12 “Truly, truly, I say to you, whoever believes in me will also do the works that I do; and greater works than these will he do, because I am going to the Father. 13 Whatever you ask in my name, this I will do, that the Father may be glorified in the Son. 14 If you ask me anything in my name, I will do it.

Verse 12 sa tagalog version ng Ang Biblia.

12 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang sa akin ay sumasampalataya, ay gagawin din naman niya ang mga gawang aking ginagawa.

Kung ikaw yung kasama ni Jesus nung panahon na to bilang isa sa kanyang mga alagad na nakita mo lahat ng ginawang miracles ni Jesus. Nakita mo yung power and authority ni Jesus sa lahat ng bagay. Mula sa pagpapagaling ng lahat ng uri ng sakit, pagpapalakad sa mga paralitiko, pagpapa alis ng mga masasamang espiritu, pag-uutos sa bagyo, dagat, at hangin na tumigil, pagpapakain sa libo libong tao na hindi gumagastos kahit piso, pagtuturo ng may authority at karunungang walang kapantay o katulad, pagpapatawad ng kasalanan at pagbuhay ng mga patay.

Tapos ngayon ay nagpapa alam siya at sinasabing, “aalis nako at kayo naman ang gagawa nang mga ito.” Anong maramramdaman mo kung ikaw ay isa sa mga alagad? Wait lang… Tapos habang nagmumuni muni kapa sa at iniisip mo kung paano mo gagawin yung mga ginawa ni Jesus. Anong sabi niya sa verse 12? “at lalong dakilang mga gawa kaysa rito ang gagawin niya;” Sa ESV “greater works than these will he do”. What? Hindi pa nga nag sisink in yung unang sinabi ni Jesus na, “gagawin din naman niya ang mga gawang aking ginagawa.” meron agad kasunod na “at lalong dakilang mga gawa kaysa rito ang gagawin niya;”. At gagawin mo lahat ito under the circumstance na hindi mo kasama si Jesus dahil aalis na siya. Sabi dun, “sapagkat ako’y paroroon sa Ama.”

Wait lang ulit. So siguro naiisip nyo or ng mga alagad:

  • Paano ko gagawin yung mga kamangha-manghang bagay na ginawa ni Jesus?
  • Paanong mangyayari na yung gagawin ko will be greater than the works of Jesus?
  • Paano ko ito magagawa nang hindi ko kasama si Jesus?

Ang then pag dating naman sa prayer, who can pray like Jesus? John 11:41-42 – Ito yung story ng pagbuhay ni Jesus kay Lazarus.

41 Kaya’t inalis nila ang bato. At itiningin ni Jesus sa itaas ang kaniyang mga mata, at sinabi, Ama, nagpapasalamat ako sa iyo, na ako’y iyong dininig. 42 At nalalaman ko na ako’y lagi mong dinirinig: nguni’t ito’y sinabi ko dahil sa karamihang nasa palibot, upang sila’y magsisampalataya na ikaw ang nagsugo sa akin.

Pag nag pray si Jesus, meron siyang instant assurance na didinggin siya at sasagutin siya ng Ama sa langit. Who can pray like that? Now, yung ating main text na John 14:12-14 may sound like an impossible task.

12 “Truly, truly, I say to you, whoever believes in me will also do the works that I do; and greater works than these will he do, because I am going to the Father. 13 Whatever you ask in my name, this I will do, that the Father may be glorified in the Son. 14 If you ask me anything in my name, I will do it.

12 Pakatandaan ninyo: ang nananalig sa akin ay makakagawa ng mga ginagawa ko, at higit pa kaysa rito, sapagkat babalik na ako sa Ama. 13 At anumang hilingin ninyo sa pangalan ko ay gagawin ko upang luwalhatiin ang Ama sa pamamagitan ng Anak. 14 Kung hihiling kayo ng anuman sa pangalan ko, ito ay aking gagawin.”

That sounds impossible. Pero kung titingnan nating mabuti yung verses, walang inuutos dito ang Panginoong Hesus. Basahin niyo ulit kung ayaw niyong maniwala. May utos ba diyan? Wala. Now that changes everything, right?

