
Only God’s love is unfailing.
Ang pagmamahal na hinahanap natin, sa kanya lang natin matatagpuan. Sa kanya lang, hindi sa tatay at nanay mo, hindi sa boyfriend o sa girlfriend mo, hindi sa asawa mo, hindi sa involvement mo sa church, hindi sa mga ginagawa mo sa school o sa trabaho, hindi sa sexual fantasies, hindi sa porn.
Ang paanyaya sa atin ng Diyos ay aminin na siya lang ang kailangan natin, lumapit sa kanya, at tanggapin ang pagmamahal na ibubuhos niya. Inumin, tunggain, laklakin.
Alam ko kailangan kong tumanggap ng pagmamahal. But somehow I feel uncomfortable receiving that love. Para kasing naiisip ko, halimbawa, kung sobrang love ang ipinakita sa akin ng asawa ko, “Ano kaya ang ginawa kong nagustuhan niya?” o “Ano kaya ang ibibigay kong kapalit?” O kung ang church naman ang magpakita sa akin ng love bilang pastor, “Paano kaya kung di ako pastor? Paano kaya kapag may palpak akong ginawa?” O kung ang daddy ko, na nagbigay ng motorsiklo sa akin noon as his way of showing his love, ilang din ako kung paano magrespond.
At nadadala ko iyan sa relasyon ko sa Diyos. Nasa Tagaytay kami noon, Living Waters Leadership Training, pinarinig sa akin ng Diyos, hindi lang sa isip ko, kundi sa puso ko, “Anak, just receive my love. Hindi ito dahil sa ginawa mo. Hindi rin ito mababawasan kung palpak man ang gawin mo. Wala rin itong kapalit. Just receive my love.”
Only the love of God made available through Jesus perfectly matches this definition of love:
Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres. Love never fails (1 Corinthians 13:4-8 NIV).

Ang pag-ibig ng Diyos, di tulad ng water dispenser. Libre nga ang tubig, malinis, pero nauubos. Ganyan ang pagmamahal na nakuha natin sa parents natin, kulang, nauubos din. Di rin ito tulad ng vending machine. May bayad, di pa healthy ang maiinom mo. Ganyan ang love na kinukuha natin sa iba. May kapalit. Sisingilin tayo. Not good for our hearts.
God’s love is like a spring of water. It is free. Hindi mauubos. Malinis. Refreshing. At ang lalapit lang dito ay ang mga taong nauuhaw. At kapag nakainom, sasabihin mo, “Aaaaaahhh….”
Happy love day everyday! God’s love pours everyday to undeserving person – Me! 🙂
LikeLike