Nalulungkot tayo dahil sa paglisan ni Kuya Vener, isa sa pinakamamahal na miyembro ng church natin, noong Lunes. Nakakabigla kasi kasama pa natin siya, masiglang-masigla at masayang-masaya last Sunday. Bumalik pa nga siya sa sermon discussion noong hapon kasi ang dami niyang mga reflections sa pinag-aralan natin. Pero sa kabila ng kalungkutang ito, masasabi rin natin ang tulad ng sinabi ni apostol Pablo na ang buhay Kristiyano ay “nalulungkot, gayunma’y laging nagagalak” (2 Cor. 6:10 AB). Nalulungkot kasi meron naman talagang dapat iiyak sa Panginoon. Pero hindi tayo nauubusan ng dahilan para magsaya at magpuri sa Panginoon. Tulad nga ng pinag-aralan natin last week sa Ephesians 1:3, “Blessed be the God and Father of our Lord Jesus Christ, who has blessed us in Christ with every spiritual blessing in the heavenly places.” Ang katotohanan na pinagpala tayo ng Diyos sa pakikipag-isa natin kay Cristo ng lahat ng pagpapalang espirituwal ay sapat para mag-umapaw sa puso natin ang kagalakan at pagpupuri sa Diyos.
Kaya itutuloy natin ngayon ang mahabang litanya ni Pablo ng mga pagpapalang nakasulat mula verse 4 hanggang verse 14. Iisa-isahin natin itong mga specific blessings na ‘to na tinutukoy ni Pablo. Ngayon, sa verses 4-6 ay yung pagpili sa atin ng Diyos Ama, sa verses 7-12 ay yung pagtubos sa atin ng Diyos Anak, at sa verses 13-14 ay yung pagtatak sa atin ng Espiritu. Chosen by the Father, redeemed by the Son, sealed by the Spirit—‘yan ang limpak-limpak na pagpapala na tinanggap natin mula sa Diyos. Walang anumang bagay sa mundong ito ang makatutumbas sa blessing na meron tayo kay Cristo. Take note na ang pagpapalang ito—ang kabuuan ng pagliligtas sa atin ng Diyos—ay trinitarian project. At dahil mula sa Diyos, ang mga pagpapalang ito ang tiyak na makapagbibigay sa atin ng pinakamataas na kasiyahan, God being our highest good. “Fullness of joy…pleasures forevermore” (Psa. 16:11) ang nasa atin dahil nasa atin ang Diyos at tayo’y nasa Diyos.
At meron din tayong pambihirang assurance dahil dito. Kung ito ay trinitarian project, ibig sabihin, ang Diyos na may-ari ng lahat at siyang arkitekto nito ang nagplano, ang Diyos din ang nagsakatuparan ng planong ito (the builder and the construction manager), at ang Diyos din ang tatapos nito—everything according to plan. Ang Diyos na nagpasimula nito ang siya ring tatapos nito (Phil. 1:6). Bagamat ikinakabit natin ang pagpili sa atin na gawa ng Ama, ang pagtubos na gawa ng Anak, at ang pagtatak na gawa ng Espiritu, ‘wag nating iisipin na magkakahiwalay silang gumagawa. Iisa lang ang Diyos—tatlong persona, yes, pero iisa. Ibig sabihin, sa paggawa ng Diyos sa pagliligtas sa atin, iisang gawa ito, hindi pwedeng paghiwa-hiwalayin. We distinguish, pero hindi natin pinaghihiwa-hiwalay. Tinatawag ito sa theology na “inseparable operations.”
