#6: Makikigalak tayo sa kasiyahan ng bawat isa, at sisikaping makatulong sa pagdadala ng mga kabigatan, at makiramay sa kapighatian ng bawat isa bilang bahagi ng iisang Katawan at sa paraang mararamdaman ang pagpapahalaga natin sa bawat isa (Rom. 12:15; 1 Cor. 15:25-26)

‌Key Question: How do We Relate to Other Members of the Church?

This sermon series, Life Together: Paano Magiging Makabuluhan ang Pagiging Member ng Church, ay primarily naman talaga para sa mga members ng church—tulad din naman ng ibang mga sermons sa church. Gusto natin matutunan kung ano ang itinuturo ng salita ng Diyos tungkol sa kung ano ang ibig sabihin ng pagiging church member. Kaya nga we are going through our church covenant, yung sinumpaan nating pangako o commitment na gagawin bilang mga members ng church. Kung hindi ka member ng church namin, pero member ka ng ibang church, we pray na mas maging committed member ka ng church na yun. Paano naman kung hindi ka pa member ng church? Sana rin ay makita mo ang ganda ng disenyo ng Diyos sa church at sa buhay Kristiyano, na hindi tulad ng nakalakihan nating relihiyon na basta magsimba ka lang tuwing Linggo o kung may special occasions, pero wala namang close relationship sa ibang Christians. I hope na ma-convince ka na magpa-member sa church namin, o kahit sa ibang churches na faithful or seeking to be faithful sa gospel.

Sa pagtalakay natin ngayon ng ikaanim na commitment sa church covenant, ito yung key question na sasagutin natin: As a member, how do we relate to other members of the church? Naka-summarize ‘yan dito sa ikaanim na commitment sa church covenant. Pero bago natin tingnan yun, tingnan muna natin ang kabaligtaran: paano tayo hindi dapat makipag-relate sa mga members ng church?, o anu-ano yung mga major problems na may kinalaman sa relationship natin sa ibang members ng church?

Isang problema ay yung envy o pagkainggit. Posible na ganito ang nararamdaman mo kapag nakita mo ang post sa Facebook ng isang member na nagpapasalamat kay Lord dahil meron na silang bagong bahay, o bagong sasakyan, o napagtapos sa pag-aaral ang anak, o engaged na na magpakasal, tapos ikaw namam ay medyo hirap sa buhay, o matagal nang single, o kung may asawa man pero hindi magkaanak, tapos sasabihin mo o iko-comment mo o kahit nasa isip mo lang: “Sana all!” Sa loob-loob mo, baka ganito, “Mas blessed talaga sila kaysa sa akin. Sana ako ganun din.”

Related din dito yung feeling of inferiority. Kapag nakikita mo yung ibang mga active na members sa ministry, tingin mo sila lang yung mga spiritually-gifted. Feeling mo sa sarili mo ay hindi ka naman mahalaga o hindi naman ganoon kahalaga sa church. Sa isip mo, “Kapag nawala naman ako nang matagal sa church, baka hindi naman nila maramdaman.”

Isa pang karaniwang problema ay apathy. Yun bang kahit umaattend ka sa church nang regular, pero feeling mo hindi ka naman apektado ng mga nangyayari sa church o sa buhay ng ibang members ng church. Ito yung walang pakialam. Sa isip mo, “Ang dami ko na ngang iniintinding problema sa buhay, bakit naman pati problema ng ibang tao ay papakialaman ko pa?”

Another problem, superiority. Ito naman yung sobrang taas ng pagtingin o pagpapahalaga sa sarili. Feeling na ikaw yung pinakamahalaga o isa sa pinakamahalaga sa church. Maaaring sa isip mo ay ganito: “Kung hindi ako nagbibigay ng malaki sa church, deficit na palagi ang church”; o kaya, “Kung aalis ako sa church, paano na ang church”; “Kung hihinto ako sa position of leadership ko sa church, wala namang ibang pwedeng pumalit sa ‘kin.”

