Part 4 – Good News Then and Now (1:10-12)

downloadmp3-icon

Marami sa inyo ang nagsasabing you are finding needed help in your sufferings sa pakikinig n’yo ng sermon every Sunday, lalo na dito sa series natin sa 1 Peter. Na we are really finding grace (through the Word of God applied by the Spirit in our hearts) when life is hard. At marami na rin sa inyo ang nakausap ko nang personal sa mga counseling and prayer sessions, kasi inaamin n’yo na kailangan n’yo ng tulong. It is a good thing. And as your pastor, it is my joy to serve you this way. Pero I was wondering, paano kaya, ano kaya ang mangyayari kung matututunan natin kung paano i-counsel ang sarili natin by listening to God in Scripture? Ano kaya ang mangyayari kung matututunan ng bawat isa sa atin kung paano i-counsel ang isa’t isa in times of struggles and sufferings?

Karaniwan kasi akala natin ang counseling kailangang matuto kang mag-advise kung ano ang dapat gawin ng nagpapacounsel sa iyo. But counseling is not mainly about what we should do, although siyempre may mga pagkakataong kailangan kang magbigay ng advice lalo na kung clueless talaga siya kung ano ang gagawin sa isang particular situation. Pero karaniwan naman, alam naman natin ang gagawin natin. Ang problema, we don’t have the willpower or the motivation to do what we should do. Nasa ugat kasi ng mga problema natin, tulad ng mga wrong responses sa suffering ay unbelief, we fail to believe that God is supreme and sufficient.

That is why we need the gospel. Dapat nating matutunan kung paano pag-aaralan ang Bibliya na nakasentro sa gospel at kung paano ito ilalapat sa problema o pangangailangan ng puso natin o ng taong kailangan ang tulong.

Itong tekstong pag-aaralan natin ngayon ay magtuturo sa atin kung bakit good news ang gospel at bakit good news ito para sa atin sa mga sufferings na nararanasan natin. Pag-aaralan din natin kung paano tayo mas magiging deeper into the gospel as we reflect and meditate on Scripture.

Buti na lang we are going verse by verse dito sa 1 Peter. Kung hindi, hindi ko naman pipiliin yung text na ‘to. Hindi gaya ng approach ng ibang pastors. Meron pa ngang isa na ang sabi, “Guys that preach verse-by-verse through books of the Bible (tulad ng ginagawa ko) – that is just cheating (ouch!). It’s cheating because that would be easy (talaga?), first of all. That isn’t how you grow people. No one in the Scripture modeled that. There’s not one example of that.” Hindi easy, it is hard work. Not cheating, it is called being faithful to the whole counsel of God (Acts 20:27). All Scripture is profitable (2 Tim. 3:16). We will grow more kung hindi tayo ang magse-set ng agenda sa preaching, kung hindi “needs” natin ang magiging primary, kundi yung agenda ng Panginoon para sa atin. And that is what we need.

Because in times of sufferings, what we need is more of the gospel not less. Verses 10-12 will tell us why.

Tungkol sa kaligtasang ito masusing nagsiyasat at nagsuri ang mga propetang nagpahayag tungkol sa kaloob na nakalaan sa inyo. Sinuri nila kung kailan at paano ito mangyayari. Ang panahong ito ang tinutukoy ng Espiritu ni Cristo na nasa kanila nang unang ipahayag nito ang hirap na titiisin ni Cristo at ang karangalang tatamuhin niya. Nang kanilang ipahayag ang mga katotohanang ito, ipinaunawa sa kanila ng Diyos na ang ginagawa nila ay para sa inyo, at hindi para sa kanila. Ang mga katotohanang ito’y narinig ninyo ngayon sa mga nangangaral ng Magandang Balita ng Diyos sa kapangyarihan ng Espiritu Santo na isinugo sa kanila mula sa langit. Maging ang mga anghel sa langit ay nanabik na maunawaan ang mga katotohanang ito (MBB).

The gospel of grace in Scripture

Tungkol sa kaligtasang ito…

Yung naunang nine verses, hitik na hitik sa “salvation” terms – our election by the Father, redemption by the Son, and sanctification by the Spirit (vv. 1-2; also Eph. 1:3-14). Great mercy, new birth, living hope, resurrection, inheritance, preservation/perseverance of our faith, praise/glory/honor, revelation of Jesus Christ, outcome of our faith is our salvation (vv. 3-9). This is great salvation, not cheap. Wala nang mas mahalaga pa kesa sa salvation na ‘to. In times of suffering, nangingibabaw ang laki ng nawala sa atin o laki ng halaga ng di mapasaatin, o halaga ng taong nawala sa atin o hindi mapasaatin. We forget how great and precious what we already have or possess.

