Last Sunday, my hands were trembling as I approach the pulpit. Hindi dahil kinakabahan akong humarap sa inyo. Sanay na ko dyan. Pero dahil I feel the weight and seriousness of speaking in behalf of a holy God. Mas nararamdaman ko na I’m unworthy and undeserving. At the same time, mas lalo akong na-aamaze sa biyaya ng Panginoon. Hindi ko inexpect na ganito ang magiging impact ng Malachi personally sa akin, and I believe, sa church natin. Marami akong reactions na naririnig. Meron sa inyo sabi, “Kahit umilag ako, tinatamaan pa rin ako”; “Malala pala ang kasalanan ko sa Panginoon.” Ang iba naman nagsasabi na concern sila sa mga bago dito sa church baka ma-turnoff sa ganitong klase ng preaching.
Ginagawa ko ‘to kasi naniniwala ako na this is the biblical and God-honoring way to preach. At hindi lang iyon, this is loving and for your transformation.
Listen now
Download
I hope na-experience n’yo habang nakikinig kayo ng Word of God – hindi lang sa sermons, but I hope in your personal Bible reading as well – na mas nakikilala n’yo ang Diyos. The more you realize how holy he is, the more you realize how sinful you are. Hindi dahil lumalala ka, kundi dahil mas nakikilala mo ang tunay na kalagayan nang puso mo apart from the grace of God. At habang nakikita mo kung gaano kalala ang kasalanan mo, mas lumalaki ang pagtingin mo sa gospel – sa ginawa ni Jesus sa krus para sa iyo. That there is no amount of self-effort or performance can get you near a holy God. And the more we appreciate the gospel, the more we grow in Christ-likeness and holiness.
So this kind of preaching is for all of us – para sa mga hindi pa converted para marealize nilang kailangan nila si Jesus, para sa mga new disciples para lumalim ang pagkakilala ninyo sa Diyos at sa sarili n’yo, para sa mga matagal nang Christians na akala natin ay OK na tayo, mature na tayo, na better tayo kesa sa iba.
Covenant Faithfulness
Isang bagay na gagawin sa atin ng book na ito ng Malachi ay ang ipaalala sa atin na walang tayong magagawa sa sarili nating effort to fix our relationship with God and with other people. At kapag relationship ang pinag-uusapan, madalas nababanggit sa book na ito ang salitang “covenant” o tipan/kasunduan. Last week, paulit-ulit na binanggit ang tungkol sa covenant with Levi (2:4, 5, 8) na may kinalaman sa establishment ng priesthood sa Israel. At sa chapter 3 may ipapakilala sa atin na “messenger of the covenant” (3:1).
Dito sa text natin ngayon, may tinutukoy na “covenant of our fathers” (2:10), na tumutukoy sa tipan ng Diyos sa Israel sa pamamagitan ni Moises, kung saan nangako ang Diyos na magiging tapat sa kanila, at dapat din silang maging tapat sa pagsamba sa Diyos at pag-ibig sa isa’t isa. – Sa verse 14 naman ay ang “covenant” of marriage, kung saan ang mag-asawa ay nangako at sumumpang magiging tapat sa isa’t isa habang sila’y nabubuhay.
Kapag covenant ang pinag-uusapan, it’s about relationship and the commitment to be faithful in that relationship. Nang sabihin ng Diyos sa simula ng Malachi na “I have loved you” (1:2), obvious na gustong sabihin ng Diyos na sa simula’t simula pa hanggang ngayon, nanatiling tapat ang Diyos sa pagmamahal sa kanila. So they cannot question his faithfulness. Ibig sabihin, sila ang hindi naging tapat sa obligasyon nila sa covenant. Ang salitang “faithless” (di tapat o taksil) ang paulit-ulit nating mababasa dito. Ibig sabihin, nandaya sila, di naging honest, nanloko, nagtraydor, sumira sa usapan. Limang beses itong binanggit.
- Verse 10, “hindi tayo nagiging tapat (faithless) sa isa’t isa.”
