Kanina habang binabasa natin ang mga Awit 139, na mayroong 24 verses, medyo mahaba, pero parang yung feeling ko ay ayaw kong tigilan ang pagbabasa nito. Kahit pa ilang beses ko na itong binasa nang paulit-ulit. Sobrang nakaka-amaze ang mga katotohanan sa bawat salita na ginamit ng author sa kanyang katha na ito, na talagang nagpapakita kung anong relasyon meron s’ya sa Diyos, at kung gaano n’ya ito kakilala sa kanyang buhay o hindi lang basta kilala n’ya. Kundi yung kanyang malaking pagkaunawa sa katangiang ito ng Diyos. Katangian ng Diyos, na talagang sobrang yaman sa katotohanan. Weighty (loaded) in a sense, theological or strongly theological, dealing with such important doctrines as God’s omniscience, omnipresence, and omnipotence. Ang Diyos sa kanyang katangian, bilang Diyos na maalam sa lahat, nasa lahat ng dako o lugar at pinaka makapangyarihan sa lahat. Makikita natin yan sa bahaging ito, at least dito sa particular passage ng psalm 139 na inaaral natin.

Ganoon din, hindi lang ito doctrinal, but it is also wonderfully personal. It speaks of these attributes of God in ways that impact the psalmist (very personal). Kapansin-pansin ‘yan sa mga salitang ginamit dito na “ako,” “ko,” “aking”.
Ang Psalm 139 ay specifically dedicated to the “director of music” na obviously for worship uses in the temple. Si David ang nag-compose, then merong aawit nito or maaring itong choirmaster ay s’ya namang ituturo n’ya para awitin sa templo, bilang pagsamba at pagpupuri sa Diyos sa pamamagitan ng mga tula o awitin. Sa particular section na ito ng Awit 139, combination ito ng praise, appeal to God, and wisdom meditation. Kaya talagang makikita natin dito ang yaman ng konsepto o pagkaunawa sa katangian ng Diyos, na binanggit na rin natin kanina.

And at this point, nais kong tignan natin, kung saan ang goal ng ating pag-aaral na ito ay lalo nating makita, ma-appreciate, pagtiwalaan ang katotohanan ng Diyos sa kanyang mga katangian. It is important not only to know God more deeply but also to sincerely delight in Him. Yes, it’s for David, but it’s also true for us.” Why? Dahil sa ating Panginoong Jesu-Cristo. Tulad sa mga nakaraan nating pag-aaral sa psalms, mainam na alalahanin natin, na itong Old Testament book, na habang inaaral natin, kung saan nga ang mga Awit ay nakapaloob dito, o kahit ang iba pang mga aklat sa Bibliya – na Salita ng Diyos, na kapag ating pinag-uusapan at pinag-aaralan ay laging patungo o naka-tuon, walang iba kundi sa ating Panginoong Jesu-Cristo. It boils down sa katotohanang ito, directly and indirectly. Mamaya ay ating susubukang tignan ‘yan dito sa ating text.

Mahahati sa dalawang bagay ang ating pagtalakay, na bibigyang diin ang pinaka-paksa natin tungkol sa “Ang Kadakilaan at Kapangyarihan ng Diyos.” At sa pagkakataong ito ay gusto nating makita ang ilang mga punto kaugnay sa paksang ito.

I. Ang kayamanan ng karunungan at kapangyarihan ng Dios sa ating buhay (vv. 1-18). The Abundance of wisdom and the supremacy of God in our lives.
II. Ang ating pagnanais para sa karangalan ng Dios (vv. 19-24). Our pursuit for God’s glory.

