Hindi natin pababayaan ang ating mga pagtitipon bilang isang pamilya ng Diyos upang sama-samang umawit, manalangin, makinig at mag-aral ng mga salita ng Diyos, at magsalu-salo sa hapag ng Panginoon (Heb. 10:24-25; Eph. 5:19-20; Acts 2:42-47).
Anu-ano ang mga Regular na Pagtitipon ng Church?
Ang pag-uusapan natin ngayon ay may kinalaman sa regular na pagtitipon na ginagawa natin, especially our Sunday morning service na ginagawa natin every week. Ito yung pangatlo sa commitment natin sa members covenant ng church: “Hindi natin pababayaan ang ating mga pagtitipon bilang isang pamilya ng Diyos upang sama-samang umawit, manalangin, makinig at mag-aral ng mga salita ng Diyos, at magsalu-salo sa hapag ng Panginoon.” Yung unang dalawa—tungkol sa pagkakaisa sa Espiritu at pagmamahalan sa isa’t isa—ay mas nagiging kongkreto at hindi na lang basta spiritual reality kung tayo ay regular na nagsasama-sama. Dahil nandito ka ngayon, ibig sabihin, meron kang pagpapahalaga sa pagtitipon ng church. Ang layunin ko ngayon para sa ‘yo ay mas maging malalim pa ang commitment mo at makita mo ang kahalagahan ng regular rhythm ng church life na hindi pwedeng gawing once a month na lang, or paminsan-minsan lang, o basta-basta mag-decide na ipagpaliban dahil may trabaho o negosyo, o dahil may bakasyon, o dahil merong bisita sa bahay o merong kaibigang nag-imbita. At para naman sa mga members natin na nagiging habitual ang pag-absent o hindi na regular na nakikita sa mga gatherings ng church, I hope na bawat isa sa inyo ay makatuwang din ng mga elders ng church para sila’y madalaw at mapaalalahanan na huwag pababayaan ang mga pagtitipon ng church.
Ang goal natin ay para matulungan ang iba na nagsasabing hindi mahalaga ang mga ganitong pagtitipon para magkaroon sila ng pagpapahalaga rito. At yung mga nagsasabing mahalaga ito pero hindi ganun kahalaga ay matulungan na magkaroon ng higit pang pagpapahalaga rito. At hindi mo masabing, “Basta maka-attend ako ng Sunday worship service, okay na yun!” Pero makita mo rin kung bakit mahalaga yung iba pang regular gatherings natin sa church, tulad ng:
- Equipping Classes, 1st to 3rd Sunday of the month, 9AM
- Discipleship Sunday, 2nd Sunday of the month, 1:30PM pagkatapos ng lunch together
- Prayer Meeting, 4th Sunday of the month, 9AM
- Evening Service, 4th Sunday of the month, 5:30PM
We want to maximize our time together kapag Lord’s Day every Sunday. And we hope na unti-unti na nagkakaroon kayo ng adjustments sa schedule n’yo as a family para makapag-participate dito. Aside from Sundays, meron din throughout the week na mga grace community gatherings, discipleship groups, at book study groups na pwedeng salihan. Sa halip na tingnan natin ang mga ito na additional burdens at dagdag na kaabalahan pa sa buhay n’yo na ang dami nang pinagkakaabalahan, I pray na makita n’yo na ito ay opportunities or means of grace ng Panginoon to maximize our joy in Christ.
Ano ang Kinalaman ng mga Pagtitipong Ito sa Church at sa Pagiging Church Member?
