Sama-sama tayong mamumuhay nang may pagmamahalan bilang magkakapatid sa Panginoon at bahagi ng iisang Katawan, sa pamamagitan ng pangangalaga at pagbabantay sa buhay ng bawat isa, at tapat na pagtuturo at pagtutuwid sa bawat isa ayon sa hinihingi ng pagkakataon (John 13:34-35; 1 Cor. 12:12; 13:4-6; Col. 3:16; 1 Thess. 5:14; Gal. 6:1-2; 2 Tim. 3:16-17).

‌Church Membership as a Covenant of Love

‌Itong second item ng church covenant natin ay may kinalaman sa “pagmamahalan.” Yung una na tinalakay natin last week ay tungkol naman sa “pagkakaisa.” Siyempre hindi magkahiwalay ‘yan. Usually, kapag nagkakaroon ng mga away, pagtatalo, di pagkakasundo at paghihiwalay sa church, ang ugat nito ay ang kawalan o kakulangan ng pagmamahal sa isa’t isa. Take 1 Corinthians 13 as example. Yang love chapter sa Bible ay hindi sa konteksto ng pag-aasawa kundi relasyon sa church. Ang karaniwang ugat ng mga broken relationships ay yung failure natin na mahalin ang mga kapatid natin sa Panginoon. Kaya sabi ni Paul sa mga taga-Colosas, “Magpasensiya kayo sa isa’t isa. Kung may hinanakit kayo kaninuman, magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon. At higit sa lahat, taglayin ninyo ang pagmamahalan, na siyang nagbubuklod sa lahat sa ganap na pagkakaisa” (Col. 4:13-14). Love is the glue that binds us together in unity. Kapag kulang sa pagmamahal, nagiging marupok o fragile ang pagkakaisa natin sa church.

‌Pero siyempre, hindi madali sa atin na aminin na nagkukulang tayo sa pagmamahal. Mas madali sa atin na makita ang kakulangan ng iba. Halimbawa, merong isang leader ng church na lumapit sa akin, nasaktan siya dahil sa sinabi ng isang fellow leader ng church. Sa pakiramdam niya, hindi nagpakita ng pagmamahal sa kanya yung isa. Kapag kinausap naman yung isa, yung nakasakit sa kanya, ang sabi, “Ginawa ko naman yun, nasabi ko naman yun out of love for him.” So, posible na sa tingin natin ay pagpapakita ng pagmamahal yung ginawa natin pero sa paraang hindi naramdaman nung isa yung pagmamahal na yun. In response, sasabihin naman niya sa iba yung “masamang ginawa” sa kanya, na yung ginawa niya naman ay hindi rin nagpapakita sa taong sa pakiramdam niya ay nagkasala sa kanya. Kasi kung mahal mo yung tao na yun, dapat ay kausapin mo siya para makita niya kung ano ang pagkakamali niya para maituwid.

‌Nakita mo, madaling sabihin sa sarili natin na nagmamahal tayo, pero naipapakita ba natin? Nararamdaman ba ng iba na nagmamahal tayo sa kanila? What if, ina-assume lang natin na acts of love ang ginawa natin, pero hindi natin nare-realize na meron tayong pagkukulang, merong kailangang itama sa pamamaraan natin ng pagko-communicate ng love sa iba? Totoo naman na merong mga pag-uugali ang ibang tao na nagiging dahilan para mas mahirapan tayong mahalin ang kasama natin sa church. But what if, kung dapat pala nating ma-realize na nahihirapan tayo na mahalin ang iba hindi dahil sa kakulangan nila, kundi dahil sa sariling kakulangan natin ng capacity na mahalin sila? And, what if, baka nakundisyon ang isip at puso natin ng definition ng “love” na popular o karaniwan sa kultura natin?

Sasabihin ng mundo, “Kung mahal mo ang isang tao, hahayaan mo siyang gawin kung ano ang makapagpapasaya sa kanya.” Pero ganyan ba ang tunay na pagmamahal? Sasabihin ng mundo, “Basta nagmamahalan ang dalawang tao, okay lang ‘yan na magsama sila sa iisang bahay, kahit hindi sila magpakasal. Kahit pareho pang lalaki ‘yan, kahit pareho pang babae ‘yan.” We must not let the world redefine love for us. We must let God’s Word be the standard of our definition of love. We must let God’s Word shape and transform our hearts so that we will really learn to love. Yung love sa Bible, hindi lang feelings, meron ‘yang commitment. Yung love sa Bible, hindi lang ‘yan tungkol sa happiness and pleasure, meron ‘yang holiness and purity.