At kung gospel of our salvation ang pag-uusapan, minsan akala natin sa New Testament lang ‘yan. Kaya madalas neglected ang Old Testament, as if outdated na. Pero ang good news, nasa OT din. ‘Yan naman ang unifying theme ng buong Scripture.

…masusing nagsiyasat at nagsuri ang mga propeta…

“The prophets…searched and inquired carefully” (ESV). “Pinagsikapang saliksikin” (ASD). Ang OT hindi lang history, law, poetry, prophecy about Israel. Ito ay tungkol sa Diyos, siya ang Bida, at tungkol sa kasaysayan ng kanyang pagliligtas sa atin. Hindi ito tungkol sa history, science, arts, politics, etc. The subject is redemptive history. Ito ang pinag-aralan, sinaliksik, at isinulat ng mga propeta. Wala nang ibang subject na deserving ng ating matiyagang pag-aaral. Hindi rin naman ito tungkol lang sa mga future events, yun kasi ang karaniwang tingin natin sa prophecy. Na yung mga prophets ay parang mga manghuhula. It is about God’s revelation – of himself, his purposes, his plans, his promises for a sinful and suffering world. What subject is greater than that and more deserving of our study? Wala na!

Yung iba naman, aral nga nang aral, pero parang naghahanap lang ng mga principles for living, how to be prosperous or successful, o kung ano ang mga dapat gawin para maging maayos ang buhay. Tungkol saan ba ang ipinapahayag ng mga propetang ito?

…ang mga propetang nagpahayag tungkol sa kaloob na nakalaan sa inyo…

“Tungkol sa kaloob na ito ng Diyos sa atin” (ASD). “…who prophesied about the grace that is to be yours” (ESV). Grace, charis. Pag grace pinag-uusapan, kala natin sa NT lang. Sa OT, law, judgment, wrath of God. Yes, the prophets rebuked God’s people for their covenant unfaithfulness and God’s punishment as a result of that. Pero hitik na hitik ito sa good news of God’s grace. Yun naman kasi yung goal. To bring God’s people to repentance. The prophets talked about God’s undeserved kindness toward us sinners. Karaniwan pag may suffering, sasabihin natin, “I don’t deserve this.” . Although siyempre may suffering na di naman dahil sa kasalanan natin. Pero pag grace, o blessing ni God sa atin, nasasabi din ba nating, “I don’t deserve his goodness”? If the prophets are writing about grace, ipinapaalala nito sa atin na ang mensahe ng Bibliya ay hindi primarily about what we must do, but what God has done for us in Christ. In Christ? Yes, lahat ng nasa OT patungo kay Cristo.

Sinuri nila kung kailan at paano ito mangyayari. “Inquiring what person or time” (ESV). Yung grace dito hindi lang basta common o general kind of grace o yung mga benefits na tinatanggap ng lahat ng tao. Grace here refers to saving grace na hindi pa fully naexperience sa OT. May mga patterns or shadows lang. Like Exodus, Tabernacle, sacrifices/offerings, rest sa promised land, victory over enemies, agricultural prosperity. Yung promise ni God kay Abraham na “I will bless you, all nations will be blessed through you” ang fulfillment nun ay yung redemptive blessing (salvation) na natupad dahil kay Cristo. So the OT prepares God’s people for that grace we are to receive in Christ. He “has blessed us in Christ with every spiritual blessing in the heavenly places” (Eph. 1:3).

The prophets didn’t fully understand what they were writing. Hindi ibig sabihing mindless sila habang nagsusulat. Sino kaya itong Messiah/Son of David? Kailan kaya ito mangyayari? They don’t know. Paano nila nalaman kung ano ang isusulat nila? Saan nanggaling ang mga ito? Sarili lang ba nila itong ideya o kuru-kuro?