So tignan natin, at unawain ito, dahil napakahalaga or crucial, na dapat tama ang pagkakilala natin sa Diyos. Our understanding of who God is will lead us to higher thoughts about God, leading us to high worship and holy living. Sa madaling salita, hindi tayo dapat magkamali sa pagkakilala at pagkaunawa natin sa Diyos, bagamat naiintindihan natin na hindi man madalas, pero minsan ay sumasablay pa rin tayo sa bagay na ‘yan. Sa paanong paraan? Syempre kapag hindi natin nasusunod ang kalooban ng Diyos sa ating buhay o kaya’y sa halip na tignan natin si Cristo at itampok sya sa ating mga puso at buhay, ay tayo ang nasusunod. Kaya’t hindi natin o nagiging mali tayo sa pagkakilala sa Panginoon, kapag ang ating pamumuhay or yung life applications, in response to his word ay salungat sa hinihingi ng kanyang banal na salita. Kaya napakahalaga na pinag-aaralan ang kanyang salita, hindi lang kapag Linggo tulad ngayon, kundi maging sa araw-araw ng buhay natin, na ang ibig sabihin on a regular or consistent basis. At salamat sa Diyos dahil sapat ang biyaya n’ya at karunungan para sa atin na magpapa-alala, na kailangan nating malaman tungkol sa kanya, para sa ating kaligtasan, para sa kapatawaran ng ating kasalanan, at pagpapatuloy sa pamumuhay sa kabanalan at pagbibigay papuri sa kanya. Lahat ng ‘yan ay makikita sa Salita ng Diyos, na ni-reveal naman n’ya sa atin. And we thank the Lord for that, salamat at purihin ang Diyos sa bagay na ‘yan.
At sa punto ring ‘yan ay thankful tayo sa Panginoon, dahil ang ating church ay may mga pastor/elders na sobrang sikap para ituro at ibahagi sa atin nang may katapatan ang Salita ng Diyos. Ganoon din sa tulong ng iba pang nagtuturo sa ating church, mula sa ibang kalalakihan, ganoon din sa ilang kababaihan sa kapwa nila kababaihan. At maging sa mga bata.

Bago lang ako magpatuloy, samantalahin ko na rin ang pagkakataon na magpasalamat, at i-appreciate ang ating mga preachers and teachers sa ating church (sa preaching, equipping class, of course, maging sa context ng ating mga discipleship group (GraceComm/small group). Nito lang, salamat sa Panginoon, sa aming katatapos na “Kabisig” outing and retreat, sa mga nag-step up para mag-share ng Word/devotion sa group (baka may balitaan kayo na nagpasarap lang kami sa Villa Elisa, kasama naman ‘yon, pero syempre marami kaming natutunan. Mamaya makipag-kwentuhan kayo sa mga sumama ☺) Of course, at ang marami sa atin na nagbabahagi ng salita ng Diyos (gospel) sa iba. So praise God!

So let’s proceed dito sa ating text. Kung mapapansin n’yo napakaganda ng pagkakaayos ng Psalm 139. Sa ilang stanzas na meron ang bahaging ito, mayroong apat na recognizable parts ito. Una ay sa verses 1-6 na mababasa mismo sa mga talatang ito, ay ang pagpupuri sa Diyos dahil sa kanyang katangian sa pagiging Diyos na nakaaalam ng lahat, hindi lamang kung ano ang mangyayari bukas o sa hinaharap, kundi maging ang nakaraan, at ang kasalukuyan. Susunod dito ay ang verses 7-12, pagpupuri sa Diyos sa kanyang katangian bilang Diyos na sa lahat ng dako ay naroon s’ya, or praise to God for his omnipresence. Then, verses 13-18 ay ang pagpupuri sa Diyos or praise to God for his omnipotence (sa kanyang kapangyarihan) lalo na sa pagkakalikha mismo sa psalmist na author nito. At sa panghuli, verses 19-24 ay ang tugon n’ya rito. Sa bawat bahagi nito, tulad ng isang observation ng isang Christian author na si James Boice. Sa bawat sections kung saan mayroong 6 na verses, ay nahahati naman sa 2 parts each. Halimbawa nga nito ay yung verses 1-6, kung saan, ang unang apat na talata or the first 4 verses are descriptive, meaning they introduce the main idea of the section, yung 1-4, and then yung verses 5-6 ay tinatawag n’yang “reflective” o reflection duon sa kung ano yung dini-describe ng sumulat sa Diyos. Sa bahagi na ito, ang Diyos n’ya o ang Diyos natin bilang “omniscient God” same pattern up to the last part ng Psalm 139. Na sa akin ay tingin ko na pinakamalapit na pagbibigay pakuhulugan dito.

