Ang Pambihirang Siyudad (Jonah 3)

GreenMeron daw isang drug suspect na nakaengkuwentro ang mga pulis. Susuko na raw itong suspect. Binaril pa rin. Patay. Merong isang tindera na nahuling nangungupit ng amo niya. Sabi ng amo sa kanya, “You’re fired! Umuwi ka na sa probinsiya mo.” Meron namang isang lalaki, nahuli ng asawa na may ibang babae. Sabi ng babae, “Lumayas ka na. Maghiwalay na tayo. You don’t deserve me.” Merong isang estudyante, akala ng magulang niya pumapasok siya sa school pero hindi pala. Nalustay lang ang pan-tuition at baon araw-araw. Nadiskubre ng tatay. Sabi ng tatay sa anak, “Hindi na kita ituturing na anak. Lumayas ka na at wag na wag nang tutuntong sa pamamahay na ‘to.”

We live in a world na parang rare ang second chances, para bang “you have one shot, when you blew it, it’s over.” Para bang sa pelikula na lang mapapanood ang mga kuwento na tulad ng “A Second Chance.”

God of Second Chances

Para lang. Dahil ang kuwento ng Bibliya ay totoong kuwento, about our God of second chances. Ang story ni Jonah ay story about the God of second chances. From chapters 1 to 2, nasubaybayan natin kung paanong nagbigay ng utos ang Diyos kay prophet Jonah na magpreach sa Nineveh, kung paanong tinakasan niya ang Diyos, kung paanong nagpadala ang Diyos ng malakas na bagyo habang nasa laot ang barkong sinasakyan ni Jonah, kung paanong ang mga kasama niya sa barko ay natakot at kumilala sa Diyos ni Jonah, kung paanong kumalma ang dagat nang ihagis nila si Jonah sa dagat, kung paanong sumunod ang dambuhalang isda sa utos ng Diyos na lunukin si Jonah at iluwa sa lupa pagkatapos ng tatlong araw, at kung paanong iniligtas ng Diyos si Jonah sa kamatayan na ipinagpasalamat naman niya.

Kung gaano kadeterminado si Jonah na sumuway sa Diyos, mas determinado ang Diyos na habulin siya at iligtas siya at turuang sumunod sa kanya. Meron tayong Diyos na gagawin ang lahat – he has all the resources of his creation at his disposal – para maibalik tayo sa kanya. Ilang beses na tayong pumalpak sa pagsunod sa kanya. Do we deserve second chances? Si Jonah pumalpak din the first time, bibigyan pa kaya siya ng second chance? O yung isda na lang ang papuntahin ng Diyos sa Nineveh at papagsalitain. Sa donkey nga nagawa niya yun! O yung mga tripulante ng barko na may takot at pagsamba sa Diyos ni Jonah. O ibang propeta na lang kaya.

Nagtapos ang chapter 2 sa salaysay kung paanong inutusan ng Diyos ang isda para iluwa si Jonah (v. 10). Buhay pa siya. Parang sinasabi ng Diyos, “Di pa ko tapos sa iyo ha. You don’t deserve a second chance. Pero bibigyan kita. It is called grace.” Let’s see what this grace can do to Jonah and the people of Nineveh.

Ano ang Importante sa Diyos? (3:1-2)

Kapag ang isang mag-asawa, nagkaaway at naghiwalay, di naman mag-uusap na iyan. O kung mag-usap man, paaway. Pero ang Diyos, kahit nilayasan siya ni Jonah, di nakipag-away kay Jonah. Di naman tumigil ng pagsasalita ang Diyos sa kanya. Nagsalita siya sa pamamagitan ng bagyo sa dagat, sa pamamagitan ng kapitan ng barko, ng mga tripulante, ng palabunutan, at ng dambuhalang isda. God speaks all the time. Di nga lang tayo agad nakikinig sa kanya. At iba pa rin kung naririnig mo nang malinaw ang boses niya. It happens when we open the Word and are sensitive to the Spirit.

