga Kristiyano: Bagaman ako’y lumakad sa libis ng lilim ng kamatayan, wala akong katatakutang kasamaan; sapagkat ikaw ay kasama ko, ang iyong pamalo at ang iyong tungkod, inaaliw ako ng mga ito” (Psa. 23:4).
Napansin natin na merong nagbago sa scenery ng vv. 1-3 at v. 4, mula sa luntiang pastulan, tahimik na batisan, at tamang daan patungo sa madilim at nakakatakot na daan, ang “libis ng lilim ng kamatayan.” Pero hindi nagbabago ang Diyos at ang kabutihan ng Diyos para kay David. Mas lumalim pa nga yung experience niya of God’s goodness, kasi napansin din natin yung shift of pronouns. Mula sa third person pronouns sa vv. 1-3, na para bang may kinakausap si David sa awit niya tungkol sa Diyos: “he makes me lie down…he leads me…he restores my soul. He leads me…” Tungo sa second person pronouns ng verse 4: “for you are with me; your rod and your staff…”; sa verse 5 din: “You prepare…you anoint…” Hindi siya iniiwan ng Diyos, lalo pa sa panahong kailangang-kailangan niya ang Diyos.
Meron lang mga shifts sa mga images o metaphors na ginagamit niya tungkol sa Diyos at sa relasyon niya sa Diyos. Sa vv. 1-3 ay yung Diyos na kanyang pastol at siya ang tupang inaalagaan; sa v. 4 ay nandun pa rin ang shepherd-sheep images pero nahahaluan ng images na si David ay manlalakbay at ang Diyos ang kanyang kasama o companion sa paglalakbay; sa vv. 5-6 naman ay yung Diyos bilang host na may-ari ng bahay at punong-abala na ipinaghahanda si David bilang isang bisita.
Ipinaghahanda mo ako ng hapag sa harapan ng aking mga kaaway; iyong binuhusan ng langis ang aking ulo, umaapaw ang aking saro. Tiyak na ang kabutihan at kaawaan [tapat na pag-ibig] ay susunod [hahabol] sa akin sa lahat ng mga araw ng aking buhay; at ako’y maninirahan sa bahay ng Panginoon [ni Yahweh] magpakailanman. (AB)
Nagsimula ang Psalm 23 sa pangalan ni Yahweh; nagtapos ito sa huling linya na binabanggit din ang pangalan ni Yahweh (“sa bahay ni Yahweh,” v. 6); at sa gitna ay yung statement na ginagawa ng Diyos ang lahat ng ito para sa atin “alang-alang sa kanyang pangalan” (v. 3). At yung pangalang ito ay nag-aalerto sa atin ng katotohanang meron tayong Diyos na hindi nagbabago, kung ano siya noon, yun pa rin siya ngayon. So, kung kabutihan ng Diyos ang pag-uusapan, bakit natin ie-entertain sa isip natin at pagdududahan sa puso natin na nagbabago ang kabutihan ng Diyos? Iba-iba man ang lakbayin natin sa buhay, meron mang mga ups and downs, o highs and lows, o kasiyahan o kalungkutan, o kasaganahan o kahirapan, one thing remains constant sa lahat ng ito—si Yahweh.
Para matulungan tayong mag-reflect sa di-nagbabagong kabutihan ng Diyos sa atin, para mas lumalim ang pagtitiwala natin sa kanyang kabutihan, sagutin natin ang tatlong tanong sa last two verses tungkol sa pagpaparanas ng Diyos ng kanyang kabutihan sa atin: (1) paano sa verse 5; (2) tuwing kailan; at (3) hanggang kailan sa verse 6.
Paano ipinaparanas ng Diyos ang kanyang kabutihan sa akin? (v. 5)
Tingnan muna natin ang verse 5 para sagutin ang unang tanong, Paano ipinaparanas ng Diyos ang kanyang kabutihan sa akin? O, ano ang ginagawa ng Diyos para sa akin? Awit ni David, “Ipinaghahanda mo ako ng hapag sa harapan ng aking mga kaaway; iyong binuhusan ng langis ang aking ulo, umaapaw ang aking saro.” Tulad ng verse 4, second person pronoun ang verse 5: “You prepare…you anoint…” Inaawit ni David sa Diyos kung gaano siya kabuti sa kanya. Hindi lang niya sinasabing, “God, you are good”; ang sabi niya, “God, you are good to me.”