Rules of interpretation pag nagbabasa ng Bible. Para di tayo magkamali sa pag unawa sa Bible. Analyze the type of sentence. Ito ba ay imperative, interrogative, declarative, etc. Sa unang tingin parang may gustong ipagawa si Jesus sa mga Alagad pero yung passages nato, yung text natin, walang inuutos dito si Jesus. Instead, these are guarantees. Na pagdating ng tamang oras, ito yung siguradong mangyayari. That they will do Greater Works and have Answered Prayers. Ito po ang title ng ating mensahe ngayong umaga, Greater Works and Answered Prayers.

Taas ang kamay kung sinong gusto makagawa ng greater works and gusto ng answered prayers. Lahat tayo gusto yun. Kung nagtatanong kayo, “applicable ba sakin to?” Yes, here comes the if. Ibig sabihin may kundisyon. If you meet the condition. Ano yung condition? Sabi sa verse 12, “whoever believes in me”. So, para lang ba ito sa mga naunang disciples? No, this applies to whoever believes in Jesus, so para macomplete natin yung statement. “If you believe in Jesus, you will do Greater Works and have Answered Prayers.” – Ayos diba? Sarap sa tenga. Pero bago kayo magsimulang magsabi ng “I claim it in Jesus name.” I claim healing, I claim success and happiness, I claim promotion and more income, in Jesus name, at kung ano ano pang claim it, claim it na yan, teka lang muna, pag-usapan muna natin to ng mas malalim. So, ngayon na alam mo na na maaaring applicable itong verse na to sayo kung ikaw ay may pananampalataya sa Panginoong Hesus, ito naman ba ay applicable sa lahat ng pagkakataon? I will do greater works pala, ibig sabihin mapopromote ako sa trabaho, lalaki yung business ko, mas magiging mahusay ako kaysa ibang tao at lahat ng panalangin ko ay sasagutin ni Lord. No! Yung verse nato ay isa sa mga pinaka madalas gamitin at isa sa mga pinaka misinterpreted verse sa Bible. Applicable to sa lahat ng believers (sa lahat ng true believers) pero hindi ito applicable sa lahat ng pagkakataon o sitwasyon.

Let’s pray.

Aming Ama na Diyos ng langit at lupa. Pinupuri at sinasamba ka namin sa umagang ito. Inaalay namin sayo ang buong araw na ito Panginoon that you may be glorified in our songs, in our prayers, in our worship and in our lives. Gabayan mo po kami Ama as we listen to your word para maunawaan namin ang mensahe mo exactly sa kung ano ang gusto mong sabihin sa amin. Sa tanging pangalan ng aming Panginoong Hesukristo. Sabi ko kanina, na applicable itong text natin sa lahat ng believers (sa lahat ng true believers) pero hindi ito applicable sa lahat ng pagkakataon o sitwasyon. Ibig sabihin, lahat ng nananampalataya sa Panginoong Hesus ay guaranteed na makagagawa ng greater things and are guaranteed with answered prayer, as long as we’re doing the work of Jesus and the will of the Father.

Maraming tao are holding on to these verses and then realizing sa dulo na hindi mangyayari yung inaasahan nilang mangyari, tapos ang nagiging depressed. “Lord sabi mo I will do greater things, sabi mo pag nagpray ako in Jesus name ay sasagutin mo yung prayer ko, bakit bumagsak pa din ako sa board exam samantalang I claimed it in Jesus name?” Hindi pala yun totoo. Totoo yun kapatid. Ang hindi totoo ay yung hallucination natin na binigay sa atin ang Panginoong Hesus at pwede nating gamitin yung pangalan ni Jesus para magically na mawala yung mga problema natin, para maging lucky charm sa mga ginagawa natin and to serve yung sarili nating kagustuhan at interest.

Hindi natin pwedeng sabihin sa Diyos na “ang kumokontra sa prayers ko ay kumokontra sa kapayapaan”. Yung guarantee ng greater works and answered prayers and hindi guarantee that we will live happily ever after. Hindi ito guarantee para mangyari yung gusto nating mangyari, ito ay guarantee para mangyari yung gusto ng Diyos na mangyari. Naniniwala ako na gusto ng Diyos na sagutin lahat ng prayers natin para maging masaya tayo.

John 16:23-24
23 In that day you will ask nothing of me. Truly, truly, I say to you, whatever you ask of the Father in my name, he will give it to you. 24 Until now you have asked nothing in my name. Ask, and you will receive, that your joy may be full.

