Bakit kaya maliit ang pagtingin natin sa mga blessings na bigay ng Diyos? Isang dahilan ay yung materialism, na karaniwang iniisip nating mga blessings ay yung mga materyal na bagay, tulad ng pera. Kapag konti lang ang pera, o walang bahay o walang sasakyan, hindi natin nararamdaman na pinagpapala tayo ng Diyos. Ang isa pang dahilan ay shortsightedness. Ibig sabihin, ang nakikita natin at ang focus natin ay kung ano yung mga nararanasan natin ngayon. Kapag maraming problema, may mga unresolved conflicts, o may sakit, para bang pakiramdam natin ay pinagkakaitan tayo ng Diyos ng mga blessings.

Kaya napakalaking corrective para sa pagtingin natin sa reality—kung ano talaga ang totoo sa atin—ang doxology o words of praise ni Paul sa Ephesians 1:3-14. Pang-apat na bahagi na ito ng pag-aaral natin sa passage na ‘to. Tinuturuan tayo ni Pablo dito na tularan siya sa pagtingin sa mga blessings ng Diyos hindi lang sa material aspects nito, kundi ang pinakamahalaga sa lahat ay pinagpala tayo ng Diyos sa pakikipag-isa natin kay Cristo “with every spiritual blessing in the heavenly places” (v. 3). Tinuturuan tayo na tumingin hindi lang sa natural na naaabot ng mata natin sa mga circumstances na nangyayari sa buhay natin sa araw-araw. Kundi tingnan ang lawak ng pagpapala ng Diyos sa pagliligtas sa atin: past, present, and future.

  • Tinuturuan tayong tumingin sa walang hanggan sa nakaraan o eternity past: na pinili tayo ng Diyos “before the foundation of the world” (v. 4). Predestined o itinakda ng Diyos na tayo’y magiging mga anak niya. ‘Yan yung unang dalawang blessings na napag-aralan natin sa vv. 4-6, yung blessings of election and adoption.
  • Tinuturuan tayong tumingin sa glorious reality ng kasalukuyang kalagayan natin in union with Christ. Nasa atin na ang katubusan at kapatawaran sa ating mga kasalanan (v. 7). Nasa atin na ang kaalaman at karunungan na ipinahayag ng Diyos na hiwaga ng kanyang kalooban, kung paanong ang plano niya sa kasaysayan ay magkakaroon lahat ng katuparan sa pamamagitan ni Cristo (vv. 9-10). Ito yung ikatlo at ikaapat na blessings na napag-aralan natin last time sa vv. 7-10, yung blessings of redemption and revelation.
  • Bukod sa past and present reality ng salvation natin, tinuturuan din tayo sa passage na ‘to na tumingin sa future aspect, yung inaabangan pa natin na mangyari para malubos ang kaligtasang tinanggap natin. Nakita na natin yung pasulyap niyan sa verse 10 kung saan binanggit ni Paul yung plan ng Diyos “to unite all things in [Christ].”

Mas titingnan pa natin ‘yan ngayon sa vv. 11-14. Kung paanong sa unang bahagi ay mas prominente ang role ng Diyos Ama, at sa ikalawang bahagi naman ay ang Diyos Anak, dito naman sa ikatlong bahagi ay ang Diyos Espiritu. Pero siyempre, hindi magkakahiwalay ang gawa nila, nakakabit pa rin lahat sa plano ng Diyos at sa pakikipag-isa kay Cristo. At yung mga blessings na makikita natin dito ay magkakakabit din, kaya nga siguro isang mahabang sentence ang vv. 3-14 sa original Greek na pagkakasulat nito ni Paul, to give an impression na hindi lang nag-uumapaw ang yaman ng pagpapala ng Diyos, kundi ito rin ay isang whole package. Kung nasa ‘yo ang isang blessing, nasa ‘yo na ang lahat. Hindi pwedeng “elected” ka pero hindi ka naman “redeemed.” Hindi pwedeng tinanggap mo yung “revelation” na tinutukoy rito pero hindi ka naman “adopted.” Whole package.

Kaya nga tinatawag din ito na “golden chain of salvation.” Dugtong-dugtong, hindi mapuputol. Tulad ng sabi ni Paul sa Romans 8:28–30, “And we know that for those who love God all things work together for good, for those who are called according to his purpose. For those whom he foreknew he also predestined to be conformed to the image of his Son, in order that he might be the firstborn among many brothers. And those whom he predestined he also called, and those whom he called he also justified, and those whom he justified he also glorified.” Election, predestination, calling, justification, glorification: dugtong-dugtong ‘yan. Future pa nga yung glorification, pero para kay Paul past tense na, “glorified,” as good as done. Sigurado, walang palya na mangyayari para sa lahat ng nakay Cristo.

Similarly, dito sa text natin, makikita rin natin itong future aspect na ‘to ng salvation natin na siguradong nasa atin na. Sa verses 11-12 ay yung ikalimang blessing: inheritance o mana. Sa verses 13-14 naman ay yung sealing of the Spirit o pagtatak ng Espiritu sa atin. Ang plano ko ngayon ay mag-spend tayo ng ilang panahon para sa exposition ng apat na verses na ‘to para mas maintindihan natin kung ano ang sinasabi rito ng Salita ng Diyos. At sa bandang dulo ay titingnan natin ang theology at practical implications hindi lang ng four verses na ‘to, kundi ng buong verses 3-14.

Blessing #5: Inheritance / Mana (vv. 11-12)

Unahin muna natin itong verses 11 and 12 kung saan makikita natin ang inheritance o mana na kasama sa “every spiritual blessing” na ibinigay ng Diyos sa atin. Sabi ni Paul dito, “In him we have obtained an inheritance, having been predestined according to the purpose of him who works all things according to the counsel of his will, so that we who were the first to hope in Christ might be to the praise of his glory” (ESV). Tulad ng ginawa natin last time, magtatanong ulit ako ng ilang tanong at sasagutin natin ito mula sa passage na ‘to.

  1. Paano naging malaking pagpapala ang manang ito?

Obviously, isang malaking pagpapala na alam mong ikaw ay “tumanggap…ng isang mana” (v. 11 AB). At kung alam mo na ang Diyos ang pinakamayaman sa lahat, siya nga ang may-ari ng lahat, at ikaw ay isa sa mga anak ng Diyos (remember adoption sa verse 5?), do you realize kung gaano kalaki yung “mana” na tatanggapin mo? Hindi mo pwedeng sabihing, marami namang maghahati-hati, so hindi na malaki ‘yan. Kapag tao ang pinag-uusapan natin na limitado ang kayamanan, pwede mong sabihin ‘yan. Pero kapag Diyos ang pinanggalingan niyan, God being eternal and infinite, it is mindboggling kung gaano kalaki ‘yang inheritance na tinutukoy rito, hindi man natin fully ma-describe kung ano ito in detail.

Isa pang possible interpretation ng salitang ito sa Greek ay hindi yung mana na tatanggapin natin kundi tayo ang itinuturing na pag-aari ng Diyos. Tulad sa salin ng New English Translation, “we…have been claimed as God’s own possession.” At sa MBB, “Kami ay pinili ng Diyos mula pa sa simula na maging kanya…” Consistent naman ‘yan sa kung paano ituring ng Diyos ang kanyang mga pinili, tulad ng Israel sa Deuteronomy 4:20, “a people of his own inheritance”; at sa Deuteronomy 32:9 ,“the Lord’s portion is his people.”

In both cases, kung tumutukoy man ito sa mana na tatanggapin natin mula sa Diyos at sa katotohanang itinuturing tayo ng Diyos as his treasured possession, huge blessing ito para sa atin na mga mga adopted children of God (Eph. 1:5), at ito rin tulad ng redemption ay “according to the riches of his grace” (Eph. 1:7). Malinaw ‘yan sa Romans 8:17, “At yamang mga anak, tayo’y mga tagapagmana ng Diyos at kasamang tagapagmana ni Cristo” (MBB). At sa Galatians 3:29, “At kung kayo’y kay Cristo, kayo’y mga…tagapagmana ng mga pangako ng Diyos.”

