(Awit 2 MBB)
1 Bakit nagbabalak maghimagsik ang mga bansa?
Sa sabwatan nilang ito’y anong kanilang mapapala?
2 Mga hari ng lupa’y nagkasundo at sama-samang lumalaban,
hinahamon si Yahweh at ang kanyang hinirang:
3 Sinasabi nila: “Ang paghahari nila sa atin ay dapat nang matapos;
dapat na tayong lumaya at kumawala sa gapos.”
4 Si Yahweh na nakaupo sa langit ay natatawa lamang,
lahat ng plano nila ay wala namang katuturan.
5 Sa tindi ng kanyang galit, sila’y kanyang binalaan;
sa tindi ng poot, sila’y kanyang sinabihan,
6 “Doon sa Zion, sa bundok na banal, ang haring pinili ko’y aking itinalaga.”
7 “Ipahahayag ko ang sinabi sa akin ni Yahweh,
‘Ikaw ang aking anak, mula ngayo’y ako na ang iyong ama.
8 Hingin mo ang mga bansa’t ibibigay ko sa iyo,
maging ang buong daigdig ay ipapamana ko.
9 Dudurugin mo sila ng tungkod na bakal;
tulad ng palayok, sila’y magkakabasag-basag.’”
10 Kaya’t magpakatalino kayo, mga hari ng mundo, ang babalang ito’y unawain ninyo:
11 Paglingkuran ninyo si Yahweh nang may takot at paggalang, sa paanan ng kanyang anak
12 yumukod kayo’t magparangal, baka magalit siya’t bigla kayong parusahan. Mapalad ang taong ang Diyos ang kanlungan.
(ESV)
1Why do the nations rage
and the peoples plot in vain?
2 The kings of the earth set themselves, and the rulers take counsel together,
against the Lord and against his Anointed, saying,
3 “Let us burst their bonds apart
and cast away their cords from us.”
4 He who sits in the heavens laughs; the Lord holds them in derision.
5 Then he will speak to them in his wrath, and terrify them in his fury, saying,
6 “As for me, I have set my King on Zion, my holy hill.”
7 I will tell of the decree:
The Lord said to me, “You are my Son;
today I have begotten you.
8 Ask of me, and I will make the nations your heritage,
and the ends of the earth your possession.
9 You shall break them with a rod of iron
and dash them in pieces like a potter’s vessel.”
10 Now therefore, O kings, be wise; be warned, O rulers of the earth.
11 Serve the Lord with fear, and rejoice with trembling.
12 Kiss the Son,lest he be angry, and you perish in the way,
for his wrath is quickly kindled.
Blessed are all who take refuge in him
Let’s Pray:
O makapangyarihang Dios na dakila, banal at walang katulad. Tunay na karapat-dapat ka sa aming pagsamba. Hayaan mo ang oras na ito ay patuloy na magpakilala ng iyong sarili na Dios na marunong sa lahat. Nawa’y ang iyong banal na Salita ay patuloy na makita namin kung gaano ito kahalaga sa aming mga buhay, na dapat sundin at pagtiwalaan ng buong puso. Samahan at gabayan kami ng Banal na Espiritu para sa aming patuloy na paglago sa pananampalataya, pamumuhay sa kabanalan, at ang lalo pang pakanasahin namin sa aming mga puso ang Panginoong Jesu-Cristo na maging sentro ng aming buhay, pamilya, ministeryo, sa Iglesya at kung paanong maipapakita ito sa mundong ginagalawan namin, na si Jesus bilang aming pastol, pari, propeta, panginoon at hari ng aming mga buhay.
Dahil ibinigay mo si Cristo na iyong Anak na nagsabing “Ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa ay nasa kanya na at syang kasama namin sa lahat ng panahon” (Matt.28:18-20) sa bawat-isa na sa kanya’y may tunay na pakikipag-isa. Na nawa’y magbigay sa amin ‘to ng malaking kumpiyansa sa pagpapatuloy sa buhay na ito na nakatingin lamang kay Cristo.
Salamat at purihin ka o Dios sa napakabuting balita na hatid ni Cristo para sa mundo.Nawa’y habang binubulay po namin itong Psalm 2, makita namin na ikaw ang Dios na dakila at makapangyarihan, na ang iyong paghahari ay lalong nahayag sa pamamagitan ni Cristo na iyong Anak..”na lubos mong minamahal at kinalulugdan”(Matt.3:17). At ang paghaharing ito kailanman ay hindi matatapos o matitinag man. Na amin nawang panghawakan sa buhay na ito. Ito ang aming panalangin ng may pagtitiwala sa Makapangyarihang pangalan ng aming Panginoong Jesu-Cristo. Amen!
