Sola Scriptura Part 1 – The Authority of the Bible

Five Solas sermon seriesStarting today until December, ang bagong series natin ay entitled Five Solas. Doctrinal at theological ang series na ‘to. Bakit kailangan? Bakit ganyan kahaba? Bakit hindi mas practical na series about family, money, work, relationships, etc? Tanggalin na natin yung maling kaisipan na kapag doctrinal hindi practical. Sobrang practical pa nga. Bakit? Ang problema kasi natin ngayon “worldiness” – ang buhay natin, pati na rin ang approach natin sa ministry sa church nagiging katulad ng sistema ng mundo.

Listen on YouTube  |  Download mp3

Fives Solas: Practical Doctrines

Tulad halimbawa ng secularism. Na parang bang ang buhay at mga bagay dito sa mundo ang pinakamahalaga. Ang iba nga di na naniniwala sa after-life o sa espirituwal. Kapag nagiging materialistic tayo at iniisip na ang kasiyahan natin ay nakadepende sa dami at kalse ng possessions na meron tayo, nalilihis tayo sa turo ng Bibliya. We need to recover a radically God-centered biblical worldview.

O kaya pragmatism. Kung ano ang nagwowork, kung ano ang nagbibigay ng results, yun ang sasang-ayunan. Pero hindi ibig sabihin na may practical results, sang-ayon na sa kalooban ng Diyos. Kung nag-asawa ka ng non-Christian at mukhang masaya kayo ngayon, God’s will na ba yun? Kung may isang method or system ng church growth at dumadami ang bilang ng attendance sa church, it doesn’t necessarily mean na that church is walking in line with God’s pattern for his church.

Karaniwan din sa mga Filipino ngayon yung relativism. Ito ang pinaniniwalaan kong totoo, maaaring iba sa iyo. Pero pare-pareho naman yan. Truth cannot be relative. Ang one plus one equals two, hindi eleven! Pag may dumating kang Meralco bill na halagang 3,000 pesos, hindi pwedeng 300 lang ang bayaran mo kasi ang paniwala mo 300 lang. Paano pa kung mga espirituwal na bagay ang pinag-uusapan?

“Don’t copy the behavior and customs of this world, but let God transform you into a new person by changing the way you think…” (Rom. 12:2 NLT). Kailangang magbago ang isip natin. Kailangan ang tamang doktrina. “…Then you will learn to know God’s will for you, which is good and pleasing and perfect.” Kung tama ang doktrina at yun ang pinaniniwalaan, ang buhay ay masasang-ayon sa kalooban ng Diyos. Now tell me if doctrinal doesn’t mean practical?

Fives Solas: Historical Doctrines

Ang hindi lumingon sa pinanggalingan hindi makakarating sa paroroonan. Masyado tayong nagiging focused sa concerns sa buhay-buhay ngayon, we forget history. Marami sa mga Filipinos ngayon ay Roman Catholics, yan naman ang pananampalatayang dala-dala nila Magellan noong 1521. Pero alam n’yo ba ang dahilan kung bakit hindi tayo Roman Catholics? Kasi around that time also, simula noong Oct. 31, 1517, nang ipaskil ng German priest na si Martin Luther ang kanyang “95 Theses” sa gate ng chapel sa Wittenberg, Germany, pumutok ang Protestant Reformation. Itong “Theses” ang nagsilbing protesta laban sa mga maling katuruan ng Roman Catholic Church. Tulad ng source of authority na Scripture plus Church Tradition, tulad ng salvation na faith plus works, God’s grace plus human merit, Christ plus Mary and the saints. Ang resulta, God does not get the whole glory. 500 years na ang nakakaraan simula noon, and not much has changed in Roman Catholicism today.

What is at stake is the gospel. The story of the Protestant Reformation is a recovery of the gospel. At yung gospel na ito ay summarized in the five solas of the reformation. Ang salitang sola ay Latin for alone. In clear contrast sa plus-and doctrines ng Catholic Church. At the heart of the gospel is the doctrine of justification by grace alone (sola gratia) through faith alone (sola fide) in Christ alone (solus Christus). Saan galing yan? By what authority ang basis natin ng doktrinang iyan? From Scripture alone (sola Scriptura). Para saan ang lahat ng iyan? For the glory of God alone (soli Deo gloria). Iisa-isahin natin ‘yan sa series natin.