  1. Paano natin matatanggap ang manang ito?

Nasa atin na ang manang ito. Paano napasaatin? Dahil pa rin kay Cristo. Hindi dahil mas masipag tayo sa ministry, o dahil mas mabait tayong mga anak. “In him we have obtained an inheritance” (Eph. 1:11). Nakita rin natin kanina ‘yan sa Romans 8:17 at Galatians 3:29, na tayo’y tagapagmanang kasama ni Cristo. Ibig sabihin, kung kabilang tayo kay Cristo, kung tayo ay nakakabit sa kanya, as our elder brother, kung ano ang manang tatanggapin niya, yun din ang sa atin. We are co-heirs with Christ. At paano tayo naging “in Christ”? Paano mo malalaman kung ikaw nga ay nakay Cristo? Sabi naman sa verse 12 ng text natin, “We who were the first to hope in Christ” (Eph. 1:12). Kung nasa loob ka ng church, hindi automatic na ibig sabihin ay “in Christ” ka na. Ang tanong, umaasa ka ba kay Cristo? Inilagak mo ba ang pag-asa mo kay Cristo, hindi lang noon, kundi hanggang ngayon, habang naghihintay ka na tanggapin ang kabuuan ng yaman ng mana na ipinangako ng Diyos sa ‘yo? Ipinagkakatiwala mo ba ang future mo kay Cristo, at patuloy ka bang umaasa sa kanya? Mahalaga ‘to kasi yung inheritance na ‘to (at least in its fullest sense) ay future pa. Wala pa sa mga kamay natin, hindi pa natin lubos na nae-experience, pero sa atin na, ibinigay na, garantisado na. Pinanghahawakan mo ba ‘yan?

  1. Ano ang nag-udyok sa Diyos para bigyan tayo ng manang ito?

Again, ang sagot ay hindi dahil sa anumang qualifications na meron tayo, o dahil sa laki ng pananampalataya at pag-ibig natin sa Diyos. Walang anumang dahilan outside of God na nag-udyok sa kanya para ipagkaloob ito sa atin, tulad ng iba pang mga blessings na pinag-aralan natin. Ang pinakasagot: ang Diyos ang dahilan. Balikan natin ang verse 11, “In him we have obtained an inheritance, having been predestined according to the purpose of him who works all things according to the counsel of his will” (Eph. 1:11). Mahalaga yung line na ‘to especially sa mga original readers ng letter para ma-rule out yung associated idea sa salitang ginamit sa “we have obtained an inheritance.” Isang word lang ‘yan, na ang root word ay kleroo, na pwedeng ibig sabihin ay may kinalaman sa “casting of lots,” na para bang may palabunutan o raffle tapos ikaw ang nabunot randomly. Rather, ito ay tungkol sa pasya ng Diyos na ibigay sa atin ang gusto niyang ibigay sa atin, tulad ng inheritance na tinanggap ng mga Israelita pagpasok nila sa lupaing ipinangako ng Diyos.

Kapag sinabing “predestined” (binanggit din sa verse 5 about our adoption), ibig sabihin ay noong una pa, from eternity past, ay itinakda na ng Diyos na tanggapin natin ang manang ito. Hindi siya passively naghihintay para makita kung sino ang magre-respond in faith sa message of the gospel. Alam niya kung sino dahil siya ang pumili at nagtakda kung sino. Kapag naman sinabing ito ay “ayon sa layunin niya” (AB), ibig sabihin ay may plano siya na mangyari, at ayon sa plano niya ay tatanggapin natin ang manang ito, at walang makakasira o makahahadlang man lang sa katuparan ng plano niya. Kapag sinabi naman tungkol sa Diyos na siya’y “gumagawa ng lahat ng mga bagay ayon sa kanyang pasiya at kalooban,” nangangahulugang hindi lang itong pagbibigay ng inheritance ang sakop ng kanyang sovereign will, hindi lang din yung mga blessings na nakasulat sa passage na ‘to, kundi “lahat ng mga bagay.” Binanggit na rin niya ‘to sa verse 9, “his will, according to his purpose,” at sa verse 5, “according to the purpose of his will.” Kaya nga makatitiyak tayo sa na “all things work together for good, for those who are called according to his purpose” (Rom. 8:28).

Bakit? Ano ba yung “counsel of his will,” yung “kanyang pasiya at kalooban”? Kapag tayo ay nagpaplano, meron tayong mga kasama na nagbibigay sa atin ng counsel o payo kung ano ang pinakamainam na gawin. Pero kapag ang Diyos ang nagplano, hindi niya kailangan ng sinumang advisors. Hindi niya kailangan ng input ng iba. Diyos siya! Kapag nagpasya siya, yun na yun. Bakit ako at hindi ang iba ang pinili ng Diyos? Bakit itinakda ng Diyos na bigyan ako ng ganitong “overwhelmingly gracious” na blessing at hindi kaunti lang? Kasi gusto niya, ‘yan ang plano niya, ‘yan ang kalooban niya. Sa halip na magprotesta tayo sa sovereignty ng Diyos in our salvation, we submit humbly and gladly to his good will for us.

  1. Ano ang pinakalayunin ng Diyos sa pagbibigay ng manang ito?

Ang sagot: “so that we…might be to the praise of his glory” (Eph. 1:12). Pareho rin sa verse 6, na siyang layunin kung bakit tayo pinili ng Diyos na maging mga anak niya, “to the praise of his glorious grace” (Eph. 1:6). Dahil nga siya ang Diyos at siya ang tagapagbigay, at tayo ang tagatanggap, hindi tayo ang karapat-dapat papurihan dahil sa pagbubukas natin ng kamay para tanggapin ang biyayang ito. Ang Diyos ang dapat papurihan dahil nakikita ang “glory” o kaningningan ng kanyang kabutihan at ang laki ng kanyang biyaya sa pagkakaloob sa atin ng manang ito. In response, pupurihin natin ang Diyos, ipapahayag natin ang pasasalamat natin sa Diyos sa pamamagitan ng mga prayers natin at ng mga awit natin, in private at especially in public.

Blessing #6: Sealing of the Spirit / Pagtatak (vv. 13-14)

Now, paano tayo makakasigurado na ang manang tinutukoy rito ay matatanggap talaga natin nang buong-buo, hindi babawiin, hindi babawasan, at hindi magbabago ang isip ng Diyos—lalo na sa panahong hirap na hirap tayo, o nag-iistruggle tayo sa kasalanan, o nagdududa tayo sa mga salita ng Diyos? Ang sagot ay nasa ikaanim na spiritual blessing: ang sealing o pagtatak ng Espiritu sa atin. Sabi ni Paul sa verses 13 at 14, “In him you also, when you heard the word of truth, the gospel of your salvation, and believed in him, were sealed with the promised Holy Spirit, who is the guarantee of our inheritance until we acquire possession of it, to the praise of his glory.” This time, tatlong tanong ang sinasagot ng verses na ‘to.

  1. Paano naging malaking pagpapala ang pagtatak ng Espiritu?

Tayo ay “sealed with the promised Holy Spirit.” Particular work ito ng Holy Spirit. Iba ang binibigyang-diin dito, hindi tulad ng indwelling of the Spirit, o baptism of the Spirit, of being filled with the Spirit. Ito naman, sealing of the Spirit. Binanggit ulit ito sa Ephesians 4:30, “And do not grieve the Holy Spirit of God, by whom you were sealed for the day of redemption.” Itong sealing of the Spirit ay isang mahalagang ministry ng Holy Spirit na katuparan ng pangako ng Diyos Ama at Diyos Anak, kaya “the promised Holy Spirit.” Ang pagdating ng Holy Spirit sa Acts 2 ay katuparan ng “ipinangako ng Ama” (Acts 1:4), na ipinangako rin ng Anak (John 14:26; 16:7). Ipinangako at ipinadala ng Ama at ng Anak. Another indication na hindi magkakahiwalay gumawa ang tatlong persona ng Trinity.