Dito rin pumapasok ang kahalagahan ng church membership. Yung ibang Christians kasi akala nila ay “legalistic” o “restrictive” masyado ang pagkakaroon ng membership sa church. Pero dapat ma-realize natin na ang pagiging church member ay pag-eexpress ng commitment na ipakita ang pagmamahal sa iba, at maging recipient din naman ng commitment ng iba na mahalin ka. Kapag hindi ka member ng church, para kang nakikipag-livein sa ibang Christians. You want yung comfort or experience ng relationships pero walang commitment. Katulad ng halimbawa ko kanina sa isang church leader. Nasaktan siya ng iba. Gusto na niyang umalis. Mahirap naman talagang magpatuloy sa isang church na nandun yung taong nakasakit sa ‘yo. Pero ito nga ang kaibahan ng church membership, merong commitment. Kaya sabi ko sa kanya, “Naaalala mo ba kung ano ang sinumpaan mong pangako sa church covenant nung ikaw ay naging member? Totoo na nagkulang ang iba sa pagmamahal sa ‘yo. Pero kung aalis ka, paano mo maipapakita ang pagmamahal sa kanila?” Kapag livein lang, at hindi nag-workout ang relationship, madaling maghiwalay at maghanap ng iba. Pero kung kasal kayo, hindi pwedeng basta-basta aalis. You made a commitment to each other, a commitment of love, a covenant of love. Katulad niyan ang pagiging member ng isang church—although siyempre meron namang mga valid reasons para lumipat ng ibang church, pero sa number ten pa ng covenant natin ‘yan pag-uusapan.

‌Mas madaling umalis at umayaw na lang kapag nahihirapan na tayo sa relasyon sa ibang tao. Mas mahirap ang tapyasin ang mga natitira pang mga kasalanan sa puso natin—lalo na ang hindi tama at labis-labis na pagmamahal sa sarili—para matuto tayo na magmahal sa iba. Mahirap para sa atin, pero hindi para sa Diyos na siya namang nangako nito sa kanyang New Covenant: “Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu. Ang masuwayin ninyong puso ay gagawin kong pusong masunurin. Bibigyan ko kayo ng aking Espiritu upang makalakad kayo ayon sa aking mga tuntunin at masunod ninyong mabuti ang aking mga utos” (Eze. 36:26-27). Kasama sa mga utos na ito ang utos na magmahal. Sabi ni apostol Pedro, “Kaya, maalab at taos-puso kayong magmahalan. Sapagkat muli kayong isinilang…sa pamamagitan ng buháy at walang kamatayang salita ng Diyos” (1 Pet. 1:22-23). Ang salita ng Diyos na nagbigay ng bagong buhay at bagong puso sa atin ang kailangan nating paulit-ulit na pakinggan para lumago tayo sa pagmamahal sa isa’t isa. Anu-ano ang kailangang marinig natin mula sa salita ng Diyos tungkol sa pagmamahal?

‌The Duty of Love: “Love One Another”

Una, yung duty of love. Ang pagmamahal ay utos sa atin ng Diyos. Unang-una siyempre sa obligasyon natin ay ang mahalin ang Diyos. Nang may nagtanong kay Jesus kung ano ang pinakamahalagang utos sa Kautusan (Mat. 22:36), heto ang sagot niya, “You shall love the Lord your God with all your heart and with all your soul and with all your mind. This is the great and first commandment” (vv. 37-38). Ito ang suma ng unang apat na utos sa Ten Commandments. Pagkatapos sinabi niyang heto ang pangalawa: “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili” (v. 39). Heto naman ang suma ng ikalima hanggang ikasampung utos, ayon kay Pablo (Rom. 13:9). Kung isa-summarize ang lahat ng mga utos ng Diyos, heto ang sagot: “Love.” Kaya sinabi niyang, “Ang umiibig ay hindi gumagawa ng masama kaninuman, kaya’t ang pag-ibig ang katuparan ng Kautusan” (v. 10).

