Pangunahing nangyayari ang discipleship sa pamamagitan ng pagtuturo at pagtulad. Pinakaepektibo itong nagagawa sa pamamagitan ng pag-ibig. Habang buong pagmamahal nating tinuturuan ang mga nakababatang mananampalataya sa daan ng kabanalan at pamumuhay na kapuri-puri, sila ay lumalago sa pagiging katulad ni Cristo sa pamamagitan ng pagtulad sa ating buhay at doktrina (tingnan ang 1 Tim. 4:16).
Pagtuturo: Tinatawag ng Bibliya ang mga pastor at mga magulang na turuan iyong mga inilagay sa kanilang pamamahala (Kawikaaan; Gal. 6:6; Efe. 6:4; 1 Tes. 4:8; 1 Tim. 1:18, 6:3; 2 Tim. 2:25; 4:2). Tinatawag din nito ang mga mananampalataya na turuan ang isa’t isa (Roma 15:14).
Pagtulad: Ang mga Kristiyano ay imitators, una ng Diyos, at pagkatapos ay ng isa’t isa. Lumalago tayo sa biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng pakikinig at pagtulad. Tingnan mo ang mga sumusunod na talata:
- “Tularan ninyo ako, gaya ng pagtulad ko kay Cristo” ( 1 Cor. 11:1);
- “Alalahanin ninyo ang mga namumuno sa inyo, na nagpahayag sa inyo ng salita ng Diyos. Isipin ninyo kung paano sila namuhay, at tularan ninyo ang kanilang pananampalataya” (Heb. 13:7);
- “Isagawa ninyo ang lahat ng inyong natutunan, tinanggap, narinig at nakita sa akin. Sa gayon, sasainyo ang Diyos na nagbibigay ng kapayapaan” (Fil. 4:9);
- “Ngunit sinunod mo ang aking itinuro sa iyo, ang aking ugali at layunin sa buhay. Tinularan mo ang aking pananampalataya, pagtitiyaga, pag-ibig at katapatan” (2 Tim. 3:10);
- “Minamahal, huwag mong tularan ang masama. Sa halip, tularan mo ang mabuti, sapagkat ang gumagawa ng mabuti ay sa Diyos; ang gumagawa ng masama ay hindi pa nakakita sa Diyos” (3 Juan 11).
Pag-ibig: Tutularan ng mga tao ang iyong buhay kahit na hindi mo sila mahalin. Ngunit ang isang namumuno nang may pag-ibig ay nagpapakita ng pinakamahusay na larawan ni Cristo, at malamang na susundin ka ng mga tao kung minamahal mo sila.
Pakikipagkaibigan: Kung titingnan, ang discipleship ay simpleng pakikipagkaibigan, ngunit pakikipagkaibigan na patungo kay Cristo. Ano ba ang ginagawa ng mga kaibigan? Tinutularan nila ang isa’t isa. Sa discipleship, kinakaibigan natin ang iba para lumago sa pagiging katulad ni Cristo at para tulungan sila na mas maging katulad ni Cristo.
Paano ba maging isang disciple? (i) Pakinggan at panoorin mo kung paano ang mga nakakatandang Kristiyano ay nagtatrabaho, namamahinga, bumubuo ng pamilya, inaayos ang mga problema, binabahaginan ng gospel ang mga kapitbahay, nagpapatuloy sa kabila ng mga pagsubok, naglilingkod sa church, o lumalaban sa kasalanan. (ii.) Tularan mo sila!
Salin ni Marie Manahan mula sa 9Marks article na “In principle, how does discipleship work?” na inilathala noong March 11, 2010.
Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)
Sign up to get your free pdf
By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

