#5: Sisikapin nating palakihin sa disiplina at aral ng Panginoon ang sinumang inilagay Niya sa ating pangangalaga, at hahangaring madala sa Panginoon ang ating mga kapamilya at mga kaibigan sa pamamagitan ng mabuting halimbawa at pagbabahagi ng Mabuting Balita sa kanila (Eph. 6:4; 1 Thess. 2:1-12; Col. 4:3-6).

‌1. Goal: Bakit Dapat Tayong Mag-evangelize at Mag-disciple?

‌Sa service ng burol ni Nanay Josie, isang member ng church na isa sa pinakamatagal na at pinakamamahal ng marami, paulit-ulit ang sinasabi ng mga nagpapatotoo tungkol sa buhay niya: a commitment to lead others to Christ. Ito ang ibig sabihin ng “salvation”—ang madala ang ibang tao kay Cristo. Ito ang pinakananais ng puso ni Nanay Josie at palagi niyang idinadalangin sa Diyos. Tulad din ng pinakananais ng puso at dalangin ni apostol Pablo para sa mga kababayan niya: “that they may be saved” (Rom. 10:1 MBB). Tulad din ni Pablo, si Nanay Josie ay “nakibagay sa lahat ng tao upang sa lahat ng paraan ay makapagligtas ako ng kahit ilan man lamang. Ginagawa ko ang lahat ng ito alang-alang sa Magandang Balita” (1 Cor. 9:22-23). Tulad din ni apostol Pablo, ang bukambibig ni Nanay Josie ay si Cristo upang ipakilala siya sa mga hindi pa Kristiyano at upang maituro ang mga Kristiyano na palaging tumingin kay Cristo, “Him we proclaim, warning everyone and teaching everyone with all wisdom, that we may present everyone mature in Christ” (Col. 1:28).

‌Ang pagnanais na maipakilala si Cristo sa iba, ang hangaring madala ang maraming tao palapit kay Cristo ay hindi lang para kay Nanay Josie, hindi lang para kay apostol Pablo, hindi lang para sa aming mga pastor. Lahat ng mga Kristiyano ay may responsibilidad at kasali sa gawain ng pagdadala ng ibang tao kay Cristo. Christ is the goal. Siya ang pinakalayunin kung bakit tayo nag-eevangelize at nagdi-disciple. Ano ang goal? Para madala ang mga tao kay Cristo.

Paano natin madadala ang mga tao kay Cristo? Ginagawa natin ito sa pamamagitan ng evangelism at discipleship. Usually, ang definition natin ng evangelism ay ang pagbabahagi ng gospel sa mga non-Christians. At ang discipleship naman ay kapag naging Christian na, tutulungan natin sila lumago, mag-mature, o maging katulad ni Cristo. Tama naman ‘yan, pero kung ‘yan lang ang definition natin, para bang nadi-divide natin yung gospel (evangel) na para bang para lang sa mga non-Christians. Because we are convinced na yung gospel ay kailangan din ng mga Christians, I’ll propose a wider definition. Ang discipleship ay pagtulong sa ibang tao (Christian man ‘yan o hindi pa) na makilala si Jesus (for the first time kung non-Christian pa) at mas makilala si Jesus (kung Christian na), magtiwala kay Jesus at mas magtiwala kay Jesus, sumunod kay Jesus at mas sumunod kay Jesus. At yung evangelism ay kasama sa discipleship, ito yung pag-eebanghelyo o pagbabahagi ng gospel sa mga non-Christians para sila ay maligtas, at sa mga Christians na para sila ay lumago at mas maging katulad ni Cristo. So, in a sense, hindi natin pwedeng paghiwalayin ang evangelism at discipleship. Hindi natin madadala ang mga tao kay Cristo, at hindi natin matutulungan ang ibang tao na mas maging malapit kay Cristo, kung wala ang gospel o mabuting balita tungkol kay Cristo.

