Nasa information age na tayo ngayon. Basta naka-connect ka sa Internet, merong smartphone, merong social media, at merong AI tulad ng ChatGPT, ang dali nang maka-access ng kung anu-anong information. Yung iba ay totoo, yung iba ay hindi. Yung iba ay helpful, yung iba ay hindi. Nalulunod tayo sa napakaraming information araw-araw. Pero kung tutuusin, hindi naman natin kailangang malaman ang maraming bagay. Hindi mo kailangang malaman kung paano ba lumilipad ang eroplano, basta alam mo kung paano kumuha ng passport, bumili ng ticket online, at pumunta sa airport. Ayos na yun. Sa mahigit 1,000 titles na nasa church library natin, hindi naman natin kailangang basahin lahat yun, basta alam lang natin kung saan at paano hahanapin yung mga bagay na kailangan nating pag-aralan. Yun ang susi, ang mahalagang malaman natin ay yung mga bagay na kailangan nating malaman. At buti nga, salamat sa Diyos, ibinigay sa atin ng Diyos ang Bible para malaman natin kung ano ang kailangang malaman natin. Kaya nga naglalaan tayo ng mahabang oras sa pag-aaral ng salita ng Diyos every Sunday at ine-encourage namin kayo na maglaan din ng sapat na oras na basahin ang Bible ninyo araw-araw. Kailangan kasi natin ang Salita ng Diyos araw-araw. Hindi lang sa pagkain nabubuhay ang tao kundi sa bawat salita na nanggagaling sa bibig ng Diyos.

Pero siyempre, hindi lang basta dapat alam natin kung ano ang sinasabi sa Bible, dapat din nating pagtuunan ng pansin kung ano ang implikasyon ng mga ito sa buhay natin araw-araw, sa relasyon natin sa Diyos, sa ibang tao, lalo na sa church natin. Kaya pinag-aaralan natin ang sulat ni Pablo sa mga Ephesians. Lalo na dito sa text natin ngayon sa chapter 3, verses 1-13, na first six verses lang muna ang pag-aaralan natin ngayon. Magpapatuloy si Pablo na ipaalala sa kanila at talakayin ang tungkol sa gospel—ang mabuting balita ng kaligtasang tinanggap natin sa Diyos dahil sa biyaya niya sa pamamagitan ni Cristo. At hindi lang tungkol sa gospel, kundi tungkol din sa mga gospel implications, na kung totoo ang gospel, paano ngayon ito babago sa relasyon ng magkakapatid kay Cristo na nasa isang local church, tulad ng mga Jewish Christians at Gentile Christians sa panahon nila. Kung sila ay Judio na naging Kristiyano, paano nila dapat tingnan ang mga Gentile Christians, mga di-Judio, in relationship sa kanila. Kung sila naman ay mga Hentil na naging Kristiyano, ‘yan ang majority sa kanila, paano naman nila dapat tingnan ang mga Jewish Christians bilang mga kapatid kay Cristo. At sa church naman natin, bagamat lahat tayo ay Gentile Christians, may relevance din ito sa atin kung paanong ang gospel na pinaniniwalaan, inaawit, at ibinabahagi natin sa iba ay dapat na bumago sa relasyon natin sa ibang Kristiyano, particularly sa mga taong natural na hindi natin gusto o kaya’y nakaalitan pa nga.

Para mas lumalim tayo sa pagkakaunawa sa gospel at sa mga implikasyon nito, mahalagang pagtutuunan natin ng pansin ang “mystery” o “hiwaga” (“lihim na panukala” sa MBB; “lihim na plano” sa ASD) na tinatalakay ni Pablo sa Ephesians 3:1-13. Actually, nagsimula ang chapter 3 sa ganito, “Dahil dito…” (Eph 3:1). Magpe-pray na talaga siya, pero sa verse 14 pa niya naituloy, “Dahil dito, ako’y lumuluhod sa harapan ng Ama” (Eph 3:14). So, mukhang itong verses 1-13 ay mahabang interruption (one sentence sa Greek!) bago mag-pray si Paul sa kanila. Kailangan naman talagang ipag-pray na lubos na maunawaan nila ang sinasabi ni Paul at talagang lumalim ang pag-ibig nila sa isa’t isa. Pero naramdaman ni Paul na kailangan pa ng mas maraming paliwanag ng mga tinalakay na niya sa previous chapter. Kung paanong sila na “[dating] malayo ay inilapit sa pamamagitan ng dugo ni Cristo,” na kung paanong kasama ng mga Judio sila ngayon ay “isang bagong bayan na nakipag-isa sa kanya…pinagbuklod sa iisang katawan…”, na silang “lahat ay nakakalapit sa Ama sa pamamagitan ng iisang Espiritu…mga kababayan na ng mga hinirang ng Diyos at kabilang sa kanyang sambahayan…nagkakaugnay-ugnay…sama-samang itinatayo bilang tahanan ng Diyos” (Eph. 2:13, 15, 18, 19, 21, 22).