Pansinin din na ang Diyos ang gumagawa ng mga nakasulat dito at si David ang receiver o beneficiary ng ginagawa ng Diyos. Pinagsisilbihan siya ng Diyos. Medyo uneasy tayo kapag ganyan ang maririnig natin. Mas sanay tayo na sabihing tayo ang nagsisilbi sa Diyos at sa ibang tao. Ginagawa rin naman natin yun kapag sumasamba tayo sa Diyos at naglilingkod tayo sa ibang tao. Siyempre, hindi tayo nagse-serve sa Diyos na para bang may kailangan siya sa atin. He is self-sufficient. So, dito makikita natin na ang Diyos ang nagsisilbi sa atin dahil tayo ang may kailangan sa kanya. Di ba’t napakalaking comfort sa atin na malamang merong Diyos na nagsisilbi sa atin. Tulad ng dumating si Cristo, “Ang Anak ng Tao ay naparito hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at upang mag-alay ng kanyang buhay para sa ikatutubos ng marami” (Mark 10:45). Pambihirang humility on the part of God na siyang pinakadakila sa lahat ang bababa para pagsilbihan tayo. Sino ba naman tayo para pagsilbihan ng Diyos?
Ang image dito ay ang Diyos na siyang host ang naghahanda ng pagkain para sa kanyang bisita. It is an act of goodness. Kapag kakain ka sa resto o cafe, kahit na pinagsisilbihan ka, iba yun. Hindi naman yun totally an act of goodness kasi nagbabayad ka naman para sa serbisyo nila. Pero dito, paano ba ipinaparanas ng Diyos ang kanyang kabutihan sa atin?
Pag-aasikaso: “Ipinaghahanda mo ako ng hapag…”
Una, ipinaparanas ng Diyos ang kanyang kabutihan sa atin sa pamamagitan ng pag-aasikaso sa atin. Sabi ni David, “Ipinaghahanda mo ako ng hapag…” / “You prepare a table before me…” Wala na yung picture ng pastol at tupa dito. Hindi mo naman hinahainan sa lamesa ang tupa! Si David na ay parang isang bisita na nasa bahay ng isang kaibigan, si Yahweh! Ang Diyos mismo ang nag-aasikaso. Karaniwan siyempre, kapag mayaman at importanteng tao ang magho-host sa ‘yo, mag-uutos ‘yan sa tauhan niya na igayak ang mesa at magluto ng pagkain. Pero dito, ang Diyos mismo ang naggayak at nagluluto para sa kanya. Ang salitang “ipinaghahanda” ay ginagamit sa Old Testament ng pagsasaayos ng mga bagay. Ibig sabihin, ang salitang ito ay nagde-describe ng “exactness of care and attention to detail,” na mga marka ng pagiging mahusay na host (David Gibson, The Lord of Psalm 23, p. 108). Madali naman ding mag-order ng pagkain, pero kapag ang may-ari ng bahay mismo ang nagluto para sa ‘yo, ano ang mararamdaman mo? You feel siyempre na importante ka sa taong yun.
At kapag sinabi niyang, “Maupo ka, pagsisilbihan kita,” you receive that by faith. E tayo, nahihiya tayo kapag inaasikaso tayo ng importanteng tao. Pa-humble pa tayo, “Nakakahiya naman, naggayak ka pa, nag-abala ka pa.” O iniisip natin agad kung paano tayo makakabawi o makagaganti, “Babawi ako sa susunod ha. Sa susunod ako naman ang taya.” Sa Diyos? We don’t say that. We receive what he is offering us. Relax ka lang. Kapahingahan ito at comfort para sa atin na mga napapagod sa paglilingkod, na malamang ang Diyos mismo ang nag-aasikaso sa atin. Sabi pa ni Gibson:
Nakakamangha talaga na ang salmong ito ay inilalarawan ang Panginoon ng nagliliyab na halaman (burning bush)—ang dakilang “AKO’Y SI AKO NGA,” na walang kailangan mula sa kaninuman o sa anuman—gamit ang wika ng isang punong-abala na walang kapantay sa pagiging mapagbigay sa mga tunay na nangangailangan. Ang pinakadakilang punong-abala mismo ang naghahanda ng pinakamagarbong handaan para sa pinakamaliit at pinakawalang-kayang nilalang. Kahanga-hanga ring isipin na ang Panginoon ng langit ay ipinakikita rito na pinalalaganap ang kanyang pangalan sa buong mundo sa pamamagitan ng kagustuhang makilala siya bilang isang natatanging uri ng punong-abala. Isa ito sa mga aspeto ng pagpapakita niya ng kanyang kaluwalhatian—ang Panginoon na gumagawa ng lahat “alang-alang sa kanyang pangalan” (Awit 23:3)—na madalas nating hindi napapansin dahil mas iniisip natin ang kaluwalhatian ng Diyos bilang kaugnay ng kanyang lakas at pagliligtas, kaysa sa kanyang personal na pag-aasikaso sa mga tinubos niya. Nasa likas na pagka-Diyos ng Diyos ang maglingkod sa atin, kung paanong likas din sa kanya ang iligtas tayo. (p. 111)
Pagpaparangal: “…sa harapan ng aking mga kaaway…”
Ikalawa, pinapakita ng Diyos ang kanyang kabutihan sa atin sa pamamagitan ng pagpaparangal sa atin. Pansinin mo na hindi lang siya ipinaghahanda ng Diyos, kundi ginagawa niya ito “sa harapan ng aking mga kaaway.” Unique ang image na ‘to. Bulgaran daw sabi ng iba. Pero nagpapakita ito na merong mga kaaway si David. Hindi madali ang buhay niya bilang isang hari. Kasama ito sa “libis ng lilim ng kamatayan” na nilalakaran niya. Pero ano ang ibig sabihin na ipinaghahanda siya ng Diyos ng hapag sa harapan ng kanyang mga kaaway? Merong tagumpay. Hindi ito simpleng kainan lang. Ito ay isang victory party. Ang mga kaaway ni David ay nakatingin lang na mga talunan. Kahihiyan yun para sa kanila, karangalan yun para kay David. Bukod sa karangalan, yun din ay nagpapakita ng pabor ng Diyos. Hindi ka naman kumakain kasama ng mga kaaway mo. So kapag kumakain ang Diyos kasama tayo, favor ni Lord yun. We are honored to be in fellowship with God. Act of kindness and goodness yun sa part ng Diyos. Hindi natin yun deserving bilang mga dating kaaway ng Diyos. Pero ipinaranas sa atin yun ng Diyos dahil kay Cristo na siyang pinagtagumpay ng Diyos laban sa ating mga kaaway—laban sa Diyablo, laban sa kasalanan, laban sa kamatayan—nang siyang namatay sa krus at muling nabuhay sa ikatlong araw.
Pagpapala: “…iyong binuhusan ng langis ang aking ulo, umaapaw ang aking saro.”
At dahil tayo ay nakay Cristo, heto pa ang pangatlong ginagawa ng Diyos para ipakita ang kanyang kabutihan sa atin: pagpapala. To be more precise, nag-uumapaw na pagpapala. Awit pa ni David, “iyong binuhusan ng langis ang aking ulo, umaapaw ang aking saro” / “you anoint my head with oil, my cup overflows.” Yung “anoint” dito ay hindi yung anointing with oil na ginagamit sa mga itinatalagang priest or king. Tumutukoy ito sa oil na ginagamit nila at ibinubuhos sa ulo to refresh, pagkatapos ng isang mahaba at nakakapagod na paglalakbay. Ang sarap niyan, tulad sa Psalm 45:7, “pinahiran ka ng langis, ng langis ng kagalakan” (AB). Literally, pwedeng ibig sabihin din nitong pagbubuhos ng langis ay “patabain.” Kaya kapag may kainan at ang daming inihain, tapos kakaunti lang ang kakain, sasabihin ng host, “Sama-sama tayo sa pagtaba.” Picture ito ng abundance. Hindi lang yun, display rin yan ng wealth and generosity ng host. Hindi naman ordinaryong langis ‘to, kundi perfume oil o essential oil. Ito yung mamahaling langis, o “precious oil on the head” (Psa. 133:2). Ganyan ka-gracious at ka-generous ang pagbubuhos ng kabutihan ng Diyos sa atin. “My cup overflows,” nag-uumapaw. Hindi lang sakto, kundi sobra-sobra. Overwhelming kapag yung host ang daming handa, konti lang naman ang bisita, pero parang piyestang pambarangay!
