Salmo 1:1-6 [MBB]
Mapalad ang taong hindi nakikinig sa payo ng masama,
at hindi sumusunod sa masama nilang halimbawa.
Hindi siya nakikisama sa mga kumukutya
at hindi nakikisangkot sa gawaing masama.
Sa halip, kasiyahan niyang sumunod sa kautusan ni Yahweh.
Binubulay-bulay niya ito sa araw at gabi.
Katulad niya’y punongkahoy sa tabi ng isang batisan,
laging sariwa ang dahon at namumunga sa takdang panahon.
Ano man ang kanyang gawin, siya’y nagtatagumpay.
Hindi gayon ang sinumang gumagawa ng masama,
ito ay tulad ng ipa, hangin ang siyang nagtatangay.
Sa araw ng paghuhukom, parusa niya’y nakalaan
siya’y ihihiwalay sa grupo ng mga banal.
Sa taong matuwid, si Yahweh ang pumapatnubay,
ngunit ang taong masama, kapahamakan ang hantungan.
Psalm 1:1-6 [ESV]
Blessed is the man
who walks not in the counsel of the wicked,
nor stands in the way of sinners,
nor sits in the seat of scoffers;
but his delight is in the law of the Lord,
and on his law he meditates day and night.
He is like a tree planted by streams of water
that yields its fruit in its season,
and its leaf does not wither.
In all that he does, he prospers.
The wicked are not so,
but are like chaff that the wind drives away.
Therefore the wicked will not stand in the judgment,
nor sinners in the congregation of the righteous;
for the Lord knows the way of the righteous,
but the way of the wicked will perish.
Mapalad ang taong sa kautusan ng Dios ay kasiyahan n’yang sundin ito. Ngunit ang taong gumagawa ng masama ay kapahamakan ang hantungan.
[Blessed is the man who finds joy in the law of God and takes pleasure in obeying it. Conversely, those who engage in wrongdoing will face a serious end].
Dakilang Dios na banal at makapangyarihan sa lahat, minsan pa ay lumalapit po kami sa iyo at ipinapanalangin ang gawaing ito ng pagbubulay-bulay at pangangaral ng iyong banal na Salita. Hiling ko po una sa lahat ang iyong patuloy na tulong at patnubay sa inyong lingkod, na maibahagi ko po ito ng may kalinawan at katapatan sa oras na ito. Hayaan mong ang iyong banal na espiritu ang malayang kumilos sa aming mga puso at isipan sa mga katotohanang aming pagbubulayan. Mula sa text ng Mga Awit kabanata 1:1-6 ay makita namin ang malaking kahalagahan ng iyong mga paalala, pagtuturo mula sa iyong Salita na ito, na ikaw din ang nagsabi mula sa 2 Tim.3:16- 17 “Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at kapaki-pakinabang sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagsaway sa kamalian, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay, upang ang lingkod ng Diyos ay maging ganap at handa sa lahat ng mabubuting gawain”. Purihin ka o Dios sa katotohanan na mapalad ang taong sa Salita mo o sa kautusan mo ay binubulay ito, isinasapuso at ipinamumuhay. Hindi katulad ng taong masama, na walang pagpapahalaga sa iyong Salita. Kung kaya’t ang dulo ng buhay ay kapahamaka. Mapalad kami dahil ang Salita mo ay patuloy na mag reremind sa amin and the same time magbibigay warning sa amin, ito ay means of grace, at kung gaano kahalaga na seryosohing sundin ito sa aming mga buhay. Dahil ganito naman talaga ang buhay na nakakabit kay Cristo, nananatili sa iyong mga salita at kasiyahang sundin ito. Not out of obligations but from the overflow of the heart, coming from our union with the Lord Jesus. Na anumang natitira pang mga kasalanan sa amin ay patayin ito, pasakop sa iyong kalooban, at patuloy na mamuhay sa kabanalan, na ang tanging hangarin ay bigyan ka ng kaluguran. Maraming salamat po o Dios, ikaw na po ang magpala nitong Salita mo sa aming mga puso at isip, ito aming dalangin sa pangalan ni Jesus. Amen!
