Hindi natin pababayaan ang pananalangin para sa ating mga sarili at para sa iba (Jas. 5:16).

‌Problema: Pagpapabaya sa Panalangin

Pag-usapan natin ngayon ang prayer life natin bilang mga Christians—both privately and bilang member ng church. Hindi pwedeng paghiwalayin ‘yan. Yung prayer life ng church natin ay dapat na overflow ng private prayer life natin. At yung private prayer life natin ay dapat nag-ooverflow sa prayer para sa church at pakikibahagi sa sama-samang panalangin as a church. Ang Salita ng Diyos ay hindi rin dapat nakahiwalay sa prayer. Nagsasalita ang Diyos through the Bible habang ang Holy Spirit ay ipinaliliwanag sa atin ang mga katotohanang nababasa natin na nakasentro kay Cristo. Sa Bible, nagsasalita ang Diyos sa atin. In response, tayo naman ay nagsasalita sa Diyos in prayer bilang response sa sinasabi ng Diyos sa atin. At kung magpe-pray naman tayo, tapos hindi magbabasa ng Bible, baka kung anu-ano na lang ang sabihin natin at hindi na ayon sa kung ano ang nakalulugod sa Diyos. Bible feeds prayer, and our prayers should be biblical. Hindi pwedeng paghiwalayin ‘yan.

May katotohanan yung kanta ng mga bata, “Read your Bible, pray everyday, and you grow, grow, grow.” Pero merong kulang, baka kasi isipin lang ng iba na pwede kang mag-grow sa Christian life basta nagbabasa ka ng Bible at nagpe-pray everyday. Dito pumapasok ang kahalagahan ng ikaapat na item sa church covenant natin, “Hindi natin pababayaan ang pananalangin para sa ating mga sarili at para sa iba.” Mahalaga ito para ipaalala sa atin na ang growth sa Christian life ay nangyayari sa pamamagitan ng means of grace na itinalaga ng Diyos sa atin: exposure sa salita ng Diyos, communion with God in prayer, at pakikibahagi sa local church. We read the Bible together as a church, and we also pray together as a church.

Napakahalaga ng ganitong paalala sa atin dahil napakadali para sa atin na pabayaan o i-neglect ang prayer. Ito ang problema natin: pagpapabaya sa panalangin. Alam naman nating dapat tayong manalangin sa Diyos. Tayo na mga nakay Cristo ay mga anak ng Diyos. It is expected for children to talk to their Father in heaven. Kaya nga yun ang bungad ng prayer na itinuro sa atin ng Panginoon, to address God as our Father, “Our Father in heaven…” Mahalaga ang personal na ugnayan sa Diyos sa prayer. Meron ka bang regular and set time na magbasa ng Bible at mag-pray araw-araw? Bukod sa personal time, do we allot regular time with our family para magpray na magkakasama? Meron na ba kayong commitment na i-maximize ang participation sa mga opportunities na meron sa church para manalangin? “Huwag nating pabayaan ang ating pagtitipon, gaya ng ugali ng iba” (Heb. 10:25). Kasama sa pagpapabayang ito na ugali ng iba ay ang pagpapabaya sa sama-samang panalangin as a church. Habang tumatagal tayo sa Christian life, habang papalapit ang araw ng pagbabalik ng Panginoon, we need to pray together more and more, not less. Walang Kristiyano, walang church na nasosobrahan sa prayer. We all need to grow pagdating sa prayer life—individually and as a church.

Of course, hindi lang ito tungkol sa regular prayer life, at regular participation sa prayer gatherings ng church. Dapat din nating siyasatin ang mga bagay na sinasabi natin sa prayers natin. Paulit-ulit na lang ba ang mga sinasabi natin? Ang mga hinihiling ba natin sa Panginoon ay puro materyal na bagay na lang? O merong growth at merong biblical depth yung prayers natin? At hindi lang yung content ng prayer natin, i-examine din natin ang heart natin. What drives our hearts to pray? Ano ang motivations natin sa mga prayers natin? Basta makuha lang kung ano ang gusto natin? Ang prayer ba natin ay katulad ng sa Psalm 19:14, “Let the words of my mouth and the meditation of my heart be acceptable in your sight, O Lord, my rock and my redeemer”?