I don’t intend this sermon as a polemic against Roman Catholics. Pero kung gamitin ng Diyos ito para makumbinsi ang mga Roman Catholics tungkol sa mga maling katuruan ng Simbahan at maliwanagan sa biblikal na katuruan, praise be to him. But I will address mainly us who call ourselves Evangelicals. Hindi na Protestante ang tawag sa atin. Ang isyu kasi dati ay doctrinal. Pero ngayon, iba na. Galing pa naman ang Evangelical sa salitang evangel o gospel. Pero ang evangelicals ngayon mas kilala sa style, sa methodologies, sa mga megachurches, sa mga celebrity pastors. “Evangelicals used to be defined by their theology. But today they are increasingly defined by their style” (James Boice).

We may affirm the five solas doctrinally, but deviate from the five solas practically. Sinasabi nating Christ alone pero bakit maraming preachers bihirang banggitin si Cristo sa kanilang pangangaral at nangingibabaw ang mga life principles or how to be successful sa preaching nila? Sinasabi nating grace alone pero bakit kung anu-anong gimmick ang naiisip natin para madala ang mga tao sa simbahan? Sinasabi nating faith alone pero bakit itinuturo ng marami na ang pabor ng Diyos ay dumadaloy dahil sa ating pagsunod at mga pagsisikap? Sinasabi nating soli Deo gloria pero bakit mas sumisikat pa ang pangalan ng pastor o simbahan o ang “effective church growth system” kaysa sa pangalan ng Diyos?

Five Solas: Biblical Doctrines

The five solas are practical. They are historical. But more importantly, they are biblical. Kailangan natin ng rediscovery of the gospel today in our churches. We need a modern reformation. Kailangan natin ng mga leaders na tulad nina Martin Luther at iba pang Reformers na magkaroon ng boldness and courage to speak for the truth in these times. Pero hindi mangyayari yun if we have a low view of Scripture. We need to recover a high view of Scripture. Kaya ngayong August focus muna tayo sa Sola Scriptura. Ito ang tinatawag na formal principle ng Reformation, dahil ito ang ugat ng lahat, dito nakasalalay ang iba pang doktrina. At sisimulan natin kung anong klaseng authority meron itong Bibliya. Next two weeks ang pag-uusapan natin ay ang clarity (malinaw) at sufficiency (sapat) of Scriptures.

Ano ang ibig sabihin ng authority of Scripture? Ayon sa theologian na si Wayne Grudem, “Lahat ng mga salita sa Bibliya ay mga salita ng Diyos, kaya kung hindi mo pinaniniwalaan o sinusunod ang anumang salita dito ay hindi mo na rin pinaniniwalaan o sinusunod ang Diyos mismo” (Systematic Theology, p. 73). Ayon naman kay Millard Erickson, “Ang Bibliya, bilang kapahayagan ng kalooban ng Diyos sa atin, ang nagtataglay ng natatangi at nangingibabaw na karapatan at kapangyarihang sabihin sa atin kung ano ang dapat nating paniwalaan at kung paano tayo dapat mamuhay” (Christian Theology, 2nd ed., p. 267). “Dahil ito ang nagdadala ng mensahe ng Diyos, ang bigat ng mensahe nito ay tulad na rin ng kung ang Diyos mismo ang personal na nagsasalita sa atin” (p. 271). Ito ang totoong Salita ng Diyos. Ito ang dapat nating paniwalaan at sundin.

Mahalagang bigyang-diin ito dahil mula sa panahon ni Martin Luther hanggang ngayon pa rin, pantay ang tingin nila sa authority ng Scripture at church tradition. “Both Scripture and Tradition must be accepted and honored with equal sentiments of devotion and reverence” (Catechism of the Catholic Church, II.82).

Para kay Luther, obvious na hindi pwedeng pantay ang tingin natin diyan. Nang humarap siya sa konseho ng mga church leaders para depensahan ang kanyang mga katuruan, sabi niya, “Wala akong tiwala sa pope o anumang church councils, dahil alam na alam naman ng marami na madalas na silang nagkamali at nagkakontrahan ng katuruan.” A hundred years later, mas pinagtibay ng mga Protestante ang sola Scriptura laban sa maling katuruan ng Catholic Church, nakasaad ito sa Westminster Confession of Faith ng 1646, “Ang pinakamataas na hukuman sa anumang usaping panrelihiyon ay ang Banal na Espiritu na nagsasalita sa pamamagitan ng nakasulat sa Bibliya. Anumang pasya, opinyon o katuruan ng sinumang tao ay dapat na siyasatin at sukatin ayon sa katuruan ng Bibliya.”

Pero kung si Luther lang o ang Westminster Confession ang pagbabatayan natin nito, hindi tama. We believe them dahil yun naman ang testimony ng Scriptures.

Authority of Scripture

Balikan natin yung definition ni Wayne Grudem, “Lahat ng mga salita sa Bibliya ay mga salita ng Diyos, kaya kung hindi mo pinaniniwalaan o sinusunod ang anumang salita dito ay hindi mo na rin pinaniniwalaan o sinusunod ang Diyos mismo.” Tatlong bahagi ang paliwanag nito.

1. Ang Bibliya ang Salita ng Diyos.

Sa Old Testament, ilang daang beses ginagamit ng mga propeta o mga mensaherong ipinadala ng Diyos ang mga salitang, “Thus says the Lord…” This is to indicate na yung sasabihin nila ay hindi sarili nilang salita kundi salitang galing sa Diyos. Therefore, their authority is from God. Sabi niya tungkol sa isang propetang ipapadala niya sa mga Israelita na katulad ni Moises (ultimately fulfilled in Jesus, Heb. 1:1-2), “I will put my words in his mouth, and he shall speak to them all that I command him” (Deut. 18:18). At kung hindi siya papakinggan, ano ang consequences? “Parurusahan ko ang sinumang hindi makikinig sa aking mga salita na sinasabi ng propeta na ito sa pamamagitan ng aking pangalan” (v. 19 ASD).

Ang mga salitang ito ay nakapreserved sa atin through the written Scriptures. At ito rin ay maituturing natin na salita mismo ng Diyos. Bagamat may mga nakasulat siyempre na sinabi ng tao, kumpiyansa tayo na lahat ay may mensaheng galing sa Diyos. Sabi ni Pablo kay Timoteo, about the Scripture na siyang basis ng authority niya for preaching the Word (2 Tim. 4:2), “All Scripture is breathed out by God” (3:16). Sa NIV, “God-breathed.” Hiningahan ng Diyos, kinasihan ng Diyos, galing sa Diyos. Bagamat ang original na tinutukoy niyang Scripture dito ay Old Testament Scripture, by implication kasali na rin ang New Testament Scripture. Maging si Pedro kinilala ang mga sulat ni Pablo na on the same level as Old Testament Scripture (2 Pet. 3:16).

Nang sumulat si Moises, si David, si Matthew, si Paul at si Peter ayon sa prophetic or apostolic authority na galing sa Diyos, under the direction (not dictation) of the Holy Spirit, naisulat ang lahat ng nais ng Diyos na isulat para sa atin. “Higit sa lahat, dapat ninyong tandaan na ang lahat ng isinulat ng mga propeta sa Kasulatan ay hindi ayon sa sarili nilang interpretasyon. Sapagkat hindi galing sa sarili nilang kalooban ang mga ipinangaral nila kundi sa Banal na Espiritu na nag-udyok sa kanila upang sabihin ang salita ng Dios” (2 Pedro 1:20-21 ASD).

Pinaniniwalaan natin na lahat ng nakasulat sa Bibliya ay Salita ng Diyos, “all Scripture.” Kaya kung sinasabi nating sola Scriptura, we also confess tota Scriptura. Merong mga taong hindi naniniwala na ang Bibliya ay salita ng Diyos. Buti nga ang mga Katoliko naniniwala na ang Bibliya ay Salita ng Diyos. Pero may makakausap tayo na hindi naniniwala. O baka ikaw hindi ka pa rin naniniwala. Pwede akong magbigay ng mga proofs or evidences or arguments para maconvince ka. Pero naniniwala akong “makukumbinsi lang tayo at makatitiyak na ang Bibliya ay di nagkakamaling katotohanan at may awtoridad galing sa Diyos sa pamamagitan ng gawa ng Banal na Espiritu na nagpapatotoo sa Salita ng Diyos sa mga puso natin” (Westminster Confession of Faith, chap. 1, par 5).