Mahalaga ito sa pagkaunawa natin kung sino ang Diyos at ano ang ginawa niya para sa atin. Kaya ngayon, bagamat magkakadugtong talaga ‘to kaya nga isang sentence lang kay Pablo itong verses 3-14, iisa-isahin nating talakayin ang partikular na gawa ng bawat persona para mas mamangha tayo sa pagpapala na tinanggap natin mula sa Diyos. Simulan natin sa pagpili sa atin ng Diyos Ama. Basahin ulit natin ang verses 3-6:
Blessed be the God and Father of our Lord Jesus Christ, who has blessed us in Christ with every spiritual blessing in the heavenly places, even as he chose us in him before the foundation of the world, that we should be holy and blameless before him. In love he predestined us for adoption to himself as sons through Jesus Christ, according to the purpose of his will, to the praise of his glorious grace, with which he has blessed us in the Beloved. (ESV)
Ayon dito, bakit daw karapat-dapat purihin ang Diyos? Dahil pinagpala tayo ng Diyos ng lahat ng spiritual blessings. At ano ang isa sa mga blessings na ‘to? “Even as he chose us.” Heto ang doctrine of election. Kapag eleksyon, pumipili tayo ng kandidato na gusto nating iboto. Pero ang election na tinutukoy dito ay tungkol sa pagpili ng Diyos sa atin. Sino ang pumili? Ang Diyos. Sino ang pinili? Tayo. At sino yung “tayo” na ‘yan? Sila na mga nakay Cristo, malinaw ‘yan mula verses 1-3. Ang Diyos ang pumili kung sino ang gusto niyang iligtas. Kaya ang election ay hindi lang isa sa mga spiritual blessings, ito rin ang pasimula at dito dumadaloy ang lahat. Sabi ni John Calvin, “The foundation and first cause, both of our calling and of all the benefits which we receive from God, is here declared to be his eternal election” (Galatians and Ephesians, 197). Sabi pa niya, “This is the true fountain from which we must draw our knowledge of the divine mercy” (199). Ibig sabihin, kung walang pinili ang Diyos na maligtas, walang maliligtas, at hindi mapapasaatin ang anumang spiritual blessings na tinutukoy dito.
Kung maiintindihan nating mabuti ang doktrinang ito, mas lalo ka talagang mamamangha sa laki ng biyaya ng Diyos. Kaso, may mga Kristiyano ang nagpoprotesta sa doktrinang ito. Unfair daw ang Diyos. E paano na yung mga hindi pinili? Ang lupit daw ng Diyos. Pero, hindi naman talaga natin maiiwasan ang doktrinang ito kasi malinaw naman: “he chose us”/“pinili niya tayo.” Kung Kristiyano ka, totoong Kristiyano, pinili ka ng Diyos. At ang mga di-Kristiyano sa ngayon, pero at some point in the future ay mananalig kay Cristo para sa kanyang kaligtasan, kabilang din sila sa tinatawag na “elect” o “chosen ones.” Kapag may pinili, ibig sabihin, hindi lahat ay pinili. Tulad ng bansang Israel, sabi ng Diyos tungkol sa kanila, “…pinili ka ng Panginoon mong Diyos upang maging kanyang sariling pag-aari, mula sa lahat ng mga bayan na nasa balat ng lupa. Kayo’y inibig at pinili ng Panginoon…” (Deut. 7:6-7 AB). Ganito rin naman kasi ang tawag ni Jesus sa mga disciples niya, “the elect” o “mga hinirang” (Mat. 24:22, 24, 31). Si Paul ganun din, “the elect,” o “God’s elect” (Rom. 8:33; 2 Tim. 2:10; Tit. 1:1). Si Pedro ganun din (1 Pet. 1:1; 2:9). So, kung ikaw ay nakay Cristo, kahit nagpoprotesta ka pa sa doktrinang ito, ang katotohanan ay “pinili” ka.
Kung ano ang sinasabi ng Diyos, yun ang paniniwalaan natin, tatanggapin natin, kahit hindi pa natin lubos na naiintindihan, o kahit marami pa tayong tanong. Tulad ni Kuya Vener, niyaya daw niya si Ate Edith na bumalik nung hapon kasi meron nga tayong sermon discussion, kasi marami raw siyang gustong itanong sa akin tungkol sa sermon. Tapos nung may small group discussion na, kagrupo ko siya, marami nga siyang tanong, at napunta rin sa election, “Paano nga yung mga hindi pinili? Bakit ganito? Bakit ganoon?” Sabi ko lang, “Kuya Vener, ‘yan po ang pag-aaralan natin next Sunday.” Pero kinuha na siya ni Lord kinabukasan. Si Lord na bahalang sumagot sa mga tanong niya! Pero siyempre, ‘wag pa rin kayong matatakot magtanong, kahit marami, na baka kunin din kayo ni Lord! Okay naman siyempre ang magtanong kasi nga we want to learn together, at gusto pa nating makilala ang Diyos. So, I hope na masagot ang ilan sa mga tanong ninyo tungkol sa doktrinang ito kapag tiningnan natin ang itinuturo sa text natin. Hindi lahat siyempre, pero as we study this passage, ‘wag nating kalimutan na ginagawa natin ito para mas maunawaan ang salita ng Diyos, para mas makilala ang Diyos, para mas mamangha sa laki ng biyaya ng Diyos sa atin, at para mas lumalim pa ang pagsamba, pag-ibig, at pagsunod natin sa Diyos.
Sa mga talatang ito, we will focus on answering one question: Bakit tayo pinili ng Diyos? At sa tanong na ‘yan ay nakapaloob ang dalawang bahagi: Ano ang dahilan ng pagpili sa atin ng Diyos? at Ano ang layunin ng pagpili sa atin ng Diyos? Dahilan at layunin.
Pinili para sa Kabanalan (v. 4)
“in him”
Bakit nga ba tayo pinili ng Diyos? Kapag pipili ka ng iboboto mong kandidato, meron kang mga dahilan. Pwedeng dahil magaling siya, o nagpamigay ng ayuda, o dahil kakilala. Pero ano ba ang meron tayo na magtutulak sa Diyos para piliin tayo? Makasalanan nga tayo, ayaw pasakop sa Diyos, at ang sinusunod ay ang sarili nating kagustuhan (Eph. 2:1-3). Maliwanag na ang dahilan ng pagpili ng Diyos sa atin ay wala sa atin. Nakanino? “He chose us in him” (v. 4). Ang basehan ng pagpili ng Diyos ay wala sa atin, kundi nakay Cristo. Tulad ng nakita natin sa verse 3, na lahat ng spiritual blessings ay nakakabit kay Cristo, at tinanggap natin in union with Christ, ganun din ang blessing of election. Kung hindi dahil kay Cristo, hindi tayo pipiliin ng Diyos na maligtas. Sa personal na karanasan natin, ikinabit tayo kay Cristo—our union with Christ—sa oras na sumampalataya tayo sa kanya. Ang pananampalataya ang nagkakabit sa atin kay Cristo. Pero sa isip at plano ng Diyos, ikinabit na niya tayo kay Cristo from eternity past nang piliin niya tayo on the basis of who Christ is for us. Si Cristo ang tinatawag ng Ama na kanyang “Chosen One” (Luke 9:35; Isa. 42:1) at tayo ay pinili rin in union with Christ the Chosen One. So, ‘wag na ‘wag mong iisipin na may nakita ang Diyos sa ‘yo na magandang katangian o qualification para piliin ka ng Diyos. Dahil ang totoo ay wala! We are chosen in Christ.
“before the foundation of the world”
Pinili ba tayo ng Diyos dahil sa magiging desisyon natin na sumampalataya kay Cristo in the future? Na para bang tumingin ang Diyos ahead of time, kasi nga all-knowing siya at eternal. In that case, ang pagpili ng Diyos ay conditional sa future decision natin na piliin ang Diyos. Pero sinasabi sa verse 4 na ang pagpili ng Diyos ay “before the foundation of the world.” Ibig sabihin, bago ka pa ipanganak, bago pa nga likhain ang mundo, bago pa nga ang “panahon,” that is, from eternity past.