“Humingi kayo, at kayo’y tatanggap upang malubos ang inyong kagalakan.” Gusto ng Diyos na sagutin lahat ng prayers natin para maging masaya tayo, gusto niya tayong maging masaya kasi anak niya tayo at hanggang pwede Niya tayong pagbigyan, pagibibigyan niya tayo. Napatunayan na natin yan, yung kabutihan ng Diyos, sa maraming pagkakataon, pero the works of Jesus and will of God always, always takes priority.

E paano kapatid, kung magkaiba yung gusto ko sa gusto ng Diyos? Problema yan. Pero itong tanong ko sayo kapatid? Sinong mag aadjust? Ang Diyos ba ang mag aadjust sa prayers mo? Ang Diyos ang mag aadjust para mangyari ang gusto mo? Ito’y problema ng puso natin na dapat nating ayusin. Kung ito yung sitwasyon mo kapatid, hayaan mong tulungan ka namin, hayaan mo na tulungan ka ng salita ng Diyos.

12 “Truly, truly, I say to you, whoever believes in me will also do the works that I do.

Yung word na believe is the primary condition. Pero magkaiba yung knowing and believing. Knowing is intellectual, ito yung pinaniniwalaan mo, pero believing ay yung pamumuhay ng naayon sa kung ano yung pinaniniwalaan mo. So sinasabi ni Jesus, kung tunay ang pananampalataya mo sakin, gagawin mo din yung mga ginagawa ko. Utos ba yun? No. That’s a guarantee na gagamitin ka ng Diyos sa mga mga plano niya at pwede nating panghawakan yung guarantee na yun dahil sa sinabi sa verse 12. Sabi ni Jesus, “because I am going to the Father.” Hindi ito pangkaraniwan, kasi sinasabi ni Jesus sa mga alagad, na siguradong magagawa ninyo ang ginagawa ko at higit pa dahil iiwanan ko na kayo. Parang may mali dun statement na yun diba. Hindi ba mas mainam kung kasama nila si Jesus para magawa nila yun. Bakit kailangan pa niyang iwanan ang mga alagad?

Yung John Chapter 14 ay nagsimula sa pagpapa-alam ni Jesus na siya ay malapit nang umalis. Sabi sa Verse 2 :

2 Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid. Kung hindi ito totoo, sasabihin ko ba sa inyong pupunta ako roon upang ipaghanda ko kayo ng inyong matitirhan?

Hindi ito maintindihan ng mga alagad at hindi rin nila inaasahan yung pagpapaalam ni Jesus at hindi rin nila alam kung saan pupunta si Jesus. Kaya nga sabi sa verse 5.

5 Sinabi sa kanya ni Tomas, “Panginoon, hindi po namin alam kung saan kayo pupunta, paano naming malalaman ang daan?”

Maraming mga sinasabi si Jesus na hindi pa nila naiintindihan at kung tayo yung nasa sitwasyon nila, sigurado ganun din tayo. Naisip ko tuloy, paano kaya kung hindi umalis si Jesus? Kung nag stay pa din siya sa lupa pagkatapos niyang mabuhay at hindi na siya umalis, mas naging okay kaya yung mundo? Palagay niyo? Siyempre alam ko naman na hindi iyon ang kalooban ng Ama pero naisip ko lang, paano kaya ano? Nakakainis yung ganitong mga tanong pag yung gusto mo nang matulog kasi maaga kapang gigising kinabukasan, tapos nung nakahiga kana e maiisip mo nalang bigla yung ganitong mga tanong, parang oo nga noh, paano kaya kung ganun? Hanggang sa mapuyat ka na kakaisip.

Anyway, yung pag akyat ni Jesus sa langit at pagbalik niya sa Ama ay napaka-importanteng event para sa ating mga Kristiyano. Sa ibang mga bansa sinecelebrate nila to as “As the day of ascension” or sa iba ay “Day of the Pentecost”. Tayo mas sinecelebrate pa natin yung graduation, o kaya pag pumasa sa board exam, pag may baby sinecelebrate yung 1 month, 2 month, 3 month, buwan buwan may handa pero wala tayong celebration nung araw na umakyat si Jesus sa langit samantalang ito yung event na dapat lahat ng Kristiyano ay sinecelebrate. Pag-usapan nga namin yan sa elders meeting.

