Part 42: Seek and Save (Luke 19:1-10)

42_Lk_19_03_RG
Click the image if you want to read and listen to the story of Jesus and Zacchaeus

Ang bababaw ng mga ambisyon natin. Mga bata, pangarap maging piloto. Mataas ang lipad, pero mababaw pa ring ambisyon. Students, gustong makapagtapos with high honors at makapagtrabaho pagkatapos sa mga bigating kumpanya. Mga singles, pangarap makapag-asawa. Mga young professionals, ambisyong makapunta sa US, sa UK, sa Japan. Kahit ang mga nagsasabing walang ambisyon, may ambisyon pa rin, ambisyong walang patunguhan ang buhay.

Ambition is defined as “a strong desire to do or to achieve something, typically requiring determination and hard work.” Sa ambisyon nating gustong matupad, dito natin ibinubuhos ang lakas, oras at pagkakagastusan natin.

Karamihan sa mga tao ngayon ang ambisyon patungkol sa pagpapayaman, pagiging successful, popular, influential. Ibang-iba sa ambisyon ng Panginoon Jesus. Dito sa pag-aaral natin ng Gospel of Luke, nakita natin ang kanyang strong sense of his mission. Pagkatapos ng ministeryo niya sa Galilee, “Jesus resolutely set out for Jerusalem” (Luke 9:51 NLT). Mula noon hanggang sa kuwento natin ngayon sa pagpasok niya sa Jericho, na 25 km na lang ang layo sa Jerusalem. Yes! Malapit na! Bakit ba gustong-gusto niyang pumunta doon? Para magbakasyon o sightseeing? No! He was going there to die on the cross in our place to save us.

Listen

Resources

pdf-iconmp3-iconitunes-iconsermonnetlogo

Sa Luke 19:10, last verse ng story natin ngayon, sinabi ni Jesus, “Sapagkat ako na Anak ng Tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang naliligaw” (ASD), “For the Son of Man came to seek and to save the lost” (ESV). Hindi lang ito isa sa mga ambisyon niya – na kung matupad ayos, kung hindi ok din. This is his life’s mission. Ito ang dahilan kung bakit naparito siya, kung bakit siya ipinadala ng Ama.

This verse is considered by many to be the key verse in the whole Gospel of Luke. Sa Luke 1:1-4:13, ipinakilala kung sino itong si Jesus na “Son of Man,” the perfect Man, hindi lang tao kundi siyang Anak ng Diyos, tunay na Diyos din. Sa 4:14-9:50, makikita kung paano hinahanap ni Jesus ang mga naliligaw sa Galilee (pangunahin dito ang 12 apostol niya). Sa 9:51-19:27 (nasa dulo na tayo ngayon ng section na ‘to), patuloy pa rin na hinahanap ni Jesus ang mga naliligaw habang naglalakbay siya papuntang Jerusalem. At pagdating sa Jerusalem (19:28-24:53), makikita doon kung paano niya iniligtas ang mga naliligaw.

Iyan ang mission statement ng Panginoong Jesus: “To seek and to save the lost.” Pero bakit ang ambisyon natin ay iba sa kanya? Sasabihin ng iba, “Siyempre, si Jesus iyon.” Pero di ba’t tinatawag natin ang sarili natin na disciples niya, followers of Jesus? Magbibigay ako sa inyo ng tatlong dahilan kung bakit meron tayong mga ambisyong iba sa misyon ni Jesus. Ang prayer ko ipakita sa ating lahat ng Diyos kung paanong ang inaambisyon natin – pinagbubuhusan ng lakas, panahon at pagkakagastusan – ay maiaayon sa misyon ni Jesus.

The Lostness of Man

Reason No. 1 – We don’t fully realize the depth of the lostness of man without Jesus. Akala natin basta ang isang tao maayos ang buhay, may perang pambili ng mga pangangailangan, may masayang pamilya, may magandang edukasyon, aktibo sa simbahan, ayos na iyon. Hindi natin lubos na iniisip kung gaano kalalim at kagrabe ang problema ng tao. Para kay Jesus, lahat ng tao ay kabilang sa “the lost” o mga naliligaw o nawawala. Anong ibig sabihin noon?

