Ang aklat ng mga Awit or ng mga Psalms serves multiple purposes sa lahat ng mga nakakabasa nito. It serves its own purpose sa panahon ng mga Israelita, and it’s still serving its holy purpose para sa ating lahat na bumabasa nito at nag-aaral nito. Though it serves multiple purposes, kadalasan ito ay ginagamit for Prayer and Worship: Karamihan sa mga verses ng Psalms ay poetic expressions of prayer and worship. Mababasa natin dito kung paanong ang mga Israelita would express their feelings, their concerns, and praises to God as their form of worship or as their form of prayer. Pag sinabi nating the people express their feelings sa Diyos. These are emotional expressions. Minsan mababasa natin sa Psalms yung mga awit bilang expressions ng kanilang kagalakan, minsan mababasa natin na yung awit ay parang may halong kalungkutan, minsan naman ay may pagkatakot, may pasasalamat, minsan may pagkabigo. Ginagamit din minsan yung Psalms na parang may pagsisisi dun sa awit at iba’t iba pang mga expressions ng kanilang mga emotions at ng kanilang nais sabihin sa Diyos. Ginagamit yung Psalms kadalasan kasi nanininiwala ako na, tayong mga tao, madalas hindi natin kayang maging honest sa nararamdaman natin. Madalas hindi natin kayang maging honest tungkol sa nararamdaman natin, kahit sa Diyos. At madalas we cannot put in words kung ano yung nararamdaman natin, hindi natin masabi yung totoong nararamdaman natin.
Sa pamamagitan ng mga Awit or Psalms, nagagawa ng mga tao na iexpress yung kanilang deepest feelings and experiences na may kaugnayan sa kanilang relasyon sa Diyos, at sa kanilang pananampalataya sa Diyos. Pero hindi ito yung pagiging emotional lamang, yung puro emosyon na lang yung nakikita sa atin. Totoo na hindi natin mahihiwalay yung ating emotions when it comes to worshiping God pero it’s more about being honest sa nararamdaman mo at gusto mong sabihin sa Diyos dahil nalalaman din naman ng Diyos kung ano yung laman ng puso mo, nalalaman din naman ng Diyos kung ano yung tunay na nararamdaman mo. So, why not be honest sa ating paglapit sa Diyos? Dito nakatutulong yung book of Psalms sa mga bagay na ito at ganun din sa pagkanta natin. Its the same purpose din sa mga kinakanta natin every Sunday katulad ng kinanta natin kanina. Tinutulungan tayo ng mga songs na nababasa natin dito, tinutulungan tayo nito ng mga kinakanta natin para masabi natin yung pagkamangha natin sa Diyos, ating pasasalamat at yung malaking pangangailangan natin sa Kanya. So yung mga awit ay tumutulong sa atin to worship God at kung tayo ay umaawit ng sama-sama at sabay-sabay, ito ay tumutulong sa atin to become a community of worshipers. Yung ating pagkanta, yung ating sabay-sabay na pag-awit becomes a community worship.
Pwede nating gamitin yung Psalms or yung mga kanta bilang panalangin. Kaya nga yung mga kanta natin, katulad nung kinanta natin kanina sabi dun – “for You are God, I need not fear, I’ll rest in You alone. Be still my soul” – iyan ang sabi sa kanta na Be Still, Be Still My Soul. At yung kinanta natin na yun, whenever we say those words, yung kanta natin is no longer just a song. It becomes our personal prayer na humihiling sa Diyos na yung puso natin ay itama, na huwag tayong matakot, na yung puso natin ay itama na laging tumingin sa Diyos. So whenever we sing these songs, we’re not just singing, we’re also saying a prayer to God. And most of the time, these are the prayers na hindi natin alam sabihin or hindi natin kayang sabihin. Yung ating mga pag-awit ng mga papuri sa Diyos ay hindi dapat nakabase lamang sa ating feelings at emotions, kundi sa ating pagkakilala kung sino ang Diyos at sa ating pananampalataya sa kanya. Itong mga awit na ito ay tumutulong sa atin to reflect on the nature of God. Sabi doon “You are Sovereign over all, You are good, You are always near” – these are the truths about God, and these help us to reflect sa nature of God. So yung book of Psalms, kasama na yung mga inaawit natin, these are instruments na tulungan tayo on how to worship. At tuwing nakikita natin, tuwing nakikita ko, tuwing nakikita ng Diyos yung bawat isa sa atin na kumakanta nang sama-sama, umaawit nang sabay-sabay na pare-pareho yung sinasabi natin, tuwing tayo ay umaawit nang ganito – dito natin nakikita yung beauty ng design ng Diyos sa isang church, dito nakikita yung unity natin as a church. This is the only time na pare-pareho tayo nang sinasabi, pare-pareho tayo ng message na gustong iparating, na pare-pareho tayo ng puso na lumuluhod sa Diyos sa pamamagitan ng pagkanta. So these are very effective tools for worship. So ‘wag nating isipin na nakakatamad namang basahin yung Psalms, puro kanta ang lalalim pa nung tagalog. Napaka-rich and wondrous nung mga nakasulat dito sa book of Psalms. At ito yung ating pag-aaralan.