- Verse 11, “Naging taksil (faithless) ang mga taga-Juda.” Anong pagtataksil? Nag-asawa sila ng mga idol-worshipers.
- Sa mga mag-asawa naman, verse 14, “nagtaksil (faithless) kayo sa asawa n’yo.”
- Anong gusto ng Diyos para sa may asawa? Verse 15, “Siguraduhin ninyong huwag kayong magtataksil (faithless) sa babaing pinakasalan ninyo sa inyong kabataan.”
- Verse 16 din, “Siguraduhin ninyong hindi kayo magtataksil sa asawa n’yo.”
Ang problema natin, kapag unfaithfulness ang pinag-uusapan, iniisip nating problema lang nila iyan, o problema lang ng asawa mo iyan, o problema lang iyan mga kasama mo sa church. You are the problem, not just the other person. Kaya nga sabi ng Diyos dito, “Siguraduhin n’yo…” (vv. 15, 16). Sa ESV, “Guard your spirit.” We are prone to wander, we are prone to be unfaithful. Lahat tayo may record ng faithlessness – sa Diyos at sa kapwa natin. We failed to love God with all our heart. We failed to love our neighbor as ourselves.
Faithlessness is a big deal to God. Sa paningin ng Diyos ito ay paglapastangan sa kanya. Verse 10, “Binabalewala natin ang kasunduan ng Dios sa ating mga ninuno.” Verse 11, “Gumawa sila ng kasuklam-suklam…” Verse 14, “Sinira ninyo ang kasunduan na magiging tapat kayo sa kanila.” Verse 16, “Hindi ko gustong maghiwalay ang mag-asawa.” I hate divorce! God will not tolerate our faithlessness.
At wala ka ring magagawa para pagtakpan ito o baguhin ang sarili mo. Hindi mo kayang bayaran ang pagtataksil mo. No amount of worship or involvement in church can cover your faithlessness. Verse 12, “Huwag na sanang ituring na kabilang sa mga mamamayan ng Israel ang mga taong gumagawa nito, pati na ang mga anak nila at mga apo, kahit na maghandog pa siya sa Panginoong Makapangyarihan.” Ibig sabihin, dahil sa pagtataksil mo, you don’t deserve to receive the covenant blessings. Dapat lang na ikaw ay itakwil ng Diyos, parusahan ng Diyos, ipahiya ng Diyos, itapon ng Diyos.
Pero sino ang itinakwil ng Diyos? Sino ang pinarusahan niya? Sino ang ipinahiya niya? Walang iba kundi si Jesus na pinakamamahal niyang Anak, na lubos niya kinalulugdan. That’s the scandal of the gospel. Ginawa ng Diyos para sa iyo. You are fully covered by the blood of Jesus. At kapag itong “good news” na ‘to ay pinaniwalaan mo, hinayaan mong mag-penetrate deeper into your heart, may pagbabago na mangyayari. Pero dapat munang una na makita natin kung ano ang problema sa puso natin at aminin nating nagkasala tayo. Dapat nating maunawaan at tanggapin kung bakit bad news ang bad news, saka pa lang natin maaappreciate kung bakit good news ang good news.
Faithlessness with One Another (v. 10)
Tatlong uri ng pagiging faithless ang binanggit dito. Ang una ay ang kanilang faithlessness sa isa’t isa. Verse 10, “Hindi ba’t iisa ang ating ama? At iisang Dios ang lumalang sa atin? Bakit hindi tayo nagiging tapat sa isa’t isa? Kung ganoon, binabalewala natin ang kasunduan ng Dios sa ating mga ninuno.” Ang problema? Hindi sila naging tapat sa isa’t isa. Bahagi ng covenant ay ang mahalin ang kapwa, tulungan ang mga nangangailangan, tuparin ang mga usapan. Pero naging unfaithful sila.