We all strayed from the right path. Nalihis tayo ng landas. Pansinin n’yo ang isang pangunahing karakter sa kuwento, si Zaqueo, at tingnan n’yo kung paanong ang kalagayan niya ay nagpapakita din ng kalagayan natin. Verse 2, “May isang lalaki roon na ang pangalan ay Zaqueo. Siya ay mayaman at isa sa mga pinuno ng mga maniningil ng buwis.” Ibig sabihin ng pangalan niya, “pure.” Natatawa’t naiiinis siguro ang mga kapwa niya Judio kung babanggitin ang pangalan niya. Oo nga’t mayaman, sa tingin niya sa sarili niya nasa kanya na ang kasiyahan, mataas tingin sa kanya ng mga kumpare’t kumare niya. Pero sa karaniwang mga Judio, marumi ang tingin sa kanya. Tax collector kasi. Nagtatrabaho para sa mga Romano. Ang kayamanan niya nanggagaling sa ipinapatong niyang kumisyon sa mga taxes na kinokolekta niya. Hindi lang tax collector, chief tax collector pa. Mas malaki ang nakukulimbat. Walang pakialam sa mga naghihirap sa buhay, basta yumaman, iyon ang mahalaga sa kanya.

Nalihis siya ng landas. Bakit? Sa halip na gamitin ang posisyon at kayamanan – na bigay ng Diyos – para ipaglingkod sa kanya at tumulong sa mga tao, makasarili siya. At ganyan din tayong lahat – mayaman ka man o mahirap. “All have turned aside; together they have become worthless; no one does good, not even one” (Rom 3:12 ESV). At dahil nalihis ng landas, ang landas na nilalakaran natin ay patungo sa kapahamakan.

We are all headed to destruction. Akala natin, tamang daan ang nilalakaran natin. Pero nagkamali tayo, “Destruction and misery always follow them. (Rom 3:16 NLT). “There is a way that seems right to a man, but its end is the way to death” (Pro 14:12; 16:25). “Ang kabayaran ng kasalanan (o ang patutunguhan ng isang taong nasa landas ng pagsuway sa Diyos) ay kamatayan” (Rom 6:23). “Ruin and destruction” (1 Tim 6:9), sabi ni Pablo, ang patutunguhan ng mga yumayakap sa pera, ginagawang dios ang pera, at nag-aakalang pera ang solusyon sa problema ng tao. Ang salita “lost” (Gk. apollumi) ay madalas ginamit ni Luke at ang ibang translation ay “perishing” (8:24; 13:3); destroy (19:47); at kaugnay ng “death” (9:25; 15:24). Ito ang malaking problema ni Zaqueo, ligaw at patungo sa kapahamakan. Ito rin ang malaking problema natin. At sa laki nito, wala tayong magagawa sa sarili natin.

We are all unable to go back. Wala tayong kakayahang makabalik sa Diyos at sa daang nais niyang lakaran natin. Verse 3, “Gusto niyang makita kung sino talaga si Jesus, pero dahil pandak siya at marami ang tao doon ay hindi niya ito magawa.” Maganda ang hangarin niya, pero maliit na tao siya, hindi niya ito magawa. Napakagandang larawan na ipinapakita ng kalagayan ng tao. Kahit pa gaano siya kayaman, wala siyang kakayahang makita at makilala nang lubusan ang Panginoon. Sa sarili nating sikap, kung magtitiwala lang tayo sa sarili nating kakayahan wala tayong magagawa para solusyunan ang malaking problema natin.

We are all lost without Jesus, headed to destruction, and unable to go back to God. Sa buong pag-aaral natin sa Luke, nakita na natin kung sinu-sino itong “lost people.” Kasama dito si Pedro, si Levi (Matthew), mga Pariseo, mayamang lalaki (Luke 18:18-30), ang prodigal son at ang elder brother sa kuwento ni Jesus sa Luke 15, ang lalaking bulag sa nakaraang kuwento natin, pati mga di-Judiong nakatagpo ni Jesus, matatanda o mga bata, mayaman man o mahirap, relihiyoso man o pusakal na makasalanan, lahat ay naliligaw. All have sinned and fall short of the glory of God (Rom 3:23); all are under sin (3:9); no one seeks for God (3:11). Kasama ka doon. Wag ka nang mag-deny. Wag mo nang sabihing everything is ok. Admit that you are lost without Jesus. And everyone around you is lost without Jesus.