Dito sa verse 5, ipinaparanas ng Diyos kay David at sa atin na mga nakay Cristo ang kanyang kabutihan sa pamamagitan ng pag-aasikaso, pagpaparangal, at pagpapala sa atin. Noong huling gabi ng mga Israelita sa Egipto, pinagsaluhan ng bawat pamilya ang litsong tupa, na ang dugo ay nakapahid sa hamba ng kanilang pintuan. Nang dumating ang anghel ni Yahweh, pinatay ang lahat ng panganay ng kanilang mga kaaway. Hindi lang ‘yan basta salu-salo, ‘yan ay pagdiriwang ng tagumpay ng Diyos. ‘Yan ay kabutihan ng Diyos sa pagliligtas sa kanila. Noong nasa wilderness na sila, papunta sa lupang ipinangako ng Diyos, pinagdudahan nila ang kabutihan ng Diyos, “Makakapaghanda ba ang Diyos ng hapag sa ilang?” (Psa. 78:19 AB). Hindi ba’t pinapakain at pinapainom sila ng Diyos?
At nang dumating ang Panginoong Jesus, siya mismo ang naggayak para sa mga disciples niya ng huling hapunan bago siya ipako sa krus. “Dumampot siya ng tinapay…at ibinigay sa kanila,” at sinabing, “Ito ang aking katawan na inihahandog sa inyo…” Matapos ang hapunan, dinampot din niya ang kopa at sinabi, “Ang kopang ito ang bagong tipan ng Diyos na pinagtibay ng aking dugo. Ang aking dugo ay mabubuhos alang-alang sa inyo” (Luke 22:19, 20 MBB). Natitikman natin ang kabutihan ng Diyos at nag-uumapaw ang pagpapala ng Diyos sa buhay natin dahil nilagok ni Cristo ang kopa ng poot ng Diyos nang mabuhos ang kanyang dugo sa krus para sa ating mga makasalanan. Kung iisipin mo ‘yan palagi, paano mo pagdududahan pa ang kabutihan ng Diyos?
Tuwing kailan ipinaparanas ng Diyos ang kanyang kabutihan sa akin? (v. 6a)
Pangalawang tanong na sasagutin natin para mas lumalim pa ang pagtitiwala natin sa Diyos at sa kanyang kabutihan, Tuwing kailan ipinaparanas ng Diyos ang kanyang kabutihan sa akin? Awit ni David sa first half ng verse 6, “Tiyak na ang kabutihan at kaawaan [o, tapat na pag-ibig] ay susunod [o, hahabol] sa akin sa lahat ng mga araw ng aking buhay” (Psa. 23:6 AB). Sa ESV, “goodness and mercy” ang ipinapadala ng Diyos sa buhay natin. Hindi ito parang mga objects o kaya ay mga angels na ipinapadala ng Diyos na ang pangalan ng isa ay si Goodness, at ang isa naman ay si Mercy. Ito ay tumutukoy sa mga katangian ng Diyos, the goodness of God, the mercy of God. At kapag sinabing goodness and mercy of God, ang Diyos mismo yun. Yung “mercy” ay galing sa Hebrew na hesed na karaniwang sinasalin sa ESV na “steadfast love,” o tapat na pag-ibig. Tumutukoy ito sa covenant relationship relationship na meron tayo sa Diyos dahil tayo ay nakay Cristo, at para lamang sa mga nakay Cristo. Covenant goodness, covenant love, covenant faithfulness ‘yan—mga karagdagang pruweba para maging kumpiyansa tayo sa kabutihan ng Diyos sa atin. So, back to our question, “Tuwing kailan ipinaparanas ng Diyos ang kanyang kabutihan sa akin?” Tatlong sagot based sa verse 6:
Sigurado: “Tiyak na ang kabutihan at kaawaan [tapat na pag-ibig]…”
Dahil yung tanong na ‘to ay may halong pag-aalinlangan sa kabutihan ng Diyos, mainam na ang unang sagot ay ito: sigurado ‘yan, siguradong mararanasan natin ang kabutihan ng Diyos. Sabi ni David, “Tiyak na ang kabutihan at kaawaan [o, tapat na pag-ibig]” / “Surely goodness and mercy.” O, only goodness and mercy. O, certainly goodness and mercy. O, walang duda na goodness and mercy. May mga bagay na hindi tayo sigurado sa buhay natin. Hindi ka sigurado kung makakapag-asawa ka, kung single ka pa. Hindi sigurado na magkakaanak ka pa. Hindi sigurado na gagaling ang sakit mo. Pero tulad ng pagsikat ng araw sa bawat umaga, sigurado ang kabutihan ng Diyos sa buhay natin. Hindi ito isang bagay na pagdududahan mo kung darating ba o hindi. “Pag-ibig mo, Yahweh, ay hindi nagmamaliw; kahabagan mo’y walang kapantay. Ito ay laging sariwa bawat umaga; katapatan mo’y napakadakila. Si Yahweh ay akin, sa kanya ako magtitiwala. Si Yahweh ay mabuti sa mga nananalig at umaasa sa kanya, kaya’t pinakamainam ang buong tiyagang umasa sa ating kaligtasang si Yahweh ang may dala” (Lam. 3:22-26 MBB).