Prayer:
Ama sa pangalan mo inaalay namin at ipinagkakatiwala ang araw na ito. Sa pangalan mo inaalay namin ang aming buhay. Sa pangalan mo inaalay namin ang aming oras. Sa pangalan mo inaalay namin ang lahat ng mangyayari ngayong araw na ito, Panginoon. Sa pangalan mo inaalay namin ang aming tunay na pagsamba sa umaga na ito. Ama, gabayan mo nawa kami at samahan sa aming pagbabasa at pag-aaral ng iyong Salita. Ama, itama mo po ang aming puso at iayon mo nawa sa ‘yo ang aming mga isip at makita mo po nawa kami na laging nagtitiwala sa iyo, nakikinig sa iyo, at nananabik sa iyong salita. Ikaw nawa ang mapapurihan mula sa simula hanggang wakas. Sa pangalan ng aming Panginoong Hesus. Amen
So yung Awit chapter 46 ay malaman. Malaman pagdating sa mga message of comfort, sa message of assurance and confidence in our faith, and my prayer today is makita natin how different, how far incomparable, na masasabi natin na walang katulad ang nasa presensiya ng ating Diyos, na hindi natin ito maikukumpara sa kahit anumang bagay. Ang chapter na ito ay nagsimula sa words na “God is” na nagpapahiwatig na mayroon itong sasabihin sa kung sino ang Diyos, o kung ano ang Diyos, o kung ano yung mga bagay na tungkol sa Diyos at kung ating maingat na pag-aaralan ang chapter 46, makikita natin na we can summarize yung buong Awit 46 sa apat (4) na major sections:
- Sa verses 1-3 makikita natin doon, we can sumarize it by saying that God is our help and protection.
- Sa verses 4-5 masasabi natin na yung mga verses na ito is all about God is our Joy and Security.
- Sa verses 6, 8-10 masasabi natin na yung verses na ito ay talking about God as a sovereign God and God is in control.
- Sa verses 7 and 11 ay magkapareho lang. They tell us that God is powerful and God is with us.
Maraming mga awit na nakasulat dito sa Psalms na nagbibigay ng comfort and assurance to those facing challenges or difficulties sa buhay. Ito nga raw Psalms ay laging nagpapaalala sa ating mga mananampalataya of God’s faithfulness at patuloy na nag-eencourage sa atin to trust in God’s providence.
Awit 46:1-3: God is Our Help and Protection
1 Ang Diyos ang ating lakas at kanlungan,
at handang saklolo kung may kaguluhan.
2 Di dapat matakot, mundo’y mayanig man,
kahit na sa dagat ang bundok matangay;
3 kahit na magngalit yaong karagatan,
at ang mga burol mayanig, magimbal.
Pinapatunayan ng 3 verse na ‘to that chaos, tragedy and even suffering ay nangyayari at maaaring mangyari kahit sa isang bansang pinili ng Diyos. Kahit sa kaninong tao na lubos ang pananampalataya sa Diyos, maaring mangyari ang iba’t ibang uri ng paghihirap at kaguluhan.