We need to gather regularly as a church. Hindi ‘yan optional. ‘Yan ay napakahalaga. Kaya nga sinabi sa sulat sa mga Hebrews, “Huwag nating pababayaan ang mga pagtitipon natin gaya ng nakaugalian na ng ilan” (Heb. 10:25). Para makita ang kahalagahan ng mga pagtitipon ng church at kung bakit hindi natin ‘to dapat pabayaan, dapat makita natin ang sagot sa tanong na, Ano ang kinalaman ng mga pagtitipong ito sa church at sa pagiging church member? Kung naiintindihan mo kung ano ang church, hindi pwedeng hindi tayo magtitipon. Sa unang sermon pa lang sa series natin, binanggit ko na na ang salitang church o ekklesia ay karaniwang ginagamit sa New Testament para tukuyin ang isang asembleya o pagtitipon ng mga tagasunod ni Cristo sa isang lugar. Hawig ito sa “sinagoga” ng mga Judio. Katunayan, ang salitang “pagtitipon” sa Hebrews 10:25 ay galing sa salitang pinagkuhanan din ng sinagoga (episynagoge), “to meet together.” At ang Hebrew equivalent ng ekklesia ay qahal (see Deut. 4:10; 9:10), na tumutukoy rin sa pagtitipon ng mga Israelita para sumamba sa Panginoon. Ang church ay higit pa sa isang pagtitipon siyempre, pero hindi pwedeng walang pagtitipon.
Ang church ay “pamilya ng Diyos” at tayo ay bahagi ng pamilyang ito. Ito ang sabi ni Pablo kay Timoteo sa 1 Timothy 3:15. Ang isang pamilya, para ma-express ang kanilang pagkakaisa, at para maipakita ang pagmamahal sa bawat isa, napaka-crucial na sila ay nagsasama-sama sa isang bahay, magkakasamang kumain, nagkukuwentuhan, sharing their lives with one another. If you are a church member, bahagi ka ng pamilyang ito: “kabilang sa pamilya ng Dios” (Eph. 2:19 ASD). Kung bahagi ka ng pamilya, hindi ba’t maglalaan ka ng maraming oras sa loob ng bahay kasama ang pamilya mo? How can you consider your church as your church family kung hindi mo naman sila regular na nakakasama?
Isa pang image na mahalagang tandaan natin para maunawaan ang kahalagahan ng pagtitipon ng church at ang pakikibahagi dito as a church member ay yung image ng church as body of Christ. One body, many members, ito yung point ni Paul sa 1 Corinthians 12. Si Cristo ang ulo ng katawang ito at “sa pamamagitan niya, ang buong katawan ay pinag-uugnay-ugnay ng mga kasukasuan na mula rin sa kanya” (Eph. 4:16). Pinag-uugnay-ugnay, paano mangyayari ‘yan kung ihihiwalay natin ang sarili natin sa katawan ni Cristo? Ganun din sa image ng church ay “temple”: “Sa pamamagitan niya, ang bawat bahagi ng gusali ay nagkakaugnay-ugnay at nagiging isang templo na nakatalaga sa Panginoon” (Eph. 2:21). Isang pamilya, isang katawan, isang templo—kaya mahalaga na palagian tayong nagsasama-sama to express yung reality ng church na ito at maging makabuluhan ang pagiging member natin ng church.
Ano ang Dapat na Nagtutulak sa Atin para Dumalo sa mga Pagtitipong Ito?
Mahalaga ang tamang pagkaunawa kung ano ang church at kung ano ang implication nito sa pagiging church member. But of course, ang puso natin ay kailangan pa ng mga compelling reasons and motivations para bigyang priority ang mga pagtitipon ng church. Lalo pa sa panahon ngayon na para bang ang daming nakikipagkumpetensiya sa oras at lakas natin para paglaanan ito ng sapat na atensyon. Kapag nabasa mo yung nangyari sa Acts chapter 2 tungkol sa mga 3,000 katao na na-baptized at nadagdag sa church, mamamangha ka dahil ang naging response nila ay hindi ganito: “Ayos, sa wakas saved na ko, sa langit na ako pupunta,” pagkatapos ay parang wala namang naging pagbabago in the way they live their lives and relate to others na naligtas din. Hindi ganun, pero ganito:
Inilaan nila ang kanilang mga sarili upang matuto sa turo ng mga apostol, magsama-sama bilang magkakapatid, magsalu-salo sa pagkain ng tinapay, at manalangin…Nagsama-sama ang lahat ng sumasampalataya at ang kanilang mga ari-arian ay itinuring na para sa lahat…Araw-araw, sila’y nagkakatipon sa Templo at nagpipira-piraso ng tinapay sa kanilang mga tahanan, na masaya at may malinis na kalooban. (2:42, 44, 46)
Ano ang nagtulak sa kanila na magsama-sama hindi lang paminsan-minsan, hindi lang ‘pag may time sila, kundi “araw-araw”? Kabagu-bago pa lang nila na na-convert as followers of Christ, pero bakit ganito na ang commitment and devotion nila: “Inilaan nila ang kanilang mga sarili…”?
