Christmas and Christlike Humility (Phil. 2:5-11)

le8qlx6Christmas is a test of our faith in Jesus. If you have more, you are happy, you have something to boast about, you feel good about yourself. Masasabi mong “Merry Christmas” to me! Nagsimula akong mag-business ng coffee. Recently may isang bookstore na nag-order nang marami for giveaways. Siyempre masaya ako. Nitong huli naman, merong isang Agri business ang nag-order din sa akin nang mas marami pa. Nadeliver ko na yung first batch sa kanila last December 5, nagbayad ng check, postdated, pero natuwa naman ako kasi malaki ang kinita ko. Merry Christmas to me. Masaya ang Pasko pag maraming natatanggap.

Pero paano kung wala? Paano kung mawalan pa nga? Last December 12, pina-encash ko na yung check. Bounced check pala. Closed account na after a few days. Naloko ako. Bukod sa akin, marami pang ibang suppliers ang naloko. Wala na yung mga kausap namin. Di na mahagilap. Hindi na Merry Christmas to me. Ganoon ang reaksyon ko, ganyan ang reaksyon natin kasi may tendency tayo na ikabit ang kasiyahan natin, ang halaga ng buhay sa kung ano ang meron tayo o kung sino ang meron tayo.

Pero sa pamamagitan nito, ipinapaalala sa akin ng Panginoon na ang kasiyahan ko ay nakakabit sa pakikipag-isa ko kay Cristo. Siya ang meron ako, kaya anuman ang mawala sa akin, tinuturuan ako ng Diyos na maging katulad ni Cristo. Our goal in life, the goal of Christmas, is not to have more. But to be more like Christ, to treasure our relationship with him more. Sabi ni Paul sa sulat niya sa mga taga-Filipos, “Have this mind among yourselves, which is yours in Christ Jesus…” (Phil. 2:5).

Magiging masaya ka, magiging mababa ang loob mo, mas mag-iisip ka para sa kapakanan ng iba at hindi lang sa sariling interes kung ang isip mo ay nakatuon sa relasyon mo kay Cristo. Mayaman ka man o mahirap, sumagana man o nalugi, nagtagumpay man o nabigo, buo man ang pamilya o sira, ang kahulugan ng Pasko ay ang pakikipag-isa mo kay Cristo. Tulad ni Pablo, nakabilanggo siya, nag-iisa na lang, nawala na ang lahat, iniwan pa ng mga dati niyang kasama, pero masaya pa rin siya (1:18), naglilingkod pa rin siya sa iba kasi alam niya nasa kanya na ang lahat dahil nasa kanya si Cristo. Determinado ang Diyos na tanggalin ang mga earthly attachments natin kung kinakailangan para tayo’y maging tulad ni Cristo.

Like Christ in Humbling Himself (2:6-8)

Ibinaba ni Jesus ang kanyang sarili. Verse 8, “nagpakumbaba siya.” Hindi lang ibinaba nang kaunting level, kundi “ibinaba niya nang lubusan ang sarili niya.” Greek, kenosis. ESV, “emptied himself” pero sa earlier versions nito at ng NIV, “made himself nothing.” Jesus is everything. But the message of Christmas, he became nothing for us that we might have everything, that we might have him. Sa paanong paraan siya nagpakababa?

Hindi niya pinanghawakan ang pagiging Dios. “Kahit na nasa kanya ang katangian ng Dios, hindi niya itinuring ang pagiging kapantay ng Dios bilang isang bagay na dapat panghawakan” (2:6 ASD). Nasa kanya ang katangian ng Dios, sa ESV “in the form of God,” sa Greek morphe. Hindi lang siya kamukha o katulad ng Dios. Siya mismo ay Dios. Christmas was not his beginning. He has no beginning. He is the Ancient of Days, he is from of old (Micah 5:2). Sabi niya sa mga Jewish leaders na ikinagulat nila at inakusahan siya ng blasphemy, “Before Abraham was, I am” (John 8:58). He is Creator, powerful, all-knowing, sovereign. Throughout his life on earth he demonstrated that in healing the sick, raising the dead, walking on water, multiplying bread for thousands. Pero di niya pinanghawakan, iniwan niya pansamantala. Hindi naman nawala ang kanyang pagiging Dios. Dios pa rin siya, pero sa kanyang pagiging Dios, idinagdag niya ang pagiging tao. Ito ang tinatawag na incarnation.