Binasa po kanina ang ating text sa Psalm 1 na atin pong pagtutuunan sa ating pag-aaral ngayon. Bago ito, bali magkakaroon po tayo ng series of study sa book of Psalm. Actually nagkaroon tayo n’yan before, kung maalala n’yo yung Theme o yung series natin sa “Then Sings My Soul” na naishare sa atin ni Ptr.Derick. Maganda balikan natin ito na mapag-aralan, makakatulong ito sa ating pag-aaral. Available yan sa Treasuring Christ PH. So katuwang ang ilan pang preacher (Ptr. Aldrin and Bro. Jhok) ay amin po itong pangungunahan. Hindi lahat itong 150 chapters, kundi ilan dito ay pinili namin tulad din ng napagkasunduan before Pastor Derick ay mag take ng sabatical leave ng 3 months, January – March 2024. Sa bawat month, maaring magkaroon lang din ng isang slot (parang series break). Sa schedule ay si Bro.Robin and mag invite rin sa iba, so ipag pray po natin ito. And yung exodus series ay itutuloy po ito ni Ptr Derick sa pag balik n’ya after ng kanyang sabatical leave. So, initially ito po ang ating magiging preaching schedule, for the next 3- 4 months, dahil yung april ituloy pa rin un Psalm ni Pastor Derick na. Actaully, last Sunday ay sa (Psalm 119:81- 88).
So, let’s proceed dito sa atin text sa Psalm 1. Interestingly, sa bahaging ito ay pinapakita ng author ang 2 fundamental classes of mankind –sinners and righteous. Ang ganda ng punto n’ya d’yan, kasi katambal n’yan makikita ang descriptions o patutungunan ng dalawang ito. Una ay ang pagbibigay diin ng author sa taong matuwid (righteous) at yung isa ay ang taong masama (wicked, ungodly) makikita ‘yan sa ating text.
Kaya yung title ng ating sermon ay “Ang Landas ng Matuwid at ng Masama.” [The Way of the Righteous and the Wicked]. At kung ESV ang gamit n’yo nakalagay ito. At sa punto na ‘yan tignan natin at bigyang emphasis, itong pinaka Main Idea na nais kong i-share – Mapalad ang taong sa kautusan ng Dios ay kasiyahan n’yang sundin ito. Ngunit ang taong gumagawa ng masama ay kapahamakan ang kahahantungan.
Hindi binanggit dito kung sino ang author, unlike sa ibang bahagi sa aklat na ito tinutukoy kung sino, tulad ni haring david, na marami dito ay composition n’ya na mga songs or poem, kaya dito pa lang sa section ng chapter 1- 41 o yung tinatawag ng mga scholars dito na Book 1. Ito kasing Psalms ay hinati sa 5 bahagi (book 1 – 5). So hindi na natin i detail ‘yan. Kumbaga, itong mga collections na ito from the Old Testament ay binigyang kaayusan. Kaya yung mga chapters and verses din ay naging malaking tulong sa ating pagbabasa rito. Kasi diba sa original manuscript wala namang ganon. Out of 41 dito sa book 1, ay 37 dito ay katha ni David, pansin ‘yan sa mga title ng bawat chapter sa mga bible natin. At ilan pa sa mga sumulat dito ay sina solomon, asaph, si moses (psalm 90 – sabi nga, the kind of ancient wisdom that is timeless). At ilan pa na mga sumulat nitong “The Book of Praises” or the hymnal of the people of God. Of course, pasok d’yan yung prayer, guide for worship, mga instructions, even to New Testament ay ginagamit ito sa pananambahan sa sinagoga ng mga jews. And amazingly, pag dating nga sa New Testament, ang daming allusions or quotations dito, na mismong ang Panginoong Jesus ay nagko-quote from the book of psalms para gamitin sa kanyang mga pagtuturo. Kaya ang aklat na ito ay talagang mayaman sa karunungan, kaya rin itong text natin ay tinatawag na wisdom psalm. Na naka tuon or focuses on God’s word, God’s blessing on those who obey it and meditate on it, and God’s ultimate judgement on those who rebel against God. Kitang-kita ‘yang contrast na ‘yan dito.
So, mahahati po ito sa dalawang bahagi ng aking pagtalakay. Ang una ay ang verses 1- 3 “Ang mapalad na tao at ang kanyang kasiyahan sundin ang utos ng Dios. Then in verses 4- 6 “Ang taong gumagawa ng masama ay kapahamakan ang kasasapitan.” Dito sa verse 1, kung ESV ang gamit natin, makikita ang group of words na nagbibigay diin o descriptions sa taong “mapalad” / “blessed” (maya-maya i define natin kung ano ibig sabihin n’yan term na ‘yan). Sa bahaging ito ng verse 1, maganda ang naging observation ni john piper dito. Yung unang group of words ay “walks”, “stands”, “sits”(pangkasalukuyan) sumunod ay ang mga salita na “counsel”, “way” and “seat” then yung huli sa bawat line nito ay yung “wicked”, “sinners”and “scoffers”(mangungutya) so trilogy. Kasi pagdating sa MBB, implied na ito, na ang ibig sabihin na ang “mapalad” na tao ay hindi nakikinig sa “counsel”o payo ng isang “wicked”/ taong masama. Hindi s’ya sumusunod sa path o way, so inulit uli yung salitang “masama” nilang halimbawa. And then, yung taong ito ay hindi s’ya nakikisama at nakikisangkot sa gawaing masama. So para itong galaw or movement na sa umpisa, palakad-lakad ka lang, maya-maya hindi mo na mamamalayan, nasasangkot kana kasi yung advise ng masamang napakinggan ay nagawa na pala. Then at the end, na lulong na sa kasamaan.
Ganito ka seryoso ang sinasabi ng talatang ito, a warning not to give in to this kind of pattern. Kasi hindi iyon ang gawain ng isang “blessed” individual or “righteous” or I may say hindi iyon gawain o ginagawa ng isang anak ng Dios. Kung magbalik tanaw lang tayo sa ating mga sarili. Yes at some point, o maraming pagkakataon esp. noong tayo’y wala pa sa Panginoon, no brainer, higit pa sa kalalaan ng nakikita natin sa talatang ito kung gaano kasama o kung gaano kalala ang ating kalagayan o ginagawa before na mga kasamaan. Also, we need to be reminded pa rin kahit ngayon na tayo ay mananampalataya na, mahigpit pa rin itong ipinapaalala sa atin, o hindi basta alalaanin lang, kundi dapat ito’y sundin. Kasi nga seryoso ang salita ng Dios na dapat nating pakinggan, paniwalaan at hindi balewalain. Pero syempre, dagdag dito kailangan natin unawain pa ang talatang ito. Kaya mahalaga tignan natin yung sinabi sa panimula nito. Itong word na “blessed.” Kasi maaring sa biglang tinggin, ahh para pala ako maging “mapalad” kailangan hindi ako gumagawa ng masama. Totoo naman, dapat talaga tayong hindi na gumagawa (nagpapatuloy) sa kahit anumang uri ng kasamaan, kasi delikado ‘yan. At pag ganyan, problematic talaga ‘yan sa katayuan ng isang tao na nagsasabing christian s’ya.