Una, dahil pinaniniwalaan talaga nila ang gospel, and the gospel compels us to gather para sumamba sa Panginoon. Napakinggan nila ang mabuting balita, nagsisi sa kasalanan, sumampalataya kay Cristo, at tinanggap ang Banal na Espiritu. They were genuinely converted. At ang bagong puso na nasa kanila ang nagtulak sa kanila para naisin din na makasama ang iba sa pagsamba sa Panginoon. Alam nila na kung paanong ang layunin ng Israel sa pagliligtas sa kanila mula sa Egipto ay para sila’y sumamba sa kanya, gayundin sa pagliligtas ng Diyos sa atin. At ang pagsamba sa kanya ay hindi pwedeng individual lang. Pakinggan n’yo yung “corporate” language sa Hebrews 10, ilang verses bago yung utos na ‘wag pabayaan ang pagtitipon:
Kaya nga, mga kapatid, tayo’y malaya nang makakapasok sa Dakong Kabanal-banalan dahil sa dugo ni Jesus. Binuksan niya para sa atin ang isang bago at buháy na daang naglalagos hanggang sa kabila ng tabing, at ang tabing na ito’y ang kanyang katawan. Tayo ay may isang Pinakapunong Pari na namamahala sa sambahayan ng Diyos. Kaya’t lumapit tayo sa Diyos nang may pusong tapat at may matibay na pananampalataya sa kanya. Lumapit tayong may malinis na budhi sapagkat nilinis na ang ating mga puso at hinugasan na ng dalisay na tubig ang ating mga katawan. (10:19-22)
Ang mga taong matagal nang wala sa church, at hindi rin umaattend sa kahit anong church (maliban na lang kung physically unable) kahit anong pilit mo, kahit anong kulit mo, kahit anong paliwanag mo, kung di naman talaga totoo sa puso nila na pinaniniwalaan nila ang gospel, wala talagang magiging response ‘yan. They were not genuinely converted. Hindi pa nabago ang puso nila. Wala silang pakialam sa sarili nilang puso at sa puso ng ibang mga nasa church.
Pangalawang nagtutulak sa atin para magsama-sama: kailangan natin ang isa’t isa sa church. Ituloy nating basahin yung Hebrews 10:
Magpakatatag tayo sa ating pag-asa at huwag nang mag-alinlangan pa, sapagkat tapat ang nangako sa atin. Sikapin din nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at sa paggawa ng mabuti. Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng nakasanayan ng iba. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa’t isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang Araw ng Panginoon. (10:23-25)
Madali tayong mawalan ng pag-asa at panghinaan ng pananampalataya, kailangan natin ang iba para ipaalala sa atin ang mga assurances na meron tayo sa gospel, to remind us of the promises of God, na lagi siyang tapat sa kanyang mga pangako. Madaling manlamig ang init ng pagmamahal natin sa Diyos at sa ibang tao, madali sa atin na mapagod at magsawa sa paggawa ng mabuti, kailangan natin ng magpapaalala sa atin na magpatuloy. Madali sa atin ang panghinaan ng loob, mahulog sa tukso, at bumagsak sa kasalanan, kailangan natin ang iba na hahawak sa atin, tatapik sa atin, aakay sa atin, at tutulong sa atin para makarating tayo sa dulo ng takbuhin natin bilang mga tagasunod ni Cristo. Subukan mong humiwalay sa church nang ilang buwan, at bumalik ka dito, at sabihin mo sa amin kung kaya mo ba na sa sarili mo lang ay mas uminit ang pag-ibig mo sa Diyos, at mas tumibay ang pananampalataya mo kay Cristo. Kapag inihiwalay natin ang ating sarili sa church family natin, we are depriving ourselves of God’s means of grace to help us persevere and grow in holiness.