So, itong “mystery” (Gk. musterion) na babanggitin ni Paul ay may kinalaman sa mga nauna na niyang tinalakay sa chapter 2. Actually, ginamit na niya ang salitang ito sa chapter 1 pa lang: “Ayon sa kanyang karunungan at kaalaman, ipinaunawa sa atin ng Diyos ang hiwaga (mystery) ng kanyang kalooban ayon sa kanyang layunin na isasakatuparan sa pamamagitan ni Cristo pagdating ng takdang panahon. Layunin niyang tipunin ang lahat ng nilikha sa langit at sa lupa, at ipasailalim ang mga ito kay Cristo” (Eph. 1:8-10). Yung mystery doon ay cosmic ang sakop, may kinalaman sa layunin at plano ng Diyos na pag-isahin ang langit at lupa. Dito sa chapter 3, yung mystery ay may kinalaman sa plano ng Diyos na pag-isahin yung nandito muna lupa, particularly yung dalawang grupo ng tao na historically ay in tension or conflict, Jews and Gentiles. Sa verse 3, tinawag lang itong “the mystery.” Sa verse 4 naman ay “the mystery of Christ.” Sa verse 6 ay specific na kung ano yung “this mystery,” although absent ‘yan sa original Greek. At sa verse 9, “the plan of the mystery hidden for ages in God” (v. 9).

So, ‘yang “mystery” na ‘yan ang pag-aaralan natin ngayon. Gusto n’yo bang malaman kung ano ang “mystery” na ‘to? Buti na lang hindi ito “secret message” o yung Bible natin ay may “code” o hidden message na kailangang i-decipher para malaman. Siyempre, imposibleng malaman kung sa sarili lang nating kaalaman. Pero posibleng malaman, at gusto ng Diyos na malaman natin, kaya nga nakasulat sa Bible, at kumikilos ang Holy Spirit right now in the preaching of the Word, and as you listen attentively and prayerfully and humbly sa preaching of his Word. Isa-isahin muna natin ang bawat verse sa text natin para mas malaman natin kung ano yung mystery na tinutukoy dito. We will spend most of our time sa exposition ng text, then i-summarize natin kung ano yung theology of mystery na gusto ni Paul na matutunan natin, then we will close with some reflections tungkol sa ilan sa mga implications nito particularly sa church natin.

Exposition of Ephesians 3:1-6

  1. Ministry (v. 1)

Sa verse 1, makikita natin na ang mystery na ito ang dahilan ng hirap na dinanas ni Pablo sa ministry. “Dahil dito, akong si Pablo ay bilanggo ni Cristo Jesus alang-alang sa inyong mga Hentil” (Eph. 3:1 AB). Mahirap ang dinanas ni Pablo, costly ang ministry niya, dahil nakakulong siya. Sa chapter 1, ang pagpapakilala niya ay “apostol ni Cristo Jesus” (Eph 1:1). Dito naman, “bilanggo ni Cristo Jesus.” Tulad din sa Eph. 4:1, “bilanggo dahil sa Panginoon” (MBB). Ang identity niya ay nakay Cristo. Hindi lang siya nabilanggo “para kay Cristo” (tulad ng salin ng MBB sa 3:1). Hindi siya bilanggo na pag-aari ng emperador ng Roma. Siya ay pag-aari ni Cristo, at naglilingkod para kay Cristo.