Mateo 8:23-27
Sumakay si Jesus sa bangka, kasama ng kanyang mga alagad. Habang sila’y naglalayag sa lawa, si Jesus ay natutulog. Biglang bumugso ang isang malakas na unos at halos matabunan ng mga alon ang bangka. Kaya nilapitan ng mga alagad si Jesus at ginising. “Panginoon, iligtas ninyo kami! Mamamatay kami!” sabi nila. Ngunit sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo natatakot? Napakaliit naman ng inyong pananampalataya!” Bumangon siya, pinatigil ang hangin at ang mga alon, at bumuti ang panahon. Namangha silang lahat at sinabi, “Ano kayang uri ng tao ito? Maging ang hangin at ang lawa ay sumusunod sa kanya!”
Tayong lahat ay may kanya-kanyang bangka at sumasagwan habang nasa gitna ng karagatan. ‘Di natin kayang pigilan yung bagyo at alon na hahampas sa atin. Darating at darating ‘yan without any warning. Mabuti kung nasa atin ang Panginoong Hesus, pero ‘wag nating isipin na dahil kasama natin sa bangka ang Panginoong Hesus ay hindi na tayo babagyuhin. Kung paanong muntik nang tumaob ang bangka kung saan nakasakay ang mga alagad at ang Panginoong Hesus dahil sa lakas ng bagyo. Kung paanong ang Panginoong Hesus mismo, habang natutulog sa bangka, ay hinampas ng bagyo at alon na siya mismo ang lumikha, at siya mismo ay dumaan sa hirap ng buhay, ‘wag nating isipin na tayong mga taga-sunod niya ay entitled to a better life. There will be chaos, tragedy, and even suffering. Pero ano ang sabi ni Jesus sa mga alagad? “Bakit kayo natatakot?” At anong sabi sa verse 2 ng ating text? “Di dapat matakot, mundo’y mayanig man.” Sa KJV, “Therefore will not we fear, though the earth be removed.” Di dapat matakot, kasi sabi sa verse 1, “Ang Diyos ang ating lakas at kanlungan, at handang saklolo kung may kaguluhan.”
So di dapat matakot dahil ang Diyos ang ating lakas at kanlungan. Ito ang sinasabi ng salita ng Diyos. Ito rin ang sinabi ng Panginoong Jesus or yung gustong iparating ng Panginoong Jesus sa mga alagad noong sila ay natatakot na baka lumubog sila sa bangka. Sinasabi ng Panginoong Jesus na di kayo dapat matakot dahil ang Diyos ang inyong lakas at kanlungan, Ito yung dapat na pang-araw-araw din na nakikita sa atin, na hindi tayo natatakot sa kahit na anuman na dumating sa buhay natin, anumang tukso, anumang problema, o kahit ano pa man yan. Kahit sa kasalanan. Hindi tayo natatakot na labanan ang kasalanan dahil ang Diyos ang ating lakas at kanlungan. At ito din dapat ang nakikita ng ating mga anak, yung maliliit na bata, na hindi tayo natatakot dahil ang Diyos ang kanilang kanlungan. This is the legacy na pwede nating ipasa sa kanila, sa mga susunod na generations. Pero kung nakikita tayo ng mga anak natin na nag-aaway na, nababalisa na, ano bang gagastusin natin bukas, paano ba yung pang tuition natin, ano ba yung kakainin natin, ano ba yung gagawin natin sa problema na ‘to. Kung ito palagi yung nakikita nung mga anak natin, ano ang sasabihin nila sa atin? Ano ang sasabihin nila sa Diyos na pinagmamalaki natin? Iyan ba ang Diyos ninyo na lagi kayong natatakot?
Di dapat matakot, kahit halos tumaob na ang ating bangka dahil sa lakas ng alon at bagyo ng buhay, dahil ang Diyos ang kasama natin. Dahil ang Panginoong Jesus na kasama natin ang ating lakas at kanlungan.
Ito yung sabi sa verses 7 at 11.
“Nasa atin ang Diyos na Makapangyarihan, ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan.”