Kung ang Bibliya ay Salita ng Diyos, it follows na…

2. Ang Bibliya ay purong katotohanan (walang mali, hindi nagkakamali) dahil ang Diyos ay Diyos ng Katotohanan.

Ang Diyos ay kailanma’y hindi nagsisinungaling (Tit. 1:2). Hindi siya tulad ng tao na sinungaling at pabagu-bago ng isip (Num. 23:19). Kapag sinabi niya yun ang totoo. Kapag nangako siya tutuparin niya. “You are God, and your words are true…” (2 Sam. 7:28). Puro ang salita ng Diyos, walang halong dumi o mantsa o anumang kapintasan. “The words of the Lord are pure words” (Psa. 12:6). Kapag nagbabasa ka ng diyaryo, kapag nagbabasa ka ng mga news, di mo sure kung ano ang accurate o ano ang fake. Kung nakikinig ka sa nanliligaw sa iyo, di mo sure kung totoo lahat ng sinasabi niya. But not with the word of God. “Every word of God proves true” (Prov. 30:5). Every word.

Sabi ni Jesus sa prayer niya sa John 17:17, “Sanctify them in the truth, your word is truth.” Hindi niya sinabing “your word is true,” but “your word is truth.” Ayon kay Wayne Grudem, “Dahil gusto niyang sabihin na ang Salita ng Diyos ay hindi lang basta “totoo,” kundi ito mismo ang “katotohanan.” Mahalaga ang pagkakaiba nito. Dahil nagbibigay ito ng encouragement at kumpiyansa sa atin na isiping ang Bibliya ay hindi lang “totoo” na para bang nakaayon ito sa mas mataas na “standard of truth,” kundi tingnan ang Bibliya na siya mismo ang “standard of truth.” Ang Bibliya ay Salita ng Diyos, at ang Salita ng Diyos ang ultimate definition kung ano ang totoo at kung ano ang hindi totoo: God’s Word is itself truth. Tingnan natin dapat ang Bibliya na ultimate standard of truth, ito ang sukatan ng lahat ng nagsasabi kung ano ang katotohanan. Ang mga salita o pahayag na nakaayon sa Bibliya ay “totoo” samantalang ang mga salitang hindi nakaayon sa Bibliya ay hindi totoo. Ano ang katotohanan? Ang katotohanan ay kung ano ang sinasabi ng Diyos, at nasa atin na kung ano ang sinasabi ng Diyos (accurately but not exhaustively) dahil nasa atin ang Bibliya” (Systematic Theology, p. 83).

Paano mo masasabing tama ang ipinapatupad na batas sa bansa natin? Paano mo masasabing tama ang itinuturo ng parents mo? O ng teachers mo? Paano mo masasabing tama ang pinaniniwalaan mo o ang paraan mo ng pamumuhay? Tingnan mo kung ano ang sinasabi ng Bibliya.

3. Ang Bibliya ang ating “final authority” – saligan at batayan ng kung ano ang dapat nating paniwalaan at kung paano tayo dapat mamuhay.

Kung ang Bibliya ay Salita ng Diyos, dapat nating pakinggan at sundin. If we say we are followers of Jesus, we listen and follow his voice through the Scriptures. “My sheep hear my voice, and I know them, and they follow me” (John 10:27).

Pagkatapos mangaral ni Jesus (what we call the Sermon on the Mount, Matthew 5-7), namangha ang mga tao dahil “nangaral siya nang may awtoridad at hindi tulad ng kanilang mga tagapagturo ng Kautusan” (7:28-29 ASD). Hindi lang pagkamangha ang dapat na tugon sa salita ni Cristo, kundi buong-pusong pagtitiwala at pagsunod. Sa dulo ng kanyang Sermon (7:24-27) sinabi niyang kung makikinig ka lang tapos hindi ka susunod, para kang nagtayo ng bahay sa buhanginan. Dumating ang bagyo, hinampas ng hangin, dinagsa ng baha, saka nawasak. But if you obey the word, para kang nagtatayo ng bahay sa matibay na bato. Walang anumang delubyo ang gigiba sa iyo. Your choice, will you build your life on solid ground or on sinking sand? Ganyan kahalaga ang usapin ng authority of Scripture at kung paano tayo dapat magrespond. It is a matter of life and death.

Paano naman ang ibang authorities? May halaga din naman yun. Pag sinabing sola Scriptura, hindi pareho yan ng solo Scriptura. Ayon kay Erickson (p. 284), may positive value naman ang tradition as source of authority. Makakatulong sa atin ang ibang mga leaders para maunawaan ang Bibliya at kung paano ito isasabuhay. Pero anumang isinulat ng tao ay dapat ituring na salita ng tao, hindi kapantay ng Bibliya. Ang authority ng sinuman, whether pope or priest or pastor or any Bible teacher ay nanggagaling sa kanilang katapatan sa paggamit at pagpapaliwanag ng Bibliya. Hindi pwedeng hayaan nating maisantabi ang Bibliya. Kung meron mang tradition, sinauna man o bagong turo ng isang popular teacher, at nakita nating salungat sa Bibliya, dapat nating isantabi yun at hayaang Bibliya ang mangibabaw (James Boice). Yan ang ibig sabihin ng sola Scriptura. Scripture alone is our final authority in matters of faith and practice.

