Introduction
Nabanggit ko na nung mga nakaraan na dapat nating tingnan ang Exodus na pattern for our salvation. Kitang-kita natin ‘yan lalo na sa huling dalawang sermon tungkol sa Passover (Ex. 12-13). Tulad ng paglaya ng mga Israelita mula sa pagkakaalipin sa Egipto, tayo rin ay pinalaya na ng Diyos mula sa pagkakaalipin sa kasalanan—tinubos na, pinatawad na, itinuring na na matuwid—sa pamamagitan ni Cristo, ng dugo ni Cristo na ibinuhos sa krus para sa atin. Siya ang Tupa na pinatay at inialay bilang handog na kapalit natin para tayo ay maligtas mula sa tiyak na parusa ng Diyos sa mga makasalanan. Ang paglabas sa Egipto ng Israel ay anino lamang ng pagliligtas na ginawa ng Diyos sa krus ni Cristo. Sa Mount of Transfiguration, kasama ni Jesus ang tatlo sa mga disciples niya. Nang magpakita sina Moses at Elijah, nag-usap sila ni Jesus at ang pinag-usapan ay tungkol sa kanyang “pagpanaw” (Luke 9:31), o yung kanyang kamatayan na mangyayari sa Jerusalem. Sa Greek yun ay “exodos” o “departure,” paglisan, pag-alis. Ang pagliligtas sa pamamagitan ng kamatayan ni Jessu ang bagong exodus. So, kung ang pinakamahalagang bahagi ng kasaysayan ng Israel ay kailangang laging alalahanin, balik-balikan, at ikuwento sa susunod na henerasyon, ang mensahe ng mabuting balita ni Cristo ang dapat din nating laging alalahanin, balik-balikan at ikuwento sa susunod na henerasyon.
Noong araw na tayo’y nagsisi sa ating mga kasalanan at sumampalataya kay Cristo na ating Tagapagligtas, noon nailapat sa atin (redemption applied) yung kaligtasang isinagawa ni Cristo sa krus (redemption accomplished). Masarap alalahanin palagi. Sa wakas, naranasan na rin natin ang kaligtasan. Pero hindi ibig sabihin na ie-expect na natin na pagkatapos nun ay magiging maayos o smooth na ang lahat hanggang sa araw na kuhanin na tayo ng Panginoon. Hindi ibig sabihin na yung buhay ninyo ngayong nakay Cristo na—sa pamilya, sa marriage, sa finances, sa health, atpb.—ay magiging better compared sa buhay ninyo nung wala pa kayo kay Cristo. Alam naman nating posibleng hindi. At kung maka-experience man tayo ng mga difficulties, ‘wag din naman nating isipin na yung paggawa ng Diyos ay dun lang sa initial part ng salvation natin. We are saved by grace, not by works, gawa ng Diyos, oo. Pero ibig sabihin ba nun, pagkatapos nun ay ikaw na ang bahala, kaya mo na ‘yan. Hindi pa tapos ang kuwento ng pagliligtas ng Diyos sa atin. Sigurado, oo. Pero hindi pa tapos. May gagawin pa ang Diyos. And don’t expect na yung gagawin ng Diyos ay kung ano ang ayon sa expectations natin.
Yung Israel nga, malaya na sila sa wakas, after 430 years of slavery sa Egypt. Yung mga unang “Let my people go!” na sinasabi kay Pharaoh, ayaw niyang pumayag. Pero pagkatapos ng sampung salot, pumayag na rin siya wakas. “Go!” (Ex. 12:31). “Nang gabing iyon sila iniligtas ni Yahweh at inilabas sa Egipto” (v. 42 MBB). “Nang araw na iyon, inilabas ni Yahweh sa Egipto ang mga Israelita, ang Diyos ang naglabas sa kanila” (v. 51). Very significant ang araw na yun. That story must be remembered and told to the generations to come, sa pamamagitan ng feast of the Passover: “Ito’y pag-alala sa ginawa ni Yahweh nang kayo’y ilabas niya sa Egipto sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan” (13:16). Totoo naman, a defining moment sa history of salvation para sa kanila. Pero hindi pa tapos ang Diyos. Dadalhin pa sila sa Promised Land para tuparin ang pangako niya kay Abraham. Kaso, sa book of Joshua pa mangyayari yun. Aabutin pa sila ng 40 years sa paglalakbay sa disyerto. Meron pang Leviticus, Numbers at Deuteronomy! Sa wakas ligtas na sila, pero hindi pa tapos ang kuwento ng pagliligtas ng Diyos sa kanila. Paglabas pa lang nila, meron na agad silang kakaharaping napakalaking problema. Ang lahat ng mangyayaring ito ay hindi ayon sa preferred nilang script, pero exactly ayon sa script na isinulat ng Diyos. Nagpapatunay ito na hindi pa rin tapos ang Diyos in demonstrating his power to save his people. Hindi lang sa simula, but all the way to the end.
