HEBREWS 1: Higit na dakila ang Anak ng Diyos sa mga anghel. Propeta na siyang Salita ng Diyos. Pari na siyang nagbayad ng kasalanan. Hari na namamahala sa lahat. Kaningningan ng Diyos. Lumikha at nagpapanatili sa lahat. Anak at Diyos mula pa sa walang-hanggan. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) October 4, 2021
HEBREWS 2: Ang Anak ng Diyos ay naging tunay na tao at naging mas mababa kaysa sa mga anghel. Tulad natin, siya rin ay tinukso at nagdusa, sa gayon ay naging tapat na punong pari para matubos tayo, maging mga anak ng Diyos, at matulungan sa pagharap sa tukso. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) October 5, 2021
HEBREWS 3: Si Jesus ay higit na dakila kay Moises dahil hindi lang siya isang tapat na lingkod kundi tapat na Anak sa sambahayan ng Diyos. Dahil dito, kabilang din tayo sa pamilyang ito kung mananatili tayong tapat at nakatingin kay Cristo hanggang sa wakas. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) October 5, 2021
HEBREWS 4: Walang tunay na kapahingahan sa mga taong nakarinig ng salita ng Diyos pero hindi naman sumampalataya. Ito—kalakip ng awa’t biyaya—ay matatagpuan lang sa pakikipag-isa kay Cristo, ang Punong Pari na tinukso sa lahat ng paraan ngunit hindi nagkasala. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) October 6, 2021
HEBREWS 5: Si Jesus ay higit na dakila sa lahat ng punong pari dahil siya’y mahinahong makitungo sa mga mahihina’t makasalanan, siya’y walang kasalanan, siya’y Hari at Anak ng Diyos na naging tunay na tao, at ang kanyang pagdurusa ang naging ating kaligtasan. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) October 6, 2021
HEBREWS 6: Sumumpa ang Diyos sa sarili niya nang mangako siya kay Abraham para ipakita na imposible sa kanya ang magsinungaling, at hindi magbabago ang kanyang layunin, at para bigyan tayo ng tiyak at matibay na pag-asa na makakapitan natin hanggang sa dulo. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) October 6, 2021
HEBREWS 7: Higit na dakila ang pagkapari ni Jesus dahil siya rin ay Hari, mananatiling Pari magpakailanman, banal at walang kasalanan, kaya’t maililigtas niya nang lubos ang mga lumalapit sa Diyos sa pamamagitan niya dahil mananatili siyang Tagapamagitan nila. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) October 6, 2021
HEBREWS 8: Si Jesus ay higit na dakila sa lahat ng mga pari sa lumang tipan. Siya ang katuparan ng mga pangako ng Diyos at Tagapamagitan ng bagong tipan. Sa pamamagitan niya, mapapatawad ang ating kasalanan, tatanggapin tayo ng Diyos, at makikilala natin siya. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) October 6, 2021
HEBREWS 9: Si Cristo ang tagapamagitan ng bago at mas mainam na tipan. Tanging ang dugo ni Cristo, ang minsanang paghahandog ng kanyang sarili sa krus, ang sasapat para tayo’y matubos, mapatawad sa kasalanan, mahugasan sa karumihan, at makapaglingkod sa Diyos. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) October 7, 2021
HEBREWS 10: Dahil sa minsanang paghahandog ni Jesus ng kanyang sarili para sa kasalanan, tinupad niya ang kalooban ng Diyos. Dahil tapat siya sa pangako niya, mapapatawad ang kasalanan natin, makakalapit tayo sa Diyos, at magkakasama tayong kakapit sa kanya. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) October 8, 2021
HEBREWS 11: Ang lahat ng bagay ay nilikha sa pamamagitan ng salita ng Diyos. Ang salita niya ay mapagkakatiwalaan. Hindi man natin makamtan ang lahat ng ipinangako niya dahil sa hirap na daranasin natin, malaking gantimpala kay Cristo ang naghihintay sa atin. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) October 8, 2021
HEBREWS 12: Magtiis tayo ng hirap at magpatuloy tumingin kay Jesus hanggang dulo dahil tiniis niya ang hirap at kahihiyan ng krus alang-alang sa kagalakang naghihintay sa kanya at dahil patuloy tayong dinidisiplina ng ating Ama para sa kabutihan at kabanalan. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) October 10, 2021
HEBREWS 13: Nangako ang Diyos na hindi tayo iiwan ni pababayaan man at palagi tayong tutulungan, kaya wala tayong dapat ikatakot at dapat tayong magpatuloy na magmahal sa kapatid natin, gumawa ng mabuti at ibahagi sa iba ang mga tinanggap natin mula sa Diyos. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) October 10, 2021