Ngayon – maraming bagyo. Ngayon – maraming problema. Ngayon – maraming luha at kabigatan. Ngayon – maaaring mahirap ang laban against sa kasalanan. Ngayon para bang kahit paanong pagbalanse sa iyong bangka ng buhay ang gawin natin ay parang tataob pa rin sa hirap ng iyong pinagdadaanan. Be still, kapatid. Be still and know that I am God, sabi ni Yahweh.
“Ang Diyos ang ating lakas at kanlungan, at handang saklolo kung may kaguluhan.” Si Kristo ang handang saklolo natin. Be still, kapatid. Kung paanong paggising ng Panginoong Hesus sa bangka kung saan kasama niya yung mga alagad, at sa isang salita lang niya ay pinatahimik niya ang bagyo, pinahinto niya ang malakas na hangin at naging payapa ang dagat, tayong mga umaasa sa Panginoong Hesus ay naghihintay lamang for that Glorious Day na darating siya at patatahimikin lahat ng kabalisahan sa isip natin, maririnig natin ang kanyang tunay na boses na magpapahinto sa lahat ng bagyo sa iyong buhay. Sa kanyang pagbabalik, tulad ng lawa, ay magiging payapa ang puso ng lahat ng naghihintay sa ating Panginoong Hesus.
Si Kristo ang handang saklolo natin, ang nagbigay ng kanyang sariling buhay upang tayo ay hindi na matakot sa kahit ano pa man, maging sa kamatayan. Tayong lahat na tumanggap ng biyaya ng buhay mula sa kanya, tinatanong ka niya, kung paanong tinanong din niya ang mga alagad, “Bakit kayo natatakot? Bakit ka natatakot?
Nakalimutan mo na ba na “Ang Diyos ang ating lakas at kanlungan,
at handang saklolo kung may kaguluhan”?
Nakalimutan mo na ba na “Nasa atin ang Diyos na Makapangyarihan,
ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan”?
Nakalimutan mo na ba na sinabi ng Panginoong Hesus na “Ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon”?
Pwede tayong makarinig or matuto ng maraming bagay patungkol sa Diyos na galing sa Bible and these are all readily available, sa Bible, sa mga preachings, sa mga books na available para sa atin, para malaman natin, matutunan natin, makilala natin kung sino ang Diyos at kung ano yung magagawa Niya sa buhay natin. Pero minsan hindi na iyon ang nagiging problema. Minsan hindi na problema yung availability nung mga resources. Hindi na nagiging problema yung kaalaman tungkol sa Diyos. Maaaring alam na natin ang lahat ng bagay na ito at ang nagiging problema na lang kadalasan ay yung pagtitiwala natin that God is all He says He is. Ang problema na lang ay yung pagtitiwala natin that God can do what he said he will do. Walang problema sa Diyos, gagawin niya yung sinabi niya na gagawin niya. Ang problema ay yung puso natin na kulang sa pananampalataya, kulang sa paghihintay, kulang sa pagiging tahimik, kaya kapatid, be still, kapatid. “Be still and know that I am God,” says the Lord.
Verse 4-5 God is Our Joy and Security
May ilog ng galak sa bayan ng Diyos,
sa banal na templo’y ligaya ang dulot.
Ang tahanang-lunsod ay di masisira;
ito ang tahanan ng Diyos na Dakila,
mula sa umaga ay kanyang alaga.
Sa verse 4 ay may sinasabing ilog, a river. May ilog ng galak o nagdudulot ng galak sa bayan ng Diyos. “There is a river whose streams make glad the city of God.”
Juan 7:37-38
Nang huling araw ng dakilang araw ng pista, si Jesus ay tumayo at sumigaw na nagsasabi, “Kung ang sinuman ay nauuhaw, lumapit siya sa akin at uminom.
Ang sumasampalataya sa akin, gaya ng sinasabi ng kasulatan, ‘Mula sa kanyang puso ay dadaloy ang mga ilog ng tubig na buháy.’”
Pahayag 22:1
Ipinakita rin sa akin ng anghel ang ilog ng tubig na nagbibigay-buhay. Ang tubig nito na sinlinaw ng kristal ay bumubukal mula sa trono ng Diyos at ng Kordero.