Naging tao siya na parang isang alipin. “Sa halip, ibinaba niya nang lubusan ang sarili niya sa pamamagitan ng pag-aanyong alipin. Naging tao siyang tulad natin” (2:7). He humbled himself not by taking his divinity away. Like a manager or owner, you humble yourself not by resigning, but by being with your people. Like a king living among his people, being like them, serving them. Pero yung kay Cristo, higit pa dun. Dios siya. Pinakamataas na yun, wala nang tataas pa. Pero nagpakababa siya. Parang tao na nag-anyong ipis, if you can take that. His humility is seen not by subtracting his deity, but by adding humanity to his person. Bago siya mabuo sa sinapupunan ni Maria sa pamamagitan ng Holy Spirit, he was 100% God from eternity past. Sa kanyang incarnation siya’y 100% God and 100% man. Two natures in one person. And he will remain that way forever. Naging tao siya, pero hindi lang basta tao. Kundi isang parang alipin. Ipinanganak sa sabsaban, lumaki na isang ordinaryong karpintero, walang sariling tahanan, walang kayamanan, hindi itinuring na marangal sa lipunan, kundi kinamuhian pa nga ng matataas na tao sa pulitika at sa relihiyon ng mga Judio.

Sumunod siya sa Diyos sa kanyang kamatayan sa krus. “At sa pagiging tao niya, nagpakumbaba siya at naging masunurin sa Dios hanggang sa kamatayan, maging sa kamatayan sa krus” (2:8). Ang pagsunod ay pagpapakumbaba, pagkilala na ang Dios Ama ay higit na nakatataas sa kanya bagamat pantay sila sa pagiging Dios. Pero ang pagsunod niya ay hindi lang basta pagsunod. Pagsunod hanggang sa kamatayan sa krus. Christmas is not the deepest expression of his humility. The cross is. He experienced the shameful death of a criminal, though he was without sin.

He humbled himself for us. Because we are in Jesus, in whatever position we have right now, we are called to be like him, to be humble like him. Na hindi panghawakan ang posisyon o kayamanang meron tayo, maging tulad ng mga taong pinaglilingkuran natin, at paglingkuran sila kahit di kumportable, kahit sacrificial, kahit maging sariling buhay natin ang kapalit. Like Jesus. Let your Christmas  demonstrate Christlike humility.

Like Christ in God’s Exaltation of Him (2:9-11)

“Ang mga palalo’y kanyang kinasusuklaman, ngunit kinaluluguran niya ang may mababang kalooban” (Kaw. 3:34 MBB). Kung gaano kababa ang kalooban ng Panginoong Jesus, ganoon rin naman kataas ang ipinagkaloob sa kanyang karangalan ng Dios. Paano siya itinaas ng Diyos?

Ibinigay sa kanya ng Dios ang titulong higit sa lahat ng titulo. “Kaya naman itinaas siyang lubos ng Dios at binigyan ng titulong higit sa lahat ng titulo” (2:9). Sa MBB, “pangalang higit sa lahat ng pangalan.” Sa ESV, “the name that is above every name.” Ang pangalang ito ay hindi ang pangalan niyang “Jesus.” Mahalaga yun dahil yun ay nagpapakilala na siya ang tagapagligtas natin mula sa ating mga kasalanan. Ang name dito ay ang “Lord,” o sa Greek ay kurios. Ito ang tawag sa Caesar ng Roman Empire, na itinuturing na may highest authority, parang diyos na nga ang turing sa kanya. Pero para sa mga nagbabasa ng Lumang Tipan, itong pangalang ito ang kapalit ng Yahweh na nakasulat sa English Bible na all caps LORD. Hindi nila binibigkas dahil sa sobrang sagradong pangalan. Si Jesu-Cristo ay hindi lang Yeshua kundi siya mismo ang Yahweh, the highest authority in all the universe, in all creation. Matapos ang kanyang kamatayan, muli siyang nabuhay, at umakyat sa langit, naupo sa kanang kamay ng Dios. Siya ngayon ay nakaupo sa trono as King of kings and Lord of lords. He was no longer that baby in a manger, but the King sitting on the throne of heaven ruling all his creation.