Ang panahong ito ang tinutukoy ng Espiritu ni Cristo na nasa kanila…

The Holy Spirit! “The Spirit of Christ in them was indicating…” (ESV). Ang Espiritu ang nagpakita, nagpahayag sa kanila kung ano ang isusulat. “No  prophecy of Scripture comes from someone’s own interpretation. For no prophecy was ever produced by the will of man,but men spoke from God as they were carried along by the Holy Spirit (2 Pet. 1:20). Yung Holy Spirit dito tinawag na “of Christ.” Reminding us of the role of the Spirit to reveal Christ, to put the spotlight on Christ. Isinulat ang Bibliya sa pamamagitan ng Espiritu para ipahayag si Cristo na ating Tagapagligtas. Paano tayo naligtas?

…nang unang ipahayag nito ang hirap na titiisin ni Cristo at ang karangalang tatamuhin niya…

Naligtas tayo sa pamamagitan ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus. Kailangang ang Cristo ay dumanas ng paghihirap para sa atin. Gusto natin shortcut to glory. But suffering is necessary for Christ to save us, and necessary for us disciples for the Spirit to sanctify us (v. 6). Ang damit para kina Adan at Eba, ang pag-aalay kay Isaac, ang passover lamb, the crossing of the Red Sea, the Day of Atonement, the priest, the sacrifice, lahat nagtuturo kay Cristo at sa kanyang ginawa para sa atin. The gospel is good news about Jesus. The gospel is good news for us sinners and sufferers who need Jesus.

Good news for you

Nang kanilang ipahayag ang mga katotohanang ito, ipinaunawa sa kanila ng Diyos na ang ginagawa nila ay para sa inyo, at hindi para sa kanila.

“It was revealed to them that they were serving not themselves but you” (v. 1:12 ESV). “Para sa ikabubuti” (ASD). Yung “serving” galing sa diakoneo, paglilingkod para maibigay kung ano ang kailangan. The OT, and all of Scripture, is not just for Israel, or early believers. But also for us even now. What we ultimately need in times of suffering is not to have our problems solved, our broken relationships fixed, but the gospel. Not solutions offered by psychiatrist, or doctor, or financial advisor, but the gospel written in all the pages of Scripture, spoken to us by the Spirit, or through a pastor, friend, or counselor.

Ang mga katotohanang ito’y narinig ninyo ngayon sa mga nangangaral ng Magandang Balita ng Diyos. “In the things that have now been announced to you through those who preached the good news to  you.” Ipinahayag, ipinakita nang malinaw. Yung “those who preached the good news” galing sa evangelizo, where we get the word evangelize. Akala naman natin para sa mga unbelievers lang ‘yan. But when we preach the gospel to ourselves through this Scripture, we evangelize yung mga unevangelized territories sa heart natin (to use the words of one author). When we remind our fight club of the gospel, we evangelize them. When I preach the gospel to you now, I evangelize. Evangelism is as much for Christians as it is for non-Christians. The gospel is for all. For those who suffer, for those who are comfortable. For the rich, for the poor. For the married and the single. For the sinner and for those who think they are righteous.

…sa kapangyarihan ng Espiritu Santo na isinugo sa kanila mula sa langit.

Paano nagiging malinaw ang pagpapahayag ng gospel o ang pag-aaral natin ng gospel from Scripture? “By the Holy Spirit sent from heaven” (ESV). Ang Bibliya ay salitang galing sa Diyos. Mauunawaan at maipapahayag lang ‘yan sa pamamagitan ng Diyos. Siya ang magbubukas ng mata natin para makita si Jesus. Siya ang hihipo sa puso natin para masabik tayong makita si Jesus. Tulad ng mga anghel: “Maging ang mga anghel sa langit ay nanabik na maunawaan ang mga katotohanang ito.” Gagawa ang Diyos para makita natin ang ningning ng kagandahan ni Jesus sa Bibliya. May gagawin din tayo para basahin at unawaing mabuti ang Bibliya.

How to Read the Bible

Heto ang summary ng “Ten Strategies for First-Rate Reading” na isinulat ni Howard Hendricks sa Living by the Book, pp. 75-130. Akma naman itong application sa pinag-aralan natin ngayon.