Kung meron kang damdamin na tulad ng isa man lang sa mga nabanggit ko, o meron mang ibang problema sa relationship mo sa ibang members na hindi ko nabanggit, ano ang solusyon diyan? Pwede kong sabihin kung ano ang sinasabi ng Bible na dapat nating gawin, at babanggitin ko nga ‘yan mamaya, pero mahalaga na meron munang mauna. Ang kailangan muna natin ay magkaroon ng tamang pagkaunawa kung ano ba ang church na kinabibilangan natin bilang mga members. Kapag naging malinaw yun, makikita rin natin kung paanong it will transform the way we relate to others.

‌Image of the Church: The Body of Christ

Eph. 2:16; 3:6; 1 Cor. 12:12, 18, 24-25; Rom. 12:4-5

Ano ba ang church? Sa New Testament, para mas matutunan natin ang sagot sa tanong na ‘yan, gumamit ang Diyos ng maraming iba’t ibang images o larawan to describe at least one aspect of the church. Tulad ng temple of the Spirit, o flock of God, o bride of Christ, o household of God, o God’s building, at marami pang iba. Bawat isa sa mga larawang ito ay merong kontribusyon para mas mabuo ang pagkakaunawa natin kung ano ang church, ano ang relasyon natin sa Diyos, at paano tayo makikipag-relate sa bawat isa. At isa sa mga major images sa New Testament ay yung church as “body of Christ” o “katawan ni Cristo.”

Tingnan natin ang ilang mga passages na tumutukoy sa church bilang isang katawan. Pero hindi ibig sabihin na sa bawat pagkakataon ay pare-pareho ang kahulugan nito. Posibleng may pagkakahawig, pero meron ding mga pagkakaiba, merong ibang binibigyang-diin, depende sa konteksto. Pwedeng ang tinutukoy nito ay local church, o pwedeng ang universal church. Isa itong mahalagang tandaan sa pag-aaral ng Bible, lalo na if we’re doing word study, kung ano ang ibig sabihin ng isang salita tulad ng “katawan.” Hindi pwedeng dictionary definition lang. Kailangan nating tingnan ang konteksto nito para malaman kung paano ito ginagamit ng sumulat—si apostol Pablo in many cases—at kung ano ang gusto niyang iparating na mensahe.

Sa Ephesians, ang context ay tungkol sa gospel reconciliation. Dahil sa ginawa ni Cristo sa krus, tayo ngayon ay naibalik sa malapit na ugnayan sa Diyos. Pero yung reconciliation o peace na ito ay hindi lang vertical dimension. Meron ding horizontal. The gospel brings us together. The gospel is so powerful that it can bring Jews and Gentiles together—na historically, ay talaga namang hiwalay ang relasyon sa isa’t isa. “Sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus, winakasan niya ang kanilang alitan, pinagkasundo sila sa Diyos at pinagbuklod sa iisang katawan” (Eph. 2:16 MBB). Hindi lang basta pinagkasundo, binigyan din ng pambihirang pagpapala. Kung ano ang mamanahin ng mga Judio na nakay Cristo ay ganun din sa mga Hentil na nakay Cristo (tulad natin), because we are “members of the same body”: “At ito ang lihim: sa pamamagitan ng Magandang Balita, ang mga Hentil ay mga tagapagmana rin tulad ng mga Judio, kabilang din sa iisang katawan, at may bahagi sa pangako ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus” (3:6).

Sa 1 Corinthians 12 naman makikita ang pinaka-extensive use ni Paul ng “body” metaphor. Dahil naman ang pinaka-issue sa church dito ay yung divisions at conflicts sa church, pinaalala nila na ito ay inconsistent sa nature ng church bilang isang katawan. Oo nga’t iba-iba ang mga spiritual gifts nila, pero lahat ay galing sa iisang Espiritu na siyang nagbigay sa kanila nito para sa iisang layunin: “for the common good” (12:7). Sa kabila ng maraming pagkakaiba (diversity), they must pursue unity in the church. Bakit? Meron lang isang katawan si Cristo. “Si Cristo’y tulad ng isang katawan na may maraming bahagi. Kahit na binubuo ng iba’t ibang bahagi, ito ay nananatiling iisang katawan” (12:12). Walang room for superiority or inferiority sa church dahil ang Holy Spirit ang nagdedesisyon kung anong spiritual gifts ang ibibigay niya sa bawat isa sa atin (v. 11). “Inilagay ng Diyos ang bawat bahagi ng katawan ayon sa kanyang kalooban” (v. 18). “God has so composed the body…” (v. 24). Ginawa ito ng Diyos para ipakita sa atin na mahalaga ka, mahalaga ang iba, mahalaga ang bawat bahagi ng katawan. Kung ganun, ano ang purpose ng Diyos bakit ganito ang disenyo niya sa church bilang isang katawan? “…that there may be no division in the body, but that the members may have the same care for one another” (v. 25).