Ang ilog or river ay napaka importante para sa mga tao noong unang panahon. Ang ilog ang source of drinking water. Ito ay source of food. Ito ay source of life. Ito ay source of satisfaction. Ito ay source of joy. It’s a symbol of abundance. Kung paanong pino-provide ng ilog ang mga pang-araw-araw na pangangailangan ng tao para mabuhay, sabi naman ng Panginoong Hesus, “Ang sumasampalataya sa akin, gaya ng sinasabi ng kasulatan, ‘Mula sa kanyang puso ay dadaloy ang mga ilog ng tubig na buháy”. Sa mga verses na binasa natin, nakita natin na sa Panginoong Hesus nagmumula ang ilog na nagbibigay buhay. Sa kanya ay wala nang pagkauhaw, wala nang gutom, wala nang kamatayan. Sa kanya, we can be fully satisfied. Sa kanya, our Joy will be complete. Ang isang puno na dinadaluyan ng ilog ay lumalago, tumitibay, namumunga nang sagana, at nagiging pagpapala sa lahat ng nakapaligid sa kanya.
Ang isang Kristiyano na dinadaluyan ng ilog ng pagpapala ng Diyos ay siguradong mamumunga at magiging pagpapala sa lahat ng nakapaligid sa kanya. Dahil sa Panginoong Hesus, dumaloy sa atin ang ilog ng buhay na walang hanggan. Kung paanong hindi tumitigil sa pag-agos ang ilog na ito papunta sa atin, gayun din naman ay naghahanap ito ng iba pang madadaluyan. Naghahanap ito ng matabang lupa kung saan naghihintay lang ng tubig na aagos sa kanila nang sa gayon ay maranasan din nila ang biyaya ng ilog na nagbibigay buhay.
May ilog ng galak sa bayan ng Diyos. There is a river whose streams make glad the city of God. Nasaan ang city of God? Ito ba ay tumutukoy pa din sa isang lugar or isang lahi? No. “The City of God,” according to Augustine, “consists of all human and celestial beings united in their love for God and their seeking to glorify Him.” Kung meron City of God, meron ding City of Earth, na according to Augustine: “The City of Earth is comprised of those beings who love only themselves and seek their own glory and good.” So ikaw ba ay kabilang sa City of God or City of Earth?
Sa ngayon, based on the definition of Augustine, masasabi natin that the city of God is the Church. The Church kung saan nakikita ang pagkakapatiran at pagmamahalan. The Church kung saan ang Panginoong Hesus ang itinataas. The Church that glorifies God and is glorified by His presence. Di ka pwedeng maging city of God, kapatid, nang nag-iisa. Medyo obvious naman ‘yun sa title ‘no? ‘Wag mo nang ipilit na okay lang mag-worship nang nag-iisa. The City of God is the Church that functions according to God’s design, for his glory, according to His purpose, a community of His people, living by His Grace, dying for the Gospel, and trusting His provision. The City of God is the Church at hindi niya ito pababayaan. Tulad ng sabi sa verse 5: “ito ang tahanan ng Diyos na Dakila, mula sa umaga ay kanyang alaga.” Pinapaubaya natin sa mga pastors at leaders ang pangunguna sa Church, pero ang Diyos ang tunay na nag-aalaga nito. Nagpapasakop tayo sa tao pero ang pagtitiwala natin ay sa Diyos. At na-experience natin ito for 37 years of God’s Faithfulness. 37 years of provision. 37 years na pag-aalaga sa atin ng Diyos. Minsan sagana, minsan kakaunti, pero kahit kailan ay hindi Siya nagkulang sa BBCC. So, be still. Be still, BBCC, and know that I am God, says the Lord.
Verses 6, 8-10: God is Sovereign and in Control
Ang mga bansa ay nagkagulo, ang mga kaharian ay nagpasuray-suray,
binigkas niya ang kanyang tinig, ang lupa ay natunaw.
Pumarito kayo, inyong masdan ang sa Panginoong gawa,
kung paanong gumawa siya ng pagwasak sa lupa.