Naging unfaithful din tayo sa isa’t isa. Sa paanong paraan? Kapag may conflict tayo sa kasama natin sa church, sa halip na sabihin sa kanya nang diretso, sinasabi natin sa iba, sinusumbong sa pastor, o lumilipat na lang ng ibang church. May usapan kayo na magkikita at mag-uusap nang ganitong oras, pero isang oras kang late. Di mo pinahalagahan ang usapan n’yo, ang oras ng kausap mo. May pangako ka sa inutangan mo na sa isang linggo babayaran mo, pero di mo tinupad. We made a covenant that we will take care of each other, pero nang may nakita kang hindi maganda sa iba, di ka na rin nagpakita sa church.
Hindi lang ito sa church, pati sa loob ng bahay, na dapat ay ituring nating mini-church. Mga magulang, pina-dedicate n’yo ang mga anak n’yo, may pangako kayong binitawan. Pero di ba’t sa halip na tayo ang magturo sa kanila, hinahayaan natin ang media, TV, Internet na magturo sa kanila. Binigyan natin ng gadgets ang mga anak natin, na di man lang natin nabantayan at napaalalahanan sa danger of pornography.
Naging faithless din tayo sa isa’t isa. And God hates faithlessness. Bakit? Tatlong dahilan ang makikita natin sa verse 10.
- Una, meron tayong iisang Ama. “Hindi ba’t iisa ang ating ama?” Miyembro tayo ng isang pamilya. Ang Dios ang ating Ama. We are brothers and sisters. You can’t just walk away from your responsibility.
- Ikalawa, meron tayong iisang Dios. “At iisang Dios ang lumalang sa atin?” Siya ang lumalang, tayo ay nilikha. Siya ang masusunod hindi tayo. Kung paano natin gagamitin ang oras natin, ang lakas natin, ang salita natin.
- Ikatlo, pinag-isa tayo ng matibay na kasunduan. “Kung ganoon, binabalewala natin ang kasunduan ng Dios sa ating mga ninuno.” We pledged to love one another as disciples of Jesus. Hindi natin puwedeng basta-basta sirain ang sarili nating salita at pangako.
We are faithless. Jesus is the faithful one. Tapat siya sa kanyang Ama. Tapat siya sa atin na tinatawag niyang mga kapatid, mga kaibigan. Hindi niya inisip ang sarili niyang interes, kundi nagsakripisyo, inialay ang buhay para sa atin. Kung siya ang ating Tagapagligtas at Panginoon, ibig sabihin, malaya na ngayon tayong magmahal ng mga kapatid natin sa Panginoon. Pinatawad niya tayo, mapapatawad na rin natin ang mga may pagkakautang sa atin. Kailangan si Jesus ng ibang tao, di na natin dapat takasan ang responsibilidad natin sa ibang mga tupa na nadadapa at sugatan. Dahil si Jesus ay nasa atin, nabubuhay tayo para sa kanya, hindi na para sa sarili natin, kundi pati sa mga taong nakay Cristo at mga nangangailangan kay Cristo.
Mixed Marriages (vv. 11-12)
Ang ikalawang faithlessness ay may kinalaman sa pag-aasawa nila ng ibang lahi, mga babaeng di sumasamba kay Yahweh, kundi sa mga dios-diosan. Verse 11, “Naging taksil ang mga taga-Juda. Gumawa sila ng kasuklam-suklam sa Jerusalem at sa buong bansa ng Israel. Sapagkat dinungisan nila ang templo na pinakamamahal ng Panginoon sa pamamagitan ng pagpapakasal sa mga babaing sumasamba sa (literal, anak ng) ibang mga dios.” Sinasabi nilang magiging tapat sila sa Panginoon, na mamahalin ang Dios nang buong puso, pero mas mahalaga sa kanila ang pagmamahal ng asawang maglalayo sa kanila sa Panginoon. This is covenant faithlessness kasi mahigpit na pinagbawalan sila ng Dios na mag-asawa ng mga dayuhan – not for cultural reasons – but for theological reasons.