  1. Read thoughtfully (nag-iisip mabuti). Huwag iwanan ang isip sa eskuwelahan. Dalhin sa pagbabasa ng Bibliya. Nakikipag-usap ang Diyos sa iyo. Hindi ito newspapers o sports features o Facebook status. Kung ano ang sinasabi ng Diyos napakahalaga. Pag-isipan mong mabuti. Hindi pwedeng mabilisan, isang pasada lang; dapat dahan-dahan, at paulit-ulit.
  2. Read repeatedly (paulit-ulit). Kahit nabasa mo na, basahin mo ulit. Akala ko nung isang araw, pinag-aaralan yung passage na pinreach ko sa last Sunday, akala ko alam ko na. Pero nung nagsimula nang magshare sa group, meron pa akong mga natutunan at nalinawan. Hindi naluluma ang Salita ng Diyos, hindi nagagasgas. Simulan mo sa simula hanggang sa katapusan. Sa English o Tagalog, basahin mo nang malakas. Basta ulit-ulitin mo. Wag kang magsasawa, hanggang mas maintindihan mo pa. Kailangan ang tiyaga.
  3. Read patiently (matiyaga). Kapag may tiyaga, may nilaga. Nabasa mo yung Leviticus o Nahum isang beses lang tapos umayaw ka na kasi di mo naintindihan. Kailangang paglaanan mo nang mas mahabang oras, huwag tatlong minuto lang tapos na! Hindi pabilisan. This is about relationship with God. It takes time para mas makilala natin ang asawa natin, it takes time din para mas makilala natin ang Diyos through his Word.
  4. Read inquisitively (nagtatanong, Howard: selectively). Matuto kang magtanong. The Bible can handle your questions! Sino? Ano? Saan? Kailan? Bakit? Para saan? Then look for answers doon mismo sa text, or sa book, or sa buong Bible. Hindi yung opinyon mo lang, o sinabi ni pastor, o nabasa sa FB. Kung di mo masagot, baka mali ang tanong, o kaya baka nakadepende ka sa sarili mong karunungan? So…
  5. Read prayerfully (nananalangin). Hindi pwedeng paghiwalayin ang Bible reading at prayer. Yung Psalm 119 tungkol sa Scripture. Pero kailangan natin ang prayer sa v. 18, “Open my eyes, that I may behold wondrous things out of your law.” Turuan mo ako, Lord. Magpakilala ka. Ipaunawa mo ito sa akin.
  6. Read imaginatively (may imahinasyon). Hindi boring ang Bible reading. Akala mo kasi mga letra lang ‘yan, tapos sasabihin mo hindi ka mahilig magbasa. Use your imagination. Merong kuwento ‘yan. Merong aksyon. Merong larawan. Ilagay mo ang sarili mo sa kuwento. Try to picture what is happening. Use your imagination to let the Scripture come alive.
  7. Read meditatively (nagbubulay). Magreflect. God is speaking to you. Naririnig mo ba ang sinasabi niya sa iyo? As you study, pray back to God yung mga words na naririnig mong sinasabi niya. Think about God. Think about your heart condition. Think about what God is trying to tell you.
  8. Read purposefully (may layunin). Don’t read para masabi mo sa sarili mong nagbasa ka lang, nacheck mo yung Bible reading plan. Kapaki-pakinabang ang Salita ng Diyos (2 Tim. 3:16-17). Para saan? May itinuturo (teaching) tungkol sa Diyos. May sinasaway (rebuking) sa kundisyon ng puso natin. May itinutuwid (correcting) sa pamamagitan ng mabuting balita ni Cristo at may sinasanay (training) sa buhay na dapat nating lakaran through the transforming power of the Spirit. Tingnan mong mabuti yung grammar, yung sentence structure, yung purpose ng author bakit niya sinulat yung passage na binasa mo.
  9. Read acquisitively (para mabusog). Parang pagkain. Kumakain ka hindi lang para kumain. Kundi para mabusog. Ang salita ng Diyos ay tinapay, inumin, na kailangan natin. Bigay ng Diyos yan. Tanggapin mong para iyo. Claim it as yours. Oo, sinulat para sa mga Israelita or for the early church, but because of Jesus, na siyang fulfillment at subject ng lahat ng nakasulat sa Bibliya, para rin sa atin. Kaya mahalaga ang big picture.
  10. Read telescopically (may pagtanaw sa kabuuan ng Bibliya). Read the Bible, every part of the Bible, in light of the whole Story. Hindi ‘yan magkakahiwalay. Every part is related to the whole. Ano ang kinalaman ng passage na ‘yan sa progreso ng redemptive history?

Diyan sa sampung ‘yan, I will add another. And I believe it is the most important: Read Christocentrically. Because everything points to Jesus. The Bible is not about us. It’s about Jesus and our relationship with him and how it affects everything in our life. Yun ang ibig sabihin ng gospel-centered Bible reading.

An Example from Nahum

Halimbawa, nung isang araw nasa Nahum yung Bible reading ko (san yun?). Gamit ko yung Read Scripture Bible reading plan. Mahalaga kasi may plano ka o strategy for reading the whole Bible. Hindi pasundut-sundot lang. So, binasa ko yung buong Nahum, three chapters lang naman. Sino nagsulat? Si prophet Nahum. Kanino isinulat? Sa Nineveh. Remember yung story sa Jonah, nagrepent ang Nineveh, pero short-lived lang. Kasi dito, parusa ng Diyos ang naghihintay na sa kanila.

Then nagfocus ako sa chapter 1. Simula pa lang, puro tungkol sa galit ng Diyos, at ang parusa niya sa kasalanan ng tao. Verse 6, “Sino ang makakatagal sa matinding galit ng Panginoon? Kapag siya ay nagalit, para siyang bumubuga ng apoy, at ang mga bato ay nabibiyak sa harap niya” (ASD). Hindi boring ‘yan. Try to imagine. Isipin nyo kayo yung taga-Nineveh. Ito ang mangyayari sa inyo. Ano ang purpose nito? Para makita nila, para makita rin ng mga Israelita, para makita rin natin na ito ang tindi parusa ng Diyos sa tindi ng pagkakasala natin sa kanya.

But here’s the good news…”Ang Panginoon ay mabuti; matibay siyang kanlungan sa oras ng kagipitan, at inaalagaan niya ang nananalig sa kanya” (v. 7). Ano ang patunay nun? Jesus! Siya lang ang mabuti. Walang kasalanan. Pero sa krus, inako niya ang matinding galit ng Diyos na dapat tayo ang magdusa. Siya ang nagbayad para sa ating mga kasalanan. Ang apoy ng galit ng Diyos ang pumatay sa kanya. Para ano? Para maranasan natin ang kabutihan ng Diyos. Para sa oras ng kagipitan, makalapit tayo sa Diyos. Para buong buhay natin maranasan natin ang pag-aalaga ng Diyos sa mga taong nananalig kay Cristo.

This Scripture takes my heart deeper into the gospel, deeper in repentance, deeper in faith. Ito ang laman ng prayer ko sa Panginoon. Ito ang pagbubulayan ko rin sa buong araw. At ‘yan ang kailangan natin sa araw-araw.

Longing to Look at the Book

Kaya naman, no wonder, ang ending ng passage natin ay ito: Maging ang mga anghel sa langit ay nanabik na maunawaan ang mga katotohanang ito. Sabik na sabik. Naglalaway. Ang masilayan at maranasan ang kabutihan at biyaya na nakay Cristo ang inaasam nila. Alam nila yun. Kilala nila ang Anak ng Diyos from eternity past. Pero hindi nila naranasan ang biyaya na naranasan natin. Bakit sila nasasabik? Bakit tayo dapat masabik rin sa gospel? Sabi ni Martyn Lloyd-Jones, “This is the most interesting, the most thrilling, the most absorbing subject in the universe.”

Sabi ni Jared Wilson (Gospel Wakefulness, p. 203), the gospel is fascinating, eternally interesting, thrilling. Simple, pero kumplikado. Parang diyamante, isang nagniningning na kayamanan na merong milyong nagliliwanag na anggulo, bawat anggulo ay nagtuturo at nagbibigay-liwanag sa kagandahan ni Cristo. Si Jesus lang ang magbibigay kahulugan sa kasiraan ng mundong ito. Siya lang ang nagbibigay ng meaning and fulfillment sa lahat ng sufferings natin. Siya ang sagot sa dalangin natin para sa hustisya. Siya lang ang gagapi sa lahat ng kasamaan. Siya lang ang tanging pag-asa para sa kaligtasan. Siya lang ang sasapat para tugunan ang puwang sa puso ng bawat tao. He is the perfect God. The perfect Man. The true and better all of us. He is the true light of the world. He is the risen King, the exalted Lord. He is before all things and in him all things come together. All things were made through him and for him, that he might be preeminent to them and supreme over them. He is the radiance of God’s glory. One day we won’t need the sun, because he will be the lamp of the new heavens and the new earth. Why in the world do we fix our eyes on anything but him?

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.