‌Paano Tayo Dapat Manalangin?

Kung Kristiyano ka, expected at dapat na natural sa atin ang nananalangin. Pero hindi lang ito basta duty na dapat nating gawin, kundi dapat gawin sa paraang nakalulugod sa kanya. Ang sagot ng Heidelberg Catechism sa tanong na, “Ano ang kalakip ng panalanging kalugod-lugod sa Diyos at kanyang pinapakinggan?”, ay ito:

Una, dapat mula sa puso tayong tumawag sa nag-iisang tunay na Diyos lamang, na siyang nagpahayag ng kanyang sarili sa kanyang Salita, para sa lahat ng iniutos niya sa ating ipanalangin. Pangalawa, kinakailangang lubus-lubusan nating kilalanin ang ating pangangailangan at kapighatian, nang sa gayon ay magpakumbaba tayo sa harapan ng Diyos. Pangatlo, dapat tayong manangan sa matibay na sandigang ito na, kahit hindi tayo karapat-dapat, ang Diyos ay tiyak na papakinggan ang ating panalangin alang-alang kay Cristo na ating Panginoon, tulad ng kanyang ipinangako sa atin sa kanyang Salita. (Q117)

‌Paano ba tayo dapat manalangin?

1. Manalangin nang ayon sa Salita ng Diyos.

Ang panalangin ay ang salita natin na sinasabi sa Diyos. Totoo ‘yan. Pero hindi ‘yan ang pangunahin about prayer. Ang prayer ay response natin sa Salita ng Diyos. Ang Diyos ang unang nagsalita. Ang Diyos ang naunang nagpahayag ng kanyang sarili sa atin. Inilapit ng Diyos ang sarili niya sa atin bago pa tayo lumapit sa kanya. Walang prayer life kung walang revelation from God. Tingnan n’yo yung prayer na ‘to ni Moises:

Sinabi ni Moises sa Panginoon, “Lagi po ninyong sinasabi sa akin na pangunahan ko ang inyong mga mamamayan sa pagpunta sa lupaing ipinangako ninyo, pero hindi pa po ninyo ipinapaalam kung sino ang pasasamahin ninyo sa akin. Sinabi pa po ninyo na kilalang-kilala nʼyo ako at nalulugod kayo sa akin. Kung totoo pong nalulugod kayo sa akin, turuan nʼyo ako ng mga pamamaraan ninyo para makilala ko kayo at para mas matuwa pa kayo sa akin. Alalahanin po ninyong ang bansang ito ay bayan ninyo.” (Ex.33:12-13ASD)

‌Tugon ‘yan sa kung ano ang sinabi ng Diyos sa kanya. Moses was praying back God’s Word to him, at hinahayaan niyang ang salita ng Diyos ang humubog sa prayer niya. Ganun din yung prayer of gratitude ni David in response sa promise ng Diyos sa kanya sa 2 Samuel 7:

Ito’y munting bagay pa sa iyong paningin, O Panginoong Diyos; at ikaw ay nagsalita rin tungkol sa sambahayan ng iyong lingkod hanggang sa matagal na panahong darating; at ipinakita mo sa akin ang hinaharap na salinlahi, O Panginoong Diyos! At ano pa ang masasabi ni David sa iyo? Sapagkat kilala mo ang iyong lingkod, O Panginoong Diyos. Dahil sa iyong pangako at ayon sa iyong sariling puso, iyong ginawa ang lahat ng kadakilaang ito upang malaman ng iyong lingkod. (vv. 19-21 MBB)

Ganun din sa prayer of confession ni Nehemiah:

Napakasama ng aming nagawa laban sa iyo, at hindi namin iningatan ang mga utos, mga tuntunin, o ang mga batas na iyong iniutos sa iyong lingkod na si Moises. Alalahanin mo ang salita na iyong iniutos sa iyong lingkod na si Moises, na sinasabi, “Kapag kayo’y hindi tapat, ikakalat ko kayo sa lahat ng mga bayan; ngunit kung kayo’y manumbalik sa akin, at ingatan ninyo ang aking mga utos at gawin ang mga ito, bagaman ang inyong pagkawatak-watak ay nasa kadulu-duluhang bahagi ng mga langit, aking titipunin sila mula roon at dadalhin ko sila sa lugar na aking pinili upang patirahin doon ang aking pangalan.” (Neh. 1:7-9)