Last Jan.7, kung maalala pa po n’yo, pinangunahan ko sa pag-aaral ang text sa Psalm 1. Kung saan, dito ay binahagi ko yung paksa na may kinalaman sa “the way of the righteous and the wicked.” yung 2 fundamental classes of mankind – sinners and righteous (blessed). Kaya itong Psalm 1, ay tinatawag na wisdom psalm. Binigyan natin emphasis yung idea na Mapalad ang taong sa kautusan ng Dios ay kasiyahan n’yang sundin ito. Ngunit ang taong gumagawa ng masama ay kapahamakan ang hantungan. [Blessed is the man who finds joy in the law of God and takes pleasure in obeying it. Conversely, those who engage in wrongdoing will face a serious end].
Bakit ko ito binabanggit dahil maganda lang na makita natin ang ilang kaugnayan nito sa ating text ngayon sa Psalm 2. Bagamat not in chronological order, pero mapapansin d’yan na sa Psalm 1, ang psalmist, same with psalm 2 ay hindi binanggit directly kung sino ang author. Psalm 1 emphasizes God’s law, while Psalm 2 focuses on prophecy or messianic psalm (kasama pa ang ilang mga references from psalm o itong pophetic book na ito, like in chapter 8, 16, 23, 40, 68, 102 and so on and so forth).
Bukod dito, tinatawag din itong royal psalm, at sa punto na ‘yan ay susubukan ko pong tignan natin ito. So itong types of psalm na ito ay makakatulong sa atin upang ma-appreciate natin ang meaning nitong text na ating pagbubulayan.
Again, the people in psalm 1 delight in the law, but the people in psalm 2 defy the law o pagsuway sa Dios (ayon sa theologian na si Warren Wiersbe).
Psalm 1 begin with beatitude, “Blessed is the man who walks not in the counsel of the wicked..”(na alluded o binabanggit sa N.T – itong pagiging mapalad/ pinagpala, sa sermon on the mount ng Panginoong Jesus, sa matthew 5) and then psalm 2 ends also with a beatitude, verse 12 “..Blessed are all who take refuge in him.” So ang ganda lang na makita natin ‘yan.
Kapansin-pansin din dito, na itong psalm 1 is never quoted sa N.T. while psalm 2 is quoted ng ilang beses sa Bagong Tipan, from Matthew, mark, luke, john, Acts, Hebrews, Revelation, ang daming text n’yan, hindi ko na lang binanggit. At dito sa Luke, sa chapter 24, partiularly in verses 27, 44, (ang context po nito ay matapos na mamatay ang panginoong Jesu-Cristo, s’yay dinala sa libingan, at alam natin sa ikatlong araw ay muli syang nabuhay. Noong sya’y puntahan doon ay naigulong na ang bato ng kanyang pinag-libingan at s’yay wala na roon. Na habang ang kanyang 2 alagad naman ay naglalakad papuntang emaus ay nagpakita sa kanila ang panginoong Jesus. So dito ay nagkaroon sila ng conversation sa Panginoon. Then dito ay ipinaliwanag nya sa kanila ang lahat ng sinasabi sa kasulatan). So sa luke 24:27 ganito ang mababasa “27 At ipinaliwanag sa kanila ni Jesus ang lahat ng sinasabi sa Kasulatan tungkol sa kanya, simula sa mga aklat ni Moises hanggang sa mga sinulat ng mga propeta.
44 Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila, “Ito ang tinutukoy ko nang sabihin ko sa inyo noong kasa- kasama pa ninyo ako: dapat matupad ang lahat ng nasusulat tungkol sa akin sa Kautusan ni Moises, sa aklat ng mga propeta, at sa aklat ng mga Awit.”
Kaya naman, tulad ng atin ng nababangit, kasama ng lahat ng kasulatan sa lumang tipan ay makikita na patungo ito walang iba kundi sa ating Panginoong Jesu-Cristo. Malaking pagkakamali sa pag-aaral natin, kung hindi natin ito makikita sa puntong ‘yan.
Bagama’t kanina na una kong nabanggit, na hindi tinukoy directly kung sino ang author ng psalm 2, unlike sa ibang mga kabanata nito na tumutukoy halimbawa kay David, kasi nakalagay doon mismo sa title palang (katha ni david, awit ni david etc.) At itong psalm 2 (yes hindi nakalagay yung author) pero in Acts 4:25-26 (bago na tin ito basahin).
Ang context nito ay ng palayain na sina pedro at juan, after na sila’y dakipin dahil sa kanilang pangangaral tungkol sa Panginoong Jesus. At yung kanilang ginawang pagpapagaling sa isang lalaking lumpo, buhat pa sa kanyang pagsilang, sa chapter 3. Kung saan dito ay buong tapang nilang pinangaral si Cristo, sinabihan ang mga taong ito, lalo na tungkol sa ginawa nila sa Panginoong Jesus at pagtatakwil sa kanya, hanggang s’yay ipako nila sa krus.
Nagpatuloy ‘yan sa chapter 4, verses 1-3 ganito ang mababasa
“Nagsasalita pa sina Pedro at Juan sa mga taong bayan nang dumating ang mga paring Judio, ang kapitan ng mga bantay sa Templo at ang mga Saduseo. 2 Galit na galit sila sa dalawang apostol dahil itinuturo ng mga ito sa mga tao na si Jesus ay muling nabuhay, at iyon ang katibayan na muling mabubuhay ang mga patay. 3 Kaya’t dinakip nila ang dalawa, at ikinulong muna hanggang kinabukasan sapagkat gabi na noon.
Pero dahil wala silang makitang paraan..verse 21” Wala silang makitang paraan upang parusahan ang dalawa, sapagkat ang mga tao’y nagpupuri sa Diyos dahil sa nangyari. Kaya’t binalaan nila ang dalawa nang lalo pang mahigpit, at saka pinalaya.
Then in verse 23” Nang palayain na sina Pedro at Juan, pumunta sila sa mga kasamahan nila at ibinalita ang sinabi ng mga punong pari at ng mga pinuno ng bayan.
So, dito ngayon sa verse 25-26 sinabi ng mga kasama nila pedro..”
25 Kayo po ang nagsalita sa pamamagitan ng aming ninunong si David na inyong lingkod nang sabihin niya sa patnubay ng Espiritu Santo, ‘Bakit galit na galit ang mga Hentil, at ang mga tao’y nagbalak ng mga bagay na walang kabuluhan?
26 Naghanda para sa digmaan ang mga hari sa lupa, at nagtipon ang mga pinuno laban sa Panginoon at sa kanyang Hinirang.’
So sa account na ito na nabasa natin sa Acts, sinasabing si david ang syang sumulat nito. Malaki ang kaugnayan n’yan dito sa bahagi ng text na ating pinag-aaralan. Itong verses 1-3 of chapter 2 ng psalm, pero una tignan muna natin sa kabuuan ng chapter 2. Dahil sinasabing si david ang s’yang sumulat nito, na kapag inaawit ng mga tao o nitong mga israelita itong psalm 2, pinapaalala sa kanila kung paanong si david at ang mga susunod sa kanya o descendants n’ya o succesors (kahalili) n’ya bilang hari ay makita nila ang katuparan at layunin ng pagpapala ng sinasabi sa Genesis 12:1-3, mula kay abraham.
“Sinabi ni Yahweh kay Abram, “Lisanin mo ang iyong bayan, ang tahanan ng iyong ama at mga kamag-anak, at pumunta ka sa bayang ituturo ko sa iyo. 2 Pararamihin ko ang iyong mga anak at apo at gagawin ko silang isang malaking bansa. Pagpapalain kita, at gagawin kong dakila ang iyong pangalan at ikaw ay magiging pagpapala sa marami. 3 Ang sa iyo’y magpapala ay aking pagpapalain, at ang sa iyo’y sumumpa ay aking susumpain; sa pamamagitan mo, lahat ng mga bansa sa daigdig ay aking pagpapalain.
Na sa comment sa ESV, tinatawag itong a royal psalm. Na itong mga isralites, realizes that his hope of blessing is now irrevocably tied to the house of david. Kumbaga, mas lalong napagtibay sa panahon ni david. Sa 2 Samuel 2:12-16 mababasa ang ganito. (so dito makikita ang kasunduan ng Dios kay david) sa pamamagitan ni nathan.
“12 Pagkamatay mo, isa sa mga anak mong lalaki ang hahalili sa iyo bilang hari, at papatatagin ko ang kanyang kaharian. 13 Siya ang magtatayo ng templo para sa akin, at sa kanyang angkan magmumula ang maghahari sa aking bayan magpakailanman. 14 Ako’y kanyang magiging ama at siya’y aking magiging anak. Kung siya’y magkasala, paparusahan ko siya tulad ng pagpaparusa ng ama sa nagkakasalang anak. 15 Ngunit ang paglingap ko sa kanya’y hindi magbabago, di tulad ng nangyari kay Saul. 16 Magiging matatag ang iyong sambahayan, ang iyong kaharia’y hindi mawawaglit sa aking paningin at mananatili ang iyong trono magpakailanman.’
Sa panahong ito ng davidic empire, bahagi nito ang gentile kingdom, kung saan nasa kalagayan sila sa pag-ayaw sa pamamahala at paghahari ni david o kahit ng mga sumunod sa kanya na hari. Sa comment pa ng esv “this psalms, also recalls the promises made to the davidic king at his coronation” Parang ginugunita ito sa mga awit 2 sa panahon ng coronation ng hari (a ceremony crowning a king). In this case kay david.