Pangatlong motivation na nagtutulak sa atin para sa sama-samang pagsamba kasama ang church family: Ang Diyos mismo ang nanawagan sa atin para magtipon at sumamba sa kanya. Hindi ito isang invitation o paanyaya na pwede mong tanggihan. Kung tao lang, kahit pastor pa ‘yan, ang dumalaw sa bahay n’yo kasi matagal ka nang nawawala, minsan pupunta ka sa church kasi nahihiya ka na, kahit you feel guilty, o para mapagbigyan lang ang iba. But, what if you realize na ang pagdalo sa worship service ay hindi lang isang invitation mula sa isang tao, na yung “call to worship” ay galing mismo sa Diyos, a summons, isang panawagan, isang demand na hindi mo pwedeng balewalain? Should you not fear? Should you not tremble katulad ni Moises at ng mga Israelita nang nanawagan ang Diyos sa kanila sa Mt. Sinai?
Sa halip, ang nilapitan ninyo ay ang Bundok ng Zion at ang lungsod ng Diyos na buháy, ang Jerusalem sa langit, na kinaroroonan ng di mabilang na anghel. Ang dinaluhan ninyo ay masayang pagtitipon ng mga panganay na anak, na ang mga pangalan ay nakatala sa langit. Ang nilapitan ninyo ay ang Diyos na hukom ng lahat, at ang mga espiritu ng mga taong ginawang ganap. Nilapitan ninyo si Jesus, ang tagapamagitan ng bagong tipan, at ang dugong iwinisik na may pangako ng mas mabubuting bagay kaysa sa isinisigaw ng dugo ni Abel. Kaya’t huwag kayong tumangging makinig sa kanya na nagsasalita. Ang tumangging makinig sa nagsalita sa kanila dito sa lupa ay hindi nakaligtas sa parusa! Gaano pa kaya tayo, kung tayo’y tatangging makinig sa nagsasalita mula sa langit!…Kaya magpasalamat tayo sa Diyos sapagkat tumanggap tayo ng isang kahariang hindi nayayanig. Sambahin natin ang Diyos sa paraang kalugud-lugod sa kanya, may paggalang at pagkatakot, sapagkat tunay nga na ang ating Diyos ay apoy na tumutupok. (12:22-25, 28-29)
Sa susunod na natutukso kang ipagpaliban ang pagdalo sa pagsamba, dahil hindi mo matanggihan ang pamilya mo o kaibigan mo na nag-imbita sa ‘yo na mamasyal, umattend ng birthday party, o kung ano pa, tandaan mong ang tinatanggihan mo kapag ipinagpapaliban mo ang sama-samang pagsamba ay ang Diyos na lumikha sa ‘yo, si Cristo na nagligtas sa ‘yo, at ang Banal na Espiritu na nananahan sa ‘yo.
Paano Natin Malalaman kung Ano ang Dapat Nating Gawin sa mga Pagtitipong Ito?