Meron tayong obligasyon na mahalin ang Diyos at mahalin ang ibang tao. Kapatid man natin ‘yan sa Panginoon o hindi, believer man o hindi. Even our enemies, sinabi ng Panginoon na mahalin natin (Mat. 5:44). Pero meron special kind of love, merong ibang relationship na nag-eexist sa mga taong tulad natin na nagmamahal din sa Diyos. Kaya sabi ni Jesus, in this way ay bagong utos ang sinasabi niya: “A new commandment I give to you, that you love one another: just as I have loved you, you also are to love one another. By this all people will know that you are my disciples, if you have love for one another” (John 13:34-35). Isang distinguishing mark, markang maghihiwalay sa atin sa mga non-Christians, markang magde-define kung sino ang mga members ng church at kung sino ang hindi, ay yung pagmamahal natin sa isa’t isa. Kinuha rin ni apostle John itong mga salita ni Cristo at paulit-ulit niyang sinabi sa sulat niya sa 1 John: “We should love one another” (3:10); “And this is his commandment, that we believe in the name of his Son Jesus Christ and love one another, just as he has commanded us” (3:23); “Beloved, let us love one another” (4:7); “Beloved, if God so loved us, we also ought to love one another” (4:11). “And this commandment we have from him: whoever loves God must also love his brother” (4:21).

Mula sa Kautusan sa Old Testament hanggang sa katuruan ni Cristo hanggang sa turo ng mga apostol, hindi nagbabago ang obligasyon natin na mahalin ang isa’t isa. Hindi ito nakadepende sa kalagayan natin sa buhay: “Saka na lang kapag may time na ko. Saka na lang kapag medyo okay na ko. Sarili ko muna iintindihin ko ngayon.” Hindi ito nakadepende kung mas madali nang mahalin ang iba: “Saka na lang. Pagtagal-tagal siguro kapag hindi na mahapdi ang sakit sa puso ko, kapag nakalimutan ko na ang ginawa niya, kapag nagbago na siya.” When we fail to love others, anumang excuses or justifications ang gawin natin, sinusuway natin ang utos ng Diyos. Ang kakayahan natin na magmahal ng iba ay hindi nakadepende sa pagiging “lovable” o “kamahal-mahal” ng mga kasama natin sa church. Dahil kung ganun, hindi natin lubos na kilala ang Diyos at kung paano siya magmahal. Kaya sa mga panahong nahihirapan tayong magmahal, alalahanin natin kung saan tayo huhugot ng pagmamahal. Let us go back to the fountain or the source of true and genuine love.

‌The Source of Love: “God is Love”

‌The source of love, walang iba kundi ang Diyos. Of course, sinasabi natin at alam nating hindi tayo ang unang nagmahal. “We love because he first loved us” (1 Jn 4:19). Siya ang unang nagmahal, bago pa tayo ang nagmahal sa kanya at sa ibang mga anak ng Diyos. At talaga namang dapat nating alalahanin yun at makakatulong to enable and empower us to love others na tulad ng pagmamahal ng Diyos sa atin. Pero kapag sinabi kong “source” of love, ang ibig kong sabihin ay kung ano ang unang-una bago pa tayo mahalin ng Diyos. Ano yung origin ng love na yun? “Beloved, let us love one another, for love is from God…” (v. 7). From God, galing sa Diyos. “The fruit of the Spirit is love…” (Gal. 5:22). But John is saying more than that. Hindi lang niya sinabi na yung pagmamahal na kailangan natin ay galing sa Diyos. Heto pa ang sabi niya, “…and whoever loves has been born of God and knows God. Anyone who does not love does not know God, because God is love” (1 Jn 4:7-8). Inulit pa niya sa verse 16, “God is love.” Ang Diyos ay nagmamahal dahil siya ay pag-ibig. Likas sa kanya ang pag-ibig. Ang Diyos ang sukatan ng kung ano ang tunay, perpekto, at walang dungis na pag-ibig.