Humahabol: “…ay susunod [hahabol] sa akin…”
At kapag sinabing siguradong mararanasan natin ang kabutihan ng Diyos, it is not something na aabangan pa natin kung kelan mangyayari. Sumunod na sinabi ni David, “Tiyak na ang kabutihan at kaawaan ay susunod sa akin” / “Surely goodness and mercy shall follow me.” Itong “susunod” at “follow” ay poor translations ng Hebrew word na literally ibig sabihin ay, “pursue, chase, persecute,” o habulin. Halimbawa, sa Genesis 14:15, “…sinalakay nila ang kaaway. Tinalo nila ang mga ito at hinabol.” Sa Genesis 44:4 naman, “Hindi pa sila nakakalayo sa lunsod, inutusan ni Jose ang kanyang katiwala, ‘Habulin mo ang mga taong iyon.’” Hindi palaging negative ‘yan, tulad ng sa Psalm 34:14, “pagsikapang kamtin ang kapayapaan,” “pursue peace.” Ibig sabihin, ‘wag kang titigil hanggat hindi mo ‘yan naaabot o nahahabol. Parang aso na hindi ka lulubayang habulin, o pinagkakautangan mo na laging humahabol sa ‘yo hanggat hindi ka nakakabayad.
But positively, ang kabutihan ng Diyos sa ‘yo ay hindi titigil hangga’t hindi ka naaabutan. Hindi ka tatantanan ng kabutihan at pag-ibig ng Diyos. Sa verses 1-3, ang kabutihan ng Diyos ay nasa harapan mo bilang iyong pastol. Sa verse 4, ang kabutihan ng Diyos ay nasa tabi mo bilang kasama mo sa paglalakbay. Sa verse 6, ang kabutihan ng Diyos ay nasa likuran mo at hinahabol ka. Hindi ka iniiwanan. Napapaligiran ka ng kabutihan ng Diyos. “Iyong pinaligiran ako sa likuran at sa harapan, at ipinatong mo sa akin ang iyong kamay” (Psa. 139:5 AB). Kung lumalayo ka, kung umalis ka sa church, pwedeng tumigil na ang church na habulin ka para magbalik-loob ka. Pero kung ikaw ay anak ng Diyos, hindi ka niya iiwan, hahabulin ka, hanggang bumalik ka. Parang si prophet Jonah, sa kakatangka niya na takasan ang Diyos, palagi siyang hinahabol ng Diyos—ito man ay sa pamamagitan ng isang malakas na bagyo, o isang malaking isda para sagipin siya at dalhin sa pagsunod sa kalooban ng Diyos. ‘Yan ang kabutihan ng Diyos na humahabol sa atin. Hindi ka tatantanan.
Walang Humpay: “…sa lahat ng mga araw ng aking buhay…”
Ang kabutihan ng Diyos ay sigurado, humahabol, at, ikatlo, walang humpay. “Tiyak na ang kabutihan at kaawaan ay susunod (o, hahabol) sa akin sa lahat ng mga araw ng aking buhay.” Sa ESV, “all the days of my life.” Ibig sabihin, bawat araw. Hindi tayo naghihintay na balang araw mararanasan din natin ang kabutihan ng Diyos, at magtiis muna tayo ngayon na hindi natin nararanasan ang kabutihan ng Diyos. No! God is good, all the time. All the time, God is good. Good days or bad days, God is good. Sa vv. 1-3, green pastures, still waters, restores my soul, paths of righteousness, goodness and mercy ‘yan. Sa v. 4, valley of the shadow of death, goodness and mercy ‘yan, kasama natin ang Diyos. May araw na nakapag-quiet time ka o hindi, hindi nagbabago ang kabutihan ng Diyos. Nagse-serve ka sa ministry o nagpapahinga muna, hindi nagbabago ang kabutihan ng Diyos. Financially well, o struggling, hindi nagbabago ang kabutihan ng Diyos. Walang day off ang kabutihan ng Diyos para sa kanyang mga anak. Bawat araw, bawat oras, bawat minuto, bawat segundo, there is not one millisecond sa buhay mo na tumigil o titigil ang Diyos sa pagiging mabuti. God is good and does good. “Ikaw ay mabuti, at gumagawa ng mabuti” (Psa. 119:68 AB). Likas sa Diyos ang pagiging mabuti. Kapag tumigil siya sa pagiging mabuti at paggawa ng mabuti, tumigil na rin siya sa pagiging Diyos, which is of course impossible na mangyari.
Sabi nga ni Christopher Ash, “Walang araw—at hindi kailanman magkakaroon ng araw—na ang isang taong kay Cristo ay hindi hinahabol ng covenant goodness at covenant mercy ng Diyos na nakay Cristo. Kahit subukan pa natin—sa pamamagitan ng kasalanan, sa gitna ng panghihina ng loob, o sa madilim na lambak—na takbuhan ang mahabaging tagahabol na ito, hindi natin ito magagawa” (Psalms, 2:273). Yun ay kung ikaw ay nakay Cristo. Pero kung hindi, nananatili kang isa sa mga kaaway ng Diyos, at poot at parusa ng Diyos ang hahabol sa ‘yo (John 3:36; 2 Thess. 1:8-9). At ‘yan ay consistent pa rin sa kabutihan ng Diyos. In his goodness, he is most of all committed to his good name, his holiness, his justice, his righteouness. Hindi niya hahayaang hindi maparusahan ang kasalanan. Kaya nga ipinadala niya si Cristo para mamatay sa krus para sa mga makasalanan. Magsisi ka sa kasalanan mo, aminin mo na hindi ka naging mabuting tao; at magtiwala ka sa kabutihan ng Diyos sa kaliagtasang nakay Cristo. At siguradong hahabulin ka ng kabutihan ng Diyos sa buong buhay mo.
Hanggang kailan ko mararanasan ang kabutihan ng Diyos sa akin? (v. 6b)
Hanggang kailan? ‘Yan ang huling tanong na sasagutin natin at matatagpuan ang sagot sa huling bahagi ng verse 6, “at ako’y maninirahan sa bahay ng Panginoon [o, ni Yahweh] magpakailanman.” Sa ESV, “I shall dwell in the house of the Lord (Yahweh) forever.” Ito na yung pangatlong statement of faith or confidence ni David. Yung una, “I shall not want.” Yung ikalawa, “I will fear no evil.” Merong tatlong bahagi yung sagot dito: Hanggang kailan ko mararanasan ang kabutihan ng Diyos sa akin? Hanggang ako ay nakapirmi na sa piling ng Diyos magpakailanman. Ibig sabihin, walang katapusan ang kabutihan ng Diyos. At sukdulan nating mararanasan ‘to sa dulo ng paglalakbay natin sa mundo. Kapag yung yung “libis ng lilim ng kamatayan” ay hindi na lilim o anino, kundi yun na talaga ang oras ng kamatayan. Sa oras na yun, masisilayan natin nang mukhaan ang ating Panginoong Jesus, ang ating pastol, si Yahweh mismo.
Nakapirmi na: “…at ako’y maninirahan…”
Unang bahagi ng sagot, nakapirmi na. “At ako’y maninirahan,” “I shall dwell.” Permanent resident na siya. Hindi lang bisita, tulad ng sa verse 5, na pagkatapos ng hapunan at konting kuwentuhan ay aalis na. Hindi lang ‘yan nag-hotel. No matter how good the service, enjoyable, comfortable, luxurious, siyempre binabayaran mo yun. Once you stop paying, tingnan mo kung ano ang mangyayari! Kaya nga may kasabihan tayo, “There is no place like home.” Kahit simple ang bahay, basta kasama mo ang mga mahal mo sa buhay. At kapag tayo ay pumirmi na sa bahay ng Diyos, hindi natin kailangang magbayad. Meron nang nagbayad para makarating ka dun. Ayon kay Gibson, isang alternate translation nitong “I shall dwell” ay “I shall return to dwell.” Merong idea ng repentance at restoration. Tulad ng sa verse 3, “he restores my soul. At ito naman ang kuwento ng buong Bibliya, ang kuwento ng buong buhay natin. Na tayong mga dating rebelde, mga tupang naligaw, ay natagpuan at naibalik sa Diyos. Tulad ng nawalang tupa at nawalang anak sa Luke 15, “I once was lost, but now am found.” Dakila ang kabutihan ng Diyos na siya ang gumawa para maibalik tayo sa kanya (1 Pet. 3:18). Sa dulo ng buhay natin, kapag namatay tayo, muli tayong mabubuhay, and we will be “at home with the Lord” (2 Cor. 5:8).