Madalis ginagamit na argument ang “foreknowledge” ng Diyos as basis of our election. Pinili raw tayo ng Diyos kasi nakita niya na pipiliin natin siya, dahil nga alam niya ang lahat ng mangyayari in the future, including your future decision to believe in Christ. That would make our choosing him the basis of his choosing us, so conditional. Kapag unconditional, ibig sabihin, wala sa knowledge niya of our future actions ang basis niya ng pagpili sa atin. Sabi sa Romans 8:29, “those whom he foreknew.” Sa MBB, “sa mula’t mula pa’y alam na ng Diyos kung sino ang magiging kanya,” nag-iimply na yung “knowledge” ng Diyos of the future ang basis ng pagpili ng Diyos. Ganun din sa ASD. Pero sa Ang Biblia, “ang mga nakilala niya nang una pa…” Mas akma, dahil hindi lang ito kasi intellectual knowledge, ito ay intimate knowledge. Ang “know” sa Scripture ay isang termino na ginagamit for intimacy, tulad ng kina Adan at Eba, “Adam knew Eve,” tapos nabuntis, so siyempre tumutukoy sa sexual intercourse (Gen. 4:1). Sa Amos 3:2 naman, sinabi ng Diyos tungkol sa Israel, “You only have I known of all the families of the earth.” Hindi ibig sabihin na walang alam ang Diyos sa ibang bansa. Ibig sabihin, God set his heart upon Israel, in a way na hindi katulad ng sa ibang bansa. Kaya si Pablo, reflecting sa pagpili ng Diyos sa Israel na galing kay Jacob (at hindi sa kapatid niyang si Esau), sabi niya, “Bagaman ang mga anak ay hindi pa isinisilang, at hindi pa nakakagawa ng anumang mabuti o masama, upang ang layunin ng Diyos ay manatili alinsunod sa pagpili, na hindi sa pamamagitan ng mga gawa, kundi doon sa tumatawag” (Rom. 9:11-12 AB).
So, from eternity past, pinili na tayong mahalin ng Diyos gayong hindi naman tayo kaibig-ibig. Again, wala sa atin ang dahilan, sa anumang katangian natin o magiging desisyon natin para sa kanya. Ang dahilan ay nasa Diyos. Ang this is a source of true comfort for us. Bakit? Kasi nakatitiyak tayo na hindi titigil ang Diyos na mahalin tayo dahil hindi naman siya nagsimulang mahalin tayo. “I have loved you with an everlasting love” (Jer. 31:3). “The steadfast love of the Lord is from everlasting to everlasting” (Psa. 103:17).
“that we should be holy and blameless before him in love”
Ang iba ay nag-oobject sa doctrine of unconditional election, “Kung totoo ‘yan, magiging dahilan ‘yan para sabihin ng mga Christians na dahil elect naman pala sila, at tiyak na maliligtas, pwede na silang mamuhay sa kahit anong paraan.” No. Kung alam natin kung para saan ba tayo pinili ng Diyos, hindi tayo mag-oobject ng ganito. Para saan tayo pinili ng Diyos? “That we would be holy and blameless before him in love” (LSB); “upang tayo’y maging banal at walang dungis sa harapan niya sa pag-ibig” (AB). Ano raw ang purpose ng election? Our sanctification. Ang Diyos na pumili sa atin ay banal na Diyos. Pinili tayo hindi dahil tayo ay banal o mas banal kaysa sa iba, o dahil nangako tayo na magpapakabanal. No, that’s not the basis. Rather, ang kabanalan ang layunin ng pagpili sa atin ng Diyos. At titiyakin ng Diyos na ganito nga ang mangyayari sa atin.
Ang salitang “blameless” o “unblemished” (NET) ay karaniwang ginagamit sa tupa na inihahandog, na ang katuparan siyempre ay nakay Cristo (Heb. 9:14; 1 Pet. 1:19). Si Cristo ang tupa na walang dungis na siyang inihandog para sa atin na mga marumi at makasalanan. Kaya dahil kay Cristo, we are positionally holy and unblemished, kaya tinawag tayong “saints” (Eph. 1:1). Sa paningin ng Diyos, dahil nasa atin si Cristo, tayo ay banal na at matuwid na. Pero hindi pa tapos ang Diyos. Ang layunin ng pagpili sa atin ng Diyos ay parehong layunin ng sakripisyo ni Cristo sa krus: upang tayo ay “maiharap niya sa kanyang sarili na nasa kagandahan nito, walang anumang dungis ni kulubot man, banal at walang anumang kapintasan” (Eph. 5:27 MBB). Sa araw-araw na buhay natin, progressive ‘yan, nagpapatuloy na gawa ng Diyos na pinababanal tayo hanggang sa pagdating ng araw na magiging perfectly holy tayo.