‌Tama na dapat nating sabihin sa Diyos kung ano ang nasa puso natin. Pero ang puso natin ay dapat na nakaayon kung ano ang nauna nang sinabi ng Diyos. Hindi natin kailangang mag-imbento ng paraan kung paano mag-pray, hindi natin kailangang mangapa kung anong mga salita ang gagamitin sa prayer. Buksan natin ang Bibliya, kilalanin natin kung sino ang Diyos, ano ang kalooban niya, ano ang pangako ng pagpapatawad, pagliligtas, at tulong na ibibigay niya, at yun ang hayaan nating maging gasolina para pag-alabin ang prayer life natin.

2. Manalangin bilang tugon sa gospel.

Maraming beses na we feel guilty dahil kulang ang prayer life natin—and some of you maybe feeling guilty right now. Pero tandaan natin na ang pagtanggap sa atin ng Diyos ay hindi nakadepende sa quality ng prayer life natin o sa anumang katangian na nasa atin. Kaya nga sinasabi natin sa dulo ng prayer natin, “In Jesus’ name, Amen.” Pagkilala yun na makakalapit tayo sa Diyos, matatanggap ng Diyos ang mga panalangin natin, at matatanggap natin ang sagot ng Diyos sa prayers natin dahil sa ginawa ni Cristo para sa atin. Sabi sa Heidelberg Catechism, “Tiyak na papakinggan ang ating panalangin alang-alang kay Cristo na ating Panginoon.” Remembering the gospel motivates us to come to the Lord in prayer.

Yamang tayo’y mayroong isang marangal at Pinakapunong Pari na pumasok sa kalangitan, si Jesus na Anak ng Diyos, ay hawakan nating matatag ang ating ipinahahayag. Sapagkat tayo’y mayroong isang Pinakapunong Pari na marunong makiramay sa ating mga kahinaan, isa na tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin, gayunma’y walang kasalanan. Kaya’t lumapit tayong may katapangan sa trono ng biyaya, upang tayo’y tumanggap ng awa, at makatagpo ng biyaya na makakatulong sa panahon ng pangangailangan. (Heb. 4:14-16)

Kaya, mga kapatid, yamang mayroon tayong pagtitiwala na pumasok sa santuwaryo sa pamamagitan ng dugo ni Jesus, na kanyang binuksan para sa atin ang isang bago at buháy na daan, sa pamamagitan ng tabing, samakatuwid ay sa kanyang laman, at yamang mayroon tayong isang pinakapunong pari sa bahay ng Diyos, tayo’y lumapit na may tapat na puso sa lubos na katiyakan ng pananampalataya, na ang mga puso ay winisikang malinis mula sa isang masamang budhi at nahugasan ang ating katawan ng dalisay na tubig. (Heb. 10:19-22)

‌Ipinapaalala sa atin ng gospel na makalalapit tayo sa Diyos sa panalangin hindi dahil sa anumang taglay nating kabutihan o katuwiran, kundi dahil lamang kay Cristo at sa kanyang sakripisyong ginawa sa krus para sa atin.

3. Manalangin nang may kababaang-loob.

Totoo na yung “in Jesus’ name” ay nagbibigay sa atin ng boldness na lumapit sa Diyos in prayer. Pero yung boldness na ito ay dapat may nakaakibat na kababaang-loob o humility. By definition, every prayer must be a humble prayer. Kasi inaamin natin na kailangan natin ang Diyos, kailangan natin ang tulong ng Diyos, kailangan natin ang pagpapatawad ng Diyos, ang habag ng Diyos, ang karunungang galing sa Diyos. Prayerlessness is prideful arrogance, kasi parang sinasabi natin ang ganito sa Diyos even without saying it out loud, “I don’t need you. I can live my life just fine without you.” At kung mananalangin naman tayo sa Diyos, pero ang focus ng prayer natin, o basis ng confidence natin sa prayer natin ay nasa sarili natin, para tayong yung Pharisee na ang tiwala ay nasa kanyang sariling katuwiran sa parable na ikinuwento ni Jesus. Sabi niya, “Diyos, pinasasalamatan kita na hindi ako gaya ng ibang mga tao, na mga mangingikil, mga di makatarungan, mga mangangalunya, o gaya man ng maniningil ng buwis na ito. Dalawang ulit akong nag-aayuno sa isang linggo, nagbibigay ako ng ikapu sa lahat ng aking kinikita!” (Luke 18:11-12). Para bang pinangangalandakan sa Diyos ang kabutihan niya, at feeling entitled na pakinggan siya ng Diyos dahil dun.