“Sambahin natin ang Diyos sa paraang kalugud-lugod sa kanya” (Heb. 12:28). So, ang pagsamba sa Diyos ay hindi lang basta pag-attend sa worship service. Mahalaga yun siyempre. Pero we need to know kung paano sumamba sa Diyos. Ang mahalagang tanong ay ito, Paano natin malalaman kung ano ang dapat gawin sa sama-sama nating pagsamba? Dito pumapasok ang kahalagahan ng salita ng Diyos sa Bibliya. Hindi tayo ang magsasabi sa Diyos kung ano ang paraan na gusto natin sa pagsamba sa kanya. Ang Diyos ang magsasabi nun, and we submit ourselves to the authority of his word. Mahalaga yung una sa sampung utos, na wala na tayong ibang dapat sambahin maliban sa Diyos. Pero yung ikalawang utos (Exod. 20:4) ay nagsasabi sa atin na dapat natin siyang sambahin sa paraang itinakda niya, kaya ipinagbawal niya ang paggawa ng mga larawan o imahen to represent him sa pagsamba sa kanya. Ang isang halimbawa ng paglabag na ito ay yung paggawa ng Israel ng golden calf (32:1-10).
God cares not just that we worship him as a church. God cares about how we worship him. Ito yung tinatawag na “regulative principle,” hinahayaan natin ang Salita ng Diyos na mag-regulate ng mga gagawin natin sa sama-samang pagsamba sa kanya. Hindi natin pwedeng basta lang sabihin na, “Basta hindi ipinagbawal ng Diyos sa Bible, pwede nating gawin. Basta sincere tayo na ginagawa natin yun para kay Lord.” It is not just a matter of sincerity. We must worship God in spirit and truth (John 4:19-24), ayon sa katotohanan na sinabi niya sa Bibliya. Ayon kay Mark Dever at Paul Alexander, “Worship is regulated by revelation” (How to Build a Healthy Church, p. 97). Hindi natin kailangang hulaan kung ano ang gagawin natin sa pagsamba, hindi natin kailangang mag-survey kung ano ang preferences ng mga church members. We need to listen kung ano ang sinasabi ng Diyos. Kaya nga sinabihan ni Paul yung mga taga-Corinto na ayusin yung ginagawa nila sa corporate worship tungkol sa issue ng speaking in tongues, “sapagkat ang Diyos ay hindi Diyos ng kaguluhan kundi ng kapayapaan…gawin ninyo ang lahat ng bagay sa wasto at maayos na paraan” (1 Cor. 14:33, 40).
Heto yung short definition ng regulative principle, “The Regulative Principle states that everything we do in a corporate worship gathering must be clearly warranted by Scripture…God tells us in his Word how we are to approach him in worship, and so it is our duty to search the Scriptures to see what God tells us to do in life and particularly in church” (How to Build a Healthy Church, p. 95). God reveals hindi lang ang paraan ng pagliligtas niya, kundi ang paraan din kung paano siya sambahin, na siyang goal or purpose of our salvation. Kaya sa Exodus 20-40 ay nagbigay ang Diyos ng mga elaborate at detailed instructions tungkol sa pagsamba sa kanya. Comment dito ni Brian Croft at Jason Adkins, “This attention to detail communicates God’s desire for his glory. He cares deeply about how he is worshiped” (Gather God’s People, 22). Sabi pa nila Mark Dever, “We are not to worship him in just any way that seems right to us. We’re to worship him on his terms, and in the way that he has revealed” (p. 97).
Gusto ng Diyos na makilala natin siya kung sino talaga siya, hindi lang kung ano ang nai-imagine natin about him. And we are transformed when we see the image of God in Jesus (2 Cor. 3:18). “The implication for our corporate worship services is that every element and form of our gathered worship should show people from Scripture God’s glory in Christ so that we can all be transformed together into an ever more faithful reflection of that glory” (How to Build, p. 99). Ang implikasyon din nito sa bawat member ng church ay ito: Huwag mong hanapin sa church gatherings natin kung ano lang ang preferences mo. Ang dapat mong tanungin ay ito, “Ito ba ang nais ng Diyos na nakasulat sa kanyang Salita na paraan kung paano natin siya dapat sambahin?” Hindi tayo ang magdidikta sa Diyos kung paano natin siya dapat sambahin, hindi rin ang mga elders ng church. We are creatures of the Word, so we submit to the Word of God sa pagsamba natin sa kanya.
Ano ang Gagawin Natin sa mga Pagtitipong Ito?
So, anu-ano ngayon ang dapat nating gawin sa mga pagtitipon natin, especially sa corporate worship service? Hindi tayo hinayaan ng Diyos na manghula kung ano ang gagawin. Sina Mark Dever at Paul Alexander (How to Build a Healthy Church, pp. 101-108), ay nagbigay ng summary ng mga elements ng corporate worship ayon sa Bibliya at pagsambang nakasentro rin sa Salita ng Diyos: read the Word, sing the Word, pray the Word, preach the Word, and see the Word.
Read the Word, basahin ang Salita ng Diyos. Hindi lang mag-isa sa bahay kundi lalo na kung tayo ay nagsasama-sama. Heto ang bilin ni Pablo kay Timoteo bilang pastor sa church sa Ephesus, “Habang wala pa ako riyan, iukol mo ang iyong panahon sa pagbabasa ng Kasulatan sa harap ng mga tao, sa pangangaral at sa pagtuturo” (1 Tim 4:13). Mahalaga na itinuturo at ipinapaliwanag ang salita ng Diyos. Pero bago yun, sinabi ni Paul kay Timothy ang kahalagahan ng public reading ng Bible. Kapag naririnig natin na binabasa ang Bibliya, kahit wala pang mga paliwanag, natututo ang church na makinig sa salita ng Diyos, magpailalim sa awtoridad ng Diyos, magpasakop sa kalooban ng Diyos, maalala ang ginawa ni Cristo na pagliligtas sa atin, at panghawakan ang mga pangako ng Diyos. Nangyari ‘yan kanina sa tawag sa pagsamba, sa pagpapahayag ng kalooban ng Diyos bilang paghahanda sa prayer of confession, sa pagpapahayag ng assurance ng pagpapatawad sa atin ng Diyos pagkatapos ng prayer, at sa pagbabasa ng teksto sa Bibliya na gagamitin sa preaching.
Sing the Word, awitin ang Salita ng Diyos. “Kayo’y magsalita sa isa’t isa sa mga awit at mga himno at mga awiting espirituwal, na sa inyong mga puso ay nag-aawitan at gumagawa ng himig sa Panginoon” (Eph 5:19 AB). Partikular diyan yung mga awit na nasa Psalms, pero hindi limitado doon, hangga’t nangingibabaw ang salita ng Diyos at ang katuruan na galing sa Bibliya na nakasentro kay Cristo. May explicit ‘yan sa Colossians, “Ang salita ni Cristo’y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa’t isa nang may buong karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos” (Col 3:16 MBB). Kaya ang mga kanta natin we make sure na theologically rich, gospel-focused, and celebrating the goodness of God sa atin na kanyang mga anak. Karaniwang ang tema ng mga awit ay may kinalaman din sa tema ng sermon.
Pray the Word, o ipanalangin ang Salita ng Diyos. “Una sa lahat, ipinapakiusap kong idulog ninyo sa Diyos ang inyong mga kahilingan, panalangin, pagsamo, at pasasalamat para sa lahat ng tao” (1 Tim. 2:1). Kapag prayer ang usapan, ang tingin natin ay ito ay primarily salita ng tao sa Diyos. Totoo naman. Pero ano ba ang dapat nating ipagpray para ang church ay maging “house of prayer” (Matt. 21:13)? Siyempre, kung ano rin ang sinabi ng Diyos sa kanyang Salita. Makakatulong yung A-C-T-S na acronym sa prayer life natin individually and as a church. Adoration: panalangin ng pagpupuri sa Diyos, itinatanghal kung sino siya sa kanyang kadakilaan at kaluwalhatian. Confession: inaamin ang mga kasalanan natin at kung gaano kalaki ang pangangailangan natin sa pagliligtas ni Cristo. Thanksgiving: nagpapasalamat sa Diyos sa kaligtasan at mga pagpapalang kaloob niya, sa lahat ng kanyang ginawa sa buhay natin. Supplication: humihiling sa Diyos para sa mga araw-araw na pangangailangan natin, ng church natin, at ng ibang tao. Kaya kanina ay meron tayong prayers of praise and confession, meron ding prayers of thanks and petition/intercession. At ang mga nangunguna sa prayers na yun ay kailangang nakahanda na ang mga prayers ay nakaayon sa salita ng Diyos. At mamaya, gagamitin natin sa prayer yung Lord’s Prayer.
Preach the Word, ipangaral ang Salita ng Diyos. Atas ni Pablo kay Timoteo: “Sa harap ng Diyos at ni Cristo Jesus na hahatol sa mga buháy at sa mga patay, alang-alang sa kanyang pagdating bilang hari, inaatasan kita: ipangaral mo ang salita ng Diyos; pagsikapan mong gawin iyan napapanahon man o hindi. Himukin mo at pagsabihan ang mga tao, at palakasin ang kanilang loob sa pamamagitan ng matiyagang pagtuturo” (2 Tim 4:1-2). Mahabang oras ang inilalaan natin dito para maipaliwanag kung ano ang sinasabi ng teksto, kung paano ito nagtuturo kay Cristo at sa mabuting balita, at kung paano tayo tumugon. Si Cristo ang Bida sa preaching of the Word as we follow yung apostolic preaching (1 Cor. 2:2; Col. 2:8; 2 Cor. 4:5). Kailangan ito para ang mga unbelievers ay maligtas: “Ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig, at ang pakikinig naman ay bunga ng pangangaral tungkol kay Cristo” (Rom. 10:17). Sa ganitong paraan, habang ipinapakita sa atin kung sino si Cristo in the preaching of the Word, tayo naman na nakay Cristo ay binabago para maging katulad ni Cristo (2 Cor. 3:18).
See the Word, tingnan ang Salita ng Diyos. Ang tinutukoy rito ay yung mga ordinansa or sakramento ng baptism at Lord’s Supper. Yung baptism ay ginagawa natin kapag merong iba-baptize. Mahalaga yun hindi lang para sa babautismuhan kundi sa atin na makakakita at makakaalala ng meaning of baptism. Ito ay visual representation ng message ng gospel na tayo na nakay Cristo ay nakipag-isa na sa kanya sa kanyang kamatayan at muling pagkabuhay (Rom. 6:3-4; Col. 2:12). Sa Lord’s Supper naman, na ginagawa natin every second Sunday during the morning service, at every fourth Sunday sa evening service, regular nating tinatanggap ang spiritual nourishment sa pagkain natin at pag-inom ng mga visual representations ng katawan at dugo ng Panginoong Jesus. Sa pag-aalala natin ng ginawa ni Cristo (Luke 22:19; 1 Cor. 11:24), binubusog ang pananampalataya natin kay Cristo. Ginagawa natin ito not privately pero sa corporate gathering ng church para ipahayag ang pakikipag-isa natin kay Cristo at sa church na kanyang katawan. “The cup of blessing that we bless, is it not a participation in the blood of Christ? The bread that we break, is it not a participation in the body of Christ” (1 Cor 10:16)?
Ang mga ito ang sinabi ng Diyos na gawin natin sa pagsasama-sama natin. Ayon sa Salita ng Diyos, naka-focus din sa Salita ng Diyos. Ganito rin dapat ang pag-evaluate natin sa gatherings natin. Hindi yung, “Na-bless ba ko? Nagustuhan ko ba? Na-bored ba ko? Na-enjoy ko ba?” Ask yourself, “Ito ba ang sinasabi ng Bibliya na gawin natin? Naririnig ba natin ang Diyos na nagsasalita sa kabuuan ng pagsamba natin?”
Ano ang Gagawin Ko?
Malaki ang implications nito para sa aming mga elders at leaders ng church. Kaya bawat bahagi ay pinaghahandaan, pinagpaplanuhan, pinag-iisipang mabuti, pinagpe-pray. We are accountable to God kung paano namin pangunahan ang church sa pagsamba. Accountable tayo sa Diyos kung paano natin siya sambahin. Hindi basta-basta ang Diyos na sinasamba natin, kaya hindi rin dapat basta-basta lang ang pagsamba sa kanya. May gagawin kaming mga leaders ng church to lead you sa corporate worship. Meron ka ring gagawin bilang member ng church. Ask yourself, “Ano ang gagawin ko?” Heto ang apat na bagay na dapat mong i-consider:
Magpakita ka. Make it a commitment na ito ang priority mo. Learn to say no sa ibang mga tao na mag-aayaya sa ‘yo sa kahit anong gawain na magiging dahilan para mag-absent ka sa gathering ng church, maliban na lang kung kailangang-kailangan tulad ng health emergency o act of mercy sa iba. ‘Wag mong sabihing, “Minsan lang naman.” Ang madalas ay nagsisimula sa minsan. ‘Wag mong ipagkait ang gift of presence sa mga kapatid kay Cristo. ‘Wag mong pagkaitan din ang sarili mo ng means of grace na itinalaga ng Diyos as we worship him together as a church. And, don’t be content sa mga worship services, try to maximize your participation sa iba pang gatherings ng church.
Dumating ka nang maaga. Kung bawat elemento ng pagsamba natin ay mahalaga, what’s the point of showing up late? Ask yourself kung bakit sa sinehan o sa trabaho o sa school ayaw mong ma-late o ayaw mong ma-late ang mga anak mo pero sa simbahan ay okay lang? What does it reveal about your heart?
Paghandaan mo. Hindi lang preacher at ang music team ang maghahanda. Ikaw rin. Pag-aralan mo na yung mga kanta na kakantahin. Basahin mo na yung passage na ipi-preach that day. Ipag-pray mo na yung buong gathering ng church. Matulog nang maaga ng Saturday, bumangon nang maaga ng Sunday. Ihanda na yung pang-offering. Higit sa lahat, prepare your heart sa time ng confession, sa pag-take ng Lord’s Supper, at sa pagiging receptive sa pakikinig ng Salita ng Diyos.
Makibahagi ka. Wag maging spectator lang. Kapag may nagbabasa ng Scripture, pakinggang mabuti. Kapag may ire-recite na creed, bigkasin nang malakas. Kapag congregational singing, sing with all your might! Kapag may nagpe-pray, makinig na mabuti, magsabi ng Amen! Kapag preaching, makinig na mabuti, magsulat ng notes, pay careful attention kung ano ang sinasabi sa ‘yo ng Diyos. Hindi ka lang attender, you are a participant.
As I speak about our commitment as members ng church sa pakikibahagi sa mga pagtitipon natin, tapos ang feeling mo ay additional burden ito para sa ‘yo, you are missing the point ng Sabbath rest. Utos ng Diyos para magpahinga. Hindi tayo nilikha ng Diyos para magtrabaho 24/7. At nais ng Diyos na ma-enjoy natin ang kapahingahang ito kay Cristo kasama ang mga kapatid natin kay Cristo. We were created and saved for this purpose. Sabi ni Augustine sa prayer niya, “You have made us for yourself, and our hearts are restless ‘til they find their rest in you.” Or better, yung sinabi ni Cristo, “Come to me, all who labor and are heavy laden, and I will give you rest. Take my yoke upon you, and learn from me, for I am gentle and lowly in heart, and you will find rest for your souls. For my yoke is easy, and my burden is light” (Matt. 11:28-30). Come to Christ. Come to church.
Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)
Sign up to get your free pdf
By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