So, kung nakikita natin ang sarili natin na lumalago sa kabanalan, nagpupursigi sa paglaban sa kasalanan, binabago para maging katulad ni Cristo, nakukumpirma natin na tayo nga ay kabilang sa mga tinawag at pinili ng Diyos (2 Pet. 1:9-10). Pero paano kung hindi? If you are not growing in love—pag-ibig sa Diyos, sa kapatid kay Cristo, at sa pamilya—paano mo nasabi na kabilang ka sa mga pinili ng Diyos? Paano tayo lalago sa kabanalan kapag hindi tayo lumalago sa pag-ibig? Kaya nga nakakabit ang “in love” sa dulo nitong verse 4. Although sa ibang translation ay ikinakabit ito sa simula ng verse 5, tulad ng sa ESV, “In love, he predestined us.” Pero posible rin na dito siya talaga nakalagay sa pagiging holy, “holy and blameless before him in love.” Na siya rin namang pagkakagamit sa ibang bahagi ng Ephesians (Eph. 3:17; 4:2, 15, 16; 5:2). Ang point? Walang holiness kung walang pag-ibig.
So, ang pagpili sa atin ng Diyos ay hindi lisensya para mamuhay tayo sa kahit anong paraan na gusto natin. Actually, ito pa nga ang magmo-motivate at mag-eempower sa atin na mamuhay sa kabanalan at pag-ibig. Sabi ni Paul sa Colossians 3:12-14, dahil “minamahal at pinili” kayo ng Diyos, magmahalan din kayo sa isa’t isa, magpatawad, magpasensya. Mamahalin mo lang ba ang ibang tao, ang asawa mo, ang kapatid mo kay Cristo, kung karapat-dapat sila sa pagmamahal mo, kung naging mabuti sila sa ‘yo, kung minahal ka rin nila? Bakit? Ganun ka ba minahal ng Diyos?
Pinili para maging mga Anak ng Diyos (v. 5)
Malinaw sa verse 4 na pinili tayo ng Diyos hindi dahil sa taglay nating katangian o anumang magiging desisyon natin, kundi dahil kay Cristo, dahil sa pasya ng Diyos from eternity past, at para saan? Para sa kabanalan. Dito naman sa verse 5, sabi pa ni Paul, “he predestined us for adoption to himself as sons through Jesus Christ, according to the purpose of his will.”
“he predestined us”
Ano ang dahilan ng pagpili sa atin ng Diyos? Hindi dahil sa pinili nating ibigin ang Diyos, kundi dahil pinili tayong ibigin ng Diyos. Ang Diyos ang nagpasya unang-una, hindi tayo. Tulad ng sabi ko kanina, yung phrase na “in love” sa ESV ay nakakabit sa “he predestined us.” Pero kahit na hindi yun doon nakakabit, malinaw na ang motivation ng Diyos sa pagpili sa atin ay ang kanyang pag-ibig. Bakit ba pinili ng Diyos ang Israel? “Pinili niya kayo at inibig hindi dahil mas marami kayo kaysa ibang mga bansa, sa katunayan, kayo pa nga ang pinakakaunti sa lahat. Pinili niya kayo dahil sa pag-ibig niya sa inyo…” (Deut. 7:7-8 MBB). Hindi rin dahil mas matuwid sila kaysa sa iba, of course not (Deut. 9:4, 6). Pinili sila hindi dahil sa anumang katangian na meron sila. Pinili sila kasi minahal sila ng Diyos. Minahal sila ng Diyos kasi mahal sila ng Diyos! Sabi din ni Pablo, “Mga kapatid, nalalaman namin na kayo’y pinili ng Diyos na nagmamahal sa inyo” (1 Thess. 1:4).
Sasabihin ng iba, “Ibig sabihin ba hindi na mahal ng Diyos ang ibang tao? Paano naman ang John 3:16, For God so loved the world, di ba? Yes, totoo naman na mahal ng Diyos ang buong mundo kaya nga pinadala si Cristo para sa atin. Pero hindi ibig sabihin na bawat tao ay pinili ng Diyos na mahalin ayon sa sinasabi dito sa text natin. God set his special love upon his people. At dahil sa pagmamahal ng Diyos sa atin, bagamat unworthy tayo of his love, “he predestined us.”