Oo nga’t meron na tayong karapatan na lumapit sa Diyos because of Christ, pero it doesn’t mean na feeling natin ay oobligahin o uutusan na natin ang Diyos sa mga prayers natin. Kaya I feel turned off sa mga prayers na ganito ang sinasabi sa Diyos, “Lord, we declare healing for our nation…we decree financial breakthroughs…” We don’t command God in prayer. Siya ang Diyos, siya ang Hari, so we humbly request, at lalapit tayo sa kanya na merong puso na nagpapakumbaba tulad ng tax collector sa parable ni Jesus: “Diyos, mahabag ka sa akin na isang makasalanan” (v. 13). Psalm 51:17, “The sacrifices of God are a broken spirit; a broken and contrite heart, O God, you will not despise.” Isaiah 66:2, “All these things my hand has made, and so all these things came to be, declares the Lord. But this is the one to whom I will look: he who is humble and contrite in spirit and trembles at my word.” Manalangin tayo nang may kababaang-loob. God will not turn his face away kapag ganito ang kalagayan ng puso natin.

4. Manalangin nang may pagtitiwala.

Sinabi ni apostles James na kung tayo ay nagkukulang sa wisdom—at talaga naman—“let him ask God, who gives generously to all without reproach, and it will be given him. But let him ask in faith, with no doubting…” (Jas. 1:5-6). Hindi pinag-uusapan dito kung gaano kalaki ang pananampalataya na kailangan natin. Ang mahalaga ay nandun yung reality ng faith. Sabi ng Panginoong Jesus sa mga disciples niya na kulang sa pananampalataya, “Truly, I say to you, if you have faith like a grain of mustard seed, you will say to this mountain, ‘Move from here to there,’ and it will move, and nothing will be impossible for you” (Matt. 17:20). Of course, hyperbole o exaggeration ang sinasabi ni Jesus to emphasize yung power na available sa atin na nagtitiwala sa Diyos. Hindi sa laki ng pananampalataya natin kundi dahil yung faith na yun ay nakakabit sa Diyos at sa kapangyarihan ng salita ng Diyos. Kaso gagamitin ng iba yung verse na ‘to (pati yung Mark 11:23 at Matthew 21:21) para i-emphasize yung power of our words, yung power of positive thinking, yung “name it and claim it” na teaching. Basta sabihin mo raw sa Diyos kung ano ang gusto mo, i-claim mo na next week magkakaroon ka ng 10,000 pesos, o magkakaroon ka ng bagong kotse, o gagaling ka sa cancer, ibibigay sa ‘yo ni Lord, basta magtiwala ka.

Totoo namang sinabi sa John 14:13, “Whatever you ask in my name, this I will do, that the Father may be glorified in the Son.” Pero yung ganung klaseng prayer ba ay ginagawa “in Jesus’ name” at “for the glory of the Father”? Sinabi rin sa John 15:7, “If you abide in me, and my words abide in you, ask whatever you wish, and it will be done for you.” Ganyang mga bagay ba ang hihilingin mo kapag ang salita ni Cristo ay nananahan sa ‘yo? Sinabi rin sa 1 John 5:14-15, “And this is the confidence that we have toward him, that if we ask anything according to his will he hears us. And if we know that he hears us in whatever we ask, we know that we have the requests that we have asked of him.” Ang hinihiling ba natin ay ayon sa kalooban ng Diyos o ayon sa sarili mong kagustuhan? Faith is believing in the power of God to fulfill his promises. Hindi naman niya pinangako na gagaling ka o magkakakotse ka. That’s presumption. Faith is not mere positive thinking. Manalangin tayo na may pagtitiwala sa Diyos at sa kanyang salita. Hebrews 11:6, “And without faith it is impossible to please him, for whoever would draw near to God must believe that he exists and that he rewards those who seek him.”

5. Manalangin nang may pasasalamat.

Mapagbigay ang Diyos. He “gives generously” (Jas. 1:5). Kahit nga hindi tayo karapat-dapat bigyan ng Diyos ng mga mabubuting bagay, binibigay niya in response sa mga prayers natin. Kahit nga hindi pa natin ipinagpray, ibinibigay rin niya in response sa prayers sa ating ng Panginoong Jesus. “Every good and perfect gift is from above” (Jas. 1:17). So, hindi lang tayo hingi nang hingi sa prayer, dapat matuto tayo na magpasalamat and be joyful kahit sa mga panahon na hindi pa natin lubos na natatanggap yung mga hinihiling natin sa prayers natin. 1 Thessalonians 5:16-18, “Rejoice always, pray without ceasing, give thanks in all circumstances; for this is the will of God in Christ Jesus for you.” Colossians 4:2, “Continue steadfastly in prayer, being watchful in it with thanksgiving.” Bukod sa prayers bago kumain, do you thank God for answering your prayers? Do you thank God for your salvation? Do you thank God for your life, for your marriage, for your church? Do you thank God for what he’s doing sa mga members ng church? Nagpapasalamat ka ba sa Diyos sa lahat ng spiritual blessings na tinanggap mo dahil kay Cristo (Eph. 1:3)?

6. Manalangin nang may pakikipaglaban.

Dahil hindi naman natin laging nararanasan ang mga blessings ng answered prayers, dahil may araw-araw rin naman tayong hinaharap na pagsubok at mga tukso, dapat nating matutunan kung paano manalangin nang may pakikipaglaban. Hindi tayo pwedeng kampante lang. “Humanda kayo at mag-ingat, dahil ang kaaway ninyong si Satanas ay umaali-aligid na parang leong umaatungal at naghahanap ng malalapa” (1 Pet. 5:8 ASD). How do we “resist him” (v. 9)? Hindi sa sarili nating lakas, but by being “firm in your faith” (v. 9). Kasama diyan ang prayer. Sabi ng Panginoong Jesus sa Matthew 26:41, “Watch and pray that you may not enter into temptation. The spirit indeed is willing, but the flesh is weak.” Kung meron tayong war-time mentality, at alam natin sa sarili natin na kulang ang kakayahan natin in resisting the works of the Enemy, mas lalo tayong luluhod sa Diyos sa panalangin. Kasama ng “word of God” ang “prayer” sa armas na bigay sa atin ng Diyos to fight our Enemy (Eph. 6:17-18). Mahirap na laban ito. Mahabang laban ito. Kaya ang calling sa atin sa prayer ay palagian at patuloy na manalangin. “Magpatuloy kayo sa pananalangin” (Col. 4:2 AB). “Manalangin kayong walang patid” (1 Thess. 5:17). Maging “matiyaga sa pananalangin” (Rom. 12:12). May mga panahon na panghihinaan tayo ng loob, na para bang walang nangyayari sa mga prayers natin, pero magpapatuloy tayo dahil ang pag-asa natin ay hindi nakakabit sa mga nangyayari sa mundong ito. Kaya kailangan din nating…

7. Manalangin nang may pag-asa.

Ang Panginoong Jesus ang nagturo sa atin na “laging manalangin at huwag mawalan ng pag-asa” (Luke 18:1 ASD). Iiyak pa rin tayo sa Diyos kapag tayo ay nahulog sa kasalanan. Nalulungkot pa rin tayo kapag matagal na panahon na pero meron pa ring hindi ayos sa relasyon n’yong mag-asawa. O meron pang sakit na hindi tinutugunan ng Diyos ng kagalingan. Pero nagpapatuloy tayo dahil ang pag-asa natin ay nakakabit sa mga pangako ng Diyos na lubos niyang tutuparin sa pagbabalik ng Panginoong Jesus. Kaya ganito ang prayer ni Paul, “Now may the God of peace himself sanctify you completely, and may your whole spirit and soul and body be kept blameless at the coming of our Lord Jesus Christ. He who calls you is faithful; he will surely do it” (1 Thess 5:23-24). “Pagkatapos ninyong magtiis sa loob ng maikling panahon, ang Diyos, na siyang pinanggagalingan ng lahat ng pagpapala, ang siyang magbibigay sa inyo ng kagalingan, katatagan, at lakas ng loob at isang pundasyong di matitinag. Siya ang tumawag sa inyo upang makibahagi kayo sa kanyang walang hanggang kaluwalhatian, kasama ni Cristo” (1 Pet 5:10 MBB).