Dito sa story, yung word ni Lord dumating kay Jonah a second time. Yung word na sinuway na niya, yung word na tinakasan na niya, yung word na proven failure na itong si Jonah. O ayan may second chance siya. He’s not fired and replaced by another prophet. Mabuti ang Panginoon.

Ano’ng sabi sa kanya? Tulad din ng una niyang sinabi, “Puntahan mo ang malaking lungsod ng Nineveh, now na, at mangaral ka laban sa kanila, dahil sukdulan na ang kasamaan nila.” Yan yung sa chapter 1. Dito sa chapter 3, ganun din naman. Pero ang emphasis ay hindi na dun sa kasamaan nila. “Puntahan mo ang malaking lungsod ng Nineveh, now na, at sabihin mo sa mga taga-roon ang mensaheng sinabi ko sa iyo.” Ang emphasis na dito ay ang faithfulness sa salita ng Diyos. Sabihin mo, walang dagdag, walang bawas. Hindi niya pinadali. Hindi niya sinabing, “Ganito na lang, kasi kung ganyan sabihin mo baka pagbabatuhin ka nila.” At yan naman talaga ang duty ng bawat mensahero ng Diyos. Our opinion or ideas don’t matter much. Ang mahalaga ay ang malinaw at matapat na naipapangaral ang salita ng Diyos.

Importante sa Diyos ang salita niya. Di maaaring ipadala ito ng Diyos at bumalik sa kanya na di natutupad ang kanyang layunin (Isa. 55:10-11), tulad ng ulan na bumabagsak mula sa langit at dumidilig sa lupa para tumubo ang halaman at magbunga. Umayaw man noong una si Jonah, determinado ang Diyos na makarating ang salita niya sa Nineveh.

Pwede namang palitan ng Diyos si Jonah. Pero di niya ginawa. Importante sa Diyos ang salita niya. Importante din si Jonah sa Diyos. Kahit nga sumuway na siya. He still loves this disobedient prophet! Kahit na ilang beses na rin tayong sumuway sa Diyos, at minsan ay kumakaripas ng takbo palayo sa kanya, napatunayan din natin ang pag-ibig niyang humahabol sa atin at hahabol sa atin all the days of our life (Psa. 23:6). Your persistent disobedience cannot outrun God’s relentless grace. Siyang lumikha ng iyong mga paa ay higit na mas mabilis tumakbo kaysa sa iyo para habulin ka’t yakapin at maibalik sa kanya.

Importante si Jonah sa Diyos. Importante ding makarating ang salita niya sa Nineveh dahil ang mga tao roon ay importante sa Diyos. Laging description sa Nineveh ay “that great city” (1:2; 3:2). Di naman talaga kalakihan. Mas malaki pa nga ang Baliwag, mas marami pa nga ang tao dito sa atin. Great siguro dahil importante sila politically, o kaya ay economically. Pero sa verse 3, tinawag din itong “malaking lungsod.” Sa ESV, “exceedingly great city.” Pero sa literal, itong exceedingly ay yung salitang elohim na siyang ginagamit din sa “Diyos”. Importante ang Nineveh sa Diyos, kahit na masama sila, kahit na di sila tulad ng mga Israelita na lahing pinili ng Diyos. Lahat ng makasalanang malayo sa Diyos, lahat ng lahi sa buong mundo na hanggang ngayon ay di pa naaabot ng Magandang Balita ni Cristo, lahat sila importante sa Diyos. Importante din ba sila para sa iyo na maabot ng salita ng Diyos? Importante din ba sila para sa church natin na buhusan ng panahon, ng financial resources, ng panalangin, at ng mga ipapadalang misyonero?

God is a God of second chances kasi importante ang salita ng Diyos sa kanya, kasi importante tayo sa kanya, kasi importante rin sa kanya ang mga taong hanggang ngayon ay nagrerebelde sa kanya.