Kapag sinabing “predestined,” ibig sabihin, kasama sa pagpili ng Diyos sa atin ang pagtatakda ng destinasyon o patutunguhan natin. Ang Diyos ang pumili sa atin at nagtakda ng destinasyon natin. Ibig sabihin, titiyakin niya na lahat ng pinili niya ay makakarating sa destinasyon na itinakda niya at ang mga daan na dapat lakaran para makarating dun. Kontra ito sa linya ng sikat na tulang Invictus na isinulat ni William Ernest Henley (1849–1903), “I am the master of my fate, I am the captain of my soul.” Hindi tayo ang may hawak ng buhay natin. Ibig sabihin ba nito na hindi na tayo responsible for our actions? Siyempre, may pananagutan tayo sa Diyos. Walang sinuman ang pwedeng sisihin ang Diyos dahil hindi siya naligtas. Ang isang tao ay mapapahamak hindi dahil sa kasalanan o pagkukulang o injustice ng Diyos. God is perfectly holy, righteous, and good. Ang isang tao ay mapapahamak dahil sa sarili niyang kasalanan.
“for adoption to himself as sons”
Pero para sa atin, ano ang patutunguhan natin? Para saan tayo pinili ng Diyos? “For adoption to himself as sons.” Pinili tayo ng Diyos para sa kanya mismo. Para tayo na dating malayo sa Diyos ay mailapit sa kanya. Ito yung glory of the blessing of adoption. Inampon tayo ng Diyos at itinuring na kanyang sariling anak. Itong “sonship” o pagiging anak ng Diyos ay binanggit din ni Paul sa marami pang pagkakataon (Gal. 4:5; Rom. 8:15, 23; 9:4). Wala ni isa man sa atin ang natural na anak ng Diyos. Si Cristo lang ang hindi adopted, but Son of God by nature. Wala rin tayong legal right para piliin ng Diyos na maging mga anak niya. By nature, children of wrath tayo (Eph. 2:3). Pero sa biyaya ng Diyos ay itinuring niya tayo na kanyang anak, with all the rights and privileges ng isang tunay na anak. Sa kultura natin, negatibo minsan ang dating kapag “ampon”: “Ampon ka lang!” Na para bang mas mababang klase kaysa sa isang biological children. Pero sa status natin bilang mga anak ng Diyos, and in light of the inheritance na nasa atin bilang mga anak, amazing privilege talaga ang ampunin ng Diyos. Much much better kesa sa pagiging children of wrath o mga anak ng diyablo na siyang kalagayan ng sinumang wala kay Cristo.
“through Jesus Christ”
At paano tayo piniling maging mga anak ng Diyos? Kapag mag-aampon ka, ano ang pipiliin mong maging anak? Siyempre yung pogi/maganda, matalino, mabait. Pero pinili tayo ng Diyos hindi dahil sa angkin nating mga katangian, as if we are better than others, kundi dahil kay Cristo. “Through Jesus Christ.” Siya ang minamahal na anak ng Diyos (v. 6). At tayo’y naging mga anak ng Diyos dahil kay Cristo. Totoo naman na nagdesisyon tayong sumampalataya at tanggapin si Cristo, kaya nga nagkaroon tayo ng pribilehiyo na maging mga anak ng Diyos at tawagin siya na ating Ama. Pero hindi tayo na-born again, o ipinanganak na muli at napabilang sa pamilya ng Diyos dahil sa desisyon natin. Hindi ang desisyon o human will natin ang decisive sa lahat ng ito. “Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos. 13 Sila ay naging mga anak ng Diyos, hindi dahil sa isinilang sila ayon sa kalikasan o sa kagustuhan o sa kagagawan ng tao, kundi ayon sa kalooban ng Diyos” (John 1:12-13).
“according to the good pleasure of his will”
Pinili ng Diyos na tayo’y maging mga anak niya hindi dahil sa sarili nating pasya o kagustuhan, kundi dahil sa kanyang kalooban, “according to the purpose of his will” (ESV); or, “the good pleasure of his will” (LSB). Ang “free will” ba ng tao ang decisive factor sa kalagayan natin ngayon na mga anak ng Diyos? Ayon sa verse na ‘to, hindi, dahil tayo’y pinili at tinawag na maging mga anak ng Diyos dahil sa “kabutihan ng kanyang kalooban” (AB). Totoong may kalayaan ang tao na magpasya kung ano ang gusto niyang gawin. Pero malinaw sa talatang ito na ang desisyon sa pagpili ng Diyos sa atin ay ayon sa sariling pasya ng Diyos. Ganun din sa Romans 9, “Sapagkat ganito ang sabi niya kay Moises, ‘Mahahabag ako sa nais kong kahabagan at maaawa ako sa nais kong kaawaan.’ Maliwanag kung gayon, na ang pasya ng Diyos ay nababatay sa kanyang habag, at hindi sa kagustuhan o pagsisikap ng tao” (Rom. 9:15-16 MBB).