Ang pagkakabilanggo niya ay dahil sa ministry, “alang-alang sa inyong mga Hentil.” Naghihirap siya dahil sa ministry niya of sharing the gospel to them (at sa mga Judio rin siyempre). At yung pagkakabilanggo niya ay magsisilbing ministry din sa kanila, inspiring, encouraging them to persevere sa faith nila kahit na mahirap ang sumunod kay Cristo. Ipinapakita nito ang pag-ibig ni Pablo, na isang Judio, sa mga Gentiles, sa mga di-Judio. Ang mensahe na ipinapangaral niya tungkol sa pagkakaisa ng mga Judio at Hentil kay Cristo ay ipinamumuhay niya. Ito rin ay pagsunod sa misyon na ibinigay sa kanya ni Cristo na maging apostol sa mga “uncircumcised” (Gal. 2:7; see also Gal 1:16; Acts 9:15). Oo, mahirap, pero itinuturing niya ito na “biyaya” na galing sa Diyos, ang makapaglingkod sa kanila: “Ang biyayang ito ay ibinigay sa akin upang ipangaral sa mga Hentil ang mga di-masukat na mga kayamanan ni Cristo” (Eph. 3:8). Kung alam mo kung ano ang hiwagang ito, gaano man kahirap ang maranasan mo sa ministry of preaching this mystery, sulit at maituturing mong mabuting regalo na galing sa Diyos.

  1. Stewardship (v. 2)

Sa verse 2 naman, makikita natin na ang mystery na ito ay stewardship na bigay ng Diyos kay Pablo: “kung tunay na inyong narinig ang pagkakatiwala ng biyaya ng Diyos na ibinigay sa akin para sa inyo” (Eph. 3:2). Ang “biyaya ng Diyos” na tinutukoy rito ni Pablo ay hindi lang ang biyaya ng Diyos na nagligtas sa kanya at sa atin—yung God’s saving grace in Christ (Eph. 2:8-9). Specifically, ito ay tumutukoy sa biyaya ng Diyos na nagligtas at tumawag kay Pablo for the specific ministry of preaching to the Gentiles. At ang pagkakatawag na ito ay may kasamang responsibilidad na tinawag niyang “pagkakatiwala” o “stewardship.” Galing ito sa salitang oikonomia, na ginamit din sa Eph. 1:10 na nag-describe din kung ano yung “mystery of his will” (1:9): “as a plan (oikonomia) for the fullness of time.” Galing dito ang salitang “economy.” Ang basic meaning nito ay stewardship or administration o pangangasiwa ng isang household.

Kung ang household ay ang plano ng pagliligtas ng Diyos sa atin, ang oikonomia ay ang pagpaplano at paggawa para maisakatuparan ang planong ito sa kasaysayan ng pagliligtas ng Diyos. Mula pa sa Genesis 3:15 hanggang sa kasaysayan ng Israel hanggang sa pagdating ni Cristo hanggang sa pagtatayo ng church, ang blueprint ng Diyos ay eksaktong naikakatuparan, everything according to plan. Mula sa pagpili ng Diyos kung sino ang ililigtas niya, hanggang sa pagtubos na ginawa ni Cristo, hanggang sa regenerating work ng Holy Spirit to bring us to faith in Christ, at sa pagtatatak sa atin to guarantee our final salvation, everything according to plan. Walang plan B ang Diyos. Ang isang plano niya ng kaligtasan ay eksaktong matutupad. His plan will never fail.