Pinagbawalan sila ng Dios sa Exodus 34:11-16 paglabas nila sa Egypt at sa Deuteronomy 7:3-4 bago sila pumasok sa Promised Land. Obviously, God hates this faithlessness. Sabi sa verse 12, “Huwag na sanang ituring na kabilang sa mga mamamayan ng Israel ang mga taong gumagawa nito, pati na ang mga anak nila at mga apo, kahit na maghandog pa siya sa Panginoong Makapangyarihan.” Anong dahilan bakit ayaw ito ng Dios?
Una, nais ng Dios na siya lang ang nag-iisang sambahin. Sa Exodus 34:16 at Deuteronomy 7:4, ang warning ay kapag ginawa nila iyon, hindi lang si Yahweh ang sasambahin nila kundi ang dios-diosan ng kanilang asawa. We cannot serve two masters at the same time. Ang relasyon ng mag-asawa ay sobrang intimate, hindi mo puwedeng paghaluin ang isang nakay Cristo at isang nasa demonyo. Ito ang argument ni Paul sa 2 Cor. 6:14-16, “Do not be unequally yoked with unbelievers. For what partnership has righteousness with lawlessness? Or what fellowship has light with darkness? What accord has Christ with Belial? Or what portion does a believer share with an unbeliever? What agreement has the temple of God with idols” (ESV)?
Ilan na ang nakausap ko sa inyo tungkol dito. Merong ikakasal na at hindi na napigilan. Merong magsisimula pa lang ng relasyon pero itinigil na. Merong hirap na hirap magdesisyon. Sinasabi ko, “Ang mapapangasawa mo ay nasa kadiliman, anak ng demonyo, wala kay Cristo.” If you really love the Lord with all your heart, kahit sino pa iyan, hihiwalayan mo kung di naman din tagasunod ni Jesus.
But of course, I hear a number of excuses. “Mahal ko siya. Magiging masaya ako kapag nagkatuluyan kami. Kawawa naman siya kapag hiniwalayan ko. Kapag mag-asawa na kami, magiging Christian din yan.” But God knows what is really good for us. At ito ang pangalawang dahilan kung bakit ayaw niya ang mixed marriage, alam ng Dios at nais ng Dios kung ano ang pinakamabuti para sa atin. Kaya nga strong ang warning niya sa verse 12 at sa mga utos niya sa Exodus at Deuteronomy. Kasi sa kasaysayan nila, napapasama sila sa halip na napapabuti, sa halip na lumapit sa Dios, nalalayo sila. Hindi ikaw, kundi ang Dios ang nakakaalam kung ano ang makapagbibigay kasiyahan sa iyo. You can never be happy apart from the will of God, kahit na mapangasawa mo ang man or woman of your dreams. Concern ka na maging Christian siya, pero it’s not your decision. Hindi naman ikaw ang tagapagligtas niya, kundi si Jesus.
Mga magulang, ang mga nauna kong sinabi ay responsibilidad ninyong ituro sa mga anak n’yo, na gabayan sila pagdating sa decisions sa relationships. Gusto n’yo ang kasiyahan nila, oo, pero dapat marealize n’yo at masabi n’yo sa mga anak n’yo na “Christ is infinitely better.” Sa inyo na mga nasa ganyang relasyon ngayon, makipaghiwalay na kayo hangga’t di pa kayo kinakasal. Or wait at least a few months, tapos kapag sa panalangin mo at sa pagshare ng gospel sa kanya, hindi niya pa rin niyayakap ang Dios mo at Panginoong si Jesus, kahit masakit, kahit iiyak siya, hiwalayan mo na. Mga singles, kahit wala kayo sa ganyang desisyon, alalahanin n’yo ang gospel, na si Jesus ay sapat-sapat sa atin. Ang saya, ang pag-ibig (true love) na hinahanap n’yo ay hindi n’yo makukuha sa iba kundi sa Dios lang. Instead of spending your energy finding “God’s will” for you, why not focus on being singularly, passionately devoted to Jesus and doing his will?
At sa iba sa inyo na nakapag-asawa ng di Cristiano, humingi ka ng tawad sa iyo. Patatawarin ka ng Dios, pinatawad ka na ng Dios. But you still have to bear the consequences of disobeying him. At tulad ng sabi ni Pablo sa 1 Corinto 7, para sa inyo at para sa mga naging Christian na may asawa na pero ang asawa n’yo ay di pa Christian hanggang ngayon, wag n’yong hihiwalayan o palalayasin ang asawa n’yo – physically man o emotionally.