Ang salitang “seal” o “tatak” ay tumutukoy sa isang property na may tatak ng may-ari, so nagsi-signify ito ng ownership, kung sino ang may-ari sa atin. So ang Espiritu na nasa atin ang tanda o marka na pagmamay-ari tayo ng Diyos. God owns us. We belong to God as his treasured possession. Pero itong “seal” ay hindi lang nag-iindicate ng ownership. Kasali rin dito ang idea ng safety and security. Dahil ang Diyos ang nagmamay-ari sa atin, at ang kanyang Espiritu ay nasa atin, meron tayong garantiya na itong mana na nakapangalan sa atin ay hindi na mawawala.

Itong tatak bilang garantiya ay galing sa verse 14, na tinukoy ang Holy Spirit na “the guarantee of our inheritance until we acquire possession of it.” Kapag sinabing “guarantee” (Gk. arrabon), tumutukoy ito sa first installment o downpayment. Kapag nagbibigay ka ng downpayment, sa contractor ng isang construction project o sa pagbili ng isang brand new car, nagbibigay ka ng garantiya na babayaran mo yung kulang para ma-full payment. Pero kapag tao ang gagarantiya, kahit malaki pa ang downpayment, hindi mo pa rin siguradong maibibigay niya yung kulang. Pwedeng magbago ang isip, o ma-bankrupt. Pero kung Diyos na may isang salita at walang hangganan ang kayamanan, ‘yan ang totoong garantisado. Ibinigay nga niyang downpayment yung Holy Spirit. Hindi naman isang bagay yung binigay niya, Diyos yun, siya mismo. Ano pa ang kulang dun? Siyempre nasa atin na ang lahat kung nasa atin ang Diyos. He is our inheritance! Kung may kinasasabikan ka pang ibang inheritance na higit sa Diyos, you are missing the point of everything.

Pero yung fullest experience ng blessing na yun ay hinihintay pa natin, “until we acquire possession of it,” na pwede ring isalin na “hanggang sa makamit natin ang katubusan natin.” Ito rin naman kasi yung sinabi ni Paul sa Ephesians 4:30, “you were sealed for the day of redemption.” Oo, tinubos na tayo ni Cristo, past tense na yung redemption na yun, pero yung fullness of our redemption future pa. Kaya nga sinabi ni Paul na dumadaing tayo “inwardly as we wait eagerly for adoption as sons, the redemption of our bodies” (Rom. 8:23). Sigurado tayo na hindi tayo naghihintay sa wala, dahil “nilagyan niya [tayo] ng kanyang tatak at pinagkalooban ng kanyang Espiritu bilang patunay (o garantiya) na tutuparin niya ang kanyang mga ipinangako” (2 Cor. 1:22 MBB).

  1. Paano natin matatanggap ang tatak na ito?

Hindi na nakakapagtaka ang sagot, tulad din sa mga nauna, “In him you also, when you heard the word of truth, the gospel of your salvation, and believed in him.” Nakadepende pa rin ito kay Cristo at kung tayo ba ay nakay Cristo. Again, ang point ay para bigyang-diin ni Pablo na ang pakikipag-isa kay Cristo ay crucial, essential, at hindi optional. Kung wala ka kay Cristo, hindi mapapasayo ang kanyang Espiritu. Pero dito, merong special emphasis si Pablo sa kahalagahan na marinig natin ang gospel. Ibig sabihin, hindi mangyayari itong sealing of the Spirit kung walang preaching of the gospel at walang response of faith dun sa napakinggang mensahe. Sa pasya ng Diyos, itinakda niya na ang instrumento at paraan para matanggap natin ang blessing na ito ay sa pamamagitan ng pananampalataya sa mabuting balita na napakinggan natin.