8. Manalangin nang may pakikipag-ugnayan sa Diyos.

Kung ang lubos na pag-asa natin ay nasa muling pagbabalik ni Cristo, na sa oras na yun ay mararanasan natin nang lubos ang ugnayan natin sa Diyos na siyang layunin kung bakit namatay si Cristo, ibig sabihin, that communion with God is also the goal of our prayers. Wag mong i-trato na ang prayer ay parang magic box na kapag meron kang susi ay maia-unlock mo at makukuha mo yung mga blessings na gusto mo. Don’t approach prayer para lang sa mga answers sa prayer. God is the greatest gift of the gospel. God is the good news of the gospel. Namatay si Cristo sa krus hindi para makuha natin ang mga gusto natin sa mundong ito, but to bring us back to God (1 Pet. 3:18). Wag kang magtatampo sa Diyos kung hindi ka yumayaman tulad ng iba, o gumagaling sa sakit tulad ng iba. God is committed to your highest good, and your highest good is God himself. “Kayo ngang masasama ay marunong magbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak. Lalo na ang inyong Ama na nasa langit, na magbibigay ng Espiritu Santo sa mga humihingi sa kanya” (Luke 11:13MBB)! By giving the Holy Spirit, ibinigay ng Diyos ang sarili niya sa atin. The point of prayer, and all of our Christian life, is communion with God. Ang mga bagay na tungkol sa Diyos ang dapat na pinakamataas na hangarin din natin sa prayer natin: “Our Father in heaven, hallowed be your name, your kingdom come, your will be done on earth as it is in heaven.”

9. Manalangin nang may pakikipag-ugnayan sa church.

At habang nakikipag-ugnayan tayo sa Diyos sa panalangin, bilang mga anak sa ating Ama na nasa langit, nakikipag-ugnayan din tayo sa ibang mga anak ng Diyos, sa mga kapatid natin kay Cristo. Kaya nga hindi pwedeng i-practice natin ang prayer na private lang. Dito pumapasok ang kahalagahan ng pagiging vital member of a local church. Pansinin n’yo yung language ng prayer na itinuro sa atin ng Panginoong Jesus. Hindi naman ganito: “My Father in heaven…give me this day my daily bread, forgive me my sins…lead me not into temptation, but deliver me from evil.” Pwede naman. Pero hindi ganyan. “Our Father in heaven…give us this day our daily bread…” Hindi mo pa talaga natutunan kung paano manalangin kung puro sarili mo lang ang iniisip mo. You’re missing the point of prayer kung hindi ka vital member ng church at nakikisama sa prayer life ng church. So…

‌Paano Tayo Dapat Manalangin bilang Isang Church?

1. Manalangin kasama ang church.

Related din ito sa pinag-aralan natin last week na huwag pababayaan ang pagdalo at pakikibahagi sa mga pagtitipon ng church. Some churches at yung church din naman natin dati ay may weekly prayer meetings. Pero sa church natin ngayon, merong iba’t ibang opportunities for praying together.

Meron din tayong Prayer Meeting every fourth Sunday of the month, 9AM bago ang ating Worship Service. Isang oras lang ‘yan, at majority of our time ay alloted sa prayers. Merong mga items na nakahanda na ipag-pray, meron ding mga naka-assign na na mga members na mag-lead sa prayers. For the last three months, praying thru the church covenant ang focus. May magli-lead ng prayer sa harap, ang iba ay makikinig at mag-aagree sa prayer sa pamamagitan ng pagsasabi ng “Amen” pagkatapos ng prayer, na magandang masanay tayo na i-practice na sabay-sabay sasabihin. One way of participating yun. At personally, sobrang nae-encourage ako na marinig ang mga members kung ano ang nasa heart nila na ipag-pray para sa church.

Sa Evening Service naman, every fourth Sunday rin, 5:30PM naman, merong time for sharing prayer requests in small groups. Opportunity rin yun na ipagpray ang bawat isa.