Divorce (vv. 13-16)
Ito ang pangatlong uri ng faithlessness na binanggit sa text natin. Verse 14, “Nagtaksil kayo sa asawa n’yong pinakasalan nang inyong kabataan.” Maaaring ang tinutukoy dito ay ang mga may-asawang hiniwalayan ang asawa nila, iniwanan para sumama sa ibang babae. O kaya naman ay kahit hindi iniwanan ang asawa, ay may karelasyon na iba, o may pinagpapantasyahang iba. O kaya naman ay hinayaang magkahiwalay sila nang mahabang panahon dahil sa trabaho at napabayaan ang tungkulin sa isa’t isa na may kinalaman sa emotional at sexual needs. O kaya naman sa mga mag-asawang matagal na, di nga naghihiwalay, pero ang puso sa isa’t isa ay magkahiwalay na.
Wala ngang divorce sa Pilipinas, but in our hearts we are guilty of divorcing our spouses. Sa mga maliliit na bagay, we are guilty of being unfaithful. Kung paano ka magsalita ng masasakit sa asawa mo, o kung paanong di ka rin nagsasalita na mas masakit pa. O kung paanong ang mga nanay ay mas buhos ang atensiyon sa mga anak nakakalimutan na si mister. O ang mga mister na workaholic, wala nang panahon sa asawa n’ya. Kahit anong gawin mong excuse, kahit ituro mo ang asawa mo na siya ang nauna, ang totoo we are all guilty of being unfaithful sa asawa natin.
Anumang klase ng faithlessness ay ayaw ng Dios, sabi niya sa verse 16, “Hindi ko gustong maghiwalay ang mag-asawa.” Bakit kaya?
- Dahil sa pagiging faithless nila sa asawa (v. 14), nahahadlangan ang relasyon nila sa Dios. Verse 13, “Isa pang bagay ang inyong ginagawa: Umiiyak kayo nang malakas sa altar ng Panginoon dahil hindi na niya pinapansin ang inyong mga handog at hindi na siya nalulugod sa mga iyon.” Ang relasyon n’yong mag-asawa ay may epekto sa relasyon n’yo sa Dios. Ang relasyon mo sa Dios ay may epekto din sa relasyon sa asawa. Payo din ni Pedro sa mga mag-asawa na laging magkasundo, ang dahilan, “so that your prayers may not be hindered” (1 Pet 3:7).
- Saksi ang Dios sa sinumpaan n’yong pangako sa isa’t isa. Siya ang most important Witness sa kasal n’yo. Verse 14, “Sapagkat saksi ang Panginoon na nagtaksil kayo sa asawa n’yong pinakasalan nang inyong kabataan. Sinira ninyo ang kasunduan na magiging tapat kayo sa kanila.” Ang marriage covenant n’yo hindi sa Civil Registrar o NSO nakarehistro, kundi sa trono ng Dios na saksi at nagpatibay sa inyong marriage.
- Ang relasyong mag-asawa ay salamin ng pag-ibig ng Dios sa atin. Verse 15, “Hindi ba’t pinag-isa kayo ng Dios sa katawan at sa espiritu (o, sa kanyang Espiritu) para maging kanya?” Layunin ng Dios sa mag-asawa, “that they shall become one flesh” (Gen 2:24). Ito ang binanggit na dahilan ni Jesus kaya sinabi niyang, “What therefore God has joined together, let not man separate” (Mark 10:9). Kapag sumira ka sa pangako mo sa asawa mo, parang sinasabi mo na ring ang Dios ay sumisira din sa pangako niya at nagiging unfaithful sa atin. Di mo iiwan o palalayasin ang asawa mo dahil meron tayong Dios na di tayo iiwan, kahit na ilang beses tayong naging unfaithful.