Sa Romans 12 naman, similar din sa 1 Corinthians 12, pero merong additional twist. Pakinggan n’yo, “For as in one body we have many members, and the members do not all have the same function, so we, though many, are one body in Christ, and individually members one of another” (vv. 4-5). Encouragement ‘yan na gamitin ang iba’t ibang kaloob na meron tayo para sa paglilingkod sa bawat isa. Pero pansinin n’yo yung sinabi niya sa dulo, “we, though many, are one body in Christ, and individually members one of another.” Sa Tagalog, “Tayong lahat ay bahagi ng isa’t isa.” Hindi lang bahagi ng isang katawan, kundi bahagi ng isa’t isa. Ayon kay Paul Minear, medyo mas mahirap ito na ivisualize. “Each person is not only a member of the one body in Christ; he is also, within the same body, a member of all the other Christians and all of them are members of him (hirap no?). Paul wanted to stress the interdependence of the members, and it is this intention which led him to stretch the analogy almost beyond recognition.”

From this survey ng mga key texts sa New Testament about the church as body of Christ matututunan natin na bawat isang Kristiyano, bilang miyembro ng church na katawan ni Cristo ay nakaugnay at hindi maihihiwalay kay Cristo, nakaugnay at hindi maihihiwalay sa church, nakaugnay at hindi maihihiwalay sa iba pang Kristiyano. Maaaring hindi ito palaging nakikita, o nararanasan, o nararamdaman, pero ito ay isang reality, a spiritual reality. So bago natin tingnan kung ano ang kaugnayan natin sa isa’t isa, mahalaga na alalahanin natin at pagbulayan natin ang kaugnayan natin kay Cristo.

‌The Church’s Intimacy with Christ as His Body

1 Cor. 12:12; Acts 9:4; Matt. 25:40

‌Kung ang church ang katawan ni Cristo, at bahagi ka ng katawang ito, ibig sabihin, meron tayong intimacy with Christ. Ito yung union of Christ and the church. Look at 1 Corinthians 12:12 again, “For just as the body is one and has many members, and all the members of the body, though many, are one body, so it is with Christ.” Hindi dito sinabi na si Cristo ang ulo ng katawan. Sa ibang passage yun. Ang stress dito ay si Cristo mismo ang tinutukoy na katawan. Hindi rin sinabi ni Paul na yung one body with many members ay yung church, although totoo yun. Pero ang stress niya na one body with many members ay si Cristo. Ang katawan ni Cristo ay nasa langit simula nang siya’y umakyat pabalik sa langit after his resurrection. Pero, because of the church’s union with Christ, ang katawan ni Cristo ay nasa lupa rin, sa pamamagitan ng church. Ang church ay hindi lang representative ni Cristo sa mundo. Christ so identified with the church na sinasabi niya na ang church ay katawan niya. So, we are not just members of the church of Christ, we are members of Christ himself. Parang yung image din na branches na nakakabit sa puno sa John 15. Tinatawag din itong mystical union o spiritual union. Oo, mahirap ipaliwanag, mahirap intindihin kung paano yun totoo. Pero totoo ‘yan, ‘yan ang tinuturo ng salita ng Diyos.

Bago pa ma-convert si Paul, natutunan na niya ito kay Cristo mismo. Di ba siya yung nagpapahirap sa mga Christians, ipinapakulong sila, at ang iba ay pinapatay? Tapos nagpakita sa kanya si Cristo habang naglalakbay siya. Merong liwanag mula sa langit ang sumalubong sa kanya, nabuwal siya, at narinig niya si Cristo na nagsasalita, “Saul, Saul, why are you persecuting me?” (Acts 9:4). Ang church ang inuusig niya. Pero ang sabi ni Cristo, ako ang inuusig mo. Ganyan kadikit ang identification ni Cristo sa church.