Hindi ito nangangahulugan na pinipilit o pinupwersa ng Diyos ang tao na lumapit kay Cristo at maging mga anak niya against their will. May kapangyarihan ang Diyos na baguhin ang puso ng tao para magkaroon tayo ng new desires na lumapit kay Cristo para maligtas. Ito ay pagkilala na ang Diyos ang sovereign ruler sa paglikha at pagliligtas sa atin. Kung kalooban ng tao ang masusunod o ang magiging decisive factor sa salvation, wala ni isa man sa atin ang maliligtas. To recognize na ang Diyos ay sovereign sa kaligtasan natin ay magdudulot ng humility sa puso natin. Sa halip na magtanong tayo, “Bakit yung iba hindi pinili ng Diyos na maligtas?”, mas mamamangha tayo kung tatanungin natin, “Bakit ako?” Bakit nga ba? Wala tayong maisasagot kundi, “Dahil sa Diyos. Tanging dahil sa Diyos.” Wala talaga tayong maipagmamalaki.
Pinili para sa Kaluwalhatian ng Diyos (v. 6)
At itong pinakalayunin kung bakit tayo pinili ng Diyos ang sinabi ni Pablo sa verse 6. Para saan ang pagkapili sa atin ng Diyos? Para sa kabanalan, yes. Nakita natin ‘yan sa verse 4. Pero hindi lang basta banal na pamumuhay na hiwalay sa Diyos, as if posible yun. Kundi kabanalan “sa harap niya” o “before him” (v. 4). Pinili rin tayo para maging mga anak ng Diyos, “for adoption to himself as sons” (v. 5). Pinili tayo ng Diyos para sa Diyos. God is the end goal of our election. God is the end goal of our salvation. Kaya sabi ni Paul sa verse 6, pinili tayo “to the praise of his glorious grace, with which he has blessed us in the Beloved.” Nagsimula ang verse 3 sa pagpupuri sa Diyos. Nagtapos ang bahaging ito tungkol sa pagpili sa atin ng Diyos sa pagpupuri pa rin sa Diyos. Mula simula hanggang dulo, our God is worthy of praise.
“to the praise of his glorious grace”
Ano raw ang kapuri-puri sa Diyos? “His glorious grace.” Namamangha tayo sa biyaya ng Diyos. Pinili tayo ng Diyos bagamat hindi tayo karapat-dapat piliin nang higit pa sa iba. Minahal tayo ng Diyos bagamat hindi tayo kamahal-mahal. Ginawa tayong mga anak ng Diyos bagamat hindi tayo karapat-dapat. That is why this grace is “glorious.” Ibig sabihin, maluwalhati o nagniningning ang kagandahan. Parang isang regalo na ibinigay sa ‘yo ng asawa mo sa kabila ng kasalanan mo sa kanya, o ng tatay mo sa kabila ng pagsuway mo sa utos niya. Napakaganda, mamahalin, kaya hindi mo mapigilang sabihin sa kanya, “Salamat, salamat sa pagmamahal mo.”
“with which he has blessed us in the Beloved”
Ganito kalaki, ganito kaganda ang pagpapalang tinanggap natin dahil sa pagpili sa atin ng Diyos. “He has blessed us” with this grace, this glorious grace of our Father’s electing love. Balik na naman tayo sa verse 3 kung bakit karapat-dapat purihin ang Diyos Ama—dahil sa laki at dami ng spiritual blessings na ipinagkaloob niya sa atin. At paano napasaatin ang pagpapalang ito? Alam na natin ang sagot, sa verse 3 pa lang, “in Christ.” Sa verse 4, “in him.” Sa verse 5, “through Jesus Christ.” Dito ulit sa verse 6, “in the Beloved.” Sino ang “Beloved”? Si Cristo, ang minamahal na anak ng Diyos. Pinili tayo sa pamamagitan ng pakikipag-isa natin kay Cristo na siyang pinili ng Diyos. Minahal tayo ng Diyos sa pamamagitan ng pakikipag-isa natin kay Cristo na pinakamamahal ng Diyos. Itinuring tayong anak ng Diyos sa pamamagitan ng pakikipag-isa natin kay Cristo na Anak ng Diyos. Pinupuri natin ang Diyos dahil sa pagliligtas niya sa atin sa pamamagitan ni Cristo.