Well hindi lamang dahil sinabi ni James Boice, kundi ang mga talatang ito mismo ay nag-eexpress ng katotohang ito. Anong mababasa natin d’yan. Read again verses 1-6 “Ako’y iyong siniyasat, batid mo ang aking buhay, ang lahat kong lihim, Yahweh, ay tiyak mong nalalaman. Ang lahat ng gawain ko, sa iyo ay hindi lingid, kahit ikaw ay malayo, batid mo ang aking isip. Ako’y iyong nakikita, gumagawa o hindi man, ang lahat ng gawain ko’y pawang iyong nalalaman. Di pa ako umiimik, yaong aking sasabihi’y alam mo nang lahat iyon, lahat ay di malilihim. Ika’y laging kapiling ko, katabi ko oras-oras, ang likas mong kalakasan ang sa aki’y nag-iingat. Nagtataka ang sarili’t alam mo ang aking buhay, di ko kayang unawain iyang iyong karunungan.”

Hindi lang din basta expression lang ang sinasabi n’ya rito, kundi confession of wonder and adoration, dahil sa perfect wisdom mayroon ang Diyos n’ya. Yung unique quality of the knowledge possesed by God, na he knows all thing and sees everything. Kumbaga walang lulusot, lalampas o mag-mimintis sa kanyang paninigin, and he knows them exhaustively.

Sa isang sulat ni Arthur W. Pink, to quote “God… knows everything; everything possible, everything actual; all events, all creatures, of the past, the present, and the future. He is perfectly acquainted with every detail in the life of every being in heaven, in earth and in hell… Nothing espcapes his notice, nothing can be hidden from him, nothing is forgotten by him… He never errs, never changes, never overlooks anything.

Ang kanyang katangiang ito ay hindi natutunan ng Diyos, kanino man o saan man. S’ya ay perfectly wise, supreme, effortless sa kung ano ang nais n’yang gawin. Nalalaman n’ya kahit maging ang pinaka nilalaman ng ating mga puso, at walang anumang maitatago sa Dios. Sa ganitong katangian, karunungan ng Diyos ay ang pambugad sa anim ng talatang ito. Sa verse 1 “O Lord, you have searched me and known me!” Tiyak na nalalaman ng Diyos, ang kanyang iniisip, ginagawa, nakikita n’ya ito. O kahit bago pa s’ya umimik. Verse 4 Di pa ako umiimik, yaong aking sasabihi’y alam mo ng lahat iyon, lahat ay hindi malilihim. Ika’y katabi/kapiling sa bawat sandali, ang lakas mo ang sa aki’y nag-iingat.” And in verse 6 “Such knowledge is too wonderful for me, too lofty for me to attain.”

Sobrang laking katotohanan nito, kaya para sa kanya ay hindi n’ya lubos o kayang unawain. Sa letter ni Pablo sa Romans 11:33-36 sa sinabi n’ya rito, sa kanyang doxology/papuri sa Diyos “Lubhang napakasagana ng kayamanan ng Diyos! Di matarok ang kanyang karunungan at kaalaman! Sino ang makakapagpaliwanag ng kanyang mga kapasyahan? Sino ang makakaunawa ng kanyang mga pamamaraan? Gaya ng nasusulat, “Sino ang nakakaalam sa pag-iisip ng Panginoon? Sino ang maaaring maging tagapayo niya? Sino ang nakapagbigay ng anuman sa kanya na dapat niyang bayaran?” Sapagkat ang lahat ng bagay ay mula sa kanya, sa pamamagitan niya, at pag-aari niya. Sa kanya ang karangalan magpakailanman! Amen.

Naririnig na natin ang mga bagay na ‘yan, di po ba? Pero kung minsan, kung paano tayo mamuhay ay nagpapakita ng ating kawalan ng lubos na paniniwala at pagtitiwala sa Diyos at kung paano tayo nagbibigay papuri sa kanya. Nakakalimutan natin kung ano tayo o kung sino na ba tayo sa Diyos. The God of David is also our God. Ang katotohang ‘yan, ay para rin sa atin na mga nakay Cristo na. Mangamba ka kung ikaw ay wala pang pananampalataya o pakikipag-isa sa kanyang Anak. Katatakutan mo ito, dahil hindi makakaligtas sa makatarungang kamay ng Diyos o sa kanyang paningin ang sino mang makasalanan na dapat naman talagang tumanggap ng parusa, dahil ito naman talaga ang nararapat sa bawat isa sa atin dahil sa ating likas na pagiging makasalanan o rebelde sa Diyos. Pero sa habag at pag-ibig ng Diyos dahil kay Cristo, hindi imposible na makita ng Diyos ang ating puso na nagtatapat sa pangangailangan natin ng kanyang pagliligtas at kalinga, sa pamamagitan ng ating pagtalikod sa ating sarili, pagsisisi o paghingi ng tawad sa ating kasalanan at pagtitiwala/pananampalataya sa ginawa ng Panginoong Jesu-Cristo sa krus.
Kung kaya’t dahil sa pakikipag-isang ito sa kanya, nagkakaroon ng higit na saysay ang ating buhay na ang Diyos ang ating tunay na Diyos. Tulad ng psalmist, hindi takot, kundi pagkamangha sa Diyos ang kanyang nadarama at nakikita ng kanyang puso at isip kung sino ang Diyos na gumagawa sa kanyang buhay. Ito ay refuge n’ya, magandang ulitin, verse 5 “Ika’y laging kapiling ko, katabi ko oras-oras, ang likas mong kalakasan ang sa aki’y nag-iingat.

Tulad din ng mapanghahawakang katotohanan sa Matthew 1:23 “na ang Diyos mismo ay kasama natin..” Si Jesus bilang Emmanuel – na ang kahulugan nito’y kasama natin ang Diyos”

Secondly, Praise to God for His Omnipresence
Dito naman, ipinagpatuloy ng psalmist ang kanyang pagkilala sa kung ano pa ang nagagawa at magagawa ng kapangyarihan ng Diyos sa kanyang buhay. Hindi lang ang Diyos ay perpekto sa kanyang karunungan at pagkaalam sa lahat ng bagay, at sa kanyang buhay. Kundi maging sa lahat ng maaring puntahan n’ya ay naroon ang Diyos. Makikita natin ‘yan kung paano ito dinescribe ng psalmist sa (verses7-12). Again, not the idea na sya ay natatakot sa Diyos o gusto n’yang takasan ang Diyos, dahil may malaking atraso sya sa Panginoon, maaaring ito ay binibigyang diin pa n’ya ang katotohanan na talagang our God is omnipresent; he is everywhere, in all places, at all times, at maaring sinasabi nya rin dito ay para sa mga taong walang pagkakilala sa Diyos o mga kaaway n’ya. Kaya dinismiss nya yung assumptions na saan man s’ya pumunta, hindi s’ya maaalis sa paningin ng Diyos o pababayaan nito. Sa halip, ay pagpapakita ito ng katiyakan para sa kanya, na saan mang lugar tiyak ikaw ay naroon at kasama ‘ko. Ganon din sa verse 10 “Tiyak ikaw ay naroon, upang ako’y pangunahan. Matatagpo kita upang ako’y tulungan.” Verse 8 “Kung langit ang puntahan ko, tiyak na naroroon ka, sa daigdig ng mga patay, humimlay man ako’y ikaw din ang kasama.” Ang dalawang lugar na ito, una ang langit na pinakamataas, kung saan obviously naroon ang Diyos at ang daidig ng mga patay, na ginamit na salita sa MBB, o impiyerno na sa Hebrew word is Sheol. Na ang Diyos ay naroroon din, bilang hukom or he is there in his judicial aspect. Sabi pa ng author na si James Boice, “In fact, the thing that makes hell so terrible is that it is run by God. It is not ruled by the devil in spite of such popular descriptions of hell.” At alam nating walang anumang bagay na imposible sa Diyos na hindi n’ya kayang gawin, s’ya ang pinaka makapangyarihan sa lahat at namamahala sa lahat. Kahit ang kaaway na si Satan ay no match sa Diyos. Kaya nga si Satan, sa story kay Job, kung walang kapahintulutan ng Diyos ay hindi magagalaw si Job sa gusto mang gawin ng kaaway sa kanya.