‌Ito yung argument ni Paul sa Romans 10. “Sapagkat, ‘Ang lahat ng tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.’ Ngunit paano nga silang tatawag sa kanya na hindi nila sinampalatayanan? At paano sila sasampalataya sa kanya na hindi nila napakinggan? At paano sila makikinig kung walang mangangaral?…Kaya ang pananampalataya ay nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo” (vv. 13, 14, 17). Nagkakaroon ng pananampalataya kapag sa pakikinig natin ng gospel ay binuksan ng Diyos ang mga mata natin para makita natin ang liwanag ng “pagkakilala sa kaluwalhatian ng Diyos sa mukha ni Jesu-Cristo” (2 Cor. 4:6). At kung naging Kristiyano na tayo, do we grow to be more like Christ apart from hearing the gospel of Christ? Absolutely not! “And we all, with unveiled face, beholding the glory of the Lord, are being transformed into the same image from one degree of glory to another. For this comes from the Lord who is the Spirit” (2 Cor. 3:18). We become like Jesus more and more as we look to Jesus more and more. So, kailangan nating marinig palagi ang tungkol kay Cristo at sa kanyang ginawa para sa atin.

Sino ang may responsibilidad to speak the gospel to Christians and non-Christians? Tayong lahat! Ang Great Commission ay ibinigay hindi lang sa mga apostol, kundi sa lahat ng mga disciples ni Cristo. Disciple ka ba ni Cristo? So, “Go therefore and make disciples of all nations” (Matt. 28:19). Ang pangangaral tungkol sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Cristo ay hindi lang trabaho ng mga apostol, mga pastor, o mga misyonero. Ito ay para sa lahat ng nakakakita, nakakakilala, at sumasampalataya kay Cristo. Do you know Christ? So, make him known to others. “You will be my witnesses,” sabi niya sa mga disciples niya (Acts 1:8).

Mga parents na katulad ko, ganito ang goal natin sa mga anak natin: para madala rin sila kay Cristo. Utos sa mga magulang, especially sa mga tatay na spiritual leaders sa family, “Palakihin ninyo sila (ang mga anak ninyo) ayon sa disiplina at aral ng Panginoon” (Eph. 6:4). Paano mangyayari yun kung hindi mo ituturo sa kanila ang mga salita ni Cristo? Kung mahal natin ang Diyos nang buong puso, hindi lang natin dapat isapuso ang mga utos ng Diyos, dapat din natin itong ituro sa mga anak natin: “Ituro ninyo ito sa inyong mga anak; pag-aralan ninyo ito sa inyong tahanan, sa inyong paglalakbay, sa inyong pagtulog sa gabi, at sa inyong pagbangon sa umaga” (Deut. 6:7). Mahalaga rin hindi lang kung ano ang itinuturo natin, kundi pati ang ugali natin na nagpapakita kung totoo nga ang pinaniniwalaan natin. Kaya sabi ni Pedro sa mga babae na ang asawa ay hindi Kristiyano, “Kayo namang mga babae, pasakop kayo sa inyu-inyong asawa. Sa gayon, kung mayroon sa kanila na hindi pa naniniwala sa salita ng Diyos, mahihikayat din silang sumampalataya dahil sa inyong magandang asal. Kahit hindi na kayo magpaliwanag pa sa kanila, sapat nang makita nila ang inyong maka-Diyos at malinis na pamumuhay” (1 Pet. 3:1-2). Siyempre, kailangan pa rin nating sabihin sa kanila kung ano ang gospel, pero paano sila maniniwala kung ang sama naman ng ugali mo sa bahay? Bakit ka magpapakita ng magandang asal sa loob ng bahay, para yung mga unbelievers na kasama mo sa bahay ay “walang masabi ang sinuman laban sa salita ng Diyos” nang dahil sa inyo (Tit. 2:5).

Sa labas naman ng bahay, paano tayo dapat mamuhay para madala ang mga kaibigan at kamag-anak natin kay Cristo? “Maging matalino kayo sa pakikitungo sa mga hindi nananampalataya at samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon. Sikapin ninyong laging maging kaaya-aya at kapaki-pakinabang ang inyong pananalita sa kanila, at matuto kayong sumagot nang tama sa lahat ng tao” (Col. 4:5-6). Samantalahin ang lahat ng pagkakataon. We have a lot of opportunities. Sa trabaho ninyo, sa eskuwelahan, kahit sa interactions natin sa social media. Hindi lang kung ano ang sinasabi natin, kundi sa pamamagitan din ng mabuting halimbawa. “Let your light shine before others, so that they may see your good works and give glory to your Father who is in heaven” (Matt. 5:16). Mahalaga ang paggawa ng mabuti para maging maganda talaga sa paningin ng iba ang magandang balita ni Cristo. You work honestly and diligently sa workplace n’yo para sa layuning ito: “upang maipakita nila sa lahat nilang ginagawa ang kagandahan ng katuruan ng Diyos na ating Tagapagligtas” (Tit. 2:10). Our testimony and good example are not evangelism, but they help point people to the power of the gospel to transform lives.