Pero.., so dito papasok yung verses 1-3, na mayroong pagtatangka o masamang balakin ng paghihimagsik laban sa hari. Actually ang sinasabi rito ng talata ay laban sa Dios o kay Yahweh mismo. Dahil ang sinumang mag rebelde laban sa tinalaga ng Dios ay pagkalaban mismo sa Dios.
Maaaring ang scenaryo nito ay ito ngang panahon ng coronation o ceremony habang si haring david ay pinaparangalan bilang hari (na maari rin sa mga pagkapanalo n’ya sa mga digmaan o labanan na kinaharap n’ya), na mayroong mga tao rito na nag- uusap at nagkakaisa sa pag-paplano, pag-kalaban sa kanyang pamumuno bilang hari. Pangalawa, ay ang mismong ongoing na pamumuno ni david ay marami ang may ayaw sa kanya, kaya they’re planning to revolt against david and his leadership. Then, maaari din ang psalmist sa kanyang prophetic vision (sabi ng isang christian author) the peoples and nations, as if in a tumultuous assembly (yung kanilang iniisip na pang-gugulo), raging with a fury like the raging of the sea, designing to resist God’s government (marahil hindi na kay david lang kundi sa mga susunod pa).
So, dito makikita sa verses 1-2 ang kanilang masamang planuhin at pag-sasabwatan o pagkakasundo para kalabanin ang hinirang ng Dios. Then ang goal nito ay itong verse 3 Sinasabi nila: “Ang paghahari nila sa atin ay dapat nang matapos; dapat na tayong lumaya at kumawala sa gapos.” Na parang sinasabi lang dito ay ang mariing kagustustuhan ng mga ito for autonomy.
Hinahalintulad rin ito sa mga hayop, na sa kanilang pagkakatali ay ang kagustuhang makalaya sa pagkakatali/kadena nito.
Gusto kong pansinin natin din dito yung sinasabi rito sa verse 2, sa second part nito. Hinahamon si Yahweh at ang kanyang “Hinirang” sa ingles “Annointed” Yes alam natin si david ay pinahiran ng langis bilang hari na itinalaga sa posisyong ito. Pero mas appreciate natin kung makikita natin ito sa ganitong pagtinggin, na tulad ng isinulat ng author na si Kevin Warstler, ng CSB (Christian Standard Bible). Anointed is translated into Greek as christos(christ)/ in hebrew messiah, and it refers to God’s choice and establishment of his King. In this context, the Anointed One is the Davidic king who is ultimately, in the progress of divine revelation, Jesus Christ.
So dito, sa bahaging ito ng verses 1-3, na nakita rin natin kanina sa Acts 4, kung paanong ang Panginoong Jesu-Cristo ay dumanas ng matinding pagkalaban, pagpapahirap ng mga tao, alam nga nating hangang sa pagpatay sa kanya – na alam nating sya ang itinalaga ng Dios upang kanilang maging ultimate king. Pero yung nga no, hindi sya tinanggap ng mga tao. Actually hindi lang ng mga hentil, kundi ng mga kapwa n’ya mga judio. Na ikinukwento ng mga alagad(peter, john) habang sila nama’y ganon din, na ang mga tao ay galit na galit sa kanila, dahil sa panginoong Jesus na kanilang ipinapangaral.
Ano ang makikita natin dito na itinuturo sa atin?
Bagama’t alam natin, oo parang sa una failure ang pagdating at ginawa ni Jesus, dahil sa suma tutal ng story, ay ipinako si Cristo sa krus, na parang talunan. Na sa halip na hari ay itinuring s’ya na kriminal, rebelde at makasalanan. Pero I belive na iintindihan natin na ito ay ang plano ng Dios. Na hindi ang makalupang paghahari, na expected ng mga jews na mayroong korona, magandang kasuutan, kabayo, mga sundalo o marangyang kaharian, tulad ni haring david. Pero higit pa don, ang paghahari ng ating Panginoong Jesus ay hindi maikukumpara ng anumang kaharian ng mundong ito.
Eph.1:21-22 “Mula roon ay namumuno si Cristo sa lahat ng paghahari, kapamahalaan, kapangyarihan, at pamunuan sa kalangitan. Higit na dakila ang kanyang pangalan kaysa sa lahat, hindi lamang sa panahong ito kundi maging sa darating. 22 Ipinailalim ng Diyos sa paa ni Cristo ang lahat ng bagay, at ginawa siyang ulo ng lahat ng bagay para sa iglesya,
Sa matt.28:18-20..”na sinasabi rito, na ang lahat ng kapangyarihan/ authority ay ibinigay na kay Jesus sa langit at sa lupa..