Conclusion
So, ano ang itinuturo sa atin ng verses 4-6? Karapat-dapat purihin ang Diyos dahil pinili niya tayo hindi dahil sa mabuting katangian natin kundi para tayo’y gawing banal sa pamamagitan ni Cristo, hindi dahil sa anumang meron tayo kundi para tayo’y maging mga anak ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo, hindi dahil tayo’y karapat-dapat kundi para sa kanyang kaluwalhatian.
Kaya kung ikaw ay isang Kristiyano, yun ay dahil pinili ka ng Diyos. Namamangha ka ba sa katotohanang pinili ka ng Diyos? O meron pa ring pagmamalaki sa puso mo na para bang meron kang anumang ambag sa pagpili ng Diyos sa ‘yo? Nahihirapan ka pa bang tanggapin na ang Diyos ang pumipili ng gusto niyang iligtas? O tingin mo pa rin ay unfair yun, na para bang walang kalayaan ang Diyos na gawin ang gusto niyang gawin—with perfect justice, perfect goodness, and perfect wisdom? O kung naniniwala ka na sa doktrinang ito, nagdudulot ba ito ng paglago mo sa kababaang-loob at pagmamahal sa Diyos at sa ibang tao? O ginagawa mo itong excuse para maging careless sa araw-araw na pamumuhay? Kung anak ka nga ng Diyos, namumuhay ka ba sa paraang nakalulugod sa Diyos? Kung hindi, paano mo nasabing anak ka nga ng Diyos?
Kung hanggang ngayon ay hindi ka pa Kristiyano, tandaan mo na walang anuman sa mga pagpapalang ito ng Diyos ang mapapasaiyo kung wala ka kay Cristo. ‘Wag mong sabihin, “Baka naman kasi hindi ako pinili ng Diyos.” Ang isipin mo, makasalanan ka, kailangan mo ang habag ng Diyos, kailangan mo si Cristo. Pagsisihan mo ang mga kasalanan mo, sumampalataya ka kay Cristo, dahil tanging si Cristo lang ang pag-asa mo. Hindi mo kayang pagtrabahuhan ang pagmamahal at pagliligtas ng Diyos sa sariling pagsisikap mo.
At para naman sa church natin, kung member ka ng church, o on the way man sa pagiging member, panghawakan natin ang katuruang ito tungkol sa malayang pagpili ng Diyos o sovereign and unconditional election. Hindi para gawing excuse na ‘wag na tayong mag-share ng gospel kasi ang Diyos naman ang bahalang magligtas sa mga pinili niya—tulad ng ginagawang excuse ng iba. Sa halip, prayer natin na ito ang gawing panggatong ng Diyos sa puso natin para mag-apoy ang puso natin sa masidhing hangarin na ikalat ang mabuting balita ni Cristo sa lahat ng tao, sa lahat ng dako, sa lahat ng lahi sa mundo. Dahil naniniwala tayo na ang Diyos na nagtakda kung sino ang ililigtas niya ay siya ring Diyos na nagtakda na ang karaniwang paraan para iligtas ang mga pinili niya ay sa pamamagitan ng tapat at malinaw na pangangaral ng mabuting balita ni Cristo. Anuman ang kapalit, anuman ang sakripisyong kailangan natin gawin, ipahayag natin sa lahat ng tao na merong Diyos na nagmamahal ng di-karapat-dapat mahalin. Nang sa gayon ay hindi lang tayo, kundi marami pa sa mga kapamilya at kaibigan natin, marami pa mula sa iba’t ibang bansa sa buong mundo ang magpuri sa Diyos at magsabi, “Sapagkat mula sa kanya, at sa pamamagitan niya, at para sa kanya ang lahat ng mga bagay. Sumakanya nawa ang kaluwalhatian magpakailanman. Amen” (Rom. 11:36 AB).
Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)
Sign up to get your free pdf
By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

