Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa pagkakataon na muling makabalik sa pastoral ministry. Alam ng marami sa mga members ng church na naka-leave ako several weeks na ang nakakaraan. Dahil ito sa pagsubok na pinagdadaanan din naming mag-asawa. Ginamit ng Diyos itong time of rest for me, pati itong lockdown/quarantine period para makapag-reflect. For God to deal what is going on in our hearts and in our marriage. Plano ko sana hanggang end of May. Pero dahil sa krisis natin ngayon, I thought it best na bumalik na sa ministry. Para mapangunahan din ang church, with all our elders, to navigate this crisis na di tayo nakakapagmeet physically dahil sa pandemic.
So mahalaga talaga ngayon na marinig natin nang malinaw ang Salita ng Diyos. Kasi yung mga maririnig nating mga common responses sa paligid natin, sa social media, delikado kung di natin susuriing mabuti, susuriin in light of the Word of God. Some of them ganito ang sinasabi:
- “Walang kinalaman si Lord diyan. Kasalanan natin ‘yan. Wag nating idamay si Lord.”
- “Akala ko ba may Diyos, pero bakit wala siyang ginagawa? Bakit di siya sumasagot sa mga prayers natin.”
- “Oo nga’t may ginagawa siya, pero parang di naman tama ang ginagawa niya.”
- “I don’t deserve this to happen to me.”
Itong huli, naisip ko rin ‘yan sa pinagdaanan namin lately sa marriage namin. Ano man ang response natin, it will reveal pride, self-righteousness, and unbelief sa heart natin. We think we are good enough and deserving of a suffering-free life. We think God is not good enough, or not powerful enough, or not faithful enough.
This time calls for self-examination. Samantalahin natin yung dami ng time na meron tayo ngayon. Kumusta ang puso mo? Kumusta ang pagkakakilala mo sa Diyos? It also reveals kung ano ang theology na pinaniniwalaan natin. At kung yung pinaniniwalaan natin ay pinanghahawakan ba natin.
Kaya pag-aaralan natin ang Habakkuk. Nag-preach na ako ng isang sermon sa book na ‘to last 2012. Pero ngayon I believe na appropriate ito sa pinagdadaanan natin ngayon, at pinagdadaanan ng buong mundo. Ngayon magkakaroon lang muna tayo ng overview.
So bakit Habakkuk? There are several reasons for that.
- Una, para mas ma-appreciate natin ang kahalagahan ng expositional preaching, lalo na kung gaano ito ka-relevant sa buhay natin. Lalo na ngayong Holy Week. Lalo na ngayong may pandemic. At sa araw-araw na buhay natin. Pinag-uusapan nga naming mag-asawa nung mga nakaraang araw na parang kahit ano ang binabasa namin sa Bible ay talagang umaangat o lumulutang ang significance dahil sa personal at global crisis na kinahaharap namin/natin.
- Ikalawa, for us to learn how to value the Old Testament for today. Yung iba kasi sinasabi New Testament lang ang mahalaga. Yun lang ang binabasa, pinag-aaralan, pini-preach sa church. Kung Old Testament naman, yung mga narrative parts. Pero yung mga prophets neglected.
- Ikatlo, para mapagtuunan ng pansin ang di gaanong napapansin sa Bibliya. Tulad nitong mga prophetic books. Merong Major Prophets. Ito yung mahahaba tulad ng Isaiah at Ezekiel. Major prophet hindi dahil mas mahalaga, kundi dahil mas mahaba. Itong Habakkuk na kabilang sa tinatawag na “The Minor Prophets.” Hindi ibig sabihin na minor, konti ang halaga. Maikli, minor prophets, pero merong major message for us today.
- Panghuli, for us to learn how to interpret in context, hindi yung hugot nang hugot lang ng mga verses. Yung iba ngayon share nang share ng mga Bible passages, kahit sa Old Testament, mali naman ang context and application.