Sa piling ng Diyos: “…sa bahay ni Yahweh…”
Sa piling ng Diyos. Sabi ni David, “Ako’y maninirahan sa bahay ni Yahweh.” Merong image dito ng templo o bahay ng Panginoon. Ang point nito ay hindi isang lugar o building, kundi yung kasama natin ang presensya ng Diyos. Dahil ang Diyos ay eternal, ito ang magiging permanent na kalalagayan natin. Dito papunta ang kuwento ng buong Bibliya. Mula sa Garden of Eden na kasama nina Adan at Eba ang Diyos, hanggang sa tabernacle na kasa-kasama ng Israel ang Diyos sa paglalakbay nila sa disyerto, hanggang sa mas permanente na templo noong panahon ni Solomon, hanggang sa katuparan ng lahat ng ito kay Cristo na siyang Emmanuel, God with us, “the Word was made flesh and made his dwelling among us” (John 1:14), hanggang sa bawat isang Kristiyano na templong pinananahanan ng Espiritu, hanggang sa buong church na templo rin ng Espiritu (that’s why everytime we gather, nasa bahay tayo ng Panginoon), hanggang sa makapiling na natin si Cristo sa langit, which is “far better” kesa sa anumang good experiences natin dito sa mundo (Phil. 1:23), hanggang sa pinakamainam sa lahat, ang bagong langit at bagong mundo sa pagbabalik ni Cristo. “Tingnan ninyo, ang tahanan ng Diyos ay nasa piling na ng mga tao! Maninirahan siyang kasama nila, at sila’y magiging bayan niya. Diyos mismo ang makakapiling nila at siya ang magiging Diyos nila” (Rev. 21:3 MBB). Ito ba yung “isang bagay” na hinihiling at hinahangad mo, “na ako’y makapanirahan sa bahay ng Panginoon” (Psa. 27:4 AB)? ‘Yan ba ang desire ng puso mo?
Magpakailanman: “…magpakailanman.”
Na tayo ay makapanirahan sa bahay ni Yahweh “magpakailanman.” ‘Yan ang huling salita sa Psalm 23, “forever.” Literally, for length of days. Pero ang sense nito ay hindi lang mahabang panahon, but for all eternity. Tulad sa Psalm 21:4, “mahabang buhay, na magpakailanman” (MBB). Hanggang kailan ang kabutihan ng Diyos sa atin? Forever. Do you have that eternal perspective sa buhay? Madali kasi sa atin na sukatin ang kabutihan ng Diyos sa mga experiences natin sa mundong ito. Pero paano kung hindi panandalian lang ang perspective natin? Paano kung tinitingnan natin ang mararanasan natin magpasawalang-hanggan? It will make a lot of difference. Kapag si Yahweh mismo ang kinasasabikan nating makapiling natin, ang maging tahanan natin for all eternity. “Wala akong nakitang templo sa lungsod na iyon, dahil ang pinaka-templo ay walang iba kundi ang Panginoong Dios na makapangyarihan sa lahat at ang Tupa” (Rev. 21:22 ASD). Hindi lang tayo naninirahan sa bahay ni Yahweh. Si Yahweh mismo ang ating tahanan.
Paano natin palaging maaalala ang kabutihan ng Diyos?
Alam natin at nakita nating mabuti ngayon sa Psalm 23 na mabuti talaga ang Diyos sa atin na kanyang mga anak. Mabuti ang Diyos araw-araw, at magpakailanman. Pero dahil madali para sa atin ang makalimot at pagdudahan ang kabutihan ng Diyos, especially sa mga panahong tayo’y lumalakad sa “libis ng lilim ng kamatayan,” paano nga ba natin palaging maaalala ang kabutihan ng Diyos? Isang paraan siyempre ay ang pagbubulay-bulay ng kanyang mabuting salita sa araw-araw, tulad ng ginagawa natin ngayon, at tulad ng hinihikayat naming gawin ninyo araw-araw. Sabi ni Christopher Ash, “Hindi natin kayang masyadong malalim at masyadong madalas na magbulay-bulay sa mga pribilehiyong ito, at mabuti na italaga natin ang ating sarili sa gawaing ito kapag magaan ang kalagayan natin, upang ang mga katotohanang ito ay dumaloy sa ating dugo bilang kaaliwan kapag tayo’y naglalakad sa kadiliman” (Psalms, 2:274).
Kaya nga ‘wag nating pababayaan ang pagdalo sa Lord’s Day gathering ng church. When we sing the Word, inaalala natin ang kabutihan ng Diyos. When we pray the Word, napapaalalahanan tayo ng kabutihan ng Diyos. At ang gagawin natin mamaya, after hearing the Word, we will taste and see the Word sa Lord’s Supper. Paanyaya ito sa atin ng Diyos, “O taste and see that the Yahweh is good” (Psa. 34:8 LSB). As the elders, representing Jesus our Shepherd, serve you the Lord’s Supper, si Cristo mismo ang naghahanda, naghahain, nagsisilbi, nag-aasikaso sa atin. Ganyan siya kabuti. We feast on the Lord’s goodness together as one family. Kaya nga hindi namin ito ibinibigay sa mga hindi namin alam kung kayo ba ay kabilang sa pamilya ng Diyos, walang pruweba na kayo ay mga mananampalataya, at mga unrepentant sinners. It is a family meal na nagbibigay sa atin ng kumpiyansa sa kabutihan ng Diyos, hindi lang ngayong Linggo, kundi hanggang bukas, araw-araw, at magpakailanman. Hindi lang natin inaalala ang kabutihan ng Diyos sa nakaraan, kundi inaabangan din ang araw ng pagbabalik ng ating Panginoon: “ipinapahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa kanyang muling pagparito” (1 Cor. 11:26 MBB). At sa kanyang pagparito, ganito ang magiging eksena, tulad nina Christian at Hopeful sa dulo ng The Pilgrim’s Progress:
Habang sila’y papalapit sa pintuan ng lungsod, may isang grupo ng makalangit na hukbo ang lumabas upang salubungin sila. At sinabi ng dalawang Nagniningning sa mga ito, “Ito ang mga taong nagmahal sa ating Panginoon noong sila’y nasa mundo pa. Iniwan nila ang lahat alang-alang sa Kanyang banal na pangalan. Isinugo Niya kami upang sunduin sila, at sila’y dinala namin dito sa dulo ng kanilang paglalakbay—upang makita nila ang kanilang Manunubos nang mukhaan at may lubos na kagalakan.” Pagkarinig nito, ang makalangit na hukbo ay sumigaw nang malakas, na nagsasabi, “Mapalad ang mga tinawag sa hapunan ng kasalan ng Kordero!” (Rev. 19:9). Sa sandaling iyon, lumabas din ang mga manunugtog ng trumpeta ng Hari. Sila’y nakasuot ng puti at nagniningning na damit. At sa kanilang malakas at masiglang tugtugin, ang langit mismo’y dumadagundong sa tunog ng kanilang mga trumpeta. Sinalubong at binati nila sina Christian at Hopeful nang may buong kaluguran at pagpupugay mula sa mundong pinanggalingan nila—ginawa nila ito sa pamamagitan ng sigawan at tunog ng trumpeta.
At pinalibutan sila ng buong makalangit na hukbo—may nasa harapan nila, likuran, kanan, at kaliwa (ito ay upang bantayan sila habang patungo sa lungsod). Kasabay nito, patuloy silang tumutugtog ng makalangit na musika—nang may mataas na tono at punô ng kagalakan.
Nang sila’y naglalakbay, tila ang tanawin ay nag-iba—para bang ang langit na mismo ang bumababa upang salubungin sila. At habang sila’y naglalakad, walang humpay ang mga manunugtog ng trumpeta na gumawa ng masasayang tunog nang may ngiti sa kanilang mga labi, nagpapahiwatig kung gaano sila kasaya sa pagdating nina Christian at Hopeful. At sa pagkakataong iyon, tila nasa langit na nga ang dalawa, bago pa man sila makapasok dito. Labis silang namangha noong nakita nila ang mga anghel, at narinig ang kanilang naggagandahang mga himig. At ngayo’y kitang-kita na nila ang lungsod—naririnig nila na sabay-sabay na tumutunog ang lahat ng kampana ng lungsod, bilang pagbati sa kanilang pagdating doon. Ngunit higit sa lahat, ang nakapagbigay sa kanila ng lubos na kaligayahan sa pagdating doon ay ang maisip nilang sa wakas, maninirahan na sila roon magpakailanman, kasama ng mga ito—ito nga’y walang katapusan. O kulang ang lahat ng salita upang lubos na maipahayag ang kagalakang kanilang nadarama! At sila nga’y nakarating na sa pintuan ng Celestial City.
Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)
Sign up to get your free pdf
By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