So itong pagpapaalam ni Jesus is both unexpected and uncomfortable but necessary. Kailangan siyang umalis. Bakit kailangang umalis si Jesus?

1. To prepare a place for all His disciples.

John 14:2 Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid. Kung hindi ito totoo, sasabihin ko

ba sa inyong pupunta ako roon upang ipaghanda ko kayo ng inyong matitirhan?

Mayroon siyang gagawin sa langit kaya kailangan niyang bumalik at yun ay para ipaghanda tayo ng matitirhan.

2. In order that the Holy Spirit would come.

John 16:7-11
7 Subalit sinasabi ko sa inyo ang katotohanan. Ang pag-alis ko’y sa ikabubuti ninyo, sapagkat hindi paparito sa inyo ang Patnubay kung hindi ako aalis. Ngunit pag-alis ko, isusugo ko siya sa inyo. 8 Pagdating niya ay kanyang patutunayan na mali ang mga taga-sanlibutan tungkol sa kasalanan, tungkol sa katuwiran at tungkol sa paghatol ng Diyos. 9 Patutunayan niya ang tungkol sa kanilang kasalanan sapagkat hindi sila naniwala sa akin. 10 Patutunayan niya ang tungkol sa katuwiran sapagkat ako’y pupunta sa Ama at hindi na ninyo makikita; 11 at ang tungkol sa paghatol ng Diyos, sapagkat hinatulan na ang pinuno ng sanlibutang ito.

Ang tungkulin ng Banal na Espiritu ay iconvict ang mga tao sa kanilang kasalanan. Hindi natin trabaho na ipamukha sa mga tao ang kanilang kasalanan. Ang trabaho natin is to share the Gospel at ang Banal na Espiritu ang siyang nagdadala ng heavenly guilt sa isang tao, yung guilt feeling na ganito ay maiibsan lang ng mabuting Balita ni Kristo. Kaya ang work ng Holy Spirit is to bring us back to Christ at panatilihin si Kristo sa puso natin. Kaya nga kahit umalis na si Jesus, ano sabi niya sa mga alagad, “Tandaan ninyo, ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.” Dahil sa Holy Spirit, yung pangalan ni Jesus na Emmanuel na ang ibig sabihin ay God is with us ay naging “God is in us”.

3. In order that the Gospel would be preached to ALL nations.

Gawa 1:8 Subalit tatanggap kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo, at kayo’y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at sa Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig.”