Ang salitang “mapalad” dito ay magandang tignan, bukod pa sa alam natin na ang mismong aklat na ito, kasama ng iba pang mga nakasulat sa Lumang Tipan ay magdadala sa atin sa katotohanan tungkol sa ating Panginoong Jesu-Cristo, na S’ya talagang legit, perfect or perfectly blessed man, dahil s’ya lang at wala ng iba pa ang tumupad sa lahat ng kasulatan, na hindi nagawa ng mga unang nabuhay na mga tao o kahit tayo rin ngayon. Over and over again, if we will be honest neglectful tayo, makakalimutin sa Salita ng Diyos o mga utos n’ya, sa aminin at hindi. Sa ilang mga sinasabi mismo ng book na ito ng psalm sa pagiging “mapalad” ,sabi ng isang christian author, kung i-susurvey natin kung ano ang connection nito sa ibang bahagi ng mga Awit, makikita sa mga talata dito or atleast mayroon 26 na beses na binabanggit ito. Tignan natin ang ilan na mga sumusunod, sa;
Psalm 32:1- 2 ”Mapalad ang taong pinatawad na ang kasalanan, at pinatawad rin sa kanyang mga pagsalangsang. Mapalad ang taong hindi pinaparatangan, sa harap ni Yahweh’y hindi siya nanlinlang.
Sa 34:8 ”Tingnan mo at lasapin ang kabutihan ni Yahweh; mapalad ang mga taong nananalig sa kanya.”
Sa 65:4 ”Silang mga hinirang mo, upang sa templo manahan, silang mga pinili mo’y mapalad na tuturingan! Magagalak kaming lubos sa loob ng templong banal, dahilan sa dulot nitong pagpapala sa nilalang.
89:15 ”Mapalad ang taong sa iyo’y sumasamba, sa pagsamba nila’y inaawitan ka at sa pag-ibig mo’y namumuhay sila.
Ano ang kapansin-pansin dito? Yun nga, itong salita na “mapalad” ay isang kalagayan o katayuan ng isang tao o ng mga tao na mayroon malapit na relasyon kay Yahweh o sa Dios, particularly itong mga tao na pinili ng Dios, in this case itong mga israelita na pinili n’ya. So dito dinidiscribe ito ng psalmist, na ngayon naman kumbaga, ito ay para sa iyo at para sa akin din na nakay Cristo na. Kasi diba we’re also blessed, bakit? Una, dahil tayo’y napatawad na sa ating mga kasalanan, sa pamamagitan walang iba ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Sabi nga sa psalm 32:1-2, basahin natin sa ingles “Blessed is the one whose transgression is forgiven, whose sin is covered.2 Blessed is the man against whom the Lord counts no iniquity, and in whose spirit there is no deceit. (from david)
Sa Rom.4:6- 8 sa sulat ni pablo, mababasa rin ang ganito “ 6 Kaya’t tinawag ni David na pinagpala ang taong itinuring ng Diyos na matuwid nang hindi dahil sa sarili nitong mga gawa. Sinabi niya,7 “Pinagpala ang mga taong pinatawad na ang pagsuway, at ang mga taong pinawi na ang mga kasalanan.8 Pinagpala ang taong hindi na pagbabayarin ng Panginoon sa kanyang mga kasalanan.”
So ito yung natamo natin sa Dios sa pamamagitan ng ginawa ni Cristo sa Krus. S’ya yung naparatangan, kahit walang kasalanan, s’yang nagbayad sa malaki nating pagkakautang sa Dios dahil sa ating mga kasalanan at kanya na itong pinawi. Kaya mapalad tayo na mga nananalig sa kanya, kaya sinabi rin sa psalm 34:8 na ano? Lasapin mo, taste and see that the Lord is good. Ito ang sinasabi ng kanyang Salita. Kapag lubos natin itong naunawaan, malaki ang mababago sa ating pagtinggin, pagsunod, pamumuhay sa kabanalan, paglilingkod, pagsamba at pagnanais na patuloy na makilala pa ang Dios sa ating mga buhay. Ganoon din habang ginagawa natin ang mga bagay na ito, paliit ng paliit ang pag tingin natin sa ating mga sarili, sa kasalanan at lalo namang lumalaki ang ating pagkilala, pagtingin, pagkauhaw at pag-ibig sa Dios. Ito na kasi yung natural na umaapaw sa puso natin na mga mapapalad. Kaya naman, mas lalong pakaka-asamin mo, mamatamisin mo, magiging kaligayahan mo o natin ang kanyang Salita at mga tuntunin, turo o utos rito na sundin. Lalo nitong pinagbabaga ang ating mga puso na makilala ang Dios Ama, Dios Anak at Dios Espirtu Santo.