Ganun din sa loob ng church, ang layunin natin ay madala ang bawat isa palapit kay Cristo. Kaya punung-puno ng salita ng Diyos ang mga gatherings natin, “Let the word of Christ dwell in you richly, teaching and admonishing one another” (Col. 3:16). Kaya mahalaga na matutunan natin how to speak the gospel to one another, kung paano ituro si Cristo sa bawat isa. “Speaking the truth in love, we are to grow up in every way into him who is the head, into Christ” (Eph. 5:16). Hindi tayo mapapalapit kay Cristo kung hindi natin matututunan ang “speaking the truth in love.” Paano yun? Hindi lang ito sa pagsasabi ng kamalian ng iba para maitama sila. But primarily speaking Jesus and the gospel to one another: “as the truth is in Jesus” (Eph. 5:21).

At hindi natin dapat solohin ang katotohanang ito. Kung si Cristo ang “daan at ang katotohanan at ang buhay” at walang makalalapit sa Ama kundi sa pamamagitan niya (John 14:6), at alam nating libu-libong mga tao pa na nasa paligid natin, at libu-libong mga lahi pa sa buong mundo ang hindi nakakarinig kay Cristo, kailangan nating dalhin ang mabuting balita sa buong mundo. Sabi ni Cristo, “Go into all the world and proclaim the gospel to the whole creation” (Mark 16:15); “And this gospel of the kingdom will be proclaimed throughout the whole world as a testimony to all nations, and then the end will come” (Matt. 24:14).

Maliwanag sa Bible na ang goal o misyon ng bawat Kristiyano—kasali ka!—ay madala ang ibang tao palapit kay Cristo sa pamamagitan ng pag-eevangelize at pagdi-disciple sa kanila. Pero meron pa rin tayong mga excuses.

‌2. Excuses: Bakit Tayo Hindi Nag-eevangelize at Nagdi-disciple?

‌Anu-ano ang mga nagiging excuses natin? Sasabihin ng iba, “Hindi ko responsibilidad ‘yan.” Basag na yung excuse na ‘yan kung nakikinig ka sa mga sinabi ko kanina. Kung tayo ay nakay Cristo, hindi pwedeng sarili lang natin ang iniisip natin. Hindi mo pwedeng sabihin, “Ah, basta, ligtas na naman ako, kapag namatay ako, sa langit ako pupunta,” tapos you will live your life na walang pakialam sa iba na malayo kay Cristo. “Walang sinuman sa atin ang nabubuhay o namamatay para sa sarili lamang. Kung tayo’y nabubuhay, para sa Panginoon tayo nabubuhay; at kung tayo’y namamatay, para sa Panginoon tayo namamatay. Kaya nga, sa mabuhay o sa mamatay, tayo’y sa Panginoon” (Rom. 4:7-8).

Sasabihin naman ng iba, “Hindi ko kaya.” In a way, talaga namang hindi natin kaya, kung sa sarili lang natin. Lalo na kung mahiyain ang personality mo. O baka sa tingin mo ay kulang ka pa sa training. Oo, makakatulong ang training. Pero karaniwan, yung ganitong damdamin ay hindi naman humility na pag-amin na kulang ang kakayahan mo, kundi excuse o justification para hindi ka na mag-involve sa evangelism at discipleship. Paano ba naging effective witnesses ang mga disciples sa early church? Hindi dahil sa sarili nilang lakas, kundi dahil sa kapangyarihan ng Espiritu. Sa utos na magpatotoo tungkol kay Cristo at sa kanyang muling pagkabuhay, merong nakakabit na pangako, “Tatanggap kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo, at kayo’y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at sa Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig” (Acts 1:8). Nasa ‘yo ba ang Espiritu? Kung oo, pwede mo bang sabihing, “Hindi ko kaya”?