‌Ibig sabihin nito, bago natin pag-usapan kung paanong inibig tayo ng Diyos, pag-usapan muna at unawain muna natin kung paanong “God is love” without any reference to us. Mahirap ‘yan. Nakundisyon ang isip natin na para bang hindi masasabing “God is love” kung wala tayo sa eksena. Kasi nga yung John 3:16, “For God so loved the world, that he gave his only Son.” Totoo namang pag-ibig ang nag-udyok sa Diyos para ipadala si Cristo. Pero bago pa yun, bago pa yung pag-ibig ng Diyos sa pagliligtas sa tao, bago pa yung pag-ibig ng Diyos sa pagkakalikha sa tao, “God is love” na kahit wala pang tao sa mundo. Hindi nilikha ng Diyos ang tao dahil kailangan niya na merong mamahalin. No, not out of need, dahil self-sufficient ang Diyos, hindi needy ang Diyos. Nagmamahal na ang Diyos kahit wala ka pa sa mundo.

‌From eternity past, God is love, at minamahal ng Diyos ang kanyang sarili. Para sa Diyos lang masasabing ang “self-love” ay highest virtue. Dito pumapasok ang kahalagahan ng doctrine of the Trinity. “The Father has sent his Son” (1 John 4:14). “He has given us of his Spirit” (v. 13). God the Father, God the Son, God the Spirit—mutually loving each other, bawat persona nagmamahalan sa isa’t isa. Ang pagmamahal ng Diyos sa atin ay dumadaloy o overflow ng walang hangganang pagmamahalan ng Diyos among the Trinity. “The Father loves the Son” (John 3:35; 5:20). During the baptism of Jesus, narinig ang boses ng Ama mula sa langit, “This is my beloved Son, with whom I am well pleased” (Mat. 3:17). Sa prayer ni Jesus, sabi niya, “You loved me before the foundation of the world” (John 17:24). Hindi dahil may pangangailangan ang Anak na kailangang ibigay ng Ama, dahil wala naman siyang kailangan as self-sufficient God. Ito yung love na nandun yung delight, yung joy, yung pleasure ng fellowship na meron sila sa isa’t isa.

Ang pag-ibig ng Diyos Ama sa Diyos Anak ay good news para sa atin dahil pinasya ng Diyos na sa kalayaan at kasagaan ng kanyang pag-ibig ay makahati tayo dun without diminishing his love for the Son. Ang pag-ibig ni Cristo para sa atin ay ang overflow o pag-apaw ng pag-ibig ng Ama sa kanya, “As the Father has loved me, so have I loved you. Abide in my love” (John 15:9). Ang pag-ibig ng Diyos sa Diyos ang pundasyon, ang pinanggagalingan, ang bukal ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Bago ka mamangha sa katotohanan na minahal tayo ng Diyos kahit hindi tayo karapat-dapat, mamangha ka muna sa katotohanan na minahal ng Diyos ang Diyos dahil siya lang ang karapat-dapat sa ganyang pagmamahal.

‌The Experience of Love: “God so Loved Us”

‌At kung ang laman ng pagbubulay mo, at laging mong aalalahanin ang katotohanang minahal ka ng Diyos bagamat ikaw ay makasalanang hindi karapat-dapat mahalin at nararapat lamang tumanggap ng bagsik ng poot at parusa ng Diyos for all eternity, paanong hindi ‘yan ang babago sa puso mo para mahalin ang ibang tao? Pero hindi ‘yan mangyayari kung ang laging laman ng isip mo at bukambibig mo ay yung kakulangan ng pagmamahal ng ibang tao sa ‘yo o yung kakulangan mo rin ng kakayahan na magmahal ng iba. Heto ang pagbulayan mo:

‌Inihayag ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang isugo niya sa mundo ang kanyang kaisa-isang Anak upang magkaroon tayo ng buhay sa pamamagitan niya. Ito ang pag-ibig: hindi sa inibig natin ang Diyos, kundi tayo ang inibig niya at isinugo niya ang kanyang Anak upang maging handog para mapatawad ang ating mga kasalanan. Mga minamahal, kung ganoon kadakila ang pag-ibig ng Diyos sa atin, dapat din tayong magmahalan. (1 John 4:9-10)

Ngunit pinatunayan ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo’y makasalanan pa. (Rom. 5:8)

Yamang kayo’y mga anak na minamahal ng Diyos, tularan ninyo siya. Mamuhay kayo nang may pagmamahal tulad ni Cristo; dahil sa kanyang pagmamahal sa atin, inialay niya ang kanyang buhay bilang mabangong alay at handog sa Diyos. (Eph. 5:1-2)

‌Ang pagmamahal ay ang pagbibigay ng sarili para sa ibayong kagalakan ng minahal. Love is giving of one’s self for the sake of the joy of others. At kung hindi ibibigay ng Diyos ang kanyang Anak bilang handog para tubusin tayo sa mga kasalanan natin, we will be joyless and miserable for all eternity. Kung ibibigay ng Diyos ang lahat ng kayamanan, kasaganaan, at kaginhawaan sa buhay sa mundong ito, ngunit ipagkakait niya sa atin ang kanyang Anak, hindi yung makakabuti sa atin, hindi yun makapagsa-satisfy sa atin. By giving his Son, God have himself to us, dahil alam ng Diyos na walang ibang makapagbibigay ng kagalakan sa puso natin maliban sa kanya.

Naranasan mo na ba ang ganitong pagmamahal? O naghahanap ka pa rin ng magmamahal sa ‘yo? O hinahanap mo pa rin ito sa iba? No wonder hirap na hirap kang magmahal. Kaya sabi ni John, “Anyone who does not love does not know God…” (1 John 4:8). Maybe intellectually kilala mo ang Diyos, alam mo na mapagmahal ang Diyos. Pero naranasan mo na ba? Pinagtitiwalaan mo ba ang pag-ibig ng Diyos sa ‘yo sa pamamagitan ni Cristo? Si Cristo na ba ang pinakanatatanging Yaman at Kagalakan ng puso mo? Kung hindi, imposible na maiparanas mo sa iba ang tunay na pagmamahal. Pero kung oo, kung nasa ‘yo ang pagmamahal na ito ng Diyos, imposible na ‘yan ay hindi umapaw sa pagmamahal sa ibang minamahal din ng Diyos.

‌The Object of Love: “Love One Another

‌Sinu-sino ba yung objects of love natin? “Beloved, let us love one another” (1 John 4:7). Dahil minahal ka ng Diyos, mahalin mo rin ang ibang mga minamahal ng Diyos. Hindi lang ito invitation to love others, ito ay isang obligasyon. Verse 11, “Beloved, if God so loved us, we also ought to love one another.” Kung tutuusin, meron tayong obligasyon na mahalin ang ibang tao kahit unbelievers pa sila, kaya nga we share the gospel sa kanila. Pero itong “new commandment” ni Cristo (John 13:34-35) ay mas specific pa kaysa sa neighborly love ng second greatest commandment (Matt. 22:39). We are called to brotherly love, yung pagmamahal sa kasama natin sa church family. Siyempre, mamahalin din natin ang kapitbahay natin. Kung may pagkakataon, bibigyan natin sila ng ulam o anumang maitutulong natin kapag nangangailangan sila, pero meron tayong special love para sa mga kasama natin sa bahay. Kung magulang ka, iba siyempre ang trato mo sa anak ng kapitbahay mo kaysa sa sarili mong anak. Iba ang pagmamahal mo sa mga kapatid mo kay Cristo, because we share the same love na galing sa Diyos at naranasan natin mula sa Diyos. Merong gospel, merong Holy Spirit, merong same faith na nagbubuklod sa atin sa pamilya ng Diyos na hindi totoo sa mga unbelievers. We are called to love one another.

Of course, maraming mga Kristiyano sa buong mundo! At hindi ganoon kalaki ang puso natin para mahalin silang lahat, limitado ang oras natin, limitado ang resources natin, limitado ang magagawa natin. Dito pumapasok ang kahalagahan ng pagiging member ng church. Alam mo at makikilala mo kung sinu-sino ang mga ituturong mo na kapatid kay Cristo na pagpapakitaan ng pagmamahal. Alam mo rin kung sinu-sino ang nagbigay ng kanilang commitment na ipakita ang kanilang pagmamahal sa ‘yo. Ito yung covenant of love ng church membership.

Kapag church member ka, nabibigyan ka ng opportunity to grow in love. Na hindi mo masabi lang na mahal mo ang mga kapatid kay Cristo, kundi merong mga pagkakataon para ipakita ito sa iba. “Patuloy kayong magmahalan bilang magkakapatid kay Cristo” (Heb. 13:1). Nagkakaroon tayo ng pagkakataon na ma-expose yung natitira pang selfishness sa heart natin, not to use our freedom “as an opportunity for the flesh, but through love serve one another” (Gal. 5:13). Meron tayong mga kapatid na sasaway sa atin kapag nabibigo tayo na magmahal na tulad ni Cristo. Merong mga kapatid na tutulong sa atin paano maging katulad ni Cristo in sacrificial love.

Kapag church member ka, nakakatulong din ito para magkaroon ng assurance na genuine nga ang conversion mo. Na totoong nakay Cristo ka. Madali naman kasing sabihing, “Kristiyano ako!” Madali namang sabihing sumasampalataya ka kay Cristo. Pero sino ang magpapatunay na totoo nga ang pananampalataya mo? At paano mapatutunayan na totoo ang pananampalataya mo kung hindi ka nailalagay sa sitwasyon masusubok ang pagmamahal mo sa iba? “Sa mga nakipag-isa na kay Cristo Jesus…Ang mahalaga’y ang pananampalatayang gumagawa sa pamamagitan ng pag-ibig” (Gal. 5:6). “Ang nagsasabing, ‘Iniibig ko ang Diyos,’ subalit napopoot naman sa kanyang kapatid ay sinungaling. Kung ang kapatid na kanyang nakikita ay hindi niya magawang ibigin, paano niya maiibig ang Diyos na hindi niya nakikita” (1 John 4:20)? Oo, masalimuot din ang ma-involve sa isang church family. Pero dito mo mararanasan ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng pag-ibig ng mga kapatid kay Cristo. At, dito mo rin maipaparanas ang pag-ibig ng Diyos sa ibang mga kapatid kay Cristo.

When we talk about faith, when we talk about love, madalas para lang itong abstract na reality. Hindi nakikita. Pero sa pagiging member ng church ang realidad ng pananampalataya at pag-ibig na ito ay nakikita, nararanasan, nadarama. Hindi pwedeng itago, merong ebidensya at pruweba na nagpapatunay na totoo ngang kilala natin ang Diyos, na totoo ngang tayo ay nakay Cristo, na totoo ngang nasa atin ang Espiritu, na totoo ngang “born again” tayo.

‌The Evidence of Love: “His Love is Perfected in Us”

Ito yung evidence of love na binabanggit ni apostle John, “No one has ever seen God; if we love one another, God abides in us and his love is perfected in us” (4:12). Ang Diyos na hindi nakikita, ang pag-ibig niya na minsan ay parang naririnig lang natin pero hindi natin nararamdaman, dahil sa pagmamahalan sa church ay nakikita at nadarama. Kaya sinabi ni John na ang pag-ibig niya ay nape-perfect sa atin. Hindi dahil di-perpekto ang pag-ibig ng Diyos! No, God’s love is perfect, infinite, eternal, and unchangeable. Wala tayong magagawa para madagdagan o mabawasan ang pag-ibig ng Diyos. Yun ang ibig sabihin ng “God is love.”

Madaling sabihin sa mga non-Christians, “God is love” o “For God so loved the world” o “God demonstrates his love for us.” Pero nakikita ba nila yung reality o ebidensiya o patunay nito sa relasyon natin sa isa’t isa? “By this all people will know that you are my disciples, if you have love for one another” (John 13:35). Heto yung binanggit ni Ray Ortlund tungkol sa sinabi ni Francis Schaeffer:

‌Sa kanyang powerful essay na 2 Contents, 2 Realities, si Francis Schaeffer ay nag-propose ng apat na bagay na dapat na maging markang isang gospel-created church: tamang doktrina, mga totoong sagot sa mga totoong tanong, tunay na espirituwalidad at ang kagandahan ng relasyon ng mga tao. Ngunit yung pinakahuli sa apat, ang kagandahan ng relasyon ng mga tao, ang malamang unang napapansin ng mga outsiders pagpasok nila sa isang church. Napapahinto at napapatitig ang mga tao sa tunay na kagandahan. Ngunit “kung hindi natin maipapakita ang kagandahan sa kung paano natin tratuhin o pakitunguhan ang isa’t isa, sa paningin ng mundo at ng ating mga anak, sinisira natin ang katotohanan na ating ipinahahayag.” — Francis Schaeffer, 2 Contents, 2 Realities (Downers Grove, IL: InterVarsity Press, 1975), 25 also 1–32. Cited in Ray Ortlund, The Gospel: Paano Inilalarawan ng Church ang Kagandahan ni Cristo (forthcoming from Treasuring Christ PH)