Sabi sa verse 2 “Sa halip, kasiyahan niyang sumunod sa kautusan ni Yahweh. Binubulay-bulay niya ito sa araw at gabi.”
Kasi sa paraan ding ito lalo itong magtutulak sa atin papalapit sa Dios at sa kanyang kalooban. Lalo tayong natutulungan to live in harmony with God’s will. Ito dapat yung chief desire or prayer ng ating mga puso, na nasisiyahan kang gawin. Sabi rito binubulay- bulay niya ito sa araw at sa gabi (he meditates day and night). Sabi ng isang christian author dito, it’s a consistent contemplation and internalization. Minumuni-muni at sinasaloob, isinasapuso itong salita n’ya at mga tuntunin nito, at sa mas praktikal na pagtinggin, mainam itanong or iassess natin kung paano nga ba natin pinahahalagahan ang kanyang Salita. Ito munang mga nakasulat dito. Sa time ng lumang tipan, hindi lang nila ito minemeditate, but at the same time minememorize rin nila itong “Torah” na ito. Sa prayer, sa worship, ginagamit nila ‘yan. At itong Torah na ito (pentateuch book) in a broader sense, kung ilalapat natin yung ginamit na salita sa verse 2 na “law”..but his delight is in the “law”of the Lord. Ang sabi rito ng isang christian author, ay hindi lang malilimitan sa commandments, kundi sa lahat ng sinasabi sa Salita ng Dios.
Sa Psalm 19:7- 10 ganito ang mababasa
“Ang batas ni Yahweh, walang labis walang kulang,
ito’y nagbibigay sa tao ng panibagong kalakasan.
Ang mga tuntunin ni Yahweh’y mapagkakatiwalaan,
nagbibigay ng talino sa payak na isipan.
8 Ang mga utos ni Yahweh ay makatuwiran,
ito’y nagpapasaya ng puso at kalooban.
Ang mga tagubilin ni Yahweh ay tama,
nagbibigay sa isipan ng hustong pang-unawa.
9 Paggalang at pagsunod kay Yahweh ay dalisay,
magpapatuloy ito magpakailanman;
ang mga hatol ni Yahweh ay tunay na makatarungan,
patas at walang kinikilingan.
10 Mas kanaisnais pa ito kaysa gintong lantay,
mas matamis pa kaysa pulot ng pukyutan.
Bukod dito, kahit ang mga pangako n’ya, paalala atbp..mula sa Panginoon. Kung saan, sa mga katotohanang ito, yung prayer natin, na dumating tayo sa punto na gustong-gusto mong marinig, basahin, pagbulayan ang Salita n’yang ito. Hindi ka maboboring, yung excitement o kasabikan, mas mararamdaman mo, mamahalin mo ang Salita n’ya. Kasi “mas matamis pa ito kaysa pulot ng pukyutan, mas kanais-nais pa sa gintong lantay.” Practically, hows your bible reading, ang pag-aaral mo rito?
