JOEL 1: Nagpapadala ang Diyos ng mga sakuna at salot hindi lang bilang parusa sa kasalanan kundi bilang kasangkapan para ang pinsala, hirap at hinagpis na dulot nito ay maging panawagan para tayo’y magsisi sa kasalanan at magtiwala sa pangakong Tagapagligtas. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) September 27, 2021
JOEL 2: Nakapangingilabot ang araw ng pagpaparusa ng Diyos sa mga makasalanan. Ngunit nakamamangha naman ang pagliligtas at pagpapala niya sa mga nagsisisi at tumatawag sa kanyang pangalan—ibubuhos sa kanila ang Espiritu at lubos nilang makikilala ang Diyos. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) September 28, 2021
JOEL 3: Ipaghihiganti ng Diyos ang kanyang bayan laban sa mga bansang nang-api sa kanila. Walang makakatakas sa matinding parusa ng Diyos. Pero silang mga nagtitiwala kay Cristo bilang kanilang tanggulan at kanlungan ay patatawarin at pananahanan ng Diyos. #DiyosSaBawatPahina
— Treasuring Christ PH (@derickparfan) September 28, 2021