So now, let us start with Habakkuk 1:1. Sa ESV, “The oracle that the prophet Habakkuk saw.” Sa CSB, “The pronouncement that the prophet Habakkuk saw.” Sa MBB, “Ang aklat na ito ay naglalaman ng pahayag ni Yahweh sa pamamagitan ni Propeta Habakuk.” Malinaw na ito ay salita ng Diyos. Yun ang ibig sabihin ng “oracle” o “pronouncement.” Salita ito galing sa Diyos. Pero merong uniqueness itong Habakkuk kung ikukumpara sa ibang mga prophetic books. Kasi usually, isusulat nila kung ano ang ipinapasabi ng Diyos sa mga tao. Pero itong Habakkuk, prophet siya, yes. Pero parang priestly din ang function niya, representing God’s people, their cry to God. Makikita natin dito yung daing niya sa Diyos, iyak niya sa Diyos, reklamo niya sa Diyos. But God was also speaking, answering, though not in the form he expects.
Nandito yung words ni Habakkuk, pero malinaw na ito rin ay words from God to us. Hindi man ito direktang sinulat sa atin, kahit ito ay 2,600 years ago na, relevant pa rin ito sa atin ngayon.
Ano ang nangyayari nun sa point of history? Malapit nang sakupin ng Babylon ang Judah, around 600BC, just before the fall of Jerusalem. Naabutan niya si King Josiah. Naabutan din niya si prophet Jeremiah. Hanggang sakupin sila ng Babylon at wasakin ang Jerusalem pati na ang templo.
Ano ang purpose ng book na ‘to? Para matutunan nila as God’s people kung paano mag-relate sa Panginoon during this time of difficulties and discipline. Ang common genre ng pagkakasulat nito ay tinatawag na lament. Pero hindi ito yung reklamo lang ng reklamo, tulad ng maraming mga Filipinos ngayon na sobrang dami ng reklamo sa government. Pero itong prayer of lament ay, yes, a complaint to God, pero also a prayer leading to trust in God.
With that in mind, basahin natin ang Habakkuk.
Ang aklat na ito ay naglalaman ng pahayag ni Yahweh sa pamamagitan ni Propeta Habakuk. (1:1)
Sa vv. 2-4, mababasa natin yung unang prayer of complaint ni Habakkuk, na parang sinasabi niyang, “Lord, hanggang kailan na parang wala kang ginagawa?”
O Yahweh, hanggang kailan ako hihingi ng tulong sa inyo, bago ninyo ako dinggin, bago ninyo ako iligtas sa karahasan? Bakit puro kaguluhan at kasamaan ang ipinapakita mo sa akin? Sa magkabi-kabila'y nagaganap ang pagwasak at ang karahasan; laganap ang karahasan at ang labanan. Ang batas ay walang bisa at walang pakinabang, at hindi umiiral ang katarungan. Sa husgado ay laging natatalo ng masasama ang walang kasalanan, kaya't nababaluktot ang katarungan. (1:2-4)
Mula naman v. 5 hanggang v. 11 ay sumagot si Lord kay Habakkuk. Sinabi niya, “Sinasabi mo na wala akong ginagawa, pero may ginagawa ako.”
Pagkatapos ay sinabi ni Yahweh sa kanyang bayan, "Masdan mo ang mga bansang nakapalibot sa iyo at mamamangha ka at magugulat sa iyong makikita. Hindi magtatagal at mayroon akong gagawing hindi mo paniniwalaan kapag nabalitaan mo. Papalakarin ko sa kapangyarihan ang mga taga-Babilonia— ang bansang kilala sa kalupitan at karahasan. Sinasalakay nila ang lahat ng dako ng daigdig upang sakupin ang lupaing hindi kanila. Naghahasik sila ng takot at sindak; ipinagmamapuri nila na sila mismo ang batas. Ang mga kabayo nila'y mas mabibilis kaysa mga leopardo, mas mababangis kaysa mga asong-gubat pagsapit ng gabi. Ang kanilang mga mangangabayo ay rumaragasa mula sa malalayong lupain; para silang mga agila na dumadagit sa kanilang biktima. Ang kanilang mga hukbo ay marahas na sumasalakay, at lahat ay nasisindak habang sila'y nananakop. Di mabilang na parang buhangin ang kanilang mga bihag. Hinahamak nila ang mga hari, at walang pinunong iginagalang. Pinagtatawanan lamang nila ang bawat muog, sapagkat ito'y kanilang nilulusob at madaling nakukuha. Pagkatapos ay nagpapatuloy silang parang malakas na hangin; walang dinidiyos kundi ang sarili nilang lakas." (1:5-11)
Merong reklamo si Habakkuk. Ang sagot ni Lord, “May ginagawa ako.” Pero sumagot na naman si Habakkuk. Second complaint na. Kasi kung may ginagawa nga ang Panginoon, pero bakit ganun ang ginagawa niya? Bakit Babylon na mas masama pa sa Judah ang gagamitin niya para disiplinahin sila?