Bukod sa nakamamanghang katotohanan na hindi natin lubos na maisip kung paano tayo ay in union with Christ, meron din itong implication kung paano mag-relate sa bawat isa. Ibig sabihin, kung ano ang pagtrato mo sa church, yun ang pagtrato mo kay Cristo. If you don’t care about church membership, committing yourself to other members of the church, how can you say na you love Christ if you don’t care about his body? Kapag member ka nga, pero binabalewala mo naman ang iba, o pinagtsitsimisan, o sinisiraan sa iba, ganyan din ang pagtrato mo kay Cristo. Pero kapag pinagsisilbihan mo, inaalagaan, pinapadama ang pagmamahal sa iba, pinaparamdam mo na mahalaga sila, you are not just doing it for them, you are doing it for Christ himself. Ito ang sasabihin niya sa atin sa judgment day, “Truly, I say to you, as you did it to one of the least of these my brothers, you did it to me” (Matt 25:40). Kung ganito ang lalim ng tingin mo sa kaugnayan ng church kay Cristo, hindi ba magbabago ang pagtrato, pagmamahal, at concern mo sa church bilang katawan ni Cristo at sa mga members ng church na bawat isa rin ay in union with Christ? Hindi mo pwedeng ihiwalay ang relasyon mo kay Cristo sa relasyon mo sa church, dahil hindi mo rin pwedeng ihiwalay ang sarili mo kay Cristo.

‌The Supremacy of Christ as the Head of the Body

Eph. 1:21-23; 5:23-24; Col. 1:18; Eph. 4:15-16

‌Hindi lang “intimacy” with Christ ang nagde-define ng kaugnayan natin kay Cristo. Mahalaga rin yung “supremacy” of Christ over the church. At makikita ito sa paglalarawan sa kanya bilang “ulo” ng katawan. Hindi lang tayo nakaugnay kay Cristo, we are absolutely dependent on Christ.

Ibig sabihin ng ulo, siya ang pinakamataas na awtoridad sa buhay natin at lahat-lahat ay ipinapailalim natin sa kanya. Nang muling nabuhay si Jesus, umakyat siya sa langit at naupo sa kanan ng Diyos. Ibig sabihin, “Mula roon ay namumuno si Cristo sa lahat ng paghahari, kapamahalaan, kapangyarihan, at pamunuan sa kalangitan. Higit na dakila ang kanyang pangalan kaysa sa lahat, hindi lamang sa panahong ito kundi maging sa darating. Ipinailalim ng Diyos sa paa ni Cristo ang lahat ng bagay, at ginawa siyang ulo ng lahat ng bagay para sa iglesya, na siyang katawan ni Cristo, ang kapuspusan niya na pumupuno sa lahat ng bagay” (Eph. 1:21-23). Kung lahat ay nasa ilalim ni Cristo bilang ulo, ibig sabihin, ang proper response natin ay submission to Christ in everything. Ito yung point ni Paul sa sinulat niya tungkol sa pagpapasakop ng babae sa asawang lalaki. “Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Cristo na siyang ulo ng iglesya, na kanyang katawan, at siya ang Tagapagligtas nito” (Eph. 5:23). Sabi niya sa v. 24, “the church submits to Christ.”

Bukod sa pinakamataas na awtoridad sa church, kung si Cristo ang ulo, ibig sabihin siya rin ang buhay at pinanggagalingan ng buhay natin. “Siya ang una sa lahat, at ang buong sansinukob ay nananatiling nasa kaayusan sa pamamagitan niya. Siya ang ulo ng iglesya na kanyang katawan. Siya ang pasimula, siya ang panganay na binuhay mula sa kamatayan, upang siya’y maging pangunahin sa lahat” (Col. 1:17-18). Siya ang pasimula ng lahat, siya ang pasimula ng church. Ang buhay natin ay galing sa kanya. Kung wala siya, patay tayo. Kung ang katawan ay puputulan mo ng ulo, siguradong patay. Kung si Cristo ay tatanggalin mo sa church, you have a dead church. Ang church na pinugutan ng ulo ay isang bangkay na church. Pero kung tayo ay nakaugnay kay Cristo, our head and our life, his life is flowing to us. Sa pamamagitan ni Cristo “na siyang ulo nating lahat…ang buong katawan ay pinag-uugnay-ugnay ng mga kasukasuan na mula rin sa kanya” (Eph. 4:15-16).