Sa Amos, mababasa ang parehong language to describe the folly of people, na iniisip na sila’y makakatakas sa parusa o hatol ng Diyos sa mga masasamang ito. Amos 2:2 “Humukay man sila patungo sa daigdig ng mga patay, aabutan ko pa rin sila. Umakyat man sila sa langit, hihilahin ko silang pababa mula roon.”

In verses 9-10, “kung ako ay makalipad, umiwas na pasilangan, o kaya ang tirahan ko’y ang duluhan ng kanluran; tiyak ikaw ay naroon, upang ako’y pangunahan, matatagpo kita roon upang ako ay tulungan.” Lalo nang imposible, kahit ang layo ng silangan at kanluran ay hindi pa rin magagawa ng tao na takasan ang Diyos sa kanyang kapangyarihan. Siya’y naroon na, kahit saan mang sulok tangkain iwasan ang Diyos. Si Jonah ng subukan n’yang takasan ang Diyos ay hindi n’ya nagawa dahil hindi maaring magawa ito sa Diyos na makapangyarihan sa lahat.

Verses 11-12 “Kung ang aking pagtaguan ay ang dilim na pusikit, padiliming parang gabi ang liwanag sa paligid; maging itong kadiliman sa iyo ay hindi dilim, at sa iyo yaong gabi’y parang araw na maningning, madilim ma’t maliwanag, sa iyo ay pareho rin.” Kung ang masama, kahit gumawa ng kasamaan sa dilim. Na normally, ginagawa ng mga masasamang loob o nang gumagawa ng kasalanan, maaaring iniisip na ito ay paraan upang makapagtago at hindi malantad sa masamang gawain. Pero, hindi pa rin natin magagawa o maitatago ito sa Diyos na nakakakita at nasa lahat ng dako. Ang madilim na lugar at maliwanag na lugar ay pareho lang sa kanya.
Sa kabilang dako, tulad ni David at tayo rin na mga nakay Cristo na, makakaasa tayo at may katiyakan sa matapat na Diyos na patuloy na kumakalinga at may hawak ng ating buhay, na hindi hihinto kailanman para pangalagaan ang mga nasa kanya o kanyang mga anak. Kahit pa sa anumang sitwasyon meron tayo, ito man ay pagsubok, pag-uusig, kahirapan, karamdaman o kahit ang kamatayan, walang makapag-hihiwalay sa atin sa Diyos na nasa atin na.

Heidelberg Catecism Question 28: Ano ang kapakinabangan para sa atin na malaman na nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay at patuloy Niyang inaalagaan ang mga ito sa pamamagitan ng Kanyang pagkalinga?
Sagot: Tayo ay magiging mapagtiis sa pagsubok, Mapagpasalamat sa kasaganaan, At sa pagharap sa kinabukasan ay magkaroon tayo ng matatag na katiyakan sa ating matapat na Diyos at Ama na walang anumang nilikha ang makapaghihiwalay sa atin sa Kanyang pag-ibig; Sapagkat ang lahat ng nilikha ay lubusang nasa ilalim ng Kanyang kapangyarihan at maliban sa Kanyang kalooban ay ni hindi sila makakikilos.
Pero, sa sinumang paiiralin ang katigasan ng kanilang puso at ang kanilang pagmamataas sa kanilang sarili sa pagkalaban sa Diyos at patuloy na paggawa ng kasalanan. Hindi makakatakas ang tao sa Diyos na handang igawad ang kanyang hatol at parusa. “And no creature is hidden from his sight, but all are naked and exposed to the eyes of him to whom we must give account” (Hebrews 4:13).

Thirdly, verses 13-18, nakita natin sa mga nauna, that God knows all things, God is everywhere at all times, and at this point God is supremely powerful (omnipotent). Sa bahaging ito makikita natin ang kaugnayan ng mga katangiang ito ng ating Diyos sa bawat isa. Particularly, nang bigyang emphasis ng psalmist itong section ng verses 13-18 na may kinalaman sa pagkakalikha sa kanya ng Diyos. God can search man out not only because he sees him, but because He made him. Dagdag pa sa comment ng 2 christian author na sina Derek Kidner at H.C. Leupold – to quote “God not only sees the invisible and penetetrates the inaccessible, but is operative there, the author of every detail of my being.” What is being demonstrated is the fact that in his very being man (establishes) both the omniscience and omnipresence of God.