O Yahweh, kayo ay Diyos na walang hanggan. Kayo ang aking Diyos, banal at magpakailanman. O Yahweh, aking Diyos at tanggulan, pinili ninyo ang mga taga-Babilonia at sila'y inyong pinalakas. O Batong matibay, inilagay mo sila upang kami'y pahirapan, upang kami'y parusahan. Ngunit paano ninyo natitiis ang mga taksil at masasamang taong ito? Napakabanal ng inyong paningin upang masdan ang kasamaan. Hindi ninyo matitiis ang mga taong gumagawa ng mali. Bakit hindi kayo kumikibo gayong pinupuksa nila ang mga taong higit na mabuti kaysa kanila? Itinuturing mo ang mga tao na gaya ng mga isda, o gaya ng mga kulisap na walang mangunguna sa kanila.Binibingwit sila ng mga taga-Babilonia na wari'y isda. Itinataboy nila ang mga ito sa mga lambat, at pagkatapos ay nagsisigawan sa galak! Kaya't sinasamba pa nila ang kanilang mga lambat, at nag-aalay ng mga handog; sapagkat ito ang nagbibigay sa kanila ng karangyaan. Patuloy ba nilang gagamitin ang kanilang tabak at walang awang pupuksain ang mga bansa? (1:12-17)
Yun ang second complaint niya. Tapos sa 2:1, in-express niya yung paghihintay niya sa pagsagot ng Panginoon:
Aakyat ako sa bantayan at hihintayin
ang sasabihin ni Yahweh sa akin,
at ang tugon niya sa aking daing.
Ito naman yung answer ng Panginoon sa vv. 2-20. Hindi niya sinabing, “Ang dami mo namang reklamo!” No, God is patient and gracious sa pagsagot niya kay Habakkuk.
Ito ang tugon ni Yahweh: “Isulat mo nang malinaw sa mga tapyas ng bato ang pangitaing ipahahayag ko sa iyo, upang sa isang sulyap ay mabasa agad at maipabatid ito. Isulat mo ito sapagkat hindi pa panahon upang ito ay maganap. Ngunit mabilis na lilipas ang panahon, at mangyayari ang ipinakita ko sa iyo. Bagama't parang mabagal ito, hintayin mo. Tiyak na mangyayari at hindi maaantala ito. Ito ang mensahe: “Ang hambog ay mabibigo sa kanyang pagmamataas, ngunit ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya.” (2:2-4)
Common verse ‘yang verse 4. The righteous shall live by faith.
Ang kayamanan ay mandaraya.
Ang ganid sa salapi ay hindi makukuntento.
Ang kanyang katakawan ay kasinlawak ng libingan,
tulad ng kamatayan na walang kasiyahan.
Kaya sinasakop niya ang mga bansa,
upang maging kanya ang mga mamamayan.
Darating ang araw na hahamakin ng mga nasakop ang mga sumakop sa kanila.
Sasabihin nila, “Kinuha ninyo ang hindi sa inyo, kaya't kayo'y mapapahamak!
Hanggang kailan pa kayo magpapayaman, habang pinipilit na magbayad ang mga may utang sa inyo?”
Biglang darating ang panahon na kayo naman ang mangungutang,
at pipiliting magbayad ng interes.
Darating ang inyong kaaway at sisindakin kayo.
Pagnanakawan nila kayo!
Sinalanta ninyo ang maraming bansa,
iyan din ang gagawin sa inyo ng mga nakaligtas.
Uusigin kayo dahil sa dugong inyong pinadanak,
dahil sa inyong karahasan sa mga tao,
sa daigdig at sa mga lunsod nito.
Mapapahamak kayong mga nagpayaman ng inyong pamilya sa pamamagitan ng inyong mga ninakaw.
Ngayo'y nagsisikap kayong ilayo sa kapahamakan at panganib ang inyong sambahayan.
Ang inyong mga pagbabalak ang nagbigay ng kahihiyan sa inyong sambahayan.
Winasak ninyo ang maraming bansa,
kaya kayo naman ngayon ang wawasakin.
Sisigaw laban sa inyo ang mga bato ng pader,
at aalingawngaw sa buong kabahayan.
Mapapahamak kayo! Nagtatag kayo ng lunsod sa pamamagitan ng kasamaan;
itinayo ninyo ang bayan sa pamamagitan ng pagpatay.
Ang mga sinakop ninyong bansa ay nagpakahirap sa walang kabuluhan,
at lahat ng itinayo nila ay natupok sa apoy.
Si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ang gumawa nito.
Subalit ang buong mundo ay mapupuno
ng mga taong kumikilala at dumadakila kay Yahweh,
kung paanong ang karagatan ay napupuno ng tubig.
Mapapahamak kayo! Pinainom ninyo ang inyong mga kalapit bansa,
ng alak na tanda ng inyong pagkapoot.
Nilasing ninyo sila at hiniya,
nang inyong titigan ang kanilang kahubaran.
Malalagay rin kayo sa kahihiyan at hindi sa karangalan.
Iinom din kayo at malalasing.
Ipapainom sa inyo ni Yahweh ang inyong kaparusahan,
at ang inyong karangalan ay magiging kahihiyan.
Hinubaran ninyo ang kagubatan ng Lebanon;
ngayon, kayo naman ang huhubaran.
Pinatay ninyo ang mga hayop doon;
ngayo'y kayo naman ang sisindakin nila.
Uusigin kayo dahil sa dugong inyong pinadanak,
dahil sa inyong karahasan sa mga tao,
sa daigdig at sa mga lunsod nito.
Ano ang kabuluhan ng diyus-diyosan?
Tao lamang ang gumawa nito,
at pawang kasinungalingan ang sinasabi nito.
Ano ang ginagawa nitong mabuti upang pagkatiwalaan ng gumawa?
Ito ay isang diyos na hindi man lang makapagsalita.
Mapapahamak kayo! Ginigising ninyo ang isang pirasong kahoy!
Pinababangon ninyo ang isang bato!
May maipapahayag ba sa inyo ang isang diyus-diyosan?
Maaaring ito'y nababalot sa pilak at ginto,
ngunit wala naman itong buhay.
Si Yahweh ay nasa kanyang banal na templo, tumahimik ang lahat sa harapan niya. Manahimik ang buong sanlibutan sa kanyang presensya. (2:5-20)
Bago naman natin basahin ang chapter 3, I just want to make sure na nakikita n’yo yung flow ng Habakkuk. Nanalangin si Habakkuk, dumaing siya, “Lord, parang wala kayong ginagawa.” Then, sumagot si Lord, “Meron akong ginagawa. Tingnan mo.” Nung nabalitaan ni Habakkuk na Babylon ang gagamitin ng Panginoon, nagreklamo na naman siya, “Ok, parang may ginagawa kayo pero parang hindi naman tama na mas masama pang bansa ang gagamitin n’yo para hatulan ang Judah.” Then, sumagot si Lord, “Sa tingin mo hindi tama, pero darating ang araw na itong Babylon ay paparusahan ko rin.” Wala tayong karapatan, wala tayo sa posisyon na husgahan ang ginagawa ng Panginoon. So, narecognize yun ni Habakkuk sa prayer niya sa chapter 3. Prayer na filled with faith and confidence, nakatingin sa Panginoon at hindi sa mga nakikita niya sa paligid niya. Mapapansin n’yo dito na wala nang pagrereklamo sa prayer niya.