Ang Sermon ni Jonah (3:3-4)

Paano ngayon nagrespond si Jonah sa second chance na bigay ng Diyos? Noong una, tumakas siya agad. Ngayon naman, sumunod na. Pumunta siya agad sa Nineveh. Ang pasaway na propeta naging masunurin din sa wakas. Kaya yang mga pasaway na Christians na kilala mo may chance pa rin yan. Teka, baka ikaw yun?

Pumunta agad si Jonah sa Nineveh. Short-term missions lang ‘to. Three days lang tapos. Ayon sa verse 3, tatlong araw lang kung lalakarin ang buong Nineveh. May dala siyang megaphone, naglalakad, tapos sumisigaw sa bawat bahay, sa palengke, sa mga government offices, sa mga eskuwelahan ng ganito: “Forty days! You’re dead!” Ganyan lang kasimple ang sermon niya sa kanila pero malaman niyan. Sa unang dinig parang he’s announcing what will surely happen, bilang parusa sa kanila ng Panginoon. Pero alam ni Jonah na that’s not the case, kaya nga hesitant siyang pumunta dito noong una (which we will see more clearly sa next chapter). May implied na kundisyon ito. Kung susurrender sila sa Diyos within that 40 day ultimatum, God will withhold his judgment. Pero kung hindi, tiyak na tutupukin silang lahat ng galit ng parusa at hustisya ng Diyos, tulad ng naranasan ng Sodom at Gomorrah (Gen. 19).

Kitang-kita sa mensaheng ito na ang Diyos ay matuwid at makatarungan (righteous/just). Seryoso siya sa kasalanan. May tiyak na kaparusahan, hindi lang baka sakali, sa kasamaan ng tao. Hinding-hindi maaaring palampasin ng Diyos ang kasamaan ng tao, ang barbaric violence ng mga taga-Nineveh. May parusa ang Diyos sa mga drug addicts at pushers, sa mga sexually immoral, sa mga unfaithful, sa religious idolaters, sa mga self-righteous. Sa lahat ng tao.

Pero hindi niya agad-agad pinapatay at pinaparusahan. Kitang-kita ang haba ng pasensiya Diyos. Pwede namang magpaulan siya agad ng apoy para tupukin itong Nineveh. Bakit may warning pa? At pagkatapos ng warning, may 40 days pa? God is patient toward you, not wanting all of you to perish but that all should come to repentance (2 Pet. 3:9). Kaya nga di pa bumabalik ang Panginoon. Kaya nga humihinga ka pa, ikaw na malayo ang puso sa Diyos. Dahil may awa ang Diyos sa iyo. He is a merciful God. Hindi natutuwa ang puso ng Diyos kapag meron mang isang makasalanan ang mamamatay – kahit drug pusher pa siya, kahit drug lord pa siya.

At ang awang ito ng Diyos ay kitang-kita sa gawa ni Jesus sa krus. Lahat ng parusang nararapat sa ating mga makasalanan ay inako niya. Tiyak ang parusa ng Diyos sa mga makasalanan. Ang kaibahan lang, kung ikaw ay nakay Cristo, ang parusa niya sa iyo ay inako ni Cristo. Pero kung gusto mo  na ikaw ang umako ng parusang iyon, nasa iyo yun.

Ito ang mensaheng dala natin sa mga tao. We tell them the good news of Jesus, we warn them of the coming judgment. Ito ang mensaheng dadalin ni ate Judith sa pagpunta niya sa Thailand next month at ng iba pa nating mga misyonero sa lugar na kinaroroonan nila ngayon. Ito ang mensaheng dala ng mga nagtraining ng Story of God, ito ang mensaheng dapat dalin natin sa lahat ng tao.

Ang Tugon ng Nineveh (3:5)

Pero minsan nadidiscouraged tayo kapag wala masyadong bunga, kapag mag-iisang taon na, wala man lang ni isang nagpabaptize at nagrespond sa message natin sa kanila. At discouraging para sa akin kung sa loob ng pitong taon na pagpapastor ko ay di ko nakikita ang bungang ineexpect ko. Minsan iniisip ko, “Bakit di sila nagrerespond? Matitigas talaga ang puso mga taong ito. Mukhang walang pag-asa.” O, “Baka ako may problema? Ano kaya ang dapat kong baguhin?” O, “Lord, bakit parang di ka kumikilos?”  Parang itong mga Israelita, kaya eventually after ilang years nilusob sila ng mga Assyrians bilang parusa ng Diyos kasi kahit ilang prophets na ang nagsalita sa kanila, nagbigay ng warning, di nakikinig (2 Kings 17:13-14).