At sa mga small group gatherings throughout the week tulad ng mga grace community gatherings at mga discipleship groups, meron ding time na para ipanalangin ang bawat isa.

Meron ding special prayer gatherings tulad ng Prayer and Fasting, pero occasionally natin ito ginagawa.

At sa Worship Service natin every Sunday, meron ding mga prayers na usually ay mga elders o elders in training ang nagli-lead. Bukod sa prayer of illumination bago ang sermon, at prayer for applying the word pagkatapos ng sermon, we follow yung acronym na A-C-T-S sa iba’t ibang prayers every Sunday. Kaming mga elders usually ang naghahanda para rito para mag-serve din as teaching tool, or modeling, para masanay rin kayo sa inyong personal prayers. A, Adoration, o prayer of praise. Ang focus nito ay pagpapuri sa mga dakilang katangian ng Diyos, kung sino ang Diyos. C, Confession, sama-samang pag-amin ng mga kasalanan natin, yung elder as our representative, na humihingi ng tawad sa Diyos. T, Thanksgiving, nagpapasalamat sa biyayang kaloob ng Diyos sa pagpapatawad at pagsagot niya sa mga prayers natin. S, Supplication, o prayer of petition and intercession, we pray for our hearts, we pray for our church, para rin sa ibang churches at ibang ministries, para sa government natin, para sa mga missionaries at para sa gospel work around the world.

Kaya mahalagang ‘wag kang aabsent sa mga gatherings ng church. Makibahagi sa mga prayers. Pakinggang mabuti. Sumang-ayon. Yun din ang sabihin sa prayer, at sabihing “Amen” sa dulo ng prayer.

2. Manalangin para sa church.

“Manalangin kayo sa lahat ng pagkakataon, humiling at sumamo sa patnubay ng Espiritu. Lagi kayong maging handa, at patuloy na ipanalangin ang lahat ng hinirang ng Diyos” (Eph. 6:18). Bilang miyembro, dapat matutunan natin na mag-pray bilang bahagi ng katawan ni Cristo. Ibig sabihin, sa mga regular na panalangin natin sa araw-araw, ilagay natin ang church sa isip natin.

Ipagpray natin ang buong church. Gamitin natin ang church covenant para ipag-pray para maging faithful ang church dito. Ipagpray natin ang bawat miyembro ng church. Gamitin natin ang members directory natin para ipagpray ang mga elders ng church, ang mga deacons, ang mga members, ang mga anak ng members, ang mga workers na sinusuportahan natin sa missions and church planting. Limang miyembro sa isang araw, kaya nating ipag-pray ang buong church sa isang buwan. Kung ano ang nabasa natin sa Bible reading na reflection, yun din ang pwede nating ipag-pray sa members natin for that day. At pwede natin silang i-message na ipinagpray natin sila at tanungin kung ano pa ang prayer requests nila.

Sobrang nae-encourage ako kapag merong nagmemessage sa akin na pinagpray nila ako. I wish na makatanggap ako ng ganung message araw-araw, at least kahit isa man lang sa member ng church. Kaming mga elders ay nagpe-pray para sa inyo. Araw-araw, at kapag meron kaming elders meeting. Sa mga susunod na araw, mag-iischedule kami ng one-on-one time with every member ng church para makumusta kayo at maipag-pray. Malaking ministry n’yo rin para sa amin ang maipag-pray kami. Si Paul nga nagre-request ng prayer, “Brothers, pray for us” (1 Thess. 5:25; also Col. 4:3).

‌Wag din tayong mahihiya at maghe-hesitate na i-share ang prayer requests natin sa iba. Aminin mo kung may struggle ka sa kasalanan. James 5:16, “Confess your sins to one another and pray for one another.” Kung may mga kabigatan, mga problema, mga pagsubok na pinagdaraanan sa pamilya, sabihin ninyo sa church. Kailangan natin ang bawat isa. Magpatuloy po tayo at ‘wag magsasawa na ipanalangin ang bawat isa sa church, at manalangin kasama ang church. Isa ito sa pinakamahalagang bahagi na gagampanan natin bilang miyembro ng church.

Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)

Sign up to get your free pdf

By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

Leave a Reply