Application

Doctrinally, we Evangelicals affirm the authority of Scripture above church tradition. At sinasabi nating ayon ito sa itinuturo ng Bibliya, hindi tulad ng teachings ng Roman Catholic Church. But practically, maaaring tulad din tayo nila. It is one thing to confess correct doctrines, it is another thing to let it shape the way we live. So, ano ang dapat na response natin?

1. Pagtuunan mo ng pansin ang Salita ng Diyos. How much time do you spend looking at the Book? Sinasabi mong final authority ang Bibliya, pero di mo naman kinokunsulta. Paggising mo, phone agad ang hawag mo to check yung mga notifications o messages from your friends. Do you pay much attention sa pakikinig ng sermon na faithful sa Word of God, kahit sino pa ang preacher, kahit mapahaba pa ang sermon? Kung may absolute authority ang Bible, it commands our attention. Hindi lang basta attention sa pagbabasa at pakikinig, but also all-of-life submission to the Word.

2. Tiyakin mong ang paniniwala at pamumuhay mo ay nakaayon sa Salita ng Diyos. Kung nakikinig ka lang, hindi ka naman naniniwala, hindi ka naman sumusunod, dinadaya mo lang ang sarili mo, ayon sa James 1:22. Minsan may kinausap ako. Itinuro ko sa kanya na ang relasyon na meron siya ngayon ay taliwas sa salita ng Diyos. Tinanong ko siya, “Malinaw ba?” “Opo, pastor,” sagot niya. “Pero mahirap na pong hiwalayan ko siya. Masaya naman po kami. Madadala ko naman po siguro siya sa Panginoon.” If you don’t submit to the Word, you are practically denying the authority of Scripture in your life. Hindi lang naman buhay mo ang under the authority of the Word, kundi lahat ng tao, buong mundo. Authority of Scripture demands widespread proclamation.

3. Maging matapang ka sa pagpapahayag ng Salita ng Diyos. Kahit counter cultural, tulad ng biblical view ng homosexuality. Kahit hindi popular, tulad ng biblical teaching ng creation na hindi itinuturo sa schools, kundi si Charles Darwin pa at ang kanyang evolution ang pinaniniwalaan. Kahit persecution at rejection ang kapalit. Kahit ma-demote sa trabaho, kahit pagtawanan ng kaklase, kahit layuan ng mga kaibigan. We need more courageous men and women who will stand for the truth of God in this world.

Buti na lang naging matapang si Martin Luther na nagsalita laban sa mga maling katuruan ng Simbahan. Paano na kung hindi? Nang kumakalat na yung teachings ni Martin Luther, nung marami nang books niya ang napublish, naglabas na ang pope ng sulat (papal bull) na dinedenounce yung mga writings at teachings ni Luther. Natanggap niya ang sulat, at sa harap ng maraming tao, pinunit niya, defying the authority of Rome.

Ipinatawag siya sa Diet of Worms (assembly ng mga Catholic leaders sa isang bayan sa Germany). Pumunta siya. Binigyan siya ng pagkakataong bawiin (recant) ang mga isinulat at ipinahayag niya against the Church of Rome. Sabi ni Luther, “No!” Sabi niya, “Unless I am convinced by the testimony of the Scriptures or by clear reason (for I do not trust either in the pope or in councils alone, since it is well known that they have often erred and contradicted themselves), I am bound by the Scriptures I have quoted and my conscience is captive to the Word of God. I cannot and I will not recant anything, since it is neither safe nor right to go against conscience. I cannot do otherwise, here I stand, may God help me, Amen.”

“I am bound by the Scriptures…my conscience is captive to the Word of God.” Yan din ba ang sinasabi at ipinapamuhay mo sa loob ng tahanan, sa relasyon sa asawa, sa mga anak, sa trabaho, sa eskuwelahan, sa paghawak ng pera, sa paggamit ng oras, sa pagkain, sa pamimili ng panonoorin, sa pag-iisip, sa relasyon sa opposite sex, sa approach sa ministry sa church, at sa lahat-lahat ng bahagi ng buhay mo?

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.