Mahalagang-mahalaga ang gospel. Don’t expect na mapapasayo kahit isa man lang sa mga pagpapalang ito kung babalewalain mo at ire-reject mo ang gospel message—ang mabuting balita na ginawa ng Diyos ang hindi natin magagawa para maligtas tayo sa ating mga kasalanan at sa parusang nararapat dito, at ito ay sa pamamagitan ng pagpapadala ng kanyang Anak na si Jesus na siyang tunay na Diyos at tunay na tao, na namuhay na matuwid perfectly, at namatay sa krus para akuin ang kasalanan natin, at sa ikatlong araw ay muling nabuhay, para ang sinumang magsisisi sa kanilang kasalanan at sasampalataya kay Cristo ay magkakaroon ng kapatawaran, maituturing na matuwid sa harap ng Diyos, mailalapit muli sa Diyos, at magkakaroon ng buhay na walang hanggan. ‘Yan ang “word of truth, the gospel of your salvation.” ‘Yan ba yung katotohanang pinaniniwalaan mo? O meron kang ibang “distorted version” nito na pinaniniwalaan, yung version na nagsasabing basta magsikap ka lang gumawa ng mabuti maliligtas ka, o yung nagsasabing dahil mahal ka ng Diyos pwede mong gawin kahit ano ang gusto mong gawin? Walang ibang makakapaggarantiya ng kaligtasan maliban sa totoong gospel. Any other version nito ay magdudulot ng kapahamakan—garantisado ‘yan. ‘Wag kang magbabaka-sakali. Dun tayo sa totoo, sa sigurado, sa maaasahan. Linyahan ng mga pulitiko ‘yan ngayon, pero kay Cristo lang talaga garantisado.

  1. Ano ang pinakalayunin ng Diyos sa pagtatak na ito?

Alam na natin ang sagot kung para saan lahat ng ito. Tulad din sa verse 6 at verse 12, dito naman sa verse 14, “to the praise of his glory.” Tinatakan tayo ng Espiritu hindi lang para sa ikabubuti natin (para makatiyak tayo sa kaligtasan natin), kundi para sa kaluwalhatian ng Diyos. Ito ang pinakadulo ng lahat ng ito. Kaya nga ang unang-unang petition sa Lord’s Prayer ay, “Hallowed be your name.” Ibig sabihin, magnify your name, glorify your name, do everything to make your name great! ‘Yan nga ang dahilan kung bakit ginagawa ng Diyos ang lahat ng ito for our salvation—for the glory of his name.

Theology of Ephesians 1:3-14

Pagkatapos nating makita ang “every spiritual blessing” na bigay sa atin ng Diyos—election, adoption, redemption, revelation, inheritance, sealing of the Spirit—susubukan ko ngayong i-summarize ang ilan sa mga doctrinal highlights ng verses 3-14. Mahalagang tandaan at balik-balikan natin ito lalo na sa mga panahong nadi-discourage tayo, o nao-overwhelm ng mga problema, o humihina ang pananampalataya.

  1. Sovereignty of God: Ang makapangyarihang kalooban ng Diyos sa ating kaligtasan

Ang kaligtasan natin ay hindi nakasalalay ultimately sa desisyong ginawa natin kundi desisyon at kalooban ng Diyos. “The purpose of his will” (v. 5), “his will, according to his purpose” (v. 9), “the purpose of his will…the counsel of his will” (v. 11). Kapag siya ang nagpasya, nagplano, mangyayari. He is sovereign over all things, including our salvation.

  1. The Trinity: Ang nagkakaisang gawa ng Ama, Anak, at Espiritu sa ating kaligtasan

Ang Diyos Ama ang nagbuhos sa atin ng mga spiritual blessings (v. 3), ang pumili sa atin (v. 4), ang kumupkop sa atin na maging mga anak niya (v. 5). Ang Diyos Anak ang tumubos sa atin (v. 7). Ang Diyos Espiritu ang tatak at garantiya na tatanggapin natin ang kalubusan ng mga pagpapalang ito (vv. 13-14). Ang Ama ang nagplano ng kaligtasan, ang Anak ang nagsakatuparan, ang Espiritu ang naglapat nito sa buhay natin.