On another level, most likely, ang salitang ito dito sa chapter 3 ay tumutukoy sa “stewardship” ni Paul ng biyayang natanggap niya sa Diyos sa pagliligtas at pagkakatawag sa kanya (Thielman, 187). Ang oikonomia na ipinagkatiwala kay Pablo ay nakapailalim siyempre sa oikonomia ng kabuuang plano at layunin ng Diyos. Ang isang mabuting katiwala ay siyang sumusunod sa ipinapagawa ng head of the household of God, ang Diyos mismo siyempre. Na siya namang ginagawa ni Pablo, “kung tunay na inyong narinig ang pagkakatiwala ng biyaya ng Diyos na ibinigay sa akin para sa inyo.” Narinig nila kung ano ang sinabi ng Diyos na sabihin ni Pablo sa kanila. Narinig nila ito sa preaching ni Pablo. Para si Pablo na isang delivery boy, na ibinigay yung package at dineliver sa ‘yo. O isang mailman, na ibinigay ang sulat at dineliver sa ‘yo. Ina-assume ni Pablo na narinig na nila ‘to, hindi ito bagong idea, hindi ito isang secret code na para lang sa mga elite. Hindi rin ito exclusive sa mga Judio. Yun naman kasi ang misyon na bigay sa kanya ng Diyos. Hawig dito ang sabi niya sa mga taga-Corinto, “Dapat ninyong kilalanin na kami’y mga lingkod ni Cristo at katiwala ng mga hiwaga ng Diyos. Ang katiwala’y kailangang maging tapat sa kanyang panginoon” (1 Cor. 4:1-2).

  1. Revelation (v. 3)

Sa verse 3 naman, makikita natin na ang mystery na ito ay ibinigay at ipinaalam kay Pablo sa pamamagitan ng revelation na galing sa Diyos: “na sa pamamagitan ng pahayag ay ipinaalam sa akin ang hiwaga, gaya ng nauna kong isinulat sa iilang mga salita” (Eph. 3:3). Sinabi niya na isinulat na niya ito sa kanila. Malamang ay hindi isang naunang sulat ang tinutukoy niya kundi yung sinulat niya na sa Eph. 1:9-10 o kaya naman yung katatapos lang niyang talakayin sa Eph. 2:11-22. Anuman yun, ang gustong i-point out ni Pablo rito ay yung “mystery” na yun ay isang bagay na nakatago, at hindi malalaman ni Pablo kung hindi ipapaalam sa kanya. Hindi niya ito maiimbento, hindi niya ito basta-basta maiisip lang. Meron bang ordinaryong tao na makakaisip ng tungkol sa Anak ng Diyos na kailangang magkatawang-tao (incarnation) para maligtas tayo? O ng tungkol sa substitutionary atonement, sa paghahandog na ginawa ni Cristo sa krus bilang kapalit natin? Ito ay plano na galing lang talaga sa isip at karunungan ng Diyos.

“By revelation,” apokalupsis, ‘yan ang pangalan ng huling book sa Bible. Pero hindi yung book na yun ang tinutukoy ni Paul, wala pa naman yun nung sinulat niya ‘to. Ang tinutukoy niya rito ay ang plano ng pagliligtas ng Diyos na ipinapahayag sa message ng gospel. Hindi ibang apostol ang nagsabi sa kanya. Si Cristo mismo. Remember kung paano nagpakita si Cristo sa kanya sa daan papuntang Damascus (Acts 9)? Sabi rin niya sa Galatians, na tinanggap niya ang gospel na pinapangaral niya hindi mula sa tao, hindi niya natutunan sa kahit anong eskwelahan, “but I received it through a revelation of Jesus Christ” (Gal. 1:11-12). Kung hindi natin papakinggan at uunawaing mabuti ang mystery na ipinapahayag ni Pablo, para na ring si Cristo ang hindi natin pinapakinggan at binabalewala.

  1. Christ (v. 4)

Na siyang malinaw namang makikita sa verse 4, dahil ang mystery na ito ay si Cristo mismo, “the mystery of Christ”: “Sa inyong pagbasa ay mauunawaan ninyo ang aking pagkaunawa sa hiwaga ni Cristo” (Eph. 3:4). Kapag binabasa ang sulat ni Pablo, binibigkas, naririnig kung ano ang gusto niyang sabihin, kung ano ang gusto niyang ipaalam. Hindi lang nila maririnig, mauunawaan din nila kung ano ang alam at nauuunawaan din ni Paul. At ano yun? “The mystery of Christ.” Ang mensaheng ito ay nakasentro kay Cristo, si Cristo ang laman. Si Cristo ang nasa sentro ng plano ng Diyos para maisakatuparan ang plano ng kanyang pagliligtas sa atin. Siya ang Panginoong Jesu-Cristo na kino-confess natin sa Nicene Creed:

ang bugtong na Anak ng Diyos, na ipinanganak ng Ama bago ang lahat ng sanlibutan; Diyos mula sa Diyos, Liwanag mula sa Liwanag, tunay na Diyos mula sa tunay na Diyos; ipinanganak, hindi nilikha, na kaisang kalikasan ng Ama, na sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat ng bagay. Na, para sa ating mga tao at para sa ating kaligtasan, ay bumaba mula sa langit at nagkatawang-tao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, mula kay Birheng Maria ay naging tao; at ipinako rin sa krus para sa atin sa ilalim ni Poncio Pilato; siya ay nagdusa at inilibing; at sa ikatlong araw siya ay muling nabuhay, alinsunod sa Banal na Kasulatan; at umakyat sa langit, at nakaluklok sa kanang kamay ng Ama; at siya ay muling darating, na taglay ang kaluwalhatian, upang hatulan ang mga buháy at ang mga patay; ang kanyang kaharian ay walang katapusan.

Kung si Cristo mismo ang hiwagang ito na inihayag ng Diyos, hindi ba’t dapat na siya rin ang object of our proclamation? Tinawag siya ni Paul “the glory of this mystery…the hope of glory” sa Colossians. Kaya naman, “Him we proclaim” (Col. 1:27-28). Alam na natin ang mabuting balita, kilala na natin si Cristo. Ang hiwagang ito ay hindi na sikreto sa atin, kaya ‘wag na ‘wag nating isisikreto sa iba, at pahuhulain pa natin sila kung ano at sino ang pinaniniwalaan natin.

  1. Holy Spirit (v. 5)

Sa verse 5 naman, makikita natin na ang mystery na ito ay dating nakatago pero ngayon ay inihayag na ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng mga apostol at mga propeta: “Sa naunang mga salinlahi ay hindi ito ipinaalam sa mga anak ng mga tao, na gaya ngayon na ipinahayag na sa kanyang mga banal na apostol at propeta sa pamamagitan ng Espiritu” (Eph. 3:5). Yung “naunang mga salinlahi” ay yung panahon ng Old Testament, yung panahon bago ang New Testament. Yung mystery raw na ‘to ay hindi pa “ipinaalam sa mga anak ng mga tao.” Posibleng tinutukoy ay ang mga propeta sa Old Testament in particular, pero pwede rin (at mas malamang) na tumutukoy sa lahat ng mga tao in general. Meron namang mga sinabi na ang Diyos tungkol sa mga pangako ng pagliligtas niya, kung paanong pagpapalain ng Diyos hindi lang ang mga Judio na galing kay Abraham, kundi ang lahat ng lahi sa pamamagitan ni Abraham (Gen. 12:1-3). Pero hindi pa ganoon kalinaw, hindi pa ganoon ka-specific kung paanong magkakaroon ito ng katuparan kay Cristo at kung paanong ang mga Judio at mga Hentil ay magiging “one people of God.” Sa karunungan at malayang kalooban ng Diyos, sadyang hindi pa niya ito ipinaalam nang buo. May kinalaman din ito sa tinatawag na “progressive revelation.” Sa Old Testament, hindi pa buo ang mga revelation ng Diyos, naghihintay pa ng katuparan at kabuuan sa New Testament.

“…na gaya ngayon na ipinahayag na sa kanyang mga banal na apostol at propeta sa pamamagitan ng Espiritu.” Hawig ito sa sinabi ni Pablo sa dulo ng Romans tungkol sa gospel, “Ang Magandang Balitang iyan ay isang hiwagang naitago sa loob ng mahabang panahon, subalit sa utos ng walang-hanggang Diyos ay nahayag ngayon sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng mga isinulat ng mga propeta” (Rom. 16:25-26 MBB). Yung dating nakatago, binuksan na, ipinaalam na. Narito na tayo sa yugto na hindi tulad ng sa Old Testament. Kanina, sinabi ni Paul na natanggap niya yung revelation na ‘to. Ngayon naman, sinabi niya na hindi lang siya ang nakatanggap nito. Kasali siya sa “mga banal na apostol at propeta” na isinugo ng Diyos. Yung salitang “banal” (gaya ng “saints” sa Eph. 2:19) ay nag-iindicate na sila ay set apart for a unique task sa kasaysayan ng church na tanggapin ang revelation na ‘to na siyang magsisilbing pundasyon ng church, tulad ng nakita natin last week sa Eph. 2:20 na ang church ay “itinayo sa pundasyong inilagay ng mga apostol at mga propeta” (MBB). Binanggit din sila na mga regalo ng Diyos para sa church (Eph. 4:11). Dahil foundational yung role nila, ibig sabihin wala nang mga apostles and prophets ngayon na tatanggap ng bagong revelation at idadagdag sa kung ano ang meron na tayo sa Scriptures, “unto which nothing at any time is to be added, whether by new revelations of the Spirit, or traditions of men” (WCF 1.6).