The Gospel of Jesus

Ganyan kalalim ang problema natin. We don’t fully realize that. Pero ang pangalawang dahilan kung bakit ang mga ambisyon natin ay iba kay Jesus ay dahil dito: We don’t fully see the glory of the gospel of Jesus. Kung kanina nakita natin ang lalim ng problema natin, ngayon naman ay tingnan natin ang lawak ng habag at kapangyarihan ng Diyos para masolusyunan iyon. Hindi si Zaqueo ang bida sa kuwento, kundi si Jesus (siya naman ang Bida sa lahat!). Ano ang matututunan natin dito tungkol kay Jesus? And how do we respond to that?

Jesus the Seeker. Maganda ang hangarin ni Zaqueo, “Gusto niyang makita kung sino talaga si Jesus…” (v. 3), “…he was seeking to see who Jesus was…” (ESV). Pero dapat nating makita na sa pagpapatuloy ng kuwento, si Jesus ang talagang naghahanap sa kanya. Jesus was the seeker, the pursuer in the story. Hindi aksidente ang pagdaan niya sa Jerico. Hindi aksidente ang pagdaan niya sa kinaroroonan ni Zaqueo. Oo nga’t nag-exert siya ng effort na makita si Jesus, umakyat siya sa puno, at natanaw niya si Jesus mula sa malayo. Pero ang nagpatibok ng puso niya ay ang pagtanaw sa kanya ni Jesus. Tumingala si Jesus at tiningnan siya, hindi na malayuan, malapit na, sinabi niya, “Zaqueo, bumaba ka agad, dahil kailangan kong tumuloy sa bahay mo ngayon” (v. 5). Agad, hindi mamaya o saka na. Kailangan, hindi kung maaari, o kung may time ka lang. Jesus was on a mission to seek Zacchaeus “the lost.” Hindi si Jesus ang inimbita ni Zaqueo, si Jesus ang nag-imbita sa sarili niya!

Naliligaw tayo. ‘Yan lang ang contribution natin sa kaligtasan natin! Siya ang tumawag sa atin, bago pa tayo tumawag sa kanya. Bago pa natin siya hanapin, natagpuan na niya tayo. We love him, because he first loved us (1 John 4:19). We did not invite him to come to our life, he invited us, he came to our life. We did not choose him, he chose us first (John 15:16). That’s grace!

Jesus the Savior. Pumunta siya sa Jerico, hindi lang para hanapin si Zaqueo kundi para iligtas siya. He came to seek and to save the lost. Over and over again in Luke’s Gospel, nakita nating ang mga taong “unexpected” at “notorious” sa mata ng mga religious leaders ang inililigtas ni Jesus. Pinapakita niya na gaano man kagrabe ang kasalanan natin sa Diyos at sa tao, kayang-kaya at gustung-gustong iligtas tayo ni Jesus. Nagawa niya iyon kay Zaqueo, “Dumating na ngayon ang kaligtasan sa tahanang ito dahil siya ay galing din sa lahi ni Abraham” (v. 9). Hindi na siya ligaw, natagpuan na. Hindi na siya malayo sa Diyos, malapit na. Hindi na siya parurusahan at mapapahamak, tumanggap na siya ng buhay na walang hanggan. Hindi na siya makasalanan sa harap ng Diyos, malinis na siya tulad ng kahulugan ng pangalan niya (“pure”). Kahit kinasusuklaman siya ng mga tao, katanggap-tanggap (well-pleasing) na siya sa Diyos. Jesus is mighty to save.