Kanyang pinahinto ang mga digmaan hanggang sa mga dulo ng lupa;
kanyang pinuputol ang sibat at binabali ang pana,
kanyang sinusunog ng apoy ang mga karwahe!
“Kayo ay magsitigil at kilalanin ninyo na ako ang Diyos.
Ako’y mamumuno sa mga bansa, ako’y mamumuno sa lupa.” (Ang Biblia)
The nations rage, the kingdoms totter;
he utters his voice, the earth melts.
Come, behold the works of the Lord,
how he has brought desolations on the earth.
He makes wars cease to the end of the earth;
he breaks the bow and shatters the spear;
he burns the chariots with fire.
“Be still, and know that I am God.
I will be exalted among the nations,
I will be exalted in the earth!” (ESV)
Iniisip ng tao na with a little power and authority na pinahiram na sa atin ay pwede na nating gawin ang lahat ng bagay. Na kaya na nating makuha yung gusto natin. Our foolishness made us think that we are in control samantalang sa isang salita lamang Diyos ay maaaring matunaw yung lupa kung saan tayo nakatayo and everything that we know and believe ay matutunaw kasama nito. Sabi sa verse 6, “binigkas niya ang kanyang tinig, ang lupa ay natunaw.” Verse 8, “Pumarito kayo, inyong masdan ang sa Panginoong gawa, kung paanong gumawa siya ng pagwasak sa lupa.” Hindi ito yung ideal na image ng Diyos para sa atin. Ang gusto nating image ng Diyos ay yung laging nakangiti, nakayakap, mapagbigay, mapagmahal, pero ‘wag nating kalimutan na Mayroong kapangyarihan ang Diyos to create a horrifying chaos. Natatakot na tayo sa mga natural disasters na dumadating sa bansa natin year after year but those are nothing compared sa disaster na mangyayari sa atin pag dumating na ang galit ng Diyos. Alam natin mula sa mga stories ng Bible na ang Diyos ay may kapangyarihan na utusan ang lupa na mabiyak at kainin ang dalawang taong dinadaya ang Diyos. Na mayroon siyang kapangyarihan na utusan na bumaba mula sa langit ang isang bola ng apoy para tupukin ang isang makasalanang bayan. At mayroon siyang kapangyarihan na buksan ang lahat ng bukal ng tubig sa mundo para pabahain ng lampas sa pinakamataas na bundok and to wipe out human race.
Sabi sa Awit 101:7-8 Dito natin makikita na mayroon tayong Diyos na galit sa kasalanan at patuloy na nagagalit sa kasalanan.
Awit 101:7-8
Sa aking palasyo yaong sinungaling di ko papayagan,
sa aking presensya ang mapagkunwari’y di ko tutulutan.
Lahat ng masama, araw-araw sila’y aking wawasakin;
lahat ng masama sa lunsod ni Yahweh ay palalayasin!
Mayroong kapangyarihan ang Diyos to create a very horrifying chaos at may kapangyarihan din siyang ipatigil ang lahat ng kaguluhan sa mundo. Tulad ng sabi sa verse 9. Kanyang pinahinto ang mga digmaan hanggang sa mga dulo ng lupa. Kanyang pinuputol ang sibat at binabali ang pana, kanyang sinusunog ng apoy ang mga karwahe!
Wag nating iisipin at sasabihin na “Wala nang pag-asang magkasundo pa yan,” “Wala nang pag-asang magkaayos pa yan.” Kung yung digmaan ay kayang ipatigil ng Panginoon bakit hindi niya kayang pag-ayusin ang relasyon ng dalawang tao? Kung kaya niya i-unite yung mga bansa, bakit hindi niya kayang i-unite ang isang Church? O ang inyong pamilya?Kapatid, bakit ang tagal namang umaksyon ng Diyos sa mga problema ko? Kung kaya naman pala niyang ayusin ang lahat, bakit ang tagal? Ano sabi sa verse 10 (ESV)?
“Be still, and know that I am God.
I will be exalted among the nations,
I will be exalted in the earth!”
Minsan wala naman talaga tayong magagawa pero gawa pa rin tayo nang gawa ng paraan. Sa bangka, pag lalo kang naglikot-likot, lalo lang magiging magalaw. Yung pag-aalala natin, kabalisahan, at pagdepende sa sarili nating kakayahan, kadalasan lalo lang dumadagdag sa kaguluhan. Lalo lang nagiging shaky yung bangka. Binabagyo na nga yung bangka, ang likot likot mo pa. Kaya ang utos sa atin, “Be still and know that I am God.” Manahimik ka muna dyan sa isang sulok at baka nakakalimutan mo na hindi ikaw ang bida sa istorya ng buhay mo. Hindi ikaw ang bida sa istorya ng mundong ito. Hindi ka si Jollibee, ‘wag kang bida-bida. Manahimik ka muna at alalahanin mo na kasama mo ang Diyos. Babalik ulit tayo sa verses 7 at 11. “Nasa atin ang Diyos na Makapangyarihan, ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan.” “Nasa atin ang Diyos na Makapangyarihan,” ibig sabihin ay Emmanuel, kasama natin ang Diyos. Nasa atin ang Panginoong Hesus na may kapangyarihang iligtas tayo sa ating mga kasalanan. Hindi lang niya tayo isang beses iniligtas. Araw araw ay inililigtas niya tayo. Sabi ni Jesus sa John 10:28:
Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan. Kailanma’y hindi sila mapapahamak at hindi sila maaagaw sa akin ninuman.
(Binibigyan – present participle, walang timeframe, walang ending, nagpapatuloy)
Alalahanin mo kung paano ka niya ginabayan at itinaguyod noong nakaraang taon para lang mag-alala ka, para lang mag-alala ka ngayon sa bagong taon. Sabi doon, “I will be exalted among the nations, I will be exalted in the earth!” says the Lord. Darating ang panahon na ang Diyos will be exalted among the nations. Pwedeng hindi pa ‘to nangyayari ngayon because we keep on exalting people, exalting human beings. We’re exalting yung mga created instead na yung Creator. Pero darating yung panahon na ang Diyos ang maghahari sa buong mundo, at sa araw na yun matatanong natin sa sarili natin, bakit ba ako nag-alala? Sa araw na ang Diyos na ang naghahari sa lahat sa buong universe, para saan pa yung pag-aalala natin sa mga araw na ‘to. Kung ang inaasahan natin na ang Diyos ang maghahari sa lahat tulad ng sinabi sa kasulatan, dapat lang na ang Diyos din ang naghahari sa ating buhay. So kung ang Diyos ang naghahari sa mundo, siya din yung naghahari sa ating buhay, syempre tayo ay part ng mundo. Maliban na lang kung mayroon kang ibang mundo. Pero if you’re still part of this world, kung part ka ng mundo na ito na ang Diyos ang maghahari, dapat lang na ang Diyos din ang naghahari sa buhay mo. So, God is our help and protection, God is our joy and security, God is sovereign and in control, God is powerful and God is with us. Yan ang gustong sabihin sa atin ng Psalms 46.
Kung ganito lang sana lagi. Na sa lahat ng pagkakataon, magsisimula yung araw natin sa God is, God is. Kaso kadalasan nagiging Work is. Kadalasan nagiging Job is, Relationshp is. Kaysa God is in control, nagiging I am in control. Napakadali para sa atin na palitan yung words na “God is” ng iba’t ibang bagay na ginagamit natin na pamalit sa Diyos. Pero God alone is our All in All. All other strongholds will crumble. All other Joy will bring sorrow. All other comfort will bring suffering. All other protection cannot protect you from the mighty God. All other pleasure is torture to your soul. And all other strength is weakness. Nothing compares to our God. Kaya ngayong umaga, tinuturuan tayo ng salita ng Diyos to rest in Him. To stop. To be quiet. To stop worrying. To stop being afraid and to be still and know na mayroong Diyos at siya pa rin ang Diyos nang buong sanlibutan. “Be still and Know that I am God,” says the Lord.
Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)
Sign up to get your free pdf
By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