  1. Union with Christ: Ang pakikipag-isa natin kay Cristo na siyang pinanggagalingan ng lahat ng pagpapalang espirituwal

Pinagpala tayo “in Christ” (v. 3), “in the Beloved” (v. 6), si Cristo yun. Pinili tayo ng Diyos “in him” (v. 4). Naging mga anak tayo ng Diyos “through Jesus Christ” (v. 5). Meron tayong redemption “in him” (v. 7). Ang layunin ng Diyos itinakdang niyang mangyari “in Christ” (v. 9). Mabubuo lang ang lahat sa plano ng Diyos “in him” (v. 10). Meron tayong inheritance “in him” (v. 11). Tinatakan tayo ng Espiritu “in him” (v. 13). Paulit-ulit ‘yang si Paul para ipaalala sa atin ang mga incredible blessings na nakakabit kay Cristo. Without Christ, walang-wala tayo. With Christ, we have everything.

  1. Conversion: Ang pananampalataya sa mabuting balita bilang paraan ng Diyos para matanggap natin ang mga pagpapala ng kaligtasan

Of course, mararanasan lang natin in our actual personal experience itong union with Christ kung kakapit tayo sa kanya by faith in him. Nakita natin ‘yan kanina sa verses 12 at 13. Nakakapit ka ba kay Cristo ngayon? Nakakabit ka ba kay Cristo? Napakahalagang tanong na kailangan mong sagutin. Kung hindi ka pa sigurado, makipag-usap ka sa mga elders o sinumang members ng church.

  1. The Grace of God: Ang yaman ng biyaya ng Diyos na tinanggap natin sa ating kaligtasan

Hindi lang konti, kundi lahat ng pagpapalang espirituwal (v. 3). Maaaring kulang ka sa material blessings, it doesn’t matter kung nasa ‘yo naman ang mga spiritual blessings na ‘to. Hindi lang ito “grace” na tinanggap natin kahit na tayo ay undeserving. Ito rin ay “glorious grace, with which he has blessed us” (v. 6). Ito ay “the riches of his grace” (v. 7). Napakalaki, napakayaman, napakainam na mga biyaya ang tinanggap natin. Oh, may the Lord forgive us for thinking of his blessings na para bang kakaunti lang!

  1. The Pleasure and Glory of God: Ang kasiyahan at kaluwalhatian ng Diyos bilang puno’t dulo ng ating kaligtasan

Mula simula hanggang dulo, it is all about God. It is not about us. Ang kaligtasan natin ay never about us. Nakuha natin ang kaligtasan na kailangan natin, ang mga biyayang kailangan natin, at para sa anong layunin? Para purihin ang Diyos (v. 3), “to the praise of his glorious grace” (v. 6), “to the praise of his glory” (v. 12), “to the praise of his glory” (v. 14). Sa simula, sa gitna, sa dulo nito at ng lahat ng bagay at ng lahat sa kaligtasan natin ay ang kasiyahan ng Diyos na gawin ang lahat ng ito para sa kanyang kaluwalhatian. “Sapagkat mula sa kanya, at sa pamamagitan niya, at para sa kanya ang lahat ng mga bagay. Sumakanya nawa ang kaluwalhatian magpakailanman. Amen” (Rom. 11:36 AB).

Practical Implications of Ephesians 1:3-14

Ang tamang pag-unawa sa sinasabi ng Bibliya ay nagdudulot ng tamang paniniwala sa mga doktrina ng Bibliya. At kung may tamang doktrina, ang dulot naman nito ay tamang paglalapat din sa buhay natin. Dapat tayong mamuhay sa paraang akma sa doktrinang pinaniniwalaan natin. Ang mga doktrinang ito ay nangangailangan ng pagtugon sa buhay natin. Sa second half ng Ephesians, chapters 4 to 6, ay tatalakayin pa ito ni Pablo. Pero ngayon, magbibigay lang ako ng apat base sa mga napag-aralan na natin sa chapter 1.