Ang Israel ay ang piniling bayan ng Diyos. Kaya meron tayong Old Testament. Ito ang kasunduan na ginawa ng Diyos kay Abraham, kay Moises, at kay David. Dito natutunan natin ang kasaysayan at kaharian ng Israel. Ipinapakita nito kung paano dapat maging ilaw ng mundo ang Israel at maging tanglaw ng pagpapala sa mga kalapit bansa para ipakilala sa mundo kung sino si Yahweh. Pero sa pagkabuhay muli ni Hesus, nabago ang lahat. Hindi nalang Israel ang tanging may-ari ng titulo bilang: “Bayan ng Diyos.” Ang “promised land” ay hindi na tumutukoy sa isang piraso ng lupa sa Palestine, dahil after Jesus’s resurrection, the promises of God to all who believe in Jesus extends far beyond the promise land and the gift of salvation has been made available in every land. Ang Israel ay inatasang maging tagapagdala ng kaligtasan sa mundo. Ang buong mundo ay pagpapalain sa pamamagitan ng katuwiran ng Israel. Pero, paano kung ang bayang tinawag upang maging daan ng kaligtasan ng mundo ay naging bahagi pa ng problema? Instead na maging paraan sila para sa kaligtasan ng iba, naging bahagi pa ng problema ang Israel. Dahil dito, ang kasalanan ay hindi nasolusyunan at nanatili ang galit ng Diyos sa tao. Nabigo ang Israel kaya hinayaan sila ng Diyos na masakop ng ibang bansa. And then comes Jesus. Ginawa Niya ang hindi nagawa ng Israel. At dahil tinupad Niya ang layunin ng Diyos na hindi nagawa ng Israel, ang Mabuting Balita tungkol sa kanyang kamatayan at pagkabuhay ang naging mensahe ng New Testament na hindi naka focus lang sa isang bansa o lahi. At hindi lang yun, nagsimula nang gawin ng Diyos ang isang bagong Israel, isang bagong bayan para sa Kanya. Ngayon ang pagiging bayan ng Diyos ay nabuksan sa lahat, sa Judio at Hentil man at sa lahat ng tao sa lahat ng lugar. Sinuman na nagtitiwala kay Hesus – sinuman na tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas! Romans 10:13 Sinuman! Ang kaligtasan ng mundo ay hindi na nakasalalay sa isang lahi. Hindi sa isang lugar. Hindi sa Torah. Hindi sa Sabbath. Hindi sa pagtutuli. Hindi sa mabubuting gawa. Ang kaligtasan ng mundo ay nakasalalay sa ginawa ni Kristo. Sa nangyayaring kaguluhan ngayon sa Israel, dapat ba nating ipanalangin yung kapayapaan at matigil na yung war sa lugar na yon? Yes, we should always pray for peace. Pero wag tayong magsalita or mag isip na yung lugar na to at yung mga tao dito are still the chosen people of God dahil kung ganun parin tayo mag isip ay binabale-wala natin yung ginawa ng Panginoong Hesus at sinasabi pa din natin na yung kaligtasan ng isang tao ay nakasalalay sa kung saang lahi ka nagmula. Natapos na ang lumang kasunduan na yon nang dumating ang Panginoong Hesus. Yung mga Judio na nanatiling mga Judio and continue to reject yung salvation that comes from Jesus ay walang pag-asang maligtas, dahil walang ibang paraan ng kaligtasan maliban sa Panginoong Hesus. Ito yung kinakanta natin na “there is one Gospel, and that’s where we stand. We stand in the Gospel of Jesus Christ. All other ground is sinking sand.”

Pause.

Dahil sa pagbalik ni Jesus sa Ama, sinumang naniniwala sa Panginoong Hesus ay biniyayaan ng Banal na Espiritu to empower us to do the works of Jesus; and do greater works. Ito yung nangyari sa mga unang alagad, recorded sa book of Acts and I will try to summarize. Bago umakyat si Jesus sa langit, ipinangako niya ang Holy Spirit at sabi niya sa mga alagad, diyan lang kayo sa Jerusalem. After umakyat ni Jesus sa langit, pagkatapos ng ilang araw, bumaba ang Holy Spirit habang sila ay nagkakatipon at nagsimula silang magsalita ng iba’t ibang wika na hindi naman nila pinag aralan. Pagkatapos nun, nagpunta sila sa iba’t ibang lugar para magpagaling ng maysakit, mag palayas ng masasamang espiritu, at guamawa ng iba’t ibang mga miracles pero hindi yun ang primary work nila. Ang primary work nila is make disciples of all nations, teaching them to obey Jesus and to share the Gospel of Jesus hanggang sa dulo ng mundo.

The Holy Spirit na tinanggap ng mga unang alagad is the same Holy Spirit that is in you if you believe in Jesus. Kaya tingnan niyo yung isang kapatirang mananampalataya, hindi yan papayag na wala siyang ministry na kinabibilangan. Hindi yan mapapakale na tagapakinig lang. Sino yung naka experience na nung naunawaan mo yung ginawa ni Kristo para sayo, nung naunawaan mo yung Gospel ay parang laging may nagtutulak sayo na sabihin ito sa ibang tao lalong lalo na sa mga mahal mo sa buhay. That’s the guarantee of the power ng Holy Spirit working within you. Kahit gaano ka pa kamahiyain, hindi yun mapipigilan. Hindi basehan kung wala kang pinag aralan, lalake ka man o babae, bata o matanda may pera o wala. The moment you believe in Jesus, the Holy Spirit will work in you, giving you the power and wisdom to do the works of Jesus, and that’s a guarantee. Ibig sabihin ba nun ay magagawa mo ding magpapakain ng 5000 na tao ng hindi gumagastos kahit piso. Na magagawa mo ding lumakad sa ibabaw ng tubig at bumuhay ng mga patay. Not literally. E bakit yung mga disciples nagawa nila yung mga miracles na ginawa ni Jesus, hindi naman sila si Jesus. Sa palagay niyo? Unahin muna natin si Jesus, bakit sa pagtuturo ni Jesus sa mga tao ay kailangan pa niyang gumawa ng mga miracles? Sabi ni Jesus sa verse 11.