Discouraging sa ating mga parents kapag ilang beses na tayong nag-uutos sa mga anak, ilang palo na, di pa rin matutong sumunod. Yun kayang mga taga Nineveh ganun din? Imagine kung ikaw si Jonah. Baka pagtawanan lang, “Hahahaha, sino ka?” Pero hindi. Baka pagbabatuhin hanggang mamatay si Jonah at sabihing, “Sino ngayon ang patay?” Pwede namang hintayin nila ang 40th day at magpakasaya pa sa loob ng isang buwan bago seryosohin ang message ni Jonah. Hindi rin. Di pa tapos ang maghapon ng first day of mission ni Jonah, grabe ang response. Buong Nineveh, sabi sa v. 5, daang-libong tao yun, naniwala sa mensahe ng Diyos. Sineryoso ang message ni Jonah. Nagsuot sila ng sako, damit panluksa iyon, they were mourning dahil sa parating na parusa ng Diyos. Nag-ayuno sila, hindi kumain to express na yung spiritual reality ay mas importante sa pagkain nila araw-araw. Grabe ang response nila, mula sa mga pulubi sa kalye hanggang sa kanilang presidente.

Malinaw na hindi ito dahil kay Jonah. Hindi ito dahil sa kanyang less-than-one-minute sermon. Ito ay gawa ng Diyos. Kung paanong nangyari iyan sa Nineveh, pwede ring mangyari kahit saang siyudad. Ang pambihirang nangyaring ito ay gawa ng pambihirang Diyos. Pwede niya ring gawin sa bansa natin. Pwede ring mangyari, at sana nga mangyari, sa daan-daang libong mga drug suspects na sumusuko. Na magkaroon sila ng second chance sa buhay. Na di lang sila sa pulis sumuko, kundi sa Diyos na siyang maylikha sa kanila. Na sila’y sumuko hindi lang dahil sa takot na mapatay, kundi dahil sa pagkatakot sa mas matinding kamatayan sa kamay ng Diyos at kilalaning si Jesus ang kanilang Tagapaglitas.

Mangyayari kung ipagpepray natin. Mangyayari kung di natin tatakasan ang duty natin to preach the gospel sa kanila, kahit sino sila. Ang trabaho natin ay tulad ni Jonah, na magbuhos ng gaas, the fuel of the gospel, kahit saan, kahit kanino. At isang araw – maaaring mabilisan, maaaring matagal, desisyon ng Diyos iyan – ibubuhos ng Diyos ang apoy ng kanyang Espiritu hindi para tupukin ang mga tao, but to send the fires of revival in the hearts of the people na nakarinig ng gospel. At magkakaroon ng tunay na pagbabago.

Maybe mabagal ang resulta, di tulad ng nangyari sa Nineveh, but take heart (I’m also preaching to myself now!). Kasi di ito nakadepende sa husay ng preacher, o sa ganda ng programa, o sa mga gimmicks to attrack a lot of people, o sa dami ng perang pwede nating gastusin, o sa modern technologies. As long as we have a God who is powerful to change the hearts of the people. We look to him. We trust him na alam niya ang kanyang ginagawa. Tulad ng ginagawa niya kay Jonah. Tulad ng ginawa niya sa Nineveh.

Ang Hari ng Nineveh (3:6-9)

Naka one day pa lang siya, dapat 3 days para maabot lahat ng sulok ng Nineveh. Bakit nakarating agad sa lahat at nagrespond kaagad ang mga tao? Sometimes he will an unlikely instrument to spread his word faster. Hindi si Jonah. Kundi ang hari ng Nineveh. Kayang ibaling ng Diyos ang puso ng hari kahit saan niya gusto. God is more powerful than the most powerful man on earth.