  1. Assurance: Ang di-matitinag na katiyakan ng ating kaligtasan

Kung ang kaligtasan natin ay nakasalalay sa makapangyarihang kalooban ng Diyos, sa kanyang kabutihan, sa kanyang katapatan sa kanyang pangako, at sa reputasyon ng kanyang pangalan, meron tayong pambihirang katiyakan, a rock-solid assurance na hindi magigiba ng kahit sino at kahit anong pagsubok ang dumating sa buhay natin. Ganyan ba ang kumpiyansa na nasa puso mo ngayon? O meron pa ring pagdududa, takot, at pag-aalala sa mga nangyayari at mangyayari pa?

  1. Thankfulness: Nag-uumapaw na pasasalamat sa yamang tinanggap natin mula sa Diyos

Kung ganito pala karami at kalaki ang mga pagpapalang tinanggap natin, hindi ba’t nararapat na araw-araw, maya’t maya, tayong nagpapasalamat sa Diyos? Hindi lang kapag kakain, hindi lang kapag may bagong gadget, o sasakyan, o bahay. Higit pa rin, pinagpapasalamat ba natin na pinili tayo ng Diyos, na inampon tayo ng Diyos, na iniligtas tayo ng Diyos, na minahal tayo ng Diyos, na pinatawad tayo ng Diyos, na ibinigay niya ang kanyang sarili para sa atin?

  1. Evangelism and missions: Ang hangaring maibahagi sa iba ang mga pagpapalang ito

Kung ganito pala ang tinanggap natin mula sa Diyos, hindi ba’t mahahabag at maaawa tayo sa mga taong hanggang ngayon ay wala pa kay Cristo? Sa halip na mainis tayo sa mga pulitiko ngayon, hindi ba’t mas maaawa tayo dahil wala sa kanila si Cristo? Hindi ba’t ipagpe-pray natin sila para makilala rin nila si Cristo? Sa halip na makipag-away tayo sa kapitbahay natin, hindi ba’t gagawin natin ang lahat para maibahagi sa kanila ang mabuting balita ni Cristo? Ibabahagi natin sa iba ang mabuting balita na hindi nagtatanong sa isip natin, Pinili kaya sila ng Diyos o baka hindi?, kundi nahahabag dahil sila’y makasalanan na nangangailangan ng Tagapagligtas.

  1. Worship: Ang pinakalayunin ng pagliligtas sa atin ng Diyos at pag-abot natin sa ibang tao

Kaya nga tayong mga tinubos ni Cristo ay nagtitipon linggo-linggo para sama-sama nating sambahin ang Diyos. Ito ang pinakalayunin kung bakit tayo iniligtas. Ito ang layunin kung bakit inaaya natin ang mga kaibigan nating unbelievers, para sila rin ay sumamba sa Diyos. Kung bakit sinusuportahan natin at ipinapadala ang mga misyonero sa iba’t ibang lugar. Sabi nga ni John Piper sa simula ng Let the Nations be Glad, “Missions exists because worship doesn’t.” Hindi misyon ang pinakalayunin, kundi pagsamba sa Diyos. At ‘yan naman ang hinihintay natin, at ang lahat ng ito ay preview lang, patikim pa lang ng buhay na naghihintay sa atin for billions of years in eternity. Kung saan tayo kasama ang lahat ng mga lahi, wika, bansa, at lipi na tinubos ni Cristo ay magtitipon at magpupuri sa kanya at aawit, “Salvation belongs to our God” (Rev. 7:10). Kasali ka ngayon na umaawit sa Diyos, pero kasali ka ba sa araw na yun? Mangyayari lang yun if you are in Christ.

Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)

Sign up to get your free pdf

By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

Leave a Reply