11 Maniwala kayo sa akin; ako’y nasa Ama at ang Ama ay nasa akin. Kung ayaw ninyong maniwala sa sinasabi ko, maniwala kayo dahil sa mga ginagawa ko.

Alam ni Jesus ni hindi sapat yung mga salita niya para maniwala yung mga tao sa kanya, na siya ang Kristo, na siya ang ipinangakong Messiah. Kaya nga, sabi niya sa mga tao, kung di kayo maconvince sa mga sinasabi ko, dapat sa mga miracles na ginawa ko ay na convince na kayo. Naaala nyo yung pagbuhay ni Jesus kay Lazarus? John 11. Si Lazarus ay nasa loob na ng libingan, 4 days na siyang patay. Nangangamoy na. Inaagnas na. Kung ano man yung embalming na ginagawa nila dati, ginawa na, na embalsamo na at nakasara na yung libingan, diko nga alam kung may internal organs pa yun e but that’s not a problem with Jesus. Anong ginawa ni Jesus, pinabuksan niya yung libingan, nanalangin siya at sinabi, “Lazaro, lumabas ka!” Verse 44 Lumabas nga si Lazaro”. Paano mong hindi paniniwalaan yung isang tao na bumuhay sa isang patay na 4 days ng nakalibing. Jesus performed miracles to prove and back up yung mga sinasabi niya na ito ay totoo at maaasahan. Pero dahil ang pag sunod kay Jesus ay inconvenience para sa mga tao, most of them chose convenience.

Kayo, anong choice nyo? Jesus or convenience?

Yung mga alagad naman, bakit sila binigyan ng kakayahan ng Diyos to perform miracles? I believe for the same reason.

Hebreo 2:1-4
1 Kaya nga, dapat lalo nating panghawakang mabuti ang mga narinig natin upang hindi tayo maligaw. 2 Ang mensaheng ipinahayag sa pamamagitan ng mga anghel ay napatunayang totoo, at sinumang lumabag o hindi sumunod dito ay tumanggap ng kaukulang parusa. 3 Gayundin naman, paano tayo makakaiwas sa parusa kung hindi natin pahahalagahan ang napakadakilang kaligtasang ito? Ang Panginoon ang unang nagpahayag ng kaligtasang ito, at ang mga nakarinig sa kanya ang nagpatunay sa atin na ito’y totoo. 4 Pinatunayan din ito ng Diyos sa pamamagitan ng mga kahanga-hangang tanda at ng iba’t ibang himala, at sa pamamagitan ng mga kaloob ng Espiritu Santo na ipinamahagi niya ayon sa kanyang sariling kalooban.

Sigurado tayo na totoo ang sinabi ni Jesus ayon sa kanyang sa mga salita, verified by his works and miracles na ginawa niya. Sigurado tayo na totoo ang sinabi ng mga unang alagad na galing sa salita ng Panginoong Hesus, verified by the works and miracles performed, not by them, but by the Holy Spirit through them. Sa panahon nila, miracles are the only way to verify kung ang isang taong nagsasalita ay galing sa Diyos. Sinimulan ni Jesus at pinagpatuloy ng mga alagad for the people to believe. So ngayon, kailangan nyo pa bang makakita ng miracles para maniwala sa Panginoong Hesus? Hindi ba’t ang pagkabuhay at pag-akyat sa langit ng Panginoong Hesus is the ultimate miracle for us? Kailangan pa ba itong iverify ng mga miracles samantalang na verify na to ng mga alagad na nabuhay at namatay para sa mensahe ng Panginoong Hesus at nang 500 na katao na nagsabi na nakita nilang buhay ang Panginoong Hesus. Hindi na natin kailangan ng further verifications through miracles. Sa panahon ngayon, mas misleading pa nga pag may mga kakaibang mga pangyayari e. May nabuong mukha ng isang lalaki sa ulap, sinamba na yung ulap. May lumabas na korteng mukha ng babae sa sanga ng puno, sinamba na yung puno, si Mama Mary daw yun. Kung ang isang pastor ay pumasok sa isang ospital, nanalangin ng malakas, pagkatapos lahat ng may sakit ay gumaling, sigurado sisikat yung pastor at hindi si Kristo. Pag nag preach yung pastor na yun sa isang church sigurado puno. Pag lumipat siya ng ibang church, lipat din yung miyembro, kahit parehas lang yung mensahe nung pastor sa pinaglipatan. Hindi kayo naniniwalang may mga miyembro na sumusunod kung saan pumunta yung pastor? Nangyari na yan dito. Kung dati ay mahirap i convince ang mga tao kahit may mga miracles, there will be no difference today. Baka nga worse pa ang mangyari. Pwede pa bang mangyari ang mga miracles today? Sure. Kaya pa bang gumaling ang taong may taning na ang buhay dahil sa cancer kung ipag pray natin? Why not. But what’s the point of healing of the body kung pag namatay naman ang isang tao ay sa impyerno naman siya pupunta? Right? Magiging masaya tayo kung gagaling yung isang taong pinag pray natin, pero higit na magiging masaya tayo kung yung tao na yun at magiging taga sunod din ni Kristo. The only miracle that we need sa panahon natin ngayon ay yung miracle of repentance. Na dahil narinig ng ng isang lalaki yung Gospel ay nag decide siya na bumalik na sa kanyang asawa at sa kanyang mga anak na araw araw ay naghihintay sa kanya at iwan na ang kanyang kinakasama. Na yung kapatid mo na lulong sa bisyo ay nagdecide na sumama sayo sa Church ngayong Sunday dahil hindi na niya mahanap yung kagalakan sa kanyang mga bisyo at barkada. Na yung bahay ng kapitbahay mo dati ay sugalan ay dito na kayo ngayon nag ba Bible study. Kailangan ng mundo ng miracle para gumaling ito sa sakit nitong kasalanan at walang ibang solusyon dito kundi ang patuloy na pagbabahagi ng balita ni Kristo sa ibang tao. So sa lahat ng believers, be ready, be equipped, to do the works of Jesus and to do greater things for Jesus. Gagamitin ka ng Diyos ayon sa plano niya sayo, gagamitin niya yung katabi mo ayon sa ibang plano niya sa kanya, obviously hindi natin magagawa yung mga ginawa ni Jesus, as nothing compares to Jesus pero pwede nating hayaan na gamitin niya tayo to continue the works na sinimulan niya and we can depend on the Holy Spirit to empower us in doing the works of Jesus dahil ang makakagawa lang ng ginawa ng Diyos at ang makakahigit lamang sa ginawa ng Diyos ay walang iba kundi ang Diyos din. Kaya hindi natin kailangang maguluhan or pigain yung utak natin kung paanong gagawin nung mga taga sunod ni Kristo yung ginawa ni Kristo at mahigitan pa yun dahil ang gawain ng Diyos ay ipagpapatuloy ng Diyos hanggang sa dulo. Pwedeng wala siyang gamitin na kahit sino, pero for our Joy, gumagamit siya ng mga tao, ng mga alagad, pwede ka niyang gamitin para sa gawain Niya pero it’s never our work and by this we are sure na ito ay magtatagumpay, kung nagtatagumpay ang gawain ng Diyos dahil sa atin, ito ay dahil tayo ay mga instrumento lang ng Diyos, at siya pa din ang gumawa at gumagawa ng lahat ng ito ng ayon sa kanyang kalooban. Verse 13 and 14.

13 Whatever you ask in my name, this I will do, that the Father may be glorified in the Son. 14 If you ask me[e] anything in my name, I will do it.

