Ang article na ito ay mula sa libro ni Derick Parfan na CREDO: Ang Hiwaga at Yaman ng Pananampalatayang Kristiyano (Chapter 1: “Sumasampalataya Ako,” pp. 25-26).


Sa paglalakbay natin sa Credo, tutuklasin natin ang nilalaman nito nang sa gayon ay maranasan din natin ang yaman at hiwaga nito. Simple lang ito, maikli lang, at madaling kabisaduhin ng bata at matanda. Pero kahit simple ay may taglay itong hiwaga o mystery.

Hindi ito mauunawaan—tunay na mauunawaan—ng mga taong walang pananampalataya. “Wala pang taong nakakita, nakarinig, o nakaisip sa mga bagay na inihanda ng Dios para sa mga nagmamahal sa kanya. Ngunit ang mga bagay na itoʼy ipinahayag na sa atin ng Dios sa pamamagitan ng kanyang Espiritu” (1 Cor. 2:9–10a ASD). Maikli lang ito pero napakayaman sa mga aral na gustong ituro sa atin. Narito ang kabuuan ng doktrina ng drama ng Bibliya, the Story of God from creation to life everlasting. Sabi ni Albert Mohler:

Ang sinaunang confession of faith na ito ay ang Kristiyanismo. Ito ang pinaniniwalaan ng mga Kristiyano—ang pinaniniwalaan ng lahat ng Kristiyano… Ang kredong ito ay buod ng itinuturo ng Bibliya, isang salaysay ng pag-ibig ng Diyos na nagliligtas, at isang maikling pahayag ng basic Christianity. Ang lahat ng mga Kristiyano ay naniniwala nang higit pa sa nakapaloob sa Apostles’ Creed, ngunit walang sinuman ang maaaring maniwala nang kulang dito.1

Kung matagal ka nang Kristiyano at na-expose na sa basic doctrines ng Christian faith, pwede mong masabi na, “Alam ko na ‘yan!” Pero I hope na unti-unti mo ring ma-realize, “Ah, hindi ko pa pala naaabot ang tugatog ng karunungan ng Diyos, hindi ko pa pala nasisisid ang pinakailalim ng biyaya ng pagliligtas ng Diyos.” Prayer ko na masabi mo tulad ni Pablo, “Lubhang napakasagana ng kayamanan ng Diyos! Di matarok ang kanyang karunungan at kaalaman” (Roma 11:33)! Mamamangha ka sa Diyos. At habang namamangha ka, mas titibay ang pananampalataya mo. Dahil mapapagtanto mo na maglaho man ang lahat o biguin ka man ng lahat ng kinakapitan mo sa mundong ito, hinding-hindi ka bibiguin ng Diyos. Bakit? Dahil ang mga katotohanang nakapaloob dito ay hindi maglalaho. So, “let us hold fast the confession of our hope [na nakasulat dito sa Credo] without wavering, for he who promised is faithful” (Heb. 10:23).


1 R. Albert Mohler, The Apostles’ Creed: Discovering Authentic Christianity in an Age of Counterfeits (Nashville, TN: Nelson Books, 2019), xv.


Get your copy now!

Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)

Sign up to get your free pdf

By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

Leave a Reply