Ang Paggabay ng Diyos (13:17-22)
Karaniwan gusto natin ng shortcuts, kung saan mas madaling dumaan. Pero kapag ang Diyos ang nagplano, laging better way, laging best way, pero not necessarily yung easiest way. Kahit na nagsimula ang verse 17 ng “When Pharaoh let the people go…” hindi ibig sabihin na yung future ng Israel ay nakadepende sa tao. Malinaw sa mga sumunod na pangyayari na yun ay nakadepende sa Diyos. Sa lupain ng mga Philistines ang daan na “pinakamalapit” (v. 17 MBB) papunta ng Canaan. Pero hindi sila dun “dinala ng Diyos” (v. 17 AB). Ano ang dahilan ng Diyos? “Ayaw niyang ang mga Israelita’y mapasubo agad sa labanan, baka magbago pa sila ng isip at magbalik sa Egipto” (v. 17 MBB). Nagpapakita ito ng concern ng Diyos para sa Israel. Although alam naman niyang magiging ganito rin ang damdamin nila mamaya kapag nakita ulit nila yung mga Egyptians (14:10-12), at kapag nahirapan na sila sa paglalakbay (Num. 14:3, 14), pero may ibang plano ang Diyos. Hindi muna pakikipaglaban sa Philistines, saka na yun. Meron pang gustong unahin ang Diyos. Kaya sila’y “pinatnubayan ng Diyos” (v. 18 AB) paikot, papunta sa disyerto, papunta sa Red Sea. Bagamat sinabi rin sa verse 18 na ang Israel ay “handang makipaglaban,” hindi ibig sabihing fully trained sila militarily. Siguro may mga kagamitan silang galing sa plunder na nakuha nila sa mga Egyptians bago sila lumabas. Pero wala silang training sa pakikipaglaban. Marami sila, pero hindi sanay makipaglaban. Ang advantage nila? Nasa panig nila ang Diyos, kasama nila ang Diyos, pinapatnubayan sila ng Diyos. At ang lakas na meron ang Diyos ay higit pa sa anumang military forces ng sinumang kakalaban sa kanila.
Hindi nag-aadjust ng strategy ang Diyos. Walang plan B, walang plan C. Laging plan A. Lahat ng gagawin niya ay para tuparin ang pangako niya. Dala-dala nila Moises ang mga buto ni Jose, na namatay more than 400 years ago. Yun kasi ang bilin niya. Wag siyang ilibing sa Egypt. Dapat sa Canaan, na mangyayari eventually (Josh. 24:32). Hundreds of years bago mangyari yun, kumpiyansa si Jose na tutuparin ng Diyos ang pangako niya, “Tiyak na ililigtas kayo ni Yahweh; pag-alis ninyo rito’y dalhin ninyo ang aking mga buto” (13:19 MBB). Yan ang dulo ng kuwento sa Genesis (Gen. 50:20-26), na nagpapakita ng pananampalataya niya sa Diyos (Heb. 11:22)—pananampalataya na nais ng Diyos na ma-develop din sa mga Israelita. At kung kinakailangang malagay tayo sa isang sitwasyon na mahirap para sa atin, gagawin ng Diyos para sa ikatitibay ng pananampalataya natin sa kanya. Yun ang higit na mahalaga.
And along the way, ipinangako rin naman ng Diyos na sasamahan tayo at hindi iiwanan. Naglakbay na ang mga Israelita, mula Succoth ay nagkampo muna sila sa Etham, bago sila pumasok sa disyerto (v. 20). “Sa kanilang paglalakbay araw-gabi, patuloy silang pinapatnubayan ni Yahweh: kung araw ay sa pamamagitan ng haliging ulap at kung gabi’y sa pamamagitan naman ng haliging apoy na tumatanglaw sa kanila. Laging nasa unahan nila ang haliging ulap kung araw at ang haliging apoy kung gabi” (vv. 21-22 MBB). Ang presensya ng Diyos ang gumagabay sa kanyang mga iniligtas 24/7. Kung sa Egypt, ginamit ng Diyos ang mga forces of nature para sumalanta sa Egypt, ngayon naman ay ginamit ang mga ito—ulap at apoy—para gabayan at protektahan ang Israel. But take note, hindi lang nagpadala ang Diyos ng ulap sa umaga at apoy sa gabi. “The Lord went before them…” (v. 21). Ang ulap at apoy ay ang Diyos mismo—a manifestation of God himself, a theophany, tulad ng pagpapakita ng Diyos kay Moses sa burning bush.
Dahil committed ang Diyos na iligtas ang kanyang bayan, he will not just send someone or something to accomplish that salvation. He sends himself. Nang ipadala ng Diyos Ama ang Diyos Anak, he did not just send someone else. By sending his Son, he sent himself. Diyos mismo ang pumarito nang pumarito si Cristo. Higit pa sa ulap, higit pa sa apoy, ang Diyos na naging tao (John 1:14) ang Emmanuel, “God with us” (Matt. 1:23). At kung ang Diyos ang kasama natin at para sa atin, sino ang magtatagumpay laban sa atin (Rom. 8:31)? Madaling sabihin ‘yan na favorite verse natin, pero paano kung nahaharap na tayo sa isang matinding panganib o mahirap na sitwasyon sa buhay? Ang dali nating mag-alala, ang dali nating matakot, ang dali nating pagdudahan ang kapangyarihan ng Diyos na kasa-kasama natin.
Ang Pagsalakay ng Kaaway (14:1-12)
Ang commitment ng Diyos para sa Israel ay hindi yung dalhin sila sa isang sitwasyon na hindi na sila mag-aalala o hindi na sila matatakot, kundi dun sa point na mare-realize nila na wala silang ibang Tagapagligtas maliban sa kanya. May plano ang Diyos. Sinabi niya kay Moses kung ano ang strategy niya:
Pabalikin mo ang mga Israelita at doon mo sila pagkampuhin sa tapat ng Pi Hahirot, ng Baal-zefon, sa pagitan ng Migdol at ng dagat. 3 Aakalain ng Faraon na kayo’y nagkakaligaw-ligaw na sa ilang sapagkat hindi ninyo malaman ang lalabasan. 4 Pagmamatigasin ko ang Faraon at hahabulin niya kayo ngunit ipapakita ko sa kanya at sa kanyang mga tauhan ang aking kapangyarihan. Sa gayo’y malalaman ng mga Egipcio na ako si Yahweh. (14:1-4 MBB)
Kung yan ang sasabihin ni Moses sa mga Israelites, sa perspective nila ay parang hindi magandang strategy. Kasi kung gusto mong makarating agad sa Canaan, susundin mo kung ano ang sinasabi na ruta ng Waze o Google Map. Pero kung mag-iba ng ruta, at mag-stop-over pa nang matagal, parang hindi yata good strategy. Pero ganun ang maiisip mo kung plano mo lang ang gusto mong masunod. Pero meron pang ibang plano ang Diyos. Hindi lang ito para sa mga Israelita. Hindi pa siya tapos sa Egypt. Yung death of the firstborn ay hindi pa pala yun ang katapusan ng plano niya. Meron pang “final judgment.” Gusto ng Diyos na makarating kay Pharaoh ang balita na para bang nagkakaligaw-ligaw sila sa biyahe o baka akala niya ay three-day journey lang talaga sila at baka bumalik pa. To ensure na mangyayari ang plano ng Diyos, pinatigas niya ulit ang puso ng hari para habulin sila. Para bang ang kalaban mo ay isang grandmaster ng chess, akala mo maiisahan mo siya, pero patibong lang pala, pakagat lang, na ang kahahantungan ay “Checkmate!” Para ano? Para patunayan sa lahat na walang makapapantay sa pagiging Diyos ni Yahweh, walang makapapantay sa kapangyarihan niya. Ang mga susunod na mangyayari—tulad ng sa layunin ng Diyos sa lahat ng ginagawa niya—ay for the display of his own glory. Yes, gumagawa ang Diyos for our own good. Pero tandaan natin na ang highest commitment niya, yung greatest passion of his heart, is to glorify himself.
At ang mga plano niya ay siguradong mangyayari because he is the sovereign grandmaster of human history. Maging ang masamang plano ng kaaway ay nasa ilalim ng mabuting plano ng Diyos. Kaya kung ano ang sinabi ng Diyos na mangyayari at gagawin ng kaaway, yun nga ang mangyayari.
Nakarating nga kay Pharaoh ang balita, tulad ng sabi ng Diyos, na tumakas ang mga Israelita (v. 5). Alam naman niya na umalis sila, pero siguro ine-expect niya na vacation leave lang. Tulad ng sabi ng Diyos, nagbago nga ang isip ng hari, pati na ng mga servants niya. Sabi nila, “Ano ba yan? Mali ang ginawa natin, hinayaan natin silang umalis. Wala na tayong mga slaves!” (v. 5). In-assemble ngayon ng Pharaoh yung chariot niya, pati yung mga sundalo niya, yung best 600 chariots na meron sila, at marami pang iba. Clearly, yung ganitong gamit na pandigma ay walang panlaban ang mga Israelita. Kung gusto nilang mabuhay, susuko na lang sila, at sasama pabalik. Yun ang strategy ng Pharaoh. Pero no-match sa strategy ng Diyos. He is in control of everything na nangyayari. “And the Lord hardened the heart of Pharaoh king of Egypt (tulad ng sabi ng Diyos na gagawin niya), and he pursued the people of Israel (tulad ng sabi ng Diyos na gagawin ng Pharoah) while the people of Israel were going out defiantly” (v. 8).
At kapag nangyari yun, bakit ka matatakot? Ibig sabihin nangyari ang sinabi ng Diyos, mapagkakatiwalaan ang mga salita ng Diyos. Magtaka ka kung hindi nangyari yung sinabi ng Diyos na mangyayari. Di mo pwedeng sabihin, “Ay, buti na lang, hindi nagkatototoo ang sinabi ng Diyos!” Really? Buti na lang, kasi baka mas maging kumportable ang buhay nila? Pero hindi mabuti yun, kasi ibig sabihin nagkakamali ang Diyos, nagsisinungaling ang Diyos, hindi mapagkakatiwalaan ang mga salita ng Diyos! Kaya naman ganito ang description sa mga Israelita, “going out defiantly” (v. 8). Confidently, buo ang pagtitiwala sa Diyos, ganito ang simula ng paglalakbay ng mga Israelita. Habang tanaw na tanaw ang ginawa ng Diyos sa pag-alis nila. Habang sobrang fresh sa memories nila ang mga kababalaghang ginawa ng Diyos sa Egypt. Nananatili ang kumpiyansa nila sa Diyos habang nakatingin sila sa Diyos. Pero kung naibaling ang paningin nila, ano ang mangyayari?
Ayun na nga, naabutan sila, malapit nang dumating si Pharaoh kasama ng buong army niya. Rumaragasa ang pagsalakay ng mga karwahe nila. Lumingon ang mga Israelita. Nakita nila. “Matinding takot ang naramdaman” nila (v. 10). Dumaing sila sa Diyos. Hindi ito prayer of faith. Merong doubts, merong pagrereklamo, merong pagsisisi na sana pala’y di na sila umalis ng Egypt. Sabi nila kay Moises, “Wala na bang mapaglilibingan sa Egipto kaya mo kami dinala dito para dito kami mamatay! Hindi ba’t ganito ang sabi namin sa ‘yo dati na ganito ang mangyayari. Pinakialaman mo pa kasi ang buhay namin. Mas mainam pang pinabayaan mo na lang kaming maging alipin sa Egipto. Mas okay pa yun kaysa naman mamatay. At least buhay!” (vv. 11-12). Dahil sa takot, pinagdudahan na nila ang mabuting plano ng Diyos sa kanila. Mas pipiliin na nilang maging alipin ulit!
Hindi ba’t ganyan din naman tayo? Kapag nakatingin tayo sa magagawa ng kaaway, pinangungunahan tayo ng matinding takot, at pinagdududahan natin ang magandang plano ng Diyos. Minsan sinasabi natin, “Akala ko pa naman noong naging Kristiyano ako magiging maayos na ang lahat—yung marriage namin, yung mga anak namin, yung kabuhayan namin, yung pakikipaglaban ko sa kasalanan. Pero bakit parang naging mas malala pa yata ngayon?” Ganyan ang nangyayari sa puso natin kapag nakatingin tayo sa kaaway natin sa halip na sa kakampi at kasama natin. At wag rin nating isipin na yung kaaway natin na tulad nina Pharaoh sa story na ‘to ang katumbas ay yung mga tao na umaaway sa ‘yo—asawa mo, kapitbahay mo, may utang sa ‘yo, o kung ano pa. Remember, itong exodus story ay pattern for our salvation. So, higit na malaki pa ang kalaban na nirerepresent nito. Si Satanas na kaaway ng Diyos at ng mga anak ng Diyos. Ang kasalanan na siyang sumisira sa relasyon natin sa Diyos. Ang kamatayan na siyang kabayaran ng kasalanan. Kung ganito katindi ang kalaban natin, at titingin tayo sa sarili nating resources, anong ilalaban natin diyan? Hindi naman ‘yan kaya ng positive thinking lang o sariling effort lang natin. Hindi naman natin pwedeng sabihin, “Si Satanas? Wala ‘yan. Kayang-kaya ‘yan. Kasalanan? Kaya kong pagtagumpayan ‘yan. Pagbubutihin ko lang next time para hindi ako mapatumba ng tukso. Yung kamatayan? Just think positive, kaya ‘yan.”
Ang Pagliligtas ng Diyos (14:13-29)
Yung pagsalakay ng mga Egyptians sa mga Israelites ay dapat magpaalala sa kanila na they need, desperately need, a Savior. Bago sila lumabas sa Egypt, paglabas nila sa Egypt, they still need a Savior. Hindi pa tapos ang pangangailangan nila sa isang Tagapagligtas. At ito naman yung assurance na ibinigay ng Diyos sa kanila sa pamamagitan ni Moses: “Huwag kayong matakot, magpakatatag kayo, at masdan ninyo ang pagliligtas ng Panginoon na kanyang gagawin sa inyo ngayon; sapagkat ang mga Ehipcio na inyong nakikita ngayon ay hindi na ninyo muling makikita kailanman. Ipaglalaban kayo ng Panginoon at ang dapat lamang ninyong gawin ay manahimik” (vv. 13-14 AB). Kailangan natin ng assurance mula sa salita ng Diyos. Kailangan din natin ng rebuke. Sabi ng Diyos, “Natatakot kayo. Hindi kayo dapat matakot. Pinanghihinaan kayo ng loob, magpakatatag kayo. Iniisip ninyo kung ano ang dapat n’yong gawin para labanan ang kaaway, wala kayong magagawa, wala kayong dapat gawin. Kung anu-ano ang sinasabi n’yo, tumahimik kayo! Be still and know that I am God. Ako ang gagawa. Tingnan ninyo kung ano ang gagawin ko.” In terms of salvation, we are not participants, we are spectators. Wala tayong maiaambag sa pagliligtas na Diyos lang ang makagagawa. Eph. 2:8-9, “For by grace you have been saved through faith. And this is not your own doing; it is the gift of God, not a result of works, so that no one may boast.”
Hindi natin kayang iligtas ang sarili natin. Ang Diyos ang nagpadala ng tagapagligtas para sa Israel. Sinabi ng Diyos kay Moises kung paano niya gagawin ang pagliligtas sa kanila at kung ano ang magiging role niya para mangyari yun. Bilang leader nila, siya rin ang representative nila. Kung ano ang pagdaing nila sa Diyos, yun din ang daing ni Moises. Kaya sabi ng Diyos sa kanya:
“Bakit mo ako tinatawag? Palakarin mo ang mga Israelita. 16 Itapat mo sa ibabaw ng dagat ang iyong tungkod; mahahati ang tubig at matutuyo ang lalakaran ninyo. 17 Lalo kong pagmamatigasin ang mga Egipcio at pasusundan ko kayo sa kanila, ngunit doon ko sila lilipulin: ang mga Egipcio, ang mga kawal ng Faraon, pati ang kanilang mga karwahe. Ipapakita ko sa Faraon at sa kanyang hukbo ang aking kapangyarihan. 18 Sa gayon, malalaman ng mga Egipciong iyan na ako si Yahweh. (vv. 15-18 MBB)
Simple lang ang gagawin ni Moses. Itataas lang ang tungkod niya sa dagat. Ito yung tungkod na ginamit para maipakita ang mga himala ng Diyos sa Egypt. Ito ring tungkod na ito ang gagamitin to accomplish salvation for Israel sa sitwasyong ito. Mahahati raw ang tubig sa dagat. Makakatawid ang mga Israelita sa tuyong lupa. Imposible? Oo. Pero sa Diyos, walang imposible. Nagtaka rin ang mga disciples ni Jesus noong may isang lalaking mayaman na hindi sumunod sa sinabi ni Jesus. Sabi nila kay Jesus, “Paano pa maliligtas ang isang tao?” pagkatapos sabihin ni Jesus, “Madali pa sa isang kamelyo ang makapasok sa isang karayom kaysa sa isang mayaman ang makapasok sa kaharian ng Diyos.” Sagot naman sa kanila ni Jesus, “Sa tao imposible.” Imposible ang pagtalikod sa kasalanan at sa mga diyos-diyosan. Imposible na magtiwala kay Cristo para sa kaligtasan. “But with God, all things are possible.” Ang kaligtasan—tulad ng paghati sa dagat para makatawid ang mga Israelita—ay isang bagay na Diyos lang ang makagagawa. Humanly impossible. Lahat-lahat sa kaligtasan natin ay gawa ng Diyos. Kaya sabi ni Jonah, “Salvation belongs to the Lord” (Jon. 2:9).
“The Lord will fight for you,” sabi ni Moses sa mga Israelita (Ex. 14:14). Siya yung Warrior—one member Army—na lalaban para sa kanila. Kung kakampi nila ang Diyos, wala na silang ibang kailangan pa, wala na silang ibang dapat gawin pa. Kung ano ang sinabi ng Diyos na mangyayari at gagawin niya, yun nga ang nangyari at ginawa niya. Ang isang bagay na imposible ay naging posible dahil sa Diyos.
Ang anghel ng Diyos—ang Diyos mismo, si Yahweh mismo—na siyang nangunguna sa paglalakbay ng mga Israelita ay pumunta sa likuran nila (v. 19). At yung haliging ulap ang humarang sa mga Egyptians para hindi sila makalapit sa mga Israelites. Madilim sa bahagi ng mga kalaban. Maliwanag naman sa bahagi ng mga Israelites (v. 20). Inunat ni Moises ang kamay niya sa direksyon ng dagat, pagkatapos ay nagpadala ang Diyos ng malakas na hangin from the east na siyang humati sa dagat hanggang sa ilalim nito (v. 21). Imagine, naglalakad ang mga Israelita sa dagat, pero sa tuyong lupa, sa kaliwa nila ay mataas na pader ng tubig, ganun din sa kanan (v. 22). Ito namang mga Egyptians, hindi na nag-iisip nang tama, sugod pa rin, hindi naman pandagat yung mga karwahe nila, pero itinawid pa rin nila (v. 23). Unaware sa strategy ni Yahweh laban sa kanila. Hindi na natuto si Pharaoh. Hindi na nadala. Akala niya may laban siya. Until…checkmate. Mag-uumaga na. Ginulo na sila ng Diyos. Nag-panic na. Hindi na makausad ang mga kabayo nila. Nalaman nila na si Yahweh ang may pakana ng lahat. Pero huli na ang lahat nang sabihin nilang, “Umalis na tayo rito sapagkat si Yahweh na ang kalaban natin” (v. 25). Sabi ng Diyos sa mga Israelita, “I will fight for you.” Nalaman ng mga kalaban na totoo nga. Pero huli na ang lahat. Hindi yun saving knowledge of God. Pagkilala sa Diyos sa kanyang paghatol. Oh, wag sanang meron mang isa sa inyo na makikilala lang ang Diyos kapag siya’y nasa impiyerno na. Ngayon pa lang ay kilalanin n’yo na siya hangga’t hindi pa huli ang lahat. Hangga’t humihinga ka pa.
Itong mga Egyptians, wala na. Inunat ni Moises ulit ang mga kamay niya, at bumalik ang mga tubig ng dagat pagsinag ng araw (v. 27). Tatakas pa sana sila, pero ang Diyos na mismo ang naghagis sa kanila sa tubig kaya’t lahat sila ay nalunod, walang nakalangoy para tumakas kahit isa (v. 28). Maliban lang sa mga Israelita, na hindi man lang nabasa ng tubig (v. 29). Itinawid sila ng Diyos mula sa kamatayan patungo sa buhay na itinakda ng Diyos para sa kanila.
Exodus Story
Ito ang kuwento ng “exodus” para sa Israel. Kasama sa kuwentong ito hindi lang yung paglabas nila sa Egipto pagkatapos na patayin ng Diyos ang mga panganay sa Egipto. Kasama rin dito ang pagtawid nila sa dagat, kung saan tuluyang winasak ng Diyos ang kanilang mga kaaway. Ito ang kuwento na pinakamahalaga sa kasaysayan nila, babalik-balikan, aawitin, at ituturo sa mga anak nila.
Theology
Ito ang kuwento na nagpapaalala sa kanila kung sino si Yahweh. Nag-iisang Diyos, wala nang iba. Nag-iisang Tagapagligtas ng mga pinangakuan niyang iligtas, wala nang iba. Nag-iisang Tagahatol ng mga kumakalaban sa kanyang mga iniligtas, wala nang iba. Pero hindi lang siya Savior of his people and Destroyer of his enemies. Ang kuwentong ito ay nagpapakita ng kanyang dakilang kapangyarihan—his great power. God is mighty in salvation. God is terrible in judgment. Kung itinakda, plinano, ipinangako ng Diyos na iligtas ka, ang lahat ng kanyang kapangyarihan—his infinite power—ay para sa ‘yo. Pero kung ikaw ay mananatiling kalaban ng Diyos, nakakatakot ang sasapitin mo. God’s infinite power to judge and to destroy is against you.
Gospel
That is why we need a Savior. That is why we need the gospel. That is why we need Jesus. Bilang Diyos, nakay Jesus ang dakilang kapangyarihan ng Diyos para tayo’y maligtas. Sa tatlong taong public ministry niya, ipinakita niya ang kapangyarihan niya laban kay Satanas, laban sa kasalanan, laban sa kamatayan. And his power to save is in full display at the cross. Pero hindi mukhang power, para pa ngang kahinaan, powerlessness, pagkabigo, pagkatalo, at kamatayan siyempre. Totoo naman na namatay siya ayon sa plano ng Diyos. Pero sa kamatayan niya tinalo niya ang Kaaway, nilunod sa dagat ang kasalanan, pinatay ang kamatayan. Col. 2:15, “He disarmed the rulers and authorities and put them to open shame, by triumphing over them in him.” Nangyari yun dahil hindi nanatiling patay si Cristo. If that is the whole gospel story, walang kapangyarihan yun na magligtas. Akala ni Satanas nagtagumpay siya na talunin ang Anak ng Diyos. Pero lahat yun ay nasa plano ng Diyos. Checkmate! Sa ikatlong araw, siya’y muling nabuhay, patunay ng kapangyarihan ng Diyos (1 Cor 15:54-57. 2 Cor 13:14. Rom 1:3).
At ang kapangyarihan ding iyon ang nasa atin kung tayo ay nakipag-isa kay Cristo sa pamamagitan ng pananampalataya—the power of being in union with the crucified and risen Christ. Itinawid rin tayo mula sa kamatayan patungo sa buhay na walang hanggan (John 5:24). Kung paanong nabautismuhan ang mga Israelita sa pagtawid nila sa dagat (1 Cor. 10:1-2), tayo rin ay nabautismuhan at nakipag-isa kay Cristo. Ito ang inilalarawan ng baptism natin na sinasabi sa Colossians 2:12-13—noong tayo ay inilubog sa tubig namatay ang lumang pagkatao natin, patay na tayo sa kasalanan, pero dahil si Cristo’y muling nabuhay, ang pag-ahon natin mula sa tubig ay nagpapakita ng kapangyarihan ng Diyos na tayo’y muling binuhay kasama ni Cristo. Iniligtas tayo ng Diyos. Hindi lang nilunod sa dagat ang mga kasalanan natin. Binigyan rin tayo ng bagong buhay at kapangyarihan na makapamuhay nang ayon sa kalooban ng Diyos. Kung ang Diyos ang kasama natin, ang kakampi natin, ang kapangyarihan natin, ano pa ang katatakutan natin?
Ang Tugon sa Pagliligtas ng Diyos (14:30-31)
Ganito nagtapos ang kuwento natin, Exodus 14:30-31, “Thus the Lord saved Israel that day from the hand of the Egyptians, and Israel saw the Egyptians dead on the seashore. Israel saw the great power that the Lord used against the Egyptians, so the people feared the Lord, and they believed in the Lord and in his servant Moses.” Kung ang Diyos ang Tagapagligtas—at siya nga, wala nang iba—ganito ang nais niyang maging tugon ng bawat isa sa atin:
Pagtingin sa Diyos
Tingnan ang Diyos, tingnan ang kapangyarihan ng Diyos. Nakita ng Israel ang pagliligtas na ginawa ng Diyos. Nakita nila na nilunod ng Diyos ang mga kaaway nila. “Israel saw the great power that the Lord used against the Egyptians” (v. 30). Nakita nila, dapat nilang tingnan. Kapag hindi tayo sa Diyos nakatingin, talagang panghihinaan tayo ng loob, matatakot, pagdududahan ang pangako ng Diyos. Pero kapag ipinapaalala natin palagi sa sarili natin ang gospel, makikita natin ang kapangyarihan ng Diyos na nagligtas sa atin.
Pagkatakot sa Diyos
Matakot sa Diyos. Kung kaaway ka ng Diyos, dapat ka talagang matakot. Pero yung takot na tinutukoy dito, “so the people feared the Lord” (v. 31), ay banal na pagkatakot sa Diyos. Pagkilala sa kapangyarihan ng Diyos. Anumang ang kinahaharap natin ngayon, anumang kasalanan ang nilalabanan natin, anumang pangamba in the future kung makakarating ba tayo sa lupang ipinangako sa atin ng Diyos—sa buhay na walang hanggan—wag nating maliitin ang Diyos. Nararapat siyang igalang, pahalagahan, parangalan. Dakila ang kanyang kapangyarihan.
Pagtitiwala sa Diyos
Magtiwala sa Diyos at kay Jesus na ating Tagapagligtas. “…they believed in the Lord and in his servant Moses” (v. 31). Walang sinumang tao ang makakapitan natin nang katulad ng kapangyarihan ng Diyos. Si Cristo ay higit pa kay Moises, “worthy of more glory than Moses” (Heb. 3:3). Lahat ng mga nangyayari sa buhay natin, ayon lahat sa plano ng Diyos, para itanghal ang pangalan niya, at para mas tumibay ang tiwala natin kay Cristo na ating Tagapagligtas. Do you trust Jesus? Yes, nagtitiwala ka kay Cristo para sa kaligtasan mo. Pero bakit nagdududa ka na sapat ang tulong na ibibigay niya sa ‘yo araw-araw? Ang kapangyarihan ni Cristo na iligtas ka ay siya ring kapangyarihan na nasa atin araw-araw. Magtiwala kay Cristo.
Pag-awit sa Diyos (next week, 15:1-21)
Dahil dakila ang kapangyarihan ng Diyos sa pagliligtas sa atin, nararapat lang siyang awitan. Gagawin natin ‘yan ngayon. At pag-aaralan next week.
Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)
Sign up to get your free pdf
By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