“Of the Spirit,” binanggit din dito ni Paul sa text natin, “by the Spirit.” Gawa ng Espiritu, the third person of the Trinity, ang paghahayag ng mystery na ito. Ibig sabihin, by implication, gawa din ng Espiritu para maintindihan natin ang nakasulat dito. “Nevertheless, we acknowledge the inward illumination of the Spirit of God to be necessary for the saving understanding of such things as are revealed in the Word…” (WCF 1.6). Ganyan tayo ka-dependent sa work ng Holy Spirit para maunawaan natin kung ano ang mystery ng Diyos. Actually, dependent tayo sa Diyos na Trinity: “The Father reveals the mystery of Christ by the Holy Spirit” (Hoehner, Ephesians, 444).

  1. Church (v. 6)

Sa verse 6 naman, last verse, very specific na kung ano yung nakapaloob sa mystery na ‘to, na hindi lang ito tungkol sa mensahe ng gospel kundi sa implication nito sa pagbubuo ng church, especially yung full inclusion ng mga Gentile Christians. Heto yung mystery: “na ang mga Hentil ay mga kapwa tagapagmana, at mga bahagi ng iisang katawan, at mga kabahagi sa pangako kay Cristo Jesus sa pamamagitan ng ebanghelyo” (Eph. 3:6). Yung content ng mystery na ‘to ay hindi lang tungkol kay Cristo at sa kanyang gospel. Ito rin ay tungkol sa implication o resulta ng gospel. “Sa pamamagitan ng ebanghelyo.” Dahil sa gospel heto ang mga benefits or blessings na matatanggap ng sinumang Hentil—but not just any Gentile—sinumang Hentil na sumasampalataya kay Cristo, in Christ. Narinig ang gospel, at sumampalataya kay Cristo (Eph. 1:13). Hindi nila dapat pagdudahan na kasali sila, na recipients sila ng mga spiritual blessings na nasa chapter 1 (“every spiritual blessing,” Eph. 1:3), at ng blessings na dulot ng reconciling work ni Cristo sa chapter 2. Hindi nila dapat tingnan ang mga Jewish Christians na para bang sila ang may VIP access, o extra benefits, tapos yung mga Gentiles ay mga second-class citizens lang, o inferior members ng household of God. Kung nakay Cristo ka, ano man ang lahi mo, ano man ang family background mo, pantay-pantay ang matatanggap natin na yaman ng biyaya ng spiritual blessings ng Diyos. Meron na siyang nabanggit sa Eph. 2:19-22 (“fellow citizens…members of the household of God…joined together…being built together”). Tatlo in particular ang binanggit at binigyang-diin ni Paul sa verse 6:

  • “kapwa tagapagmana”—kasamang tagapagmana nga mga Jewish Christians, hindi dobleng mana para sa mga Judio, at mas maliit naman para sa mga Gentiles. Para bang kapag panganay mas malaki, pero maliit sa bunso. O para sa natural born children mas malaki, sa adopted children mas maliit. No. We are all adopted children of God. “The Spirit himself bears witness with our spirit that we are children of God, and if children, then heirs—heirs of God and fellow heirs with Christ…” (Rom. 8:16-17). We will receive all of God, not half of God, so ito ay “fullness (not half) of joy…pleasures forevermore (not for a few years lang)” (Psa. 16:11).
  • “mga bahagi ng iisang katawan”—ang mga Judio ay miyembro ng isang katawan, at ang mga Hentil ay miyembro ng iba pang katawan, hindi ganun! Isa lang ang katawan ni Cristo, hindi dalawa. “There is one body…one Lord” (Eph. 4:4, 5). Bagong member ka o dating member, pareho lang tayong members of the same body. Member ka ng isang local church, member siya ng ibang local church, pareho lang na members of one body of Christ. Spiritually gifted ka, at siya ay hindi masyado, pareho lang na members of one body.
  • “mga kabahagi sa pangako kay Cristo Jesus”—bihirang ginagamit ang salitang ginamit dito na “kabahagi” na maaaring tumutukoy sa buhay ng isang halaman na kailangan pareho ang init at lamig pati ang tuyo at basa, o ng isang kasamahan sa isang plano o plot (Hoehner, 446). Ibig sabihin, hindi isang pangako para sa mga Jewish Christians, tapos iba naman ang para sa mga Gentiles. Totoo nga na sa old covenant ay merong mga pangako dun na specific para sa mga Judio tulad ng lupa na hindi naman natin pwedeng angkinin. Pero yung fulfillment nito kay Cristo, yung new covenant promises “in Christ” para sa lahat. Kay Cristo lahat nagkaroon ng katuparan ang pangako ng Diyos: “upang kay Cristo Jesus ang pagpapala ni Abraham ay dumating sa mga Hentil, upang ating tanggapin ang pangako ng Espiritu sa pamamagitan ng pananampalataya” (Gal. 3:14). “Walang Judio o Griyego, walang alipin o malaya, walang lalaki o babae, sapagkat kayong lahat ay iisa kay Cristo Jesus. At kung kayo’y kay Cristo, kayo nga’y mga binhi ni Abraham, mga tagapagmana ayon sa pangako” (Gal. 3:28-29).

In summary, heto ang mystery: “The mystery long unknown to people in other generations and now revealed, therefore, is that in Christ Jesus and through the gospel, Gentile Christians are fully equal members of the people of God with Jewish Christians” (Thielman, Ephesians, 198).

A Theology of Mystery

Ito ang contribution ng text natin sa biblical theology of the mystery of God. Mahabang pag-aaral ‘yan mula sa Old Testament at New Testament. Pero tingnan lang natin briefly ang contribution dito ng pag-aaral natin sa Ephesians, especially from our text ngayon. I-summarize natin ‘to under six headings:

  1. The revelation of God

Una, tungkol sa revelation of God. Ipinahayag ng Diyos ang sarili niya, ang karakter niya, ang layunin niya, ang plano niya, ang pangako niya. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng kanyang mga salita at mga gawa na nakasulat sa Bibliya.

  1. The plan of God

Ikalawa, the plan of God. Kasama sa revelation ng Diyos ang pagpapahayag ng plano niya kung paano niya ililigtas ang mga taong makasalanan, kung paano niya muling bubuuin ang relasyon ng kanyang nilikha na nasira dahil sa kasalanan. Nasa Old Testament yung paglalatag ng planong iyon. Pero wala pa dun ang katuparan nun.

  1. The Son of God

Ikatlo, the Son of God. Nakay Cristo ang katuparan ng plano ng Diyos. Siya ang Tagapagligtas. Sa pamamagitan ng kanyang buhay, kamatayan, at muling pagkabuhay, ang taong makasalanan ay maipagkakasundo sa Diyos. Siya ang punto at sentro ng plano ng Diyos. Ang hiwaga ng plano ng Diyos ay si Cristo mismo.

  1. The gospel of God

Ikaapat, the gospel of God. Kaya naman good news sa atin ang mystery na ‘to. Ito yung balita o mensahe na narinig natin at nakarating sa atin sa pamamagitan ng pagbabasa natin ng Bibliya, o sa pagtuturo nito sa atin ng isang preacher o Bible teacher o tatay o nanay o kaibigan o maging ng ibang media sa Internet. “Faith comes from hearing, and hearing through the word of Christ” (Rom. 10:16). Narinig natin hindi lang ang tungkol kay Cristo, narinig natin at nakita mismo si Cristo in the preaching of the gospel.

  1. The Spirit of God

At naging posible ito dahil sa ikalima, the Spirit of God. Siya na nagpahayag ng plano ng Diyos sa mga apostol at mga propeta ay siya ring nagliliwanag sa isip at puso natin para makita at makilala natin si Cristo. Nagkaroon tayo ng pang-unawa at pananampalataya sa narinig natin dahil sa Espiritu.