Now in verse 3 Dagdag pa rito, ang psalmist ay nagbigay ng magandang pagsasalarawan o imagery, na hinalintulad n’ya sa isang punong kahoy na ano? “Katulad niya’y punongkahoy sa tabi ng isang batisan,laging sariwa ang dahon at namumunga sa takdang panahon. Ano man ang kanyang gawin, siya’y nagtatagumpay. Ang ganda na connection na makikita rito, na para bang mas lalong tumingkad ang katotohanan na yung isang tao na kanyang hinahalintulad sa isang puno. Maaaring mas realistic, para itong yung puno na madadaan sa gawing Talamapas, Bustos dito sa tabi ng irriagation canal. Kung pupunta ka at dito dadaan, halimbawa papunta ng Plaridel. Mapapansin ang maraming nag hilerang puno ng mangga d’yan (dito rin kami madalas dumaan kapag nagba bike). Ano ang mapapansin mo sa mga punong ito? Maybe, hindi naman siguro dahil sa spray. Kasi naturally, dahil katabi ito ng irrigation canal, talagang namumunga ito sa panahon. At ang mga dahon nito ay sobrang lago talaga, nung isang araw na dumaan kami d’yan ni ptr. Ric papuntang gcgc, madami kang makikitang tao na nagpapahinga, naglalakad, nag babike etc. Kasi sobrang lilim talaga sa lugar na ‘yan. Kung saan, maaring ang puno na ito na gustong tukuyin ng psalmist ay tulad nga sa taong labis na nagpapahalaga, nasisiyahan sa Salita ng Dios, na itong salita, mga utos, tuntunin n’ya na parang tubig na nag nonourish sa mga ugat ng punong ito. Kung kaya’t dahil sa pagkaka-kabit nito at pananatilili nito sa tubig na dumadaloy sa mga ugat nito, nanatiling matatag at maayos ang kalagayan nito, malago ang kanyang mga dahon at ang mga bunga nito ay talagang napapanahon. Tulad sa taong ito, na walang ibang kasiyahan kundi ang Salita ng Dios at kanyang kasiyahang sundin ito at pananatili n’ya sa source o sa Dios mismo, ay walang tigil din ang bunga na idinudulot ng kanyang buhay sa pamamagitan ng mabubuting bagay na papakinabangan ng maraming tao dahil sa relasyon meron s’ya sa Dios. Sa relasyon meron din tayo sa Panginoon, na makikita kung paano tayo magmahal sa kapwa, tumulong sa mga nangangailangan, maging gracious kahit sa mga kaaway o kahit sa mga taong tumutuligsa sa atin. Magpatotoo ng ating pananampalataya, at ibahagi sa mga taong wala pang pagkakakilala sa Dios.
Ganito kahalaga, kayaman itong “Sola Scriptura” na ito. At alam natin na ang kasunod n’yan, though binangit ko na ang ilan, na sa buong pusong kasiyahan nating sinusunod ito, ay ang buong pusong gawin naman natin maipamuhay, maipag-kaloob, maibahagi o maituro ito sa iba. Dito nagkakaroon ng malaking katuturan ang katotohanang pinaniniwalaan at pinagtitiwalaan nating Salita ng Dios. Dapat ito ay nadarama, nakikita, natitikman, nararanasan ito ng mga tao. Bagama’t maaring hindi ito madali para sa atin, maraming pwedeng kaharapin ng mga problema o pagsubok, na maari din kinakaharap mo na. Hindi madaling gawin na sundin ang mga utos o tuntunin ng kanyang Salita, or I may say na si Kristo mismo bilang Salita.
John 1:1, 14 “Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. 14” Naging tao ang Salita at nanirahan sa piling namin. Nakita namin ang kaluwalhatiang tunay na kanya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Siya ay puspos ng kagandahang-loob at ng katotohanan”.
Pero we all know, kahit maging kalugihan o kapalit pa ng ating buhay ay walang anumang maitutumbas, ang walang katumbas na halaga ng buhay at dugo ni Kristo na ipinambayad n’ya sa ating mga kasalanan. Na natamo mo kung ikaw ay sumasampalataya sa kanya. Na masasabi natin tagumpay nang bawat isang tunay nga na may pakikipag-isa sa kanya. Dahil ibinuhos n’ya ang napakalaking grasyang ito para sa atin. Na yung prayer natin, o Dios huwag mong hayaang matinag kami ng katotohanang ito, dahil ang angkla ng aming pananampalataya ay ang iyong Anak na aming Panginoong Jesu-Cristo.
