Jesus Enters Jerusalem (Luke 19:28-48)

Here’s the story of Jesus when he enters Jerusalem, according to Luke 19:28-48. You can use these pictures in telling the story to your self, your family, or your friends. Just click the image thumbnail to enlarge the picture and read the story.

Pagkatapos magkwento ni Jesus, nagpatuloy siya sa paglalakad at nanguna sa kanila papuntang Jeruaslem. Nang malapit na sila…pinauna niya ang dalawa niyang tagasunod. Sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa susunod na nayon. Pagpasok n’yo roon, makikita ninyo ang isang batang asno na nakatali, na hindi pa nasasakyan ng kahit sino. Kalagan ninyo at dalhin dito. Kung may magtanong kung bakit ninyo kinakalagan ang asno, sabihin ninyong kailangan ng Panginoon.”

Kaya lumakad ang dalawang inutusan, at nakakita nga sila ng asno ayon sa sinabi ni Jesus. Nang kinakalagan na nila ang asno, tinanong sila ng mga may-ari, “Bakit ninyo kinakalagan iyan?” Sumagot sila, “Kailangan ito ng Panginoon.”

Dinala nila ang asno kay Jesus, at isinapin nila ang mga balabal nila sa likod ng asno at pinasakay si Jesus.

Habang nakasakay siya sa asno papuntang Jerusalem, inilatag ng mga tao ang kanilang mga balabal sa daraanan niya. Nang…malapit na siya sa Jerusalem, nagsigawan sa tuwa ang lahat ng tagasunod niya at nagpuri nang malakas sa Dios dahil sa mga himalang nasaksihan nila.

Sinabi nila, “Pinagpala ng Panginoon ang Haring kanyang ipinadala. Mayroon na tayong magandang relasyon sa Dios. Purihin ang Dios sa langit!” Sinabi sa kanya ng ilang Pariseong kasama ng karamihan, “Guro, sawayin mo ang mga tagasunod mo.” Pero sinagot sila ni Jesus, “Sinasabi ko sa inyo: kung tatahimik sila, ang mga bato na ang sisigaw ng papuri.”

Nang malapit na si Jesus sa Jerusalem at nakita niya ang lungsod, umiyak siya para sa mga taga-roon. Sinabi niya…”Darating ang araw na papaligiran kayo…ng inyong mga kaaway…Lilipulin nila kayo at ang inyong mga anak, at wawasakin nila ang lungsod ninyo…Dahil binalewala ninyo ang araw ng pagliligtas sa inyo ng Dios.”

Pagdating nila sa Jerusalem, pumunta si Jesus sa templo at itinaboy niya ang ang mga nagtitinda roon.

Sinabi niya sa kanila, “Sinasabi ng Dios sa Kasulatan, ‘Ang aking bahay ay bahay-panalanginan.’ Ngunit ginawa ninyong pugad ng mga tulisan!”

Nagturo si Jesus sa templo araw-araw, habang pinagsisikapan naman ng mga namamahalang pari, mga tagapagturo ng Kautusan, at ng mga pinuno ng bayan na patayin siya.

Pero wala silang makitang paraan upang maisagawa ito dahil nakikinig nang mabuiti ang mga tao sa mga itinuturo niya.

***Scriptures are taken from Ang Salita ng Diyos (Biblica Publishing)Bible illustrations are from Sweet Publishing, available for free download at Distant Shores Media.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.