We made visible the invisible God and his love kung nagmamahalan tayo sa isa’t isa. Pero kung hindi, magsalita man tayo nang magsalita, maging aktibo man tayo sa maraming mga ministries, para lang tayong mga “kampanang umaalingawngaw o pompiyang na maingay” (1 Cor. 13:1), o lato-lato na gumagambala lang sa katahimikan ng mundo! “Mga anak, huwag tayong magmahal sa pamamagitan ng salita lamang, kundi patunayan natin ito sa pamamagitan ng gawa” (1 John 3:18).

In practical terms, pag-uusapan pa natin kung paano ie-express yung pagmamahalan na ‘yan sa mga susunod na parts ng covenant natin. Ngayon, bigyang-diin muna natin yung nakalagay sa ikalawang item sa covenant natin, na merong emphasis sa responsibility natin sa buhay ng bawat isa. May tatlong bahagi ‘to:

Sama-sama tayong mamumuhay nang may pagmamahalan bilang magkakapatid sa Panginoon at bahagi ng iisang Katawan… Focus tayo dun sa “sama-sama.” Pag-uusapan natin next week yung kahalagahan ng pagtitipon natin especially yung gathering natin every Lord’s Day. Ang point dito, paano mo masasabi na mahal mo ang kapatid mo kay Cristo kung hindi ka naman nagpapakita nang regular sa kanila? Paano mo masasabing mahal mo ang isang taong ayaw mo namang makasama? Mahirap ang LDR sa pag-eexpress ng pagmamahal sa mga fellow members ng church. Kung magkakapatid tayo sa Panginoon, isang pamilya tayo. How can we grow in love for one another kung palagi ka namang nasa labas ng bahay at iba ang kasama mong kumain palagi? Bahagi tayo ng isang Katawan. Anong klaseng katawan ang hiwa-hiwalay ang mga bahagi nito? We share our lives sa mga taong mahal natin. Hindi natin ipagkakait ang buhay natin para sa kanila.

sa pamamagitan ng pangangalaga at pagbabantay sa buhay ng bawat isa… We don’t just share lives to each other, we also care for each other’s lives. May pakialam sa isa’t isa. Kung mahal mo ang isang tao, may pakialam ka sa nangyayari sa buhay niya. Gumagawa tayo ng paraan para matulungan ang iba na maalagaan at lumago sa pananampalataya nila. Tulung-tulong tayo sa discipleship. Kapag mahal mo ang isang tao, at nabalitaan mo na namumuhay sa kasalanan, nalalayo sa Diyos, we take action para paalalahanan, para i-rebuke, para maibalik ang init ng pagmamahal kay Cristo. Hindi totoong pagmamahal ang hahayaan ka na gawin kung ano ang gusto mong gawin kung yun naman ay ikalalayo mo kay Cristo at ikapapahamak mo. Ang totoong pag-ibig ay nakikialam. May pakialam ka ba sa buhay ng mga kasama mo sa church? Ano ang gagawin natin sa mga nawawala at nagpapatuloy na mamuhay sa kanilang mga kasalanan?

at tapat na pagtuturo at pagtutuwid sa bawat isa ayon sa hinihingi ng pagkakataon. Salita ng Diyos ang kailangan ng bawat isa sa atin. Love is giving our lives for the joy of another. Anumang opportunity na meron tayo, para maituro si Cristo sa iba, para maibaling ang paningin nila kay Cristo, we are showing love to them. Dahil ang puso natin ay magkakaroon lang ng tunay na kapahingahan, tunay na kagalakan kung tayo ay nakadikit kay Cristo. If we abide in his love, our joy will be full (1 John 15:9-11).

So, ang tanong na dapat na itanong ng bawat isa sa atin, “Paano natin matutulungan ang iba—siyempre hindi natin kaya kung lahat ng members ang pag-uusapan, but we need to start with a few na kaya natin—na manatili sa pag-ibig ni Cristo?” At kung gagawin natin yun, we will be surprised na tayo mismo ay nananatili sa pag-ibig ni Cristo at lumalago sa pagmamahal sa mga kapatid natin kay Cristo.

Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)

Sign up to get your free pdf

By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

Leave a Reply