Lahat ay luluhod sa pagsamba sa kanya. “Upang ang lahat ng nasa langit at lupa, at nasa ilalim ng lupa ay luluhod sa pagsamba sa kanya” (2:10). We Christians bow our knees to Jesus. But we still bow our knees to other functional gods/saviors like money and earthly success. One day, kay Jesus lang tayo luluhod, wala nang iba. Tulad ng mga anghel, “lahat ng nasa langit,” 24/7 sa pagluhod, pagsamba at pagpupuri sa kanya. Tayong mga nabubuhay pa, sumasampalataya sa kanya, “lahat ng nasa lupa,” ngayon din ay lumuhod sa kanya, sambahin siya, sundin siya. Pati mga rebeldeng anghel na itinapon mula sa langit tungo sa kalaliman, pati sa lugar ng mga patay, pati mga taong di kumilala sa kanya, “and under the earth,” they will bow down before him in hell. Jesus is Lord of all the earth, and of heaven and hell. What we are doing now on Christmas day is a preview of the worship we will offer Jesus on that day.

Kikilalanin ng lahat na siya’y Panginoon. “At kikilalanin ng lahat na si Jesu-Cristo ang Panginoon, sa ikapupuri ng Dios Ama” (2:11). Lahat, even unbelievers now, one day, makikilala nila si Jesus, aamining siya ang Panginoon. Kaso huli na ang lahat. Habang sila ay pinaparusahan, kikilalanin nilang si Jesus na kanilang Hukom ang Panginoon at Hari, hindi si Satanas. Even Satan will bow his knee and confess that Jesus is Lord. Pero sa araw na yun, huli na ang lahat. Wala nang kaligtasan para sa kanila, kundi walang hanggang kapahamakan sa impiyerno. Kaya kung meron man sa inyo ngayon na mga di tunay na sumasampalataya kay Cristo, nakikiusap ako na kilalanin n’yo siya na Panginoon at Hari at siya ang magliligtas sa inyo. Magsisi ka at amining inagawan mo siya nang trono, nagmataas ka at ikaw ang nasunod sa buhay mo. Ang pagmamataas ang magbabagsak sa iyo. “Pride goes before destruction” (Prov. 16:18). Bow down before King Jesus. Now!

Christmas for the Glory of God (2:11)

Tulad ni Cristo, “Ibinaba niya nang lubusan ang sarili niya…nagpakumbaba siya,” we humble ourselves. Tayo ang magbababa sa sarili natin. Ang Dios ang magtataas. God exalts us in due time. Not in the same status of Jesus of course. Pero may karangalan, may karangyaan, dahil tayo ay nakipag-isa na sa kanya. “Itinaas siyang lubos ng Dios…” Ang nagpapakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas. “Humble yourselves, therefore, under the mighty hand of God so that at the proper time he may exalt you” (1 Peter 5:6).

At ang lahat ng ito ay para “sa ikapupuri ng Dios Ama.” Everything is for his glory. Not for our glory. God sent Jesus for his own glory. Christmas is for the glory of God. Everything about Christmas is meant for his glory, not ours. Kapag marami tayong natanggap ngayong Pasko, wala tayong dapat ipagmalaki dahil lahat naman ay galing sa kanya at para sa kanya. Madali tayong magpasalamat sa kanya at ituring ang sarili natin na “blessed” kung marami tayong natatanggap. Pero kung wala? Kung mawalan pa? Kung mawalan pa ng mahal sa buhay? Lahat pa rin ay para sa karangalan ng Dios. Ipagdiriwang natin ang Pasko at ipapakita sa mga tao na si Jesus ay sapat na para sa atin. And God will be glorified. Everything about Christmas, everything about our life is for his glory. Alam natin yan. Nakakalimutan natin yan. Kaya ipinapaalala ko sa inyo. Kaya ipinapaalala sa akin ng Dios. Kaya nasulat ang Filipos 2:5-11 para ipaalala sa atin. May God alone be glorified today as we all celebrate Christmas day.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.