Ibig lang sabihin nito, walang ibang may akda o lumikha ng ating buhay kundi ang Diyos at kumikilos. Sobrang detalyado n’ya rito, not in the absract form ang makikita d’yan. Kung paanong ang Diyos ay kumilos, kumikilos sa kanyang buhay, as in literal na buhay, mula sa kanyang pagiging baby, actually from the very beginning of his life, sa sinapupunan pa lang ng kanyang ina. Actually, even before pa. Tignan at basahin nating muli.

“Ang anumang aking sangkap, ikaw, O Diyos, ang lumikha, sa tiyan ng aking ina’y hinugis mo akong bata. Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan, ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay; sa loob ng aking puso, lahat ito’y nakikintal. Ang buto ko sa katawan noong iyon ay hugisin, sa loob ng bahay-bata doo’y iyong napapansin; lumalaki ako roong sa iyo’y di nalilihim. Ako’y iyong nakita na, hindi pa man isinilang, batid mo kung ilang taon ang haba ng aking buhay; pagkat ito’y nakatitik sa aklat mo na talaan, matagal nang balangkas mong ikaw lamang ang may alam. Tunay, Yahweh, di ko kayang maabot ang iyong isip, ang dami ng iyong balak ay hindi ko nababatid; kung ito ay bibilangin, ay sindami ng buhangin, sasaiyo pa rin ako kung umaga na magising.

Sobrang nakamamangha ang katotohanang ito sa Diyos. Tulad ng ating nabasa sa verse 14. At magandang pansinin natin ‘yan. Sa ESV mababasa ang ganito “I praise you, for I am fearfully and wonderfully made…” sa footnote sa ESV nakalagay d’yan or “for I am fearfully set apart” Sa comment dito, you can also check sa inyong ESV Bible.
“This takes the word to be the term for God setting his people apart” – kumbaga, para itong katumbas na kahulugan na ibinukod/ set apart (sa Exodus 8:22-23, “Ngunit ililigtas ko ang lupain ng Goshen, ang tirahan ng mga Israelita. Hindi ko sila padadalhan ni isa mang langaw para malaman niyang akong si Yahweh ang siyang makapangyarihan sa lupaing ito. Sa pamamagitan ng kababalaghang gagawin ko bukas, ipapakita ko na iba ang pagtingin ko sa aking bayan at sa kanyang bayan.” Sa Psalm 4:3 same author, David “Dapat ninyong malamang itinalaga ni Yahweh ang matuwid, kapag tumatawag ako sa kanya, siya’y nakikinig) or making a distinction between them and those who are not his people. (So mababasa rin sa mga talatang ito sa Exodus 9:4; 11:7; 33:16). Kung paanong pinapakita rito ang kaibahan ng bayan ng Diyos o na kanyang mga hinirang, itong mga israelita.
Ganoon din maging sa ilang mga sinabi pa ng author ng Psalm 139, na si David sa iba pang nakatala sa mga Awit, na marami ay kinompose n’ya, na may connection sa talatang ito ng 139:14, during the early stages of his personal life.

Psalm 22:9-10 “Noong ako ay iluwal, ikaw, O Diyos, ang patnubay, magmula sa pagkabata, ako’y iyong iningatan. Mula nang ako’y isilang, sa iyo na umaasa, mula nang ipanganak, ikaw lang ang Diyos na kilala.”
Psalm 71:5-6: “Panginoon, sa iyo ko inilagak ang pag-asa, maliit pang bata ako, sa iyo’y may tiwala na. Sa simula at mula pa wala akong inasahang sa akin ay mag-iingat, kundi tanging ikaw lamang; kaya naman ikaw, Yahweh, pupurihin araw-araw.