Ito ay panalangin ni Propeta Habakuk: O Yahweh, narinig ko ang tungkol sa inyong ginawa, at ako'y lubos na humanga. Ulitin ninyo ngayon sa aming panahon ang mga dakilang bagay na ginawa ninyo noon. Maging mahabagin kayo, kahit kapag kayo'y nagagalit. Ang Diyos ay muling nanggaling sa Teman, ang Banal na Diyos ay nagmula sa kaparangan ng Paran. Laganap sa kalangitan ang kanyang kaluwalhatian, at puno ang lupa ng papuri sa kanya. Darating siyang sinliwanag ng kidlat, na gumuguhit mula sa kanyang kamay; at doon natatago ang kanyang kapangyarihan. Nagpapadala siya ng karamdaman at inuutusan ang kamatayan upang sumunod sa kanya. Huminto siya at nayanig ang lupa; sa kanyang sulyap ay nanginginig ang mga bansa. Ang mga walang hanggang bundok ay sumasambulat; ang walang hanggang kaburulan ay lumulubog— mga daang nilakaran niya noong unang panahon. Nakita kong natakot ang mga tao sa Cusan, at nanginig ang lahat sa lupain ng Midian. Nagagalit ba kayo dahil sa mga ilog, O Yahweh? Ang mga dagat ba ang sanhi ng inyong poot? Nakasakay kayo sa inyong mga kabayo, at magtatagumpay na lulan ng iyong karwahe, habang pinagtatagumpay ninyo ang inyong bayan. Binunot ninyo sa suksukan ang inyong pana, at inihanda ang inyong mga palaso. Biniyak ng inyong kidlat ang lupa. Nakita kayo ng mga bundok at sila'y nanginig; bumuhos ang malakas na ulan. Umapaw ang tubig mula sa kalaliman, at tumaas ang along naglalakihan. Ang araw at ang buwan ay huminto dahil sa bilis ng inyong pana at sibat. Galit na galit kayong naglakad sa buong daigdig, at sa tindi ng poot ninyo, ang mga bansa ay niyurakan. Lumabas kayo para iligtas ang inyong bayan, at ang haring pinili ninyo. Dinurog ninyo ang pinuno ng masasama, at nilipol na lahat ang kanyang tagasunod. Sinibat ninyo ang pinuno ng mga mandirigma, nang dumating sila na parang ipu-ipo upang kami'y pangalatin. Kagalakan nilang sakmalin nang palihim ang mga dukha. Niyurakan ninyo ang dagat sa pamamagitan ng inyong mga kabayo, at bumula ang malawak na karagatan. Narinig kong lahat ito at ako'y nanginig; nangatal ang aking mga labi dahil sa takot. Nanghina ang aking katawan, at ako'y nalugmok. Tahimik kong hihintayin ang takdang panahon ng pagpaparusa ng Diyos sa mga umapi sa amin. Bagama't di namumunga ang puno ng igos at hindi rin namumunga ang mga ubas, kahit na maantala ang pamumunga ng olibo at walang anihin sa mga bukirin, kahit na mamatay lahat ang mga tupa at mawala ang mga baka sa kulungan, magagalak pa rin ako at magsasaya, dahil si Yahweh ang Diyos na magliligtas sa akin. Ang Panginoong Yahweh ang sa aki'y nagpapalakas. Tulad ng usa, tiyak ang aking mga hakbang, inaalalayan niya ako sa mga kabundukan. (3:1-19)
Ito yung salita ng Diyos para sa atin. Maraming verses diyan. Di natin mapag-aaralan lahat ngayon. Pero sa mga susunod, iisa-isahin natin ‘yan.
Theology
Ngayon, gusto kong bigyang-diin na kung theology ang pag-uusapan, parang wala namang problema itong si Habakkuk. Malalim ang pagkakilala niya sa Panginoon, na marahil siya ring nag-udyok kaya manalangin siya nang ganun. At mahalaga na meron din tayong pagkakilala sa Diyos na tulad ni Habakkuk.
God is sovereign. Kapag nagtatanong tayo, “Lord, may ginagawa ka ba sa pamilya namin? May ginagawa ka ba sa bansa namin? May ginagawa ka ba sa mundo?”, we can be assured that God is sovereign over all of human history. Walang anumang nangyayari sa buhay natin at sa mundo natin sa buong kasaysayan ang wala sa plano at layunin ng Diyos. We worship a sovereign God.