- Ang layunin ng pag-aanak ay para dumami pa ang mga sumasamba sa Dios. Verse 15, “At bakit niya kayo pinag-isa? Sapagkat gusto niyang magkaroon kayo ng mga anak na makadios.” Kung di maayos ang relasyon n’yong dalawa, itinutulak n’yo ang mga anak n’yo palayo sa Dios. Ang pag-aanak ay oportunidad to make disciples of our children. Hindi n’yo mapagtutulungan iyan kung unfaithful kayo sa isa’t isa.
- Ang asawa mo ay ibinigay ng Dios sa iyo para mahalin, hindi saktan. Ipinangako mo iyan nang ikasal kayo. Kung di ka nagiging faithful sa asawa mo, sinasaktan mo siya, Verse 16, “Sapagkat sinabi ng Panginoon, ang Dios ng Israel, ‘Hindi ko gustong maghiwalay ang mag-asawa. Ang paghihiwalay sa asawa ay pagmamalupit sa kanya.'” Bakit mo sinasaktan ang asawa mo? Physical man yan, verbal o emotional.
Hindi ba’t si Jesus ang Panginoon mo? Hindi ba’t siya ang nagpakita sa atin bilang Husband ng Church, na kanyang Bride (Eph 5:22-33), na hindi niya sasaktan ang kanyang Asawa, kundi mamahalin, aakayin sa kabanalan. Buhay niya mismo inialay niya para sa atin. Ibig sabihin, malaya ka nang mahalin ang asawa mo, kahit naging unfaithful siya, kahit di mo naramdamang naibabalik ang pagmamahal niya sa iyo. Kasi ang commitment mo sa marriage n’yo ay reflection ng commitment ng Dios sa atin. Papatawarin mo siya, hindi gagantihan ng masama, dahil meron kang Dios na nagpatawad din sa iyo at di ibinigay ang parusang dapat ay sa iyo. Hindi deserving ang asawa mo na mahalin, ikaw din naman hindi deserving na mahalin ng Dios. Wag mong hanapin ang security, significance, satisfaction na kailangan mo sa asawa mo. Hindi niya kayang ibigay iyan sa iyo. Si Jesus lang ang makapagbibigay ng unfailing love na kailangan mo. At kung sa kanya ka lumalapit para diyan, aapaw iyan sa puso mo at magiging faithful ka sa asawa mo, kahit di siya maging faithful sa iyo.
We are the faithless ones. Jesus is the Faithful One. Siya ang kailangan natin. We cannot be faithful just by trying harder or promising na di na natin uulitin ang kasalanan natin at magpapakatino na tayo sa mga relasyon natin. We need Jesus at the center of all our relationships, lalo na sa mga mag-asawa.
Nagkaroon ako ng tatlong girlfriends bago mag-asawa. Hindi naman sabay-sabay. Ang una ay noong high school, non-Christian siya. Sumuway ako sa gusto ng Dios. Pero salamat sa Dios at siya na ang gumawa ng paraan para magkahiwalay kami, three months lang. Ang pangalawa ay college na ko. Christian siya. Tumagal kami ng three years. Pero noon pinakita sa akin ng Dios na nalalayo ako sa Dios sa relasyon namin. I decided na makipagbreak. Nasaktan siya. Then si Jodi na. Ilang beses din na sumusuway kami sa Dios sa relasyon namin. But we committed in marriage na magiging faithful sa Dios at sa isa’t isa. Do we have a perfect relationship sa almost seven years na namin sa marriage? No! Naging unfaithful din ako sa kanya. Naging unfaithful din siya sa akin. May time na ayaw kong umuwi agad sa bahay kasi natatakot sa kanyang nakakabinging katahimikan.
I don’t want to face the inadequacies of my heart in loving her. Pero iyon ang itinuturo sa amin ng Panginoon. Na siya lang naman talaga ang tapat at sapat sa relasyon namin. At sa mga relasyon din ng bawat isa sa inyo dito. Pinapakita ng Dios ang problema ng puso mo, ang faithlessness mo, para lumapit ka at magtiwala sa kanya, the only Faithful One.