Kung si Cristo ang ulo ng katawan, ano ang implikasyon nito for how we relate to each other sa church? Hindi na tayo pwedeng magdesisyon ayon sa sarili lang nating interests o agenda. We submit to Christ on how we relate to other members of the church. We help each other na mas maging malapit kay Cristo. We speak the truth, Christ himself, in love to one another (Eph. 5:15, 21). Ang layunin natin sa relasyon sa isa’t isa ay hindi lang yung makapag-bonding tayo nang sobra-sobra hanggang maging sobrang close na tayo sa isa’t isa. Ang goal natin ay maikabit at mailapit ang bawat isa kay Cristo. Hindi natin pwedeng tanggalin si Cristo sa church—sa preaching, sa discipleship, sa worship service, sa lahat-lahat. Kapag pinutulan natin ng ulo ang katawan, kaguluhan at kamatayan ang kahihinatnan nito. We learn best how to relate to each other as members of the church if we pursue Christ above all, and commit to keep him central to our church.

‌Caring for One Another as Members of the Body

1 Cor. 12:25-26; Phil. 4:1; 1 Thess. 2:7-8; Rom. 12:10, 13, 15; 15:1-3; Gal. 6:2; Col. 1:24

Ngayon, kung klaro sa atin na ang pinakamahalaga sa church bilang katawan ni Cristo ay yung kaugnayan natin kay Cristo—our intimacy with Christ, and his supremacy over the church—ang magiging resulta nito ay mas matutunan natin kung paano makipag-ugnayan sa mga members ng church. Our response: caring for one another as members of one body of Christ. Malinaw ito sa sinabi ni Paul na purpose ng Diyos bakit dinisenyo niya ang church na katawan ni Cristo: “that there may be no division in the body, but that the members may have the same care for one another. If one member suffers, all suffer together; if one member is honored, all rejoice together” (1 Cor. 12:25-26); “upang hindi magkaroon ng pagkakabaha-bahagi, sa halip ay magmalasakit ang bawat bahagi sa isa’t isa. Kung nasasaktan ang isang bahagi, nasasaktan ang lahat; kung pinaparangalan ang isang bahagi, nagagalak ang lahat.”

Ang salitang “malasakit” dito ay walang eksaktong katumbas na English word. Pero ang salitang ito ay napakalapit sa gustong ipahiwatig ni Paul sa chapter na ‘to. Ito yung you “care” for someone (sa context na ‘to, sa church at sa mga members ng church) na para bang kung paano ang concern mo sa sarili mo. Tama naman, kasi bahagi tayo ng isang katawan. Hindi pwedeng hindi ka apektado ng mga nangyayari sa church o sa buhay ng ibang members ng church. Hindi rin lang ito tungkol sa nararamdaman natin. Nakakabit sa “malasakit” yung “pakikialam.” May concern. May pakialam. Hindi ito yung pakialam na “meddling” sa buhay ng iba. Pero yung meron kang gagawin para tulungan na mapabuti ang iba. So, ang kabaligtaran ng malasakit ay yung walang pakialam. (https://opinion.inquirer.net/96610/malasakit#ixzz8BMuJD87V)

Kaya nga sa membership class, palagi naming sinasabi, kung ayaw mong may makikialam sa buhay mo, wag kang magpamember sa church. Pero, hindi ito makakabuti sa ‘yo. Kailangan mo ng may magmamalasakit at makikialam sa buhay mo. Ang mga miyembro ng church ay dapat na may malasakit sa isa’t isa at mga pakialamero, in a good way siyempre.

Kung member ka ng church, meron kang mga elders/pastors na magmamalasakit sa ‘yo, mag-aalaga sa ‘yo, at gagawin ang lahat para makialam sa buhay mo. We are one body, ibig sabihin, kayong mga members ng church ang kagalakan namin. Tulad ng sabi ni Paul sa mga Philippians, “my brothers…my joy and crown…my beloved” (Phil. 4:1). Sisikapin namin na maalagaan kayo tulad ng isang ama at ina sa kanilang mga sariling anak: “tulad ng inang mapagkalinga sa kanyang mga anak. Dahil sa laki ng aming pagmamahal sa inyo, hindi lamang kami handang ibahagi sa inyo ang Magandang Balita, kundi maging ang aming buhay” (1 Thes. 2:7-8). Kung hindi ka member ng church, wala kang mga pastor na mag-aalaga sa ‘yo. Kung ikaw naman ay member ng church, “Pasakop kayo at sumunod sa mga namamahala sa inyo. Sila’y nangangalaga sa inyo, at mananagot sila sa Diyos sa gawaing ito. Kung sila’y susundin ninyo, magagalak sila sa pagtupad ng kanilang tungkulin; kung hindi, sila’y mamimighati, at hindi ito makakabuti sa inyo” (Heb. 13:17).

At ganun din ang dapat na pagmamalasakit natin sa bawat isa, bawat miyembro sa bawat miyembro ng church. “Rejoice with those who rejoice, weep with those who weep” (Rom. 12:15). “If one member suffers, all suffer together; if one member is honored, all rejoice together” (1 Cor 12:26). Kapag pinagpapala ang kapatid mo, sa halip na “sana all” ang comment mo, di ba’t mas akma kung ganito, “I rejoice with you, brother.” Ang blessing niya ay blessing mo rin. Ang kasiyahan niya ay dapat na kasiyahan mo rin. Ganun din sa mga paghihirap na pinagdaraananan natin. Kung naging member ka ng church, parang kasal ‘yan, may sumpaan na magsasama tayo sa hirap at ginhawa. “Weep with those who weep…If one member suffers, all suffer together” (Rom. 12:15; 1 Cor. 12:26). Sabi ni Paul Minear, “The one body means absolute solidarity in suffering and glory.” Kapag may nagkasakit o naospital o namatayan o dumaraan sa matinding pagsubok sa marriage nila, gagawin natin ang lahat ng makakaya natin para makatulong. Ipapadama natin sa bawat isa, “Kapatid, kasama mo ako sa pinagdaraanan mo.” Hindi pwedeng, “Problema mo ‘yan, bahala ka.”

We take responsibility para sa bawat isa. Gagawin natin ang lahat ng magagawa natin para paglingkuran ang bawat isa. “Magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa” (Gal. 6:2). “Tumulong kayo sa pangangailangan ng mga kapatid” (Rom. 12:13). Kapag merong mga nanatiling mahina sa pananampalataya natin, intindihin natin, maging mas mapagpasensiya tayo. “Tayong malalakas sa paniniwala ay dapat tumulong sa mahihina at huwag ang pansariling kasiyahan lamang ang ating isipin. Sikapin nating lahat na itaguyod ang kapakanan ng ating kapwa para sa kanyang ikalalakas. Sapagkat maging si Cristo man ay hindi naghangad ng sariling kasiyahan subalit nagpaubaya” (Rom. 15:1-3). Hindi yung sariling kaginhawahan o reputasyon lang ang iniisip natin. Pakinggan n’yo ang sabi ni Paul: “Outdo one another in showing honor” (Rom. 12:10). Karaniwan nakikipagpaligsahan tayo para tayo ang mapatunayang magaling o tama o mahusay. Pero ang sabi ni Paul, kung makikipagpaligsahan ka, gawin mo para maitaas ang iba, hindi ang sarili mo.

Kung comfort and convenience ang hanap mo, church membership is not for you. Mahihirapan ka. Gagastos ka para sa iba. Magsasakripisyo ka. Masasaktan ka. Iiyak ka. But, like Paul, you will find joy in suffering for others. “Nagagalak ako sa aking paghihirap alang-alang sa inyo, sapagkat sa pamamagitan nito’y naipagpapatuloy ko ang paghihirap na kailangan pang gawin ni Cristo para sa iglesya na kanyang katawan” (Col. 1:24).

Imposible naman siyempre na maipakita natin ang pagmamalasakit natin sa lahat ng members ng church. May mga limitations din tayo. Pero ang tanong, kailan yung huling pagkakataon na naipadama mo yung pagmamalasakit na ito? Madali namang sabihing you care for others, pero nararamdaman ba nila na mahalaga sila? Anong hakbang ang ginawa mo para pahalagahan sila? Kung matagal-tagal nang nangyari ‘yan, ano ngayon ang gagawin mo para maipadama sa iba ang pagmamalasakit mo sa kanila? Paano ka makikialam sa buhay ng ibang members ng church?

‌What if We Fail or Others Disappoint Us?

Eph. 5:28-30; John 10:11, 14-15

Kung member ka, may expectations ang ibang members sa ‘yo. Natural lang yun. Ikaw rin naman may expectations sa iba. Pero maririnig mong payo sa paligid mo, “Wag kang mag-expect para di ka masaktan.” That’s not realistic. And contrary ‘yan sa nature ng covenant tulad ng relasyon n’yong mag-asawa, o ng membership sa church. At dito pumapasok yung kahalagahan ng huling tanong na ‘to na dapat nating sagutin, Paano kung magkulang tayo sa pagmamalasakit sa iba? At talaga namang magkukulang tayo, pwedeng because of our selfishness, or dahil sa mga limitations din natin. At paano kung ma-disappoint tayo sa iba, na hindi natin naramdaman ang pagmamalasakit na inaasahan natin sa kanila? May ilang members ang nakapag-express na sa akin ng disappointment nila, lalo na sa panahong nawawala sila, o kailangan nila ng tulong ng mga pastor ng church, o ng church as a whole, pero hindi nila naramdaman. Masakit yun na pakinggan. Kahit sa best effort ko, I may still fail and disappoint you. And we will all fail and disappoint each other.

Dito pumapasok ang kahalagahan ng pag-alala natin na ang church ay katawan ni Cristo. If you will expect, siya ang pinakaasahan mo. Ito ay kanyang katawan, bahagi ka ng kanyang katawan, bakit ka niya pababayaan? Tingnan n’yo kung paano idinugtong ni Pablo yung admonition niya sa mga lalaki na mahalin ang kanilang asawa sa relasyon ni Cristo sa church: “Walang taong namumuhi sa sarili niyang katawan. Sa halip, ito’y kanyang pinapakain at inaalagaan, tulad ng ginagawa ni Cristo sa iglesya. Tayo nga’y mga bahagi ng kanyang katawan” (Eph. 5:29-30). Alalahanin mo ang pagmamalasakit ni Cristo para sa ‘yo. Ibinigay na nga niya ang buhay niya para sa ‘yo, how much more yung strength na kailangan mo para magpatuloy araw-araw?

Or to change metaphors, alalahanin natin kung sino ang shepherd natin na nag-aalaga sa atin. Sa Ezekiel 34, pinagalitan ng Diyos ang mga leaders ng Israel na dapat sana sila yung shepherds na nagmamalasakit sa bayan ng Diyos. Pero sarili lang nila ang pinapakain nila, at ginugutom ang kanilang mga tupad. Ang maysakit hindi ginagamot, ang mahihina hindi pinalalakas, ang mga nawawala hindi hinahanap (vv. 1-6). Pero nangako ang Diyos: “I will rescue my sheep…I myself will search for my sheep…I will feed them…I myself will be the shepherd of my sheep…Hahanapin ko ang nawawala, ibabalik ang nalalayo, hihilutin ang napilay, palalakasin ang mahihina” (vv. 10-16). Hindi ba’t nagkaroon ng katuparan ‘yan sa pagdating ni Cristo, “I am the good shepherd” (John 10:11, 14).

Nakay Cristo ang pagmamalasakit na hinahanap natin. Sa pamamagitan ni Cristo, maipadarama rin natin ang pagmamalasakit sa iba. At kung sakaling magkulang tayo, o madismaya tayo sa iba dahil sa kanila namang pagkukulang sa atin, as always, we look to Christ—the Head of the body and the Shepherd of the flock. At hindi-hindi niya tayo bibiguin kahit kailan. Pero hindi ibig sabihin na kapag nadismaya tayo sa church, sasabihin natin, “Ayoko na sa church, kami na lang ni Jesus.” Hindi mo pwedeng ihiwalay si Cristo sa kanyang church. At yung pagmamalasakit na ipapadama niya sa ‘yo, amazingly, gagamitin niya rin ang church for that purpose. His perfect shepherding is often through the imperfect shepherding of the church. Ang perpektong pagmamalasakit ni Cristo ay karaniwang ipinararanas sa atin sa pamamagitan ng di-perpektong pagmamalasakit ng mga kasama nating miyembro ng church. That’s truly amazing.

Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)

Sign up to get your free pdf

By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

Leave a Reply