At ang anumang masamang pagbabalak ng mga tao o kahit ang ginagawa na mismo ng tao para kalabanin ang nag-iisang hari na si Jesus, kailanman ay hindi magtatagumpay. Maaaring parang oo sa ngayon, pero kalaunan ay mauuwi sa balewala. At kung ang Panginoong Jesu- Cristo ang syang hari natin, walang duda, nasa tamang kampo tayo ng pinaka-makapangyarihang hari.
Verses 4- 6 “Si Yahweh na nakaupo sa langit ay natatawa lamang, lahat ng plano nila ay wala namang katuturan. 5 Sa tindi ng kanyang galit, sila’y kanyang binalaan; sa tindi ng poot, sila’y kanyang sinabihan, 6 “Doon sa Zion, sa bundok na banal, ang haring pinili ko’y aking itinalaga.”
Dito ay lalong pinakita how futile, useless walang saysay ang ginagawa ng tao sa pagkalaban, pagrerebelde sa Dios, at sa kasamaan nito. How come di ba? Para gawin ito sa Dios na kalabanin s’ya.
Sa mga Awit 37:9-13, isa pang katha ni david..” 9 Ang nagtitiwala kay Yahweh, mabubuhay, ligtas sa lupain at doon tatahan, ngunit ang masama’y ipagtatabuyan.
10 Hindi magtatagal, sila’y mapaparam, kahit hanapin mo’y di masusumpungan.
11 Tatamuhin ng mga mapagpakumbaba, ang lupang pangako na kanyang pamana;
at sa lupang iyon na napakasagana, ang kapayapaa’y matatanggap nila.
12 Ang taong masama’y laban sa matuwid, napopoot siyang ngipi’y nagngangalit.
13 Si Yahweh’y natatawa lang sa masama, pagkat araw nila lahat ay bilang na.
And in psalm 59, dito ay ang hiling david sa Dios na iligtas sya sa kanyang mga kaaway. Na itong kumpiyansa n’ya walang iba kundi kay yahweh na kanyang Dios. Verses 8- 10 “Ngunit ikaw, Yahweh, tinatawanan mo’t iyong kinukutya; gayon ang gawa mo sa may salang bansa. 9 Ikaw, Panginoon, ang aking Diyos, aking kalakasan; ikaw ang muog ko at aking kanlungan. 10 Ako’y minamahal, mahal ako ng Diyos, ako’y lalapitan upang ipamalas ang kanyang paglupig sa mga kaaway.
Para sa Dios, even the greatest rulers are but grass to be cut down, and the strongest nations are only drops in the bucket. Makikita ‘yan sa sinasabi sa,
Isaiah 40:6- 8
6“Magpahayag ka!” ang sabi ng tinig. “Ano ang ipahahayag ko?” tanong ko. Sumagot siya, “Ipahayag mong ang lahat ng tao ay tulad ng damo, ang kanyang buhay ay tulad lamang ng bulaklak sa parang. 7 Natutuyo ang damo, kumukupas ang mga bulaklak, kapag sila’y mahipan ng hanging mula kay Yahweh. Tunay ngang ang tao ay tulad ng damo. 8 Oo, ang damo’y nalalanta, at kumukupas ang mga bulaklak, ngunit ang salita ng ating Diyos ay mananatili magpakailanman.”
Verses 14-15, 17
14“Sino ang kanyang puwedeng sanggunian para maliwanagan?
Sinong nagturo sa kanya ng landas ng katarungan?
Sinong nagkaloob sa kanya ng kaalaman at ng paraan upang makaunawa?
15 Sa harap ni Yahweh ang mga bansa ay walang kabuluhan,
tulad lang ng isang patak ng tubig sa isang sisidlan;
at ang mga pulo ay parang alikabok lamang ang timbang.
17 Sa kanyang harapan, ay walang halaga ang lahat ng bansa.
Sobrang laking katotohanan po nito kung ating uunawain, na anumang klaseng pamamahala ng tao dito sa mundo, o kahit pa ang pinaka- makapangyarihang bansa sa panahon natin ngayon, tulad America o China na pingungunahan ng mga presidente nito ay hindi maaaring ipantay sa kapangyarihan meron ang Dios natin, he is sovereign and powerful in all things.
Ang maganda rito sa verse 5, kung ang gamit natin na salin ay MBB..sila’y kanyang binalaan.. Makikita pa rin natin dito, na sa kahabagan ng Dios ay binibigyan pa sila ng warning, upang hindi danasin ang poot at galit n’ya dahil sa kanilang mga ginagawa at kasamaan. Same thing, even in our present time, ang panawagan ng ebanghelyo ay pagsisi, pagtalikod sa kasalanan at pagtitiwala lamang sa Panginoong Jesu-Cristo, kahit pa sinong tao sa mundo (kahit pa ang mga presidente o hari ng mga bansa o pinaka-mayamang tao sa mundo) ay kinakailangan yumukod lamang sa nag-iisang tunay na hari at Panginoon. Kung hindi nila gagawin ‘yon, tatanggapin ng tao ang parusa na nararapat lamang na igawad sa atin, dahil sa ating pagiging mga makasalanan.
Doon sa sa Zion, sa bundok na banal , ang haring pinili ko’y aking itinalaga.” (verse 6). “I have set my king” So Yahweh announces the installation of his annointed king, same with verse 2 kanina. Pero dito ay binigyang emphasis itong Zion. O itong mount zion or another name for the temple mount in jerusalem. Na tinatawag din itong “holy hill” significant na lugar during this time.
Sa psalm 15:1, na composition pa rin ni David “ O Yahweh, sino kayang makakapasok sa iyong templo? Sinong karapat-dapat sumamba sa iyong burol na sagrado?
Same with 24:3 “Sa burol ni Yahweh, sinong nararapat umahon? Sa banal niyang templo sinong dapat pumaroon?
Na dito ang mga tao ay pumupunta na kinakailangang may malinis puso, dahil ang lugar na ito ay pinananahanan ng prisensya ng Dios ng may kabanalan. Well, itong verse 6 ng ating text, ofcourse hindi lang si david or I may say hindi si David. Kundi referring sa the one who are better than david. Walang iba kundi ang ating Panginoong Jesu-Cristo. Na ang haring pinili ko’y aking itinalaga.” sa banal na bundok na ito. . And also, it was God (accdg. To warren wiersbe) who gave david his throne on Zion, and it was God who gave david victory after victory as he defeated the enemies of israel. But this was only a picture of an even greater coronation. God declares that there is but one legitimate King, and that is his son, who is now seated on the throne of glory (makikita natin uli ‘yan sa binasa kanina sa Eph.1:20-22).
Na si Jesus bilang hari at pari ayon sa pagka-pari ni Melchizedek (hebrews 5:5-6; 7:1ff – hindi na natin binasa). Na ayon din sa hebrews ay may higit na pagbibigay diin ngayon sa lugar na ito na bundok ng zion.
Heb.12:22- 24” 22 Sa halip, ang nilapitan ninyo ay ang Bundok ng Zion at ang lungsod ng Diyos na buháy, ang Jerusalem sa langit, na kinaroroonan ng di mabilang na anghel. 23 Ang dinaluhan ninyo ay masayang pagtitipon[a] ng mga panganay na anak, na ang mga pangalan ay nakatala sa langit. Ang nilapitan ninyo ay ang Diyos na hukom ng lahat, at ang mga espiritu ng mga taong ginawang ganap. 24 Nilapitan ninyo si Jesus, ang tagapamagitan ng bagong tipan, at ang dugong iwinisik na may pangako ng mas mabubuting bagay kaysa sa isinisigaw ng dugo ni Abel.
Kaya binanggit din natin kanina, kung gano kahalaga na hindi natin dapat pagkamalian na, if we fail to see Jesus Christ in this psalm, we miss its message completely. His Death (Psa.2:1-3; Acts 4:23-28), resurrection (Psa.2:7; Acts 13:32-33) “32 Ngayon ay dala namin sa inyo ang Magandang Balita, na ang pangako ng Diyos sa ating mga ninuno 33 ay tinupad niya sa atin na kanilang mga anak, sa pamamagitan ng muling pagbuhay kay Jesus. Gaya ng nakasulat sa ikalawang Awit ‘Ikaw ang aking Anak, sa araw na ito ako’y naging iyong Ama.’
Ascension and enthronement in glory (Psa.2:6) and his return and righteous rule on earth (Psa.2:8-9; Rev.2:9, 27“Alam ko ang mga kapighatian na dinaranas mo. Alam kong mahirap ka, ngunit ang totoo’y mayaman ka. Nalalaman ko rin ang mga paninirang-puri sa iyo ng mga nagpapanggap na mga Judio; ngunit ang totoo, sila’y mga kampon ni Satanas. 27” Mamamahala siya sa pamamagitan ng tungkod na bakal at dudurugin niya ang mga bansa na parang mga palayok. Chap.12:5” Ang babae ay nagsilang ng sanggol na lalaki, na nakatakdang maghari sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng tungkod na bakal. Ngunit may umagaw sa bata at dinala ito sa Diyos, sa kanyang trono.
Then in verses 7-9 dito ngayon ay mas lalong na highlight itong ipinahayag sa Acts 13:33, particularly verse 7 of psalm 2, refers to the resurrection of Christ, when he was “begotten” from the tomb and came forth in glory (ay tumutukoy sa muling pagkabuhay ni Kristo, noong siya ay “isinilang” mula sa libingan patungo sa kaluwalhatian (Rom.1:2-4)”
2 Ang Magandang Balitang ito na ipinangako niya noong una pa man sa pamamagitan ng mga propeta, at sinasabi sa mga Banal na Kasulatan, 3- 4 ay tungkol sa kanyang Anak, ang ating Panginoong Jesu-Cristo. Tungkol sa kanyang pagiging tao, siya’y ipinanganak mula sa lahi ni David; subalit tungkol sa kanyang pagka-Diyos, pinatunayan ng Banal na Espiritu na siya ay Anak ng Diyos sa pamamagitan ng isang makapangyarihang gawa, ang kanyang muling pagkabuhay.
Heb.5:5” Gayundin naman, hindi itinaas ni Cristo ang kanyang sarili upang maging Pinakapunong Pari. Siya’y pinili ng Diyos na nagsabi sa kanya, “Ikaw ang aking Anak, mula ngayo’y ako na ang iyong Ama.”
Ayon sa pag-aaral in the ancient near east, ang mga hari ay itinuturing na parang anak ng mga “diyos”(small letter d) Pero ang ating Panginoong Jesu-Cristo, is indeed the son of God. Kaya nga sa water baptism na alluded ito verse 7 sa (Matt.3:17; Mark 1:11; Luke 3:22) “Ikaw ang minamahal Kong Anak; lubos kitang kinalulugdan.”
Dagdag pa rito, ang pangako ng Ama sa kanyang Anak, na nagtalaga sa kanya upang mamahala at ang kapangyarihang humatol sa lahat ng tao. The father has promised the Son complete victory over the nations, which means that one day He will reign over all the kingdoms of the world. Maaring sa panahon nga natin ngayon, ay para bang nanaig ang kasamaan, at mga baluktot na sistema na umiiral sa ating bansa o mga bansa na pinangungunahan o pinamumunuan na tila ba ng mga naka posisyon sa gobyerno na parang walang diyos sa kanilang mga ginagawa. Walang takot na gumawa ng masama at hindi makatarungan na desisyon at pamamalakad sa kanilang mga tungkulin. Marami ay tila puro mga pansariling kapakanan lang ang iniisip. Kaya ang kurapsyon at bulok na sistema ay patuloy na lumalaganap at lumalala. At maraming mga tao, lalo na ang mahihina at mahihirap ay lalong nalulugmok sa kahirapan.
Sa isang tagpo sa matthew, nang tuksuhin ng dyablo ang Panginoong Jesu-Cristo sa chap.4:8-11. Inoperan sya dito na sambahin ang kaaway kapalit ng lahat ng kaharian sa mundo at kapangyarihan nito, pero he refuse. Sa verse 10 “Ang Panginoon mong Dios ang dapat mong sambahin.”
Ang paghahari ng Panginoong Jesu-Cristo ay makatarungan at matatag, At ang sinumang mag ooppose kanya, yung description sa verse 9 ng ating text, “dudurugin mo sila ng tungkod na bakal; tulad ng palayok, sila’y magkakabasag-basag.
Sa Rev.2:27” Mamamahala siya sa pamamagitan ng tungkod na bakal at dudurugin niya ang mga bansa na parang mga palayok.
Rev.19:15 “ May matalim na tabak na lumalabas sa kanyang bibig na gagamitin niyang panlupig sa mga bansa. Mamamahala siya sa mga ito sa pamamagitan ng tungkod na bakal at paaagusin mula sa pisaan ng ubas ang alak ng poot ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat.
Mabigat ang sinasabi sa mga talatang ito na sasapitin ng mga bansa o ng mga tao na paiiralin sa kanilang mga sarili ang katigasan ng kanilang mga puso at isipan sa pagkalaban sa Dios, sa pamamagitan ng tahasang pagsuway sa kanyang kalooban o mga utos. Pagbalewala sa Dios mismo na karapat-dapat sa pagsamba at paglilingkod. Sa pagpapairal ng pagiging makasarili natin sa halip na itiwala sa Panginoon ang ating mgabuhay.
Maganda ang sinasabi sa panghuling bahagi ng ating text verses 10-12. Sabi pa ni warren wiersbe to quote “In view of the Father’s decree and promised judgement, and the Son’s victorious enthronement in heaven, the wise thing for people to do is to SURRENDER to Christ and trust Him. Repent of their sin and turn to the savior.” (end of quote)
Na habang napapakinggan pa natin mula sa salita ng Dios ang kanyang paalala at babala. Huwag patigasin ng tao ang kanyang puso. Ikaw at ako o tayo. Hindi lamang ang mga tao sa gobyerno, o ang mga hari sa mundong ito, kundi lahat tayo ay dapat mapa-alalahanan ng salitang ito ng Dios. (10) Kaya’t magpakatalino kayo mga hari ng mundo, ang babalang ito’y unawain ninyo: (11) “Paglingkuran n’yo si Yahweh nang may takot at paggalang, We all know, often times or in many instances, napakalaki talaga ng tendency ng ating mga puso na tayo ang mag hari-harian dito. Sa halip na ang Panginoong Jesus ang hayaan natin maging sentro o hari ng ating buhay. Mas gusto natin tayo ang nasusunod, mas gusto natin sambahin at kapitan ang mga diyos-diyos ng mundong ito. Sa halip na tumingin ng may pagkamangha sa tunay na Diyos at sya natin tunay na igalang at paglingkuran. Hindi ito 50/50 lang, wala rin sa gitna, kundi sa Panginoon lamang. Yes we understand, hindi natin magagawa yon perfectly, pero ang provision ng Diyos ay napakayaman, ang kanyang kapatawaran ay sagana, sa bawat-isa na inaamin sa kanyang sarili na totoong kailangan nya panginoon, at hinahayaan niyang pagharian sya nito. Matt.6:33” Ngunit higit sa lahat ay bigyang-halaga ninyo ang kaharian [ng Diyos] at ang pamumuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng mga bagay na ito.
Ang ganda ng pagkakasalin sa ingles sa esv Verse 12
“Kiss the Son” sa tagalog “yumukod kayo at magparangal,” na ang appeal dito ay yung wholehearted submission, with love and devotion to the king. Yung larawan ng isang lingkod ng hari na sa pamamagitan ng paghalik sa kamay o sa singsing na suot nito ay nagpapakita na tunay na pagmamahal at pagsunod sa kanyang hari. Hindi katulad ng halik ni Judas sa panginoong Jesus na nag traydor sa kanya.
Salamat sa Diyos ibinigay niya ang kanyang Anak para sa atin. Ibinigay niya ang mabuting balita na ito para sa atin na mga makasalanan. Na kung inilipat mo ang iyong totoong pagtitiwala sa iyong buhay sa kanyang paghahari, makaka-asa tayo na hindi na natin tatanggpin ang kanyang galit. Sa halip tayo’y kanyang ituturing na mga anak at inilipat sa kaharian ng kanyang minamahal na anak na ito. Na kapag tayo’y humaharap sa Diyos nakikita n’ya si Cristo na kanyang anak na lubos niyang kinalugdan. Dahilan upang matanggap din natin ang pagyakap at pagkukupkop ng Dios sa atin.
Kaya naman salamat sa Diyos na sa kanyang biyaya, itinuturing n’ya tayong mapapalad, dahil nasumpungan natin ang Diyos na atin kanlungan. Sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. At ang panalangin natin ay lalo pa nawang magdala sa atin ito sa maalab na pagsamba sa Dios, kasama ng kanyang mga anak ang church na pinagkaloob nya sa atin. Ganoon din naman, mag bunsod ito sa ating mga puso na hindi lamang na matapos matanggap natin ang pagpapala ng pagliligtas ng Diyos, ay atin na lamang sinarili ito at hindi na ibinahagi sa iba pang mga tao. Ibahagi natin si Cristo sa marami pang mga tao, upang magkasama-sama tayo sa pagbibigay karangalan sa nag-iisang Panginoon at hari, walang iba kundi si Jesu-Cristo.
Let’s Pray:
Panginoon maraming salamat sa pagkakataon na matuto at marinig ang iyong salita sa aming pag- aaral. Nawa’y lalo mag-dulot sa amin ito ng malaking kumpiyansa sa aming puso sa pag-asa na meron kami dahil sa panginoong Jesus. Salamat sa kagalakan na dulot ng kanyang pagliligtas at pagkalinga sa amin. Na nawa’y mas maging makabuluhan ito sa aming buhay, lalo na sa mga panahon na maaaring marami sa amin ay dumaraan sa mga pagsubok o kahit sa aming pakikipag laban sa kasalanan ay matutunan namin palaging umasa at magtiwala sa iyong pagkilos at pangunguna sa aming buhay, sa iglesyang ito, sa aming pamilya o kahit sa mundong ito na aming ginagalawan. Dahil ibinigay mo na ang iyong anak na aming aming Panginoong Jesu-Cristo. Ito ang ang aming dalangin sa pangalan ng Ama, ng Anak at ng Dios Espiritu Santo. Amen!
Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)
Sign up to get your free pdf
By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