Romans 8:32- 37 “Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait, sa halip ay ibinigay para sa ating lahat, hindi kaya niya ibibigay nang masagana sa atin ang lahat ng bagay? 33 Sino ang makakapagharap ng paratang laban sa mga hinirang ng Diyos, gayong ang Diyos ang nagpapawalang-sala sa kanila? 34 Sino ang hahatol upang sila’y parusahan? Si Cristo Jesus ba na namatay, ngunit higit sa lahat ay muling binuhay, at ngayon ay nasa kanan ng Diyos upang mamagitan para sa atin? 35 Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo? Ang kaguluhan kaya, ang kapighatian, pag-uusig, pagkagutom, kahirapan, panganib, o kamatayan? 36 Ayon sa nasusulat,“Dahil sa inyo’y buong araw kaming pinapatay, turing nila sa amin ay mga tupang kakatayin lamang.”37 Hindi! Sa lahat ng mga ito, tayo’y lalong higit pang magtatagumpay sa pamamagitan niya na nagmamahal sa atin.”
Then in verses 4- 6
Dito muna sa verse 4 “Hindi gayon ang sinumang gumagawa ng masama, ito ay tulad ng ipa, hangin ang siyang nagtatangay.”
Makikita uli rito ang paghahambing na ginawa ng psalmist. Kanina nakita natin un metaphor sa isang puno, na inihahambing sa isang tao na mapalad dahil sa kanyang kaugnayan sa Dios, na bilang fountain of life, and living water din. Na makikita sa taong ito ang kanyang kasiyahan sa pagsunod sa Salita mismo ng Dios. Ngayon naman, hindi katulad ng isang taong masama (wicked), sa bible ang daming pwedeng ihalintulad sa masamang tao. Pero ang sabi rito sa talata na pinag-aaralan natin, ito ay tulad lang ng ipa. Kung familiar kayo sa ipa, ito yung balat ng bigas. After na bayuhin ang palay, mula sa pagkaka-ani nito o kaya sa pamamagitan ng bilao, natitira itong ipa kapag ito’y pinagpag. Hindi ako sure kung saan pa ito pwedeng gamitin ngayon. Pero sa description dito, tinatangay na lang ito ng hangin kung saan man ito mapadpad. Meaning useless worth nothing na ito, or rootless, blown about, and destined for a fire. In contrast to the righteous (blessed) who are like trees the ungodly are dead. Sabi pa sa commentary ni Warren Wiersbi. When the grain is winnowed (parang na filter na, gamit yung bilao), the wind blows the chaff (ipa) away, and what chaff remains is thrown into the fire. Susunugin na lang ito. I- quote ko pa rin itong sinasabi ni Warren Wiersbi sa section na ito. “John the baptist used same images of the tree, fruit and chaff to warn sinners to repent. So ito yung time noong s’ya ay nangangaral dito. Mababasa ‘yan sa
Matt. 3:7- 12 “Nang makita niyang lumalapit din sa kanya ang maraming Pariseo at mga Saduseo upang magpabautismo, sinabi niya sa kanila, “Lahi ng mga ulupong! Akala ba ninyo’y makakatakas kayo sa parusa ng Diyos? 8 Patunayan muna ninyo sa inyong mga buhay na kayo’y talagang nagsisisi, 9 at huwag ninyong akalain na makakaiwas kayo sa parusa ng Diyos dahil sinasabi ninyong ama ninyo si Abraham. Sinasabi ko sa inyo na kahit sa mga batong ito ay makakalikha ang Diyos ng mga anak ni Abraham. 10 Ngayon pa lamang ay nakaamba na ang palakol sa ugat ng mga punongkahoy; ang bawat punong hindi mabuti ang bunga ay puputulin at itatapon sa apoy.11 “Binabautismuhan ko kayo sa tubig bilang patunay ng inyong pagsisisi at pagtalikod sa kasalanan. Ngunit ang darating na kasunod ko ay magbabautismo sa inyo sa Espiritu Santo at sa apoy. Higit siyang makapangyarihan kaysa akin; ni hindi man lamang ako karapat-dapat magdala ng kanyang sandalyas. 12 Hawak na niya ang kanyang kalaykay upang alisin ang dayami. Titipunin niya sa kamalig ang trigo ngunit ang ipa ay susunugin sa apoy na di mamamatay kailanman.”