Again this is the God of David, na pumili sa kanya na maging pastol ng mga tupa, upang maging hari ng kanyang bayan. At s’ya rin nating Diyos na pumili sa atin at itinalaga para sa mundo upang ipakilala s’ya bilang Diyos na pinaka makapangyarihan sa lahat, na karapat-dapat sambahin ng lahat ng lahi sa mundo.
At kung ito’y ating mauunawaan, talagang malaki ang babaguhin nito sa pagtingin natin sa Diyos. At ito yung patuloy na ipanalangin natin sa ating mga sarili, ganoon din sa bawat isa. Na sa ating pagkamangha sa Diyos, at sa napakalaking pribilehiyo ng pagkahirang n’ya sa atin, sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ay lalo pang magdulot ng alab sa ating mga puso ang ibigin ang Diyos sa ating mga buhay. At ang ating naisin bigyang kaluguran s’ya o karangalan sa lahat ng ating ginagawa at gagawin pa para sa kanya.

Sa huling bahagi nito, makikita ang tugon ng psalmist dito sa verses 19-24. It seems it is an imprecatory prayer, particularly verses 19-22. Parang ang bigat ng sinasabi dito ni David. The psalmist calling down judgment on the wicked, sa isang banda totoo naman, dahil kung ang masasama ay magpapatuloy sa kasamaan nilang gawa, ito ay tahasang pagkalaban sa Diyos. At nakita natin ‘yan kanina na ang parusa ng Diyos ay sasapitin ng mga taong ganito. Na ang psalmista ay talagang may pagpapaubaya sa makapangyarihang Diyos na makatarungan sa kanyang mga hatol. Ganoon din naman, sa puntong ito ay malamang na naiintindihan din n’ya na ang mga ganitong uri ng mga tao ay nangangailangan ng pagpapatawad ng Diyos. Dahil tulad n’ya s’ya rin ay isang makasalanan na kinahabagan lamang ng Diyos. Otherwise ang Diyos lamang ang nakasasaliksik ng mga puso at isip ng mga tao. Maaaring sinasabi n’ya rin dito sa verses 19-22 ay ang pagkamuhi n’ya sa mismong gawang masama at ang pagnanais n’ya na hindi gawin ang anumang magbibigay kalapastanganan sa kabanalan ng Diyos, o pagsuway sa kanyang kalooban o kagustuhan.

Kaya nga sa sumunod na mga talata ng 23-24, ang sabi n’ya rito,
“O Diyos, ako’y siyasatin, alamin ang aking isip, subukin mo ako ngayon, kung ano ang aking nais; kung ako ay hindi tapat, ito’y iyong nababatid, sa buhay na walang hanggan, samahan mo at ihatid.

He desires nothing less than comformity to God’s will. He closes by acknowledging that there are only two ways that a person can follow: one leading to destruction and the other to life and fellowship with God. Kung saan ito ang paanyaya ng mabuting balita ni Cristo sa lahat ng tao ang magkaroon ng mainam na relasyon sa Diyos o muling mapanumbalik sa Diyos dahil sa pagkakahiwalay ng tao sa kanya dahil sa kasalanan, sa pamamagitan ng pananampalataya sa Panginoong Jesu-Cristo. Dito ipinakita ng Diyos ang lubos na kapahayagan ng kanyang kapangyarihan nang siya’y magkatawang-tao at ipakita ang kanyang biyaya at pag-ibig sa pamamagitan ni Jesu-Cristo para sa ating mga makasalanan. At maranasan ang kanyang siguradong pagtingin, paglingap sa atin, na nakakakita at nakauunawa ng ating kalagayan, na s’yang ating kalakasan, karunungan at tulong sa ating pangangailangan, at s’yang kasama natin sa pagpapatuloy ng ating lakaring pananampalataya sa mundong ito, at pagsunod sa kanya. Na nagsabing kasama natin s’ya hangang sa katapusan ng panahon.

Ang ating Diyos ay lubos at perpekto, sa kanyang kapangyarihan walang maikukumpara. Magtitiwala ka ba sa Diyos o sa iyong sarili? Sama-sama natin itong pagbulayan sa ating puso, hindi lang sa bibig kundi patuloy na nakikita sa ating buhay bilang mga set-apart, bilang mga tinubos ni Cristo not individually but as a church also na makita ang malaking kaibahan natin sa mundong ito bilang mga anak ng Diyos. Nawa’y lalo pa nyang pasaganahin sa ating mga puso ang ating pagnanais na patuloy na sambahin at paglingkuran s’ya, lalo na dito sa kanyang iglesya na ipinagkaloob sa atin.

Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)

Sign up to get your free pdf

By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

Leave a Reply