Paano nangyari iyon? Ano ang ginawa ni Zaqueo para matanggap ang kaligtasan? Dahil ba sa pangako niya sa verse 8 na ipamimigay niya ang kalahati ng kanyang kayamanan at papalitan ng apat na beses ang mga atraso niya sa ibang tao? No! That’s salvation by works! No one can earn his salvation. It is wholly a work of God’s grace (Eph. 2:8-9). Wala siyang ginawa, wala siyang pinatunayan sa Diyos para maligtas. Sabi ni Jesus sa verse 9, “dahil siya ay galing din sa lahi ni Abraham.” Hindi lang pinapakita nito ang priority sa mission ni Jesus na iligtas ang mga physical descendents ni Abraham (Jews). Nagpapakita ito na si Zaqueo ay tunay na anak ni Abraham (like father, like son) dahil sa kanyang pananampalataya (see Gal. 3:6-7). Nagtiwala siya sa Diyos at sa biyaya niya, tinanggap niya ito, hindi ito dahil sa mabuti niyang gawa. Tulad ng tax collector sa kuwento ng Panginoon, na kinakabog ang dibdib, at sinabi sa Diyos, “God, be merciful to me, a sinner” (Luke 18:13). This time, we have a real life story, also about a tax collector.

Nang umakyat siya sa puno, na hindi iisiping gawin ng isang mayaman at nasa mataas na katungkulan, para siyang isang bata. Di ba’t sabi ni Jesus na ang pagtanggap sa kaharian ng Diyos ay dapat na tulad ng isang bata (Luke 18:17)? Nang anyayahan ni Jesus ang sarili niya na kakain sa bahay ni Zaqueo, hindi ba’t “nagmadaling bumaba si Zaqueo at masayang tinanggap si Jesus” (19:6)? This is the joy of faith. Na parang meron siyang natagpuang Kayamanan na kahit ang mga kayamanan niya ay ipamimigay niya makamtan lang ang Kayamanang ito (si Jesus!) (see Matt. 13:44). Jesus was “the pearl of great value” (13:46) para kay Zaqueo. Di tulad ng rich ruler sa 18:18-30, itinuring na kayamanan ni Zaqueo si Jesus. Masayang tinanggap si Jesus, di tulad ng mayamang pinuno na nalungkot sa sinabi ni Jesus.

Like Zacchaeus, we take hold of this salvation by faith, by trusting Jesus. We no longer rely on ourselves or other people or money to fix ourselves, to find our way back. We rely on Jesus our Savior.

Jesus the Friend. Hindi siya tulad ng doktor mo na kailangan mo kung maysakit ka, ng bumbero na tatawagin mo kung may sunog, ng pulis na kailangan mo kung may magnanakaw. He is more than just a Savior we need, he is a Friend we want and we long to have. Relasyon sa atin ang gusto ng Panginoon. Kaya nga gusto niyang pumunta sa bahay ni Zaqueo, hindi naman iyon dahil gutom siya at walang pang-Jollibee. Totoong “friendship” ang gusto ng Panginoon, kaya siya doon naghapunan. Hindi naman niya sinabing, “I-add mo na lang ako na friend sa FB ha. Chat tayo.” Ang dinner sa panahon nila ay isang paraan ng pag-identify sa kasalo mo sa pagkain. He wants us, to be with us, that he is willing to be identified with us, sinners. Kaya sabi ng mga taong nagbubulung-bulungan (pagbatikos) nang malamang nandoon siya sa bahay ni Zaqueo, “Tumuloy siya sa bahay ng isang masamang tao” (Luke 19:7). Ganoon din ang sinabi ng mga religious leaders nila nang makikain siya sa bahay ni Levi (Matthew), na isang ring tax collector, at naging disciple din ni Jesus (5:30) at nang mapansing malapit sa kanya ang mga tax collectors at mga sinners (15:2). Kahit pa pakutya nilang sabihin kay Jesus, “A friend of tax collectors and sinners” (7:34), that’s the truth about him. And it is good news for us. Be secured now in your relationship with him. Hindi niya iintaying linisin mo muna ang bahay mo, maging maganda muna ang reputasyon mo sa ibang tao, bago siya tumuloy sa bahay mo at kumaing kasalo ka. Our Savior is our Friend.

Jesus the Lord. Pero siyempre hindi ibig sabihing parang buddy-buddