MATTHEW 1: Si Jesus, galing sa lahi nina Abraham at David, ang katuparan ng darating na Tagapagligtas na ipinangako ng Diyos ayon sa sulat ng mga propeta. Siya na tunay na Diyos ay ipinagbuntis sa sinapupunan ni Birheng Maria sa pamamagitan ng Espiritu Santo. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) February 10, 2022
MATTHEW 2: Si Jesu-Cristo ang Anak ng Diyos, ang Hari ng mga hari, ang katuparan ng propesiya na mamamahala at mangangalaga sa mga inililigtas ng Diyos, ang dapat alayan ng pinakamataas na pagsamba, at siyang nagdudulot ng malaking kagalakan sa sanlibutan. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) February 11, 2022
MATTHEW 3: Ang pagdating ni Jesus ay pagdating ng kaharian ng Diyos. Siya ang minamahal na Anak ng Diyos na lubos niyang kinalulugdan. Naparito siya para mamuhay nang matuwid para mapatawad tayong mga makasalanan at matanggap natin ang Espiritu mula sa kanya.#DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) February 13, 2022
MATTHEW 4: Si Cristo ang tagumpay na kailangan natin laban sa tukso, ang liwanag sa mga nasa kadiliman, ang karunungan para sa mga mangmang, at ang kagalingan para sa ating karamdaman. Inaanyayahan niya tayong iwan ang lahat at sumunod sa kanya habang buhay. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) February 13, 2022
MATTHEW 5: Naparito si Jesus hindi para balewalain ang Kautusan o ang sulat ng mga propeta kundi para tuparin ito. Itinuro ni Jesus ang tamang layunin ng kautusan at perpektong sinunod ang lahat ng ito. Siya ang katuwiran na kailangan nating mga makasalanan. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) February 14, 2022
MATTHEW 6: Ang Diyos ang nakakakita at magbibigay ng gantimpala sa lahat ng mabuting ginagawa natin tulad ng pagtulong sa nangangailangan, pananalangin, at pag-aayuno. Siya rin ang nagbibigay ng lahat ng kailangan natin. Magtiwala tayo at maglingkod sa kanya. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) February 15, 2022
MATTHEW 7: Ang mga salita ni Cristo ay may awtoridad na galing sa Diyos. Kaya siya ay dapat pakinggan, kilalanin at sundin. Matinding kapahamakan ang sasapitin ng mga nagsasabing sila’y tagasunod ni Jesus ngunit hindi naman nakikita ang bunga sa buhay nila. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) February 15, 2022
MATTHEW 8: Ang mga salita ni Cristo ay makapangyarihan—nagpapagaling ng mga sakit, nagpapalayas ng mga demonyo, at nagpapatigil ng bagyo. Kapag tinawag ka niyang sumunod sa kanya, gaano man ito kahirap, wag ka nang mag-alinlangan pa. Hindi ‘yan masasayang. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) February 15, 2022
MATTHEW 9: Makapangyarihan ang mga salita ni Cristo—ang bulag nakakakita, ang pipi nakakapagsalita, ang patay nabubuhay. Mayaman ang habag niya sa pagtawag at pagpapatawad sa makasalanan. Wag kang mag-aatubiling lumapit sa kanya at ipamalita ang ebanghelyo. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) February 15, 2022
MATTHEW 10: Si Jesus ang tumatawag, nagsasanay, nagtuturo, nagpapalakas ng loob at magbibigay ng gantimpala sa kanyang mga tagasunod sa kanilang pagharap sa hirap ng mga pag-uusig na daranasin nila sa pagsunod sa misyon na ipangaral ang ebanghelyo ni Cristo. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) February 17, 2022
MATTHEW 11: Si Cristo ang Anak ng Diyos na ipinangako niyang darating para ipakilala kung sino ang Ama. Wala nang iba na dapat tayong hanapin maliban sa kanya. Siya ay maamo at may mababang puso, at sinumang lalapit sa kanya ay makakatagpo ng kapahingahan. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) February 17, 2022
MATTHEW 12: Si Cristo na Anak ng Tao ay siya ring Maylikha at namamahala sa lahat. Gayunpaman, ibinaba niya ang kanyang sarili bilang lingkod na pinili ng Diyos, na taglay ang Espiritu, para maalalayan ang mga mahihina at mabigyan ng katarungan ang mga inaapi. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) February 17, 2022
MATTHEW 13: Si Cristo ay naparito para ipahayag ang salita ng Diyos sa mga tao. Lahat ng nakinig at sumamampalataya ay mapapabilang sa kanyang kahariang walang katumbas ang halaga. Ngunit sinumang nakinig at hindi sumunod ay paparusahan sa kanyang pagbabalik. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) February 18, 2022
MATTHEW 14: Si Cristo ang Anak ng Diyos na siyang may kapangyarihan sa lahat ng kanyang nilikha. Dahil sa kanyang awa, nais niya at kaya niyang ipagkaloob ang lahat ng ating kailangan. Wala tayong dapat ikatakot. Dapat tayong magtiwala at sumamba sa kanya. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) February 23, 2022
MATTHEW 15: Naparito si Jesus para ipagkaloob ang pangangailangan—ang kaligtasan—hindi lamang ng mga Judio kundi maging ng iba’t ibang lahi sa buong mundo. Maging ang mga taong inaakalang sila’y relihiyoso at matuwid ay nangangailangan ng kanyang pagliligtas. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) February 23, 2022
MATTHEW 16: Si Jesus ang Cristo, ang Anak ng Diyos na buháy. Bago pa man mangyari, alam na niyang siya’y papatayin at muling mabubuhay. Kaya’t ang mga tagasunod niya ay dapat ding handang maghirap at mamatay para sa kanya. Hindi masasayang ang ganyang buhay. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) February 24, 2022
MATTHEW 17: Si Cristo ang pinakamamahal na Anak ng Diyos Ama na lubos niyang kinalulugdan. Higit siyang dakila kaysa sa sinuman dahil siya—ang kanyang buhay at kamatayan—ang katuparan ng Kautusan at mga Propeta. Dapat siyang pakinggan, pagtiwalaan at sundin. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) February 24, 2022
MATTHEW 18: Mahalaga sa Diyos ang bawat isa sa mga anak niya. Ang mga nalilihis ng landas ay hinahanap niya, pinapatawad at ibininabalik sa maayos na relasyon sa kanya. Ang mga tagasunod ni Jesus ay dapat ring gawin ang lahat para maibalik ang mga nagkakasala. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) February 25, 2022
MATTHEW 19: Wala talagang nakasunod sa kautusan ng Diyos. Walang mabuti kahit isa. Kaya't ang kaligtasan ay imposible sa tao, ngunit sa Diyos ay hindi, dahil lahat ng bagay ay posible sa Diyos. Hindi rin masasayang ang buhay na inilaan sa pagsunod kay Cristo. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) February 26, 2022
MATTHEW 20: Naparito si Jesus hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at ibigay ang kanyang buhay sa ikatutubos ng marami. Alam na niyang siya'y hahatulan, ipapako sa krus, at muling mabubuhay. Ganito kalaki ang awa niya sa mga bulag na kagaya natin. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) February 27, 2022
MATTHEW 21: Si Jesus ang katuparan ng darating na Haring-Tagapagligtas na mula sa lahi ni David. Sinunod niya ang kalooban ng kanyang Ama. Karapat-dapat siyang purihin ng lahat. Ang mga magtatakwil sa kanya ay parurusahan at di magmamana ng kaharian ng Diyos. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) March 1, 2022
MATTHEW 22: Si Jesus lang ang nakasunod sa Kautusan ng Diyos. Siya lang ang nagmahal sa Diyos at sa kapwa tao. Siya ang makapangyarihang Anak ng Diyos at tunay na matuwid. Makakapasok lang tayo sa kaharian ng Diyos kung tayo ay madaramtan ng kanyang katuwiran. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) March 1, 2022
MATTHEW 23: Meron lang tayong isang Ama sa langit. Wala nang ibang dapat parangalan nang higit sa kanya. Meron lang tayong isang Guro, si Cristo. Wala tayong dapat pakinggan nang higit sa kanya. Dahil ibinaba niya ang sarili niya, siya nama'y itinaas ng Diyos. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) March 3, 2022
MATTHEW 24: Darating si Jesus sa oras na hindi natin alam o inaasahan. Ngunit ang pagdating niya ay makikita ng lahat, na may kapangyarihan at kaluwalhatian. Siguradong mangyayari ito dahil lumipas man ang lahat ng bagay, salita niya'y hindi lilipas kailanman. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) March 3, 2022
MATTHEW 25: Si Jesus ang Haring darating. Hindi natin alam ang oras ng pagbabalik niya, kaya dapat itong paghandaan. Ang mga tapat hanggang sa dulo ay tatanggap ng kagalakan ng kaharian ng Diyos, ngunit walang hanggang parusa naman sa hindi gumagawa ng mabuti. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) March 3, 2022
MATTHEW 26: Si Jesus ay trinaydor, ikinaila, inaresto kahit walang sala, pinaratangan ng paglapastangan sa Diyos, dinuraan, at binugbog. Tiniis niya ang lahat ng ito bilang katuparan ng Kasulatan at pagsunod sa Diyos, at para sa kapatawaran ng mga kasalanan. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) March 3, 2022
MATTHEW 27: Si Jesus na walang kasalanan ay pinarusahan na mamatay sa pamamagitan ng pagpako sa krus. Sa kanyang kamatayan, natugunan ang katarungan ng Diyos, ibinilang siyang isang makasalanan, at inako ang parusa ng Diyos upang tayo'y maituring na matuwid. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) March 5, 2022
MATTHEW 28: Totoong namatay si Jesus. Siya'y inilibing. Totoong siya'y muling nabuhay sa ikatlong araw, tulad ng sinabi niyang mangyayari. Kaya't dapat siyang sambahin, sundin at ipangaral sa iba. Nangako siyang sasamahan niya tayo lagi hanggang sa katapusan. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) March 5, 2022
Photo by Aaron Burden on Unsplash
Whoah. Salamat dito pas.
LikeLiked by 1 person