God is holy. Alam ito ni Habakkuk, kaya nga nagtatanong siya sa Panginoon. Walang kasalanan, walang kamalian, walang karumihan sa Diyos. Sinabi niya sa 1:12-13, “Di ba’t kayo ang Diyos na banal? Di ba’t di n’yo matitiis ang masama? Bakit n’yo hahayaan ang masamang bansa na magparusa sa amin.” Parang hindi tama, pero God will assure him sa second half ng chapter 2 (yung sunud-sunod na “woe…woe…woe”) na itatama niya ang lahat. Itatama niya ang mga mali sa mundong hindi. Marami rin tayong nakikita na hindi tama na mga nangyayari ngayon. Makatitiyak tayo na itatama niya ang lahat, eventually. Pero hindi sa paraan, hindi sa panahon na inaakala natin. Sa sarili niyang paraan, sa sarili niyang panahon. After all, he knows what is best. For his glory, for our good, to accomplish his purpose.
God is speaking. Sumasagot siya sa prayers ni Habakkuk. Sa unang verse pa lang, nagpapakita na na ito’y salita ng Diyos. Itong pinag-aaralan natin sa Habakkuk, we have here a word from God. Di na natin kailangang maghintay ng voice from heaven na sasabihin sa atin. This Book, this Word of God, sapat ito para pakinggan natin. Sa pagkalat ng virus, kumakalat din ang salita ng Panginoon. Ginagamit niya ang mga pastors at mga missionaries at maraming Christians in spreading the Word of God. This is God’s mission, “the earth filled with the knowledge of the Lord’s glory” (2:14). Sa paglaganap ng coronavirus, nagkakaroon ng maraming opportunities ang mga tao para marinig ang gospel, para magkaroon sila ng pagkakataon na magsisi at sumampalataya sa Panginoon.
This is the time, na kailangan lagi nating alalahanin, to preach the gospel to ourselves everyday. Kung nagpapakilala ang Diyos, it is through the gospel of his Son. “In these last days he has spoken to us through his Son” (Heb. 1:2). Nagsasalita ang Diyos through Jesus, through the gospel. In Jesus, nakita natin yung sovereign work ni God sa redemptive history. Dito sa Habakkuk, wala tayong makikita na direktang reference sa Messiah. Maybe yung 3:13, nung binanggit yung “anointed” na sa Hebrew ay ang pinanggalingan ng word na Messiah. The Lord is our salvation. So yung resolution, yung basis ng confidence ni Habakkuk, ultimately fulfilled in Jesus. God has revealed his glory to us through the Lord Jesus Christ, through the glory of the gospel (2 Cor 4:4, 6).
Bakit? Kasi nung namatay si Cristo, he suffered the worst injustice in human history. Yung ultimate prayer of lament sinabi niya sa krus, “My God, my God, why have your forsaken me?” Lahat ng injustices, lahat ng sufferings, lahat ng kasalanan na dapat na tayo ang managot sa Panginoon, inako ng Panginoong Jesus sa krus. It is finished. Nandito sa Habakkuk yung sinabi ni Paul sa Romans and Galatians, pati yung author ng Hebrews, “The righteous shall live by faith.”
Paalala ito sa atin, anuman yung theology na pinanghahawakan natin ngayon, kailangan nakasentro kay Cristo. Maraming mga Christians kasi ngayon, they talk a lot about God, about faith in God, about believing in God. Pero kung yung paniniwala natin sa Diyos ay hindi nakasentro kay Cristo, then walang matibay na foundation yung ganung klaseng faith. So ngayong panahon ng suffering natin ngayon, it is crucial that we get our theology right. Ano ba ang pinaniniwalaan natin about God, about ourselves, about suffering, about the promises of God, about the gospel, about the hope we have in Jesus? It will serve us during times of suffering if we get our theology right.
It is crucial that we get our theology right. It will serve us during times of suffering. Pero hindi pa rin magiging madali. We will still struggle. Tulad ni Habakkuk. Alam naman niyang sovereign, holy and just ang Panginoon. Pero nahihirapan siyang intindihin at paniwalaan yun sa circumstances nila noon. Ganun din sa atin ngayon. Nahihirapan tayong i-connect yung theology natin sa nararanasan natin sa buhay. Lalo na in times of suffering.