  1. The people of God

At panghuli, the people of God. Ang mabuting balita na nagdala sa atin pabalik at palapit sa Diyos ay ang mabuting balita na naglagay sa atin sa komunidad ng mga taong pareho rin natin na mga makasalanang iniligtas ng Diyos, mga taong ngayon ay nakay Cristo. Dahil sa gospel, bahagi tayo ng pamilya ng Diyos, ng katawan ni Cristo, ng templo ng Espiritu.

In summary, heto ang mystery ng Diyos: Ipinahayag ng Diyos ang kanyang plano ng pagliligtas na ang katuparan ay nasa kanyang Anak na si Jesu-Cristo at sa kanyang ginawa sa krus, at ito ay nakarating sa atin bilang mabuting balita na narinig natin, pinaniwalaan, at tinanggap sa pamamagitan ng gawa ng Espiritu, na siyang naglagay rin sa atin sa iglesya, ang komunidad ng lahat ng nakay Cristo.

Implications

Kung totoo ito, at talaga naman ito ang totoo, marami itong implikasyon sa buhay natin, particularly sa church natin. We will close with just a few of the many implications:

  1. Evangelism

Kapag evangelism ang pinag-uusapan, siyempre dapat maging malinaw na naririnig sa atin ang gospel. Sa mga anak natin, hindi yung sa dami ng tinuturo natin, dito pa sa gospel tayo magiging neglectful. Sa mga unbelieving friends natin, linawin natin kung ano ang mabuting balita tungkol kay Cristo. Hindi yung magiging mabait lang tayo sa kanila o papakainin lang natin sila. Ibigay natin kung ano talaga ang kailangan nila. At gawin natin sa paraan na totally dependent sa pagkilos ng Espiritu. Hindi naman nila mauunawaan at kikilalanin si Cristo kung wala ang pagkilos ng Espiritu, kahit gaano pa tayo ka-articulate sa pagsasalita o sa preaching of the Word. And of course, ang gospel ay hindi lang para sa mga unbelievers, kaya gusto rin nating malinaw na naipi-preach ang gospel every Sunday morning para sa buong church. We all need the gospel.

  1. Church Membership

At dahil ang gospel ay hindi lang for individual salvation, kaya mahalaga rin ang church membership. Oo nga’t bawat Kristiyano ay miyembro ng universal church, pero paano mo mararamdaman, paano mo mararanasan ang reality na member ka ng universal church kung hindi ka naman member ng local church? Kung hindi ka pa member, attend our membership classes, at makipag-usap sa mga elders ng church na ‘to kung paano maging member ng church. At kung member ka na, mahalaga na i-maximize mo ang involvement mo sa church bilang miyembro. Tulad ng sinabi ko na dati, don’t settle for minimalism sa church membership. I-maximize natin, i-todo natin ang pagiging miyembro. Kasi naman, kung ang church ay mahalagang bahagi ng plano ng Diyos, hindi ito optional, hindi ito added extra o bonus lang, so pahalagahan din natin kung ano ang mahalaga sa Diyos.

  1. Church Ministry

May kinalaman din ito sa ministry natin sa church. Hindi pwedeng nasisiyahan tayo na marinig lang ang mabuting balita pero wala namang paglago sa mabuting gawa. Hindi pwedeng sinasabi nating pinaniniwalaan natin ito pero hindi naman ito bumabago sa buhay natin. Hindi pwedeng nakakulong lang ito sa loob ng simbahang ito kapag nakikinig tayo tuwing Linggo ng umaga. Ito rin ang mensaheng ipapangaral natin sa iba sa punto na handa tayong maghirap, magsakripisyo, at makulong na katulad ni Pablo. Hindi nga tayo makukulong dito sa Pilipinas pero kung tayo ay pinagkatiwalaan ng mensaheng ito as a stewardship na tulad ni Paul, tanungin natin ang sarili natin: tapat nga ba tayo sa stewardship of the gospel of the grace of God? Hindi lang sa salita, kundi sa lahat ng ginagawa natin sa araw-araw?

Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)

Sign up to get your free pdf

By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

Leave a Reply