Nakasulat sa verses 6-9 kung pano nangyari ‘to. Yung message ni Lord nakarating din sa hari. Maybe not the king of Assyria, pero kahit na, he’s still powerful. Hindi madali para sa hari ang bumaba sa kanyang trono, pero yun ang ginawa niya. Kinilalang ang Diyos ang tunay na hari na dapat nasa trono. Inalis ang balabal niya, nagdamit sako at nagluksa bilang pagpapakita na siya rin ay nagsisisi. Nagpalabas siya ng executive order, effective immediately. Si Jonah kaikli ng sermon, wala ngang call for response kung ano’ng dapat gawin ng mga tao. (Baka gusto niya talagang matupok lang ang mga ito. Tulad ng attitude ng mga tao ngayon sa mga namamatay na drug suspects. No more regard for human life!). Ito pang hari ang nagbigay kung ano ang dapat maging application sa mensahe ni Jonah, verses 7-9:

Ayon sa utos ng hari at ng kanyang mga pinuno, walang sinumang kakain at iinom, kahit ang inyong mga baka, tupa o kambing. Magsuot kayong lahat ng damit na panluksa pati na ang inyong mga hayop, at taimtim na manalangin sa Dios. Talikdan ninyo ang masamang pamumuhay at pagmamalupit. Baka sakaling magbago ang isip ng Dios at mawala ang kanyang galit sa atin at hindi na niya tayo lipulin.

Tama ang response na sinabi niya. Tama na ang response natin sa salita ng Diyos ay pagpapakumbaba, na kilalanin nating siya ang Diyos, tayo ay hindi. Para lang din tayong mga hayop na nilikha ng Diyos, dahil nag-asal hayop tayo sa pagtalikod sa kanya. Tama lang na kilalanin nating tayo’y makasalanan. Tama lang na taimtim na manalangin sa Diyos, to desperately ask for his help. Tama lang na wala na tayong ibang asahan maliban sa kanyang awa.

Dahil kung alam natin kung gaano kabigat ang parusa ng Diyos, di na natin iisiping pagkain sa araw-araw ang pinakaproblema natin, hindi na ang trabaho, hindi na ang relasyon sa ibang tao, hindi na ang kayamanang meron tayo. Our biggest problem is God, the wrath of God. Kaya kung hanggang ngayon, di mo pa kinikilala si Cristo, nakikiusap ako sa iyo! Hangga’t may panahon pa, stop running away from him. Start running to his arms. Siya lang ang makapagliligtas sa iyo.

At kung meron kang kilala na hanggang ngayon ay malayo sa Diyos, imbes na sabihin mo, “Grabe naman sila. Ang sasama!”, why not pray for them? Ipagpray mo ang asawa mo, ipagpray mo ang presidente natin, ang mga pulis, ang mga senador, ang mga drug lords, pray for our nation. Ang pray for the nations. Pagpray mo ang mga Buddhists, ang mga Muslims, ang mga Japanese. Na kilalanin nila ang Diyos, magpakumbaba, magsisi, at kilalanin si Cristo.

Nagbago ang Isip ng Diyos? (3:10)

At kung mangyari iyon sa kanila, how will God respond? Tulad din ng Diyos sa mga Ninevites. Verse 10, “Nakita ng Dios ang kanilang ginawa, kung paano nila tinalikuran ang kanilang masamang pamumuhay. Kaya nagbago ang kanyang isip, at hindi na niya nilipol ang mga taga-Nineve gaya ng kanyang sinabi noon.”

Sasabihin ng ilan, akala ko ba ang Diyos di nagbabago? Bakit nagbago ang isip niya dito? The word “relented” ay pareho din ng “repented” o “turned away from.” Well totoong unchanging ang Diyos. Pero ang sinabi niyang gagawin niya in 40 days sa Nineveh, may implied condition yun. And that’s how God responded every time merong makasalanan ang magbabalik-loob sa kanya. Kaya nga siya God of second chances di ba? And that’s our hope! Paano na lang kung hindi.

Yung iba naman, duda kung totoo nga kayang sumurrender na sila sa Diyos, tulad ng mga tao ngayon na duda kung yun bang mga addicts at pushers ay talagang magbabago. Ayon sa kuwento sa chapter 3, mukhang totoo naman ang response nila. Pero maaari di rin siya nagtagal, dahil sa sumunod na henerasyon nilusob sila ng mga Medes at Babylonians at winasak. Nadelay lang ang parusa sa kanila ng Diyos. At ito rin namang si Jonah, di naman din totoo pa ang transformation o obedience na pinakita niya. Sa chapter 4 makikita natin yan nang malinaw.

Kaya naman ang kuwentong ito ay nagpapahiwatig na merong isang darating na higit pa kay Jonah. Well, kilala n’yo na siya, hindi na secret. Only Jesus can bring real transformation. Real change is coming sa pagdating ng Panginoong Jesus. Dumating na siya. Namuhay na matuwid, pero parang naging masamang kriminal nang ipako sa krus. Nilipol ng galit ng Diyos. Inako ang parusa para sa atin. Nakita ng Diyos ang kanyang gawa, kaya napawi ang lahat ng kanyang galit para sa atin na nagtiwala sa kanya.

Dahil kay Cristo, sa halip na ibuhos sa atin ang kanyang galit, ibinuhos niya ang limpak-limpak na pagpapalang espirtuwal. Para ano? That we might be a blessing to the nations. Para abutin natin ang bawat tao na di pa kilala si Jesus, ang bawat lahi na hanggang ngayon di man lang naririnig ang pangalan ni Jesus. At kapag nangyari iyon, when all nations are reached, the end will come. Christ will return. Every knee will bow to him. The heavens and the earth will be made new. Ginawa niya yan sa siyudad ng Nineveh, gagawin din ng Diyos sa bawat lahi, maging sa Israel na hanggang ngayon ay di kinikilalang Messiah si Jesus. Gagawin niya yan sa kanyang buong creation. He will reconcile all things to himself. As we wait for that, we bring the message of reconciliation to all peoples.

U-Turn

Nag-U-turn si Jonah. Sumuway, pero sumunod na sa Diyos. Nag-U-turn ang Nineveh, namuhay sa kasamaan at karahasan, nagbalik loob na sa Diyos. Nag-U-turn din si Lord. Ang parusang dapat para sa kanila, binawi niya at awa ang ipinakita. Dahil kay Jesus, naranasan din natin iyan. Dapat sana’y galit ng Diyos ang ibuhos niya sa atin, pero pag-ibig niya ang naranasan natin. Para ang pag-ibig ng Diyos ay makarating din sa iba, para sila rin ay mag-U-turn at talikuran ang kanilang idolatry at sa Diyos na lumuhod sa pagsamba. Ang tanong, sa utos ng Diyos for you to go and make disciples of all nations, will you also make a U-turn? Dati binabalewala mo, dati feeling mo di importanteng sundin, susunod ka na ba?

2 Comments

  1. magandang araw po pastor nagpapasalamat po ako sa inyo higit sa lahat sa ating Panginoon napakalaking tulong po ang mga pinadala nyong mensahe malaking tulong po sa akin na busy masyado naway patuloy pa kayong bigyan ng kaalaman ng Dios para marami pa kayong maibahagi na salita ng Panginoon salamat po .God bless p sa inyong Ministry

    2016-08-31 14:07 GMT+08:00 treasuringCHRIST Philippines :

    > Derick Parfan posted: “Meron daw isang drug suspect na nakaengkuwentro ang > mga pulis. Susuko na raw itong suspect. Binaril pa rin. Patay. Merong isang > tindera na nahuling nangungupit ng amo niya. Sabi ng amo sa kanya, “You’re > fired! Umuwi ka na sa probinsiya mo.” Meron namang i” >

    Like

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.