The wicked of this world seem rich and substantial, but from God’s point of view, they are cheap, unsubstantial, and destined for judgement.” Mabigat ang kasasapitan ng mga taong hindi kumikilala sa Dios o wala sa Panginoong Jesu-Cristo. Na ang kanilang Dini-dios ay ang kanilang mga sarili, walang ibang sentro ng kanilang buhay kundi ang sarili. Ako, ako, ako. Ang kanilang karunungan, kapangyarihan, kayamanan o anumang bagay na higit na mas mahalaga kaysa sa Dios na kinakapitan ng mga tao. Na baka ikaw din mismo na nakikinig ngayon, na malayo ang puso mo sa Dios dahil sa kasalanang ipinagpapatuloy mo at hindi mo tinatalikuran. Repent of your sin, but the good news is sobrang gracious ng Dios. Tatanggapin n’ya ang kapatawaran ng kasalanan, kung buong puso natin ihihingi ng tawad ito sa kanya.
Heb.4:14- 16 14 Kaya nga, magpakatatag tayo sa ating pananampalataya, dahil mayroon tayong Dakilang Pinakapunong Pari na pumasok na sa kalangitan, doon mismo sa harap ng Diyos. Siya’y walang iba kundi si Jesus na Anak ng Diyos. 15 Ang ating Pinakapunong Paring ito ay nakakaunawa sa ating mga kahinaan sapagkat tulad natin, tinukso siya sa lahat ng paraan, subalit kailanma’y hindi siya nagkasala. 16 Kaya’t huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Diyos upang makamtan natin ang habag at pagpapala na tutulong sa atin sa panahon ng ating pangangailangan.
The chaff is so near the grain, but in the end, the two are separated, and the chaff is blown away or burned. But until that happens, we have the opportunity to witness to them and seek to bring them to Christ. That’s why they need to hear the gospel, repent of their sin and have faith in Jesus, and we sense that urgency. Kaya sama-sama at tulong-tulong tayo na ibahagi si Cristo sa marami pang mga tao. Marami tayong gospel tracts, gamitin natin ito. Pwede kayong mag sponsor (mura lang, pang reprinting lang uli para sa iba pang mga resources), pagtulungan natin kung paano ito maipamamahagi sa mga tao. There is a coming way of judgement, and the Lord, the righteous judge, will separate the wheat (trigo) from the tares (damo), the sheep from the goats, And no unbeliever will be able to stand in the assembly of the righteous.” (end of quote)
Verses 5- 6 “Sa araw ng paghuhukom, parusa niya’y nakalaan siya’y ihihiwalay sa grupo ng mga banal.6 Sa taong matuwid, si Yahweh ang pumapatnubay, ngunit ang taong masama, kapahamakan ang hantungan.
Ang awit na ito ay nagsisimula sa “pinagpala” and i hope and pray mas naging malinaw sa atin kung ano ang kalagayan ng isang taong na kay Kristo at nagtatapos sa “mapapahamak.” Ang mga tunay na mananampalataya ay pinagpala kay Kristo (Eph. 1:1-14). Sila ay tumanggap ng pagpapala ng Diyos, kung kaya’t mga minamahal tayo nawa’y maging pagpapala sa iba. Let’s share the gospel sa abot ng ating makakaya. Gawin natin yan!
Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)
Sign up to get your free pdf
By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