Yung iba naman ang dahilan, “Wala akong time.” Sobrang busy ng buhay. Kailangang magtrabaho, gumawa sa bahay, mag-alaga ng anak. Totoo naman. Hindi naman natin kailangang dagdagan yung 24 hours a day na meron tayo. Ang kailangan lang ay “samantalahin…ang bawat pagkakataon” (Col. 4:6). Karaniwan magpe-pray tayo na bigyan tayo ni Lord ng opportunity para i-share ang gospel sa iba, tapos kapag hindi tayo nakakapag-share ng gospel sa iba, gagawin nating excuse na wala kasi tayong opportunity. Pero araw-araw meron tayong opportunity. Spend time sa mga anak ninyo and talk about the gospel. Kapag nasa trabaho, makipag-lunch ka sa kasama mo, kausapin mo, and talk about life and the gospel. Nung nakaraan, may nag-invite sa akin sa birthday ng anak niya. Buti na lang pumunta ako, kaya ayun nagkaroon ng opportunity to share the gospel sa mga kamag-anak nila. Ang totoo, marami tayong time…maraming time mag-Facebook, manood ng YouTube, at kung anu-ano pa. Kailangan lang nating matutunan kung paano gagamitin yung oras na meron tayo para mailapit ang isang tao kay Cristo.

Yung iba naman, sasabihin, “Natatakot ako sa magiging resulta.” Oo, pwede kang mapahiya, pwedeng pagsalitaan ka ng masakit, o pwedeng parang walang mangyari sa effort na in-exert mo para sa ibang tao. Ang problema, mas takot pa tayo na ma-offend ang ibang tao kaysa sa desire na maparangalan ang Diyos when we speak of Christ to others. “Ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilalanin ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit. Ngunit ang sinumang ikaila ako sa harap ng mga tao ay ikakaila ko rin sa harap ng aking Amang nasa langit” (Matt. 10:32).

Ikaw, ano ang humahadlang sa ‘yo, o ano ang mga excuses mo? Dahil meron tayong mga takot, merong mga excuses, merong mga pumipigil sa atin para maging committed to lead others to Christ, kailangan ng puso natin ng mga extra motivations.

‌3. Motivations: Ano ang Magtutulak sa Atin para Mag-evangelize at Mag-disciple?

a. Creation

Dapat nating ma-realize na ang pagdadala ng ibang tao palapit kay Cristo sa pamamagitan ng evangelism at discipleship ay hindi optional extra sa Christian life. Ito ay malaking bahagi ito ng layunin ng Diyos sa paglikha sa tao. Nilikha ang tao sa larawan ng Diyos, at bahagi nun ay ang masalamin natin sa buhay natin at sa mga sinasabi natin sa ibang tao kung sino ang Diyos. We reflect God’s image as prophet, priest and king. As priest, ang layunin natin ay madala ang ibang tao kay Cristo. As prophet, we speak God’s words sa ibang tao. As king, we live our lives in such a way na makikita ng mga tao na si Cristo ang hari sa buhay natin. Tulad ng layunin ng Diyos sa paglikha at pagliligtas sa Israel, ang church din ay nilikha ng Diyos at iniligtas ng Diyos para as a kingdom of priests and a holy nation, “that you may proclaim the excellencies of him who called you out of darkness into his marvelous light” (1 Pet. 2:9). Tulad ng pangako ng Diyos kay Abraham, we become God’s instruments of his blessings to the nations (Gen. 12:1-3). Kapag tumatanggi tayo na ibahagi ang blessing na ito—yung blessing of communion with God—sinasalungat natin ang layunin ng Diyos sa paglikha at pagliligtas sa atin. We are living our lives for lesser purposes. We’re wasting our lives.

‌b. Judgment

‌Yung second motivation ay may kinalaman sa judgment of God. Napakalaki ng problema ng taong makasalanan na nasa ilalim ng hatol ng Diyos. Kung alam lang natin, at inaalala natin, at talagang concerned tayo sa ibang tao, we will not be content na makipag-chikahan lang sa kanila, na makipag-party-party lang, na para bang walang poot ng Diyos na naghihintay sa kanila sa pagbabalik ni Cristo. Hindi rin tayo makukuntento na magbigay lang ng mga relief goods sa mga nasasalanta ng bagyo kung alam nating mabusog nga sila, pero balang araw naman they will suffer for all eternity in hell. Sabi nga ni John Piper, “We care about all sufferings, but especially eternal suffering.” Ang ipagkait ang gospel sa iba dahil ayaw nating maka-offend is not loving. Ang mga taong mahal natin bibigyan natin ng warning at tutulungang lumabas sa bahay nila na nasusunog. How much more kung alam natin ang kapahamakang naghihintay sa kanila kung sila ay mananatiling malayo kay Cristo? “Kaawaan ninyo ang mga nag-aalinlangan. Agawin ninyo ang iba upang mailigtas sa apoy” (Jude 23-24). We Christians have the means of rescue, namely, the gospel. Bakit natin ito ipagkakait sa kanila?

‌c. Gospel

‌Heto yung ikatlong motivation: Ang gospel ang kapangyarihan ng Diyos para sa kaligtasan. Sa tuwing nag-aalinlangan tayo in speaking the gospel sa ibang tao, ina-underestimate natin ang kapangyarihan ng Diyos na nakakabit sa preaching of the gospel. Ito ang nagmo-motivate kay Pablo kaya sinabi niya sa mga taga-Roma, “I am eager to preach the gospel to you also who are in Rome. For I am not ashamed of the gospel, for it is the power of God for salvation to everyone who believes” (Rom. 1:15-16). Power of salvation—ibig sabihin, power for regeneration, conversion, sanctification and perseverance. Gospel ang kailangan natin mula simula hanggang dulo ng buhay Kristiyano. Kaya ipinapaalala ni Pablo sa mga taga-Corinto ang tungkol kay Cristo, sa kamatayan at muli niyang pagkabuhay, dahil alam niya na ito ang kailangan nila: “Mga kapatid, ngayo’y ipinapaalala ko sa inyo ang Magandang Balitang ipinangaral ko sa inyo. Iyan ang Magandang Balitang inyong tinanggap at naging saligan ng inyong pananampalataya. Naliligtas kayo sa pamamagitan nito, kung matatag ninyong pinanghahawakan ang salitang ipinangaral ko sa inyo; maliban na lamang kung walang kabuluhan ang inyong pagsampalataya” (1 Cor. 15:1-2). Kung gospel ang kapangyarihan ng Diyos for salvation, at ito ang pinakamahalaga sa lahat, bakit natin ito ipagkakait sa mga taong nangangailangan nito—Kristiyano man ‘yan o hindi pa? “How beautiful are the feet of those who preach the good news” (Rom 10:15)!

d. Church

‌Fourth motivation: Ibinigay ng Diyos ang church sa atin para tayo’y magtulung-tulong sa pagtupad ng misyong ito. Oo, hindi natin kaya kung nag-iisa lang tayo. Hindi naman natin kailangang gawin ang pag-eevangelize at pagdi-disciple nang solo, at hindi rin natin kakayanin. Kailangan natin ang buong gospel at ang buong church para abutin ang buong mundo. You are not called by God to reflect the image of Christ alone. We reflect God’s image together as a church. Tulung-tulong din tayo sa pagdadala ng ibang tao kay Cristo. Tulung-tulong sa pag-eevangelize. Tulung-tulong sa pagdi-disciple. Tulung-tulong sa pagtupad ng misyon na ibinigay sa atin ng Panginoon. Nandito kaming mga elders to lead the ministry and equip you. Nandito rin ang ibang mga leaders ng church para mag-assist sa inyo.

‌Meron pang panglimang motivation, pero sa dulo na natin pag-usapan ‘yan. Magbibigay muna ako ng ilang paraan kung paanong tayo as a church ay makapagtutulung-tulong para madala ang ibang tao kay Cristo.

‌4. Means: Paano Tayo Magtutulong-tulong na Madala ang Ibang Tao kay Cristo?

‌Una, make a commitment na ang evangelism at discipleship ay dapat nagsisimula sa loob ng bahay. Parents, ang mga anak natin ang unang inilagay ng Diyos sa pangangalaga natin para sila ay dalhin kay Cristo. Pagtulungan ninyong mag-asawa ‘yan. Meron kayong study Bible na pwedeng gamitin. Merong catechism na pwedeng ituro sa mga anak. Kung hahayaan lang ninyo ang mga bata sa nakatutok nang ilang oras sa smart phone—at hindi mo bibigyan ng restrictions—kay Cristo mo ba sila madadala? Do you spend time as a family to read the Bible, pray and sing together? Mga tatay, kung nahihirapan pa kayo na gawin ‘yan sa loob ng bahay, magtutulung-tulong tayo para ma-empower at ma-equip kayo how to take responsibility for your family.

‌Ikalawa, gawin ninyo ang lahat ng magagawa ninyo para madala sila sa church. Dalhin ninyo ang mga anak ninyo sa Sunday School ng 9am, tapos umattend ka rin ng mga equipping classes natin ng 9am. Oo, ikaw ang may primary responsibility sa mga anak mo. Pero narito ang church para tulungan kayo na madala ang mga anak ninyo kay Cristo. Kung late gumising ang anak mo, gisingin mo, buhatin mo papunta sa church! Turuan mo na matulog nang maaga. Totoo namang hindi natin mapipilit ang ibang kasama natin na umattend sa church, lalo na kung malaki na ang mga ‘yan. Pero ano ang ginagawa mo para mahikayat sila na pumunta sa church? Do you at least pray for them? Ganun din sa mga kaibigan ninyo. Kung nahihirapan ka pa na i-share ang gospel sa kanya, kapag dinala mo sila sa church, siguradong maririnig nila ang gospel sa mga songs, sa mga prayers, at sa mga sermons. Pwede mo silang tanungin kung ano ang feedback nila, at doon magsisimula ang gospel conversations. O ipakilala sa ibang members ng church para makausap din nila.

‌Ikatlo, humingi ka ng tulong para mai-share ang gospel at ma-disciple ang ibang tao. Hindi mo kailangang gawin nang mag-isa. Kung meron kang kamag-anak o kapitbahay na meron kang burden na makakilala kay Cristo, kausapin mo kaming mga elders, o ang ibang members ng church na samahan ka na dalawin sila, ipagpray, at maaya na mag-aral ng Story of God. Or pwede ka ring mag-initiate na tanungin ang ibang members, “May nagdi-disciple na ba sa ‘yo? Gusto mo bang after service, mag-lunch tayo kasama ang ibang members para pag-usapan yung sermon ni pastor para mas matutunan natin kung paano pa ito ia-apply sa buhay natin?” O kaya, “Meron ka bang mga kaibigan na gusto mong makakilala kay Cristo? Tara, ipagpray natin sila. Pwede rin kitang samahan na i-share ang gospel sa kanila.”

‌Lastly, take advantage of the gospel resources na meron tayo sa church. Kung ang excuse mo ay hindi mo alam kung ano ang sasabihin o ituturo sa iba, napakaraming resources na pwede nating gamitin. Siyempre, ang Bible. You can ask your friend, “Gusto mong basahin natin ang Gospel of Mark one or two chapters a week lang, tapos pag-usapan natin kung ano ang itinuturo nito tungkol kay Cristo?” O yung mga study guides na meron tayo tulad ng Following Jesus, o Story of God. O yung mga books na we published—Sino si Jesus?, Ano ang Gospel?, Bakit Maaasahan ang Bible?. Pwede ka ring manghiram ng mga books na meron tayo sa library para mas mahasa ka sa evangelism ang discipleship:

  • Evangelism by Mack Stiles
  • Discipling by Mark Dever
  • Conversion by Michael Lawrence
  • The Gospel and Personal Evangelism by Mark Dever
  • The Gospel by Ray Ortlund
  • Evangelism and the Sovereignty of God by J. I. Packer
  • Tell the Truth by Will Metzger
  • God is the Gospel by John Piper
  • Let the Nations be Glad by John Piper

‌5. Another Motivation: The Sovereignty of God

‌God has given us all the help we need in leading others to Christ. We are not helpless sa pag-eevangelize at pagdi-disciple. Pero kahit alam natin yun, we still feel frustrated or discouraged kapag nag-share ka ng gospel sa asawa mo o sa kaibigan mo, pero hanggan ngayon ayaw pa ring maniwala. O kapag meron kang dinisciple sa church, tapos ngayon ay hindi na nagpapakita sa church. Tama lang na malungkot tayo para sa kanila dahil nalalayo sila kay Cristo. Pero tandaan din natin na wala sa mga kamay natin ang puso nila, at desisyon nila kung ano ang gagawin sa mga itinuturo natin sa kanila. Ang trabaho natin ay ibahagi ang gospel sa kanila, at ipagkatiwala sila sa Diyos na sovereign over all things. Dahil ang Diyos ay sovereign o makapangyarihang gumagawa ng lahat ayon sa kanyang itinakdang layunin, makakaasa tayo na nasa kanyang mga kamay ang resulta ng lahat ng mga pagpapagal natin—ito man ay tagumpay o palpak sa tingin natin.

‌God will not be frustrated in accomplishing his plans. Magtatagumpay ang Diyos na dalhin kay Cristo ang lahat ng itinakda niya na madala kay Cristo. “Mayroon akong iba pang mga tupa na wala pa sa kulungang ito. Kinakailangang sila’y ipasok ko rin, at papakinggan nila ang aking tinig (sigurado, they will listen to my voice). Sa gayon, magkakaroon ng isang kawan na may isang pastol” (John 10:16). Paano ba sumampalataya si Lydia sa ipinapangaral ni Pablo? Dahil sa husay ng pagsasalita ni Pablo? No. “Binuksan ng Panginoon ang kanyang puso upang makinig na mabuti sa mga bagay na sinasabi ni Pablo” (Acts 16:14 AB). Paano ba tayong mga patay dahil sa ating kasalanan ay mabubuhay? Dahil ba sa sarili nating willpower? No. Only by God’s sovereign mercy, “God made us alive” (Eph. 2:5-6). Paano bang ang isang bulag ay makakakita sa kagandahan ni Cristo? We preach Christ, at ang Diyos ang gagawa: “Sapagkat ang Diyos na nag-utos na magkaroon ng liwanag sa gitna ng kadiliman ay siya ring nagbigay liwanag sa aming isip upang makilala namin ang kaluwalhatian ng Diyos na nahahayag sa mukha ni Cristo” (2 Cor. 4:6 MBB).

Kaya nga ‘wag tayong magsasawa, ‘wag tayong panghihinaan ng loob, patuloy tayong manalangin para sa puso ng mga tao, at patuloy nating ituro sila kay Cristo. At sa awa ng Diyos, sila rin ay makakasama natin—makakasama ni Nanay Josie—sa piling ni Cristo sa langit. At sa kanyang muling pagbabalik, makakasama natin ang mga iniligtas ni Cristo mula sa iba’t ibang lahi sa buong mundo na umaawit, “Salvation belongs to our God who sits on the throne, and to the Lamb!…Blessing and glory and wisdom and thanksgiving and honor and power and might be to our God forever and ever! Amen” (Rev. 7:10-12).

‌Bawat isa sa atin, sooner or later, mamamatay rin na tulad ni Nanay Josie. Sa burol natin, magsasalita rin ang ibang tao tungkol sa atin. Gusto mo bang sabihin nila, “Ah ‘yang kumpare ko na ‘yan, napakasipag magtrabaho. Halos wala na nga ‘yang oras sa pamilya dahil sa kakatrabaho. Pero bilib ako dyan, kasi nakapagpatayo ng magandang bahay, magara ang mga sasakyan, ang mga anak napag-aral sa mga mamahaling eskuwelahan, at naibili pa ng mga mamahaling gadgets.” O ganito, “Kahit hirap na hirap ‘yan, kahit maysakit na, kahit matanda na, wala pa ring ibang bukambibig kundi si Cristo, at talagang gagawin ang lahat para matulungan ang iba tao na madala kay Cristo. Para sa kanya, ‘To live is Christ and to die is gain’ (Phil. 1:21).” Not that we care kung ano ang sasabihin ng ibang tao sa atin. May kumakalat na mga posts sa Facebook ngayon na ang opening line ay ganito, “Gulatin mo ang mga taong walang bilib sa ‘yo…” Not that we should care kung ano ang iisipin o sasabihin ng ibang tao sa atin. At bakit ba kailangan natin silang gulatin! Ang mahalaga, bilib ba sila kay Cristo? Nagawa ba natin ang lahat ng magagawa natin para matulungan silang bumilib kay Cristo? Wag nating sayangin ang buhay natin para sa ibang mga bagay na mas maliit pa kaysa sa hangaring ito: ang kilalanin si Cristo at maipakilala siya sa lahat ng tao.

Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)

Sign up to get your free pdf

By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

3 thoughts on “Part 7: Pagdadala ng Ibang Tao kay Cristo

  1. Maraming salamat po Ptr.derek sa pag share..ask ko lang po Ptr kung may online class pa kayo or study..tga cavite po ako and i want to continue at mas lumalim pa sa pag aaral ng Salita ng Diyos bilang isa ring tagapanguna at kinikilalang Ptr bilang isang Iglesia.thanks po.
    Grace to you

  2. Good day po Pastor, thanks po sa nakagandang message, maari po malaman ang main bible text na ginamit po ninyo? thanks po

Leave a Reply