At isa ito sa purposes kung bakit nakasulat ang Habakkuk, at bakit natin pag-aaralan ‘to. Para matutunan natin kung paano i-connect ang theology na pinaniniwalaan natin about sa sufferings na nararanasan natin ngayon.
Theology to Life
Magbibigay lang muna ako ngayon ng apat sa mga paanyaya sa atin ng Diyos sa pagtugon natin sa mensahe ng Habakkuk.
- Look. Tumingin. Ano ang dapat tingnan? Tumingin sa nangyayari sa paligid natin. Pero i-filter din natin yung mga balita na naririnig natin. Tingnan din natin ang sufferings ng iba. But more than that, tumingin tayo lalo sa Diyos at sa ginagawa niya. Kung sa circumstances lang tayo nakatingin, we will get depressed. Pero kung sa Diyos tayo tumingin, sa krus tayo tumingin, mag-reflect sa Word of God, matututunan how to respond rightly. Samantalahin natin ang oras na meron tayo for longer reflection to look at what God is doing, and listen to what God is saying.
- Lament. Tumangis at tumawag sa Diyos. Yes, be honest with what you feel. Cry, complain to God. Pero wag kang lalayo. Sa kanya ka rin lalapit. Siya rin lang naman ang makakatulong sa atin. Ang iyak natin ay magdulot sa atin nawa ng higit na pagtitiwala sa Diyos.
- Live by faith. It is not by our own performance. Wala nga tayong magawa sa nangyayari sa paligid natin. Paalala ito sa atin na ang salvation is by grace alone through faith alone in Christ alone. Magtiwala tayo kay Cristo not just for our salvation, but also in times of suffering. We can find rest in Christ and what he has done for us.
- Rejoice. Mahirap ito sa panahon ngayon. Mas madaling umiyak at maramdaman ang sakit ng sufferings and losses natin. Yung iba sa atin mawawalan ng trabaho, mamomroblema sa ipapakain sa pamilya, baka yung iba magkasakit, at yung iba mamatay o mamatayan ng mahal sa buhay. Yes, we pray na matapos na itong pandemic na ‘to. At nagbibigay siya ng tulong para maiwasan natin ang mga sufferings. Pero kung hindi niya gagawin, paalala sa atin itong Habakkuk na yung joy natin ay hindi nakasalalay sa mga nangyayari sa paligid natin. Pwedeng magtagal pa itong pandemic na ‘to pero no one can rob us of our joy in Christ. Kasi yung anchor ng kagalakang iyon ay hindi nagbabago. We have unshakeable joy, not dependent on circumstances, but in the unchanging character of God.
Anuman ang sitwasyon natin ngayon, anuman ang maranasan natin sa mga susunod na araw, prayer ko na magkaroon kayo ng tulad na pananampalataya at kagalakan na meron si Habakkuk.
Bagama't di namumunga ang puno ng igos at hindi rin namumunga ang mga ubas, kahit na maantala ang pamumunga ng olibo at walang anihin sa mga bukirin, kahit na mamatay lahat ang mga tupa at mawala ang mga baka sa kulungan, magagalak pa rin ako at magsasaya, dahil si Yahweh ang Diyos na magliligtas sa akin. Ang Panginoong Yahweh ang sa aki'y nagpapalakas. Tulad ng usa, tiyak ang aking mga hakbang, inaalalayan niya ako sa mga kabundukan. (3:17-19)
Ito ang salita ng Panginoon. Inaanyayahan ko kayong basahin pa nang paulit-ulit ang Habakkuk, kasama ang pamilya n’yo, at pag-aralan sa mga small groups online. Ang dami nating hindi magagawa ngayon. Pero ang salita ng Diyos always available for us. God is speaking. Pakinggan natin. Panghawakan natin ang mga pangako niya. This difficult season, alam nating gagamitin ng Diyos for our joy, to increase our faith, to increase our longing for the gathering of the church again. Na magkita tayo ulit, in one place, worship together, celebrate the Lord’s Supper together. Di pa natin magagawa ngayon, pero ang mahalaga naririnig natin ang gospel. That we continue to preach the gospel to ourselves everyday. Maghintay tayo. Maaaring delayed ang sagot ni Lord sa prayers natin sa akala natin, pero it will surely come. So, we look to Christ daily, we remember the gospel, and we long for his return.