Again, kung nagtatanong kayo, “applicable ba sakin to?” Yes, here comes the if. Ibig sabihin may kundisyon. If you meet the condition. Ano yung condition? Sabi sa verse 12,“whoever believes in me”. Faith is very important sa prayers. Kung wala kang faith sa Diyos there’s no point to pray. Sabi sa verse 13 Whatever you ask in my name. Kaya tayo nagsasabi ng “In Jesus name” sa ending ng ating prayers dahil dito sa verse nato. Problema hindi na pinansin yung kasunod na sinabi na “that the Father may be glorified in the Son.” That’s the 2nd condition for guaranteed prayers. If it’s to glorify the Father, the answer is yes. Ang gusto lang natin diyan e yung “Whatever you ask in my name, this I will do” tsakayung “If you ask me anything in my name, I will do it.” Sa mga old testaments Hebrews, nakapa importante ng pangalan. Dahil yung pangalan mo tells people kung sino ka. Ngayon hindi na ganun. Minsan ang ibig sabihin ng pangalan mo e beautiful, ang tanong… “kumain ka na ba?” (joke) Ewan ko lang sa iba. Sino sa inyo ang alam ang ibig sabihin ng pangalan nila? Dati importante ang pangalan, kaya nga binabago ng Diyos ang pangalan ng isang tao na pinili niya, ibig sabihin, hindi na siya yung dating tao na to. Bago na siya, hindi na siya yung dating tao na yun, God made them into a new creation. Katunayan nito ay yung pagbabago na ang pangalan niya. Tulad nila Abraham si Jacob. So pag ginamit natin yung pangalan ni Jesus para isara yung prayers natin, sinasara natin yung prayer natin sa kung sino si Jesus at kung ano kalooban niya at sa kung ano ang magagawa niya. There is power in the name of Jesus.

Phil 2:9-11
Therefore God has highly exalted him and bestowed on him the name that is above every name, so that at the name of Jesus every knee should bow, in heaven and on earth and under the earth, and every tongue confess that Jesus Christ is Lord, to the glory of God the Father.

We pray in Jesus name dahil alam natin na lahat ng dalangin ni Jesus ay sinasagot ng Ama and that’s our assurance, pero hindi ibig sabihin na lahat ng dalangin natin ay siya ring dalangin ni Jesus and that should be our goal para magkaroon tayo ng guaranteed na answered prayer, na yung prayer natin ay maging katulad ng prayer ni Jesus.

Problema sa tao kapag hindi sinasagot ng Diyos ang panalangin natin, we start questioning the power of God, we start questioning the reality of God, we start questioning the promises of God. Pero natanong ba natin, ito bang prayer ko will glorify God, ito bang prayer ko will benefit the kingdom of God or is my prayer all about me.

Santiago 4:3 At humingi man kayo, wala rin kayong natatanggap dahil hindi tama ang inyong layunin. Humihingi kayo upang mapagbigyan ang inyong kalayawan.

Sa prayer natin pag nagsabi tayo ng “Sa pangalan ni Jesus” sinasabi din natin na “Mangyari nawa ito ayon sa kalooban ni Jesus”. Ang prayers natin ay isang humble petition. Praying in the name of Jesus ay hindi parang meron tayong VIP card or VIP access sa langit na pwede nating makuha kahit anong gusto natin dahil lang ginamit natin yung phrase na “in Jesus name”. Praying in the name of Jesus is submitting to Jesus to check yung quality ng prayers natin, kung ito ba ay nakahanay sa kalooban Niya, sa plano niya, at sa kapurihan ng kanyang pangalan. Kaya it’s very wrong na sabihin natin yung mga salitang “Claim it, in the name Jesus”. Na parang walang choice ang Diyos kundi sundin yung gusto mo. Sabi sa verse 13 – that the Father may be glorified in the Son, take note yung “in the Son”. Sa pamamagitan ng Anak.” Kung di dahil kay Kristo di natin magagawa yung prayer na ginagawa natin dahil wala tayong karapatan to call Him Father. Kaya nga, praying in the name of Jesus is remembering yung ginawa ni Jesus, na kahit sa ating prayer ay inaalala natin yung Gospel at kung paanong dahil lamang sa ginawa ng Panginoong Hesus kaya tayo nakakalapit sa Ama. That’s why we cry out “Abba Father”. Romans 8:15. Walang hindi kayang gawin ang Diyos, sa sitwasyon mo, sa buhay. And if you truly believe in Jesus, sabi si Panginoon, meron kang guarantee, that His work will be your work, and greater works you will do, not by might nor by power but by my Spirit says theLord. Meron din tayong guarantee of answered prayer. Guarantee na may nakikinig sa prayers natin, at guarantee na tutulungan niya tayo, provided na yung prayers natin, yung desire ng puso natin is approved ng Panginoong Hesus and to glorify the Father.

Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)

Sign up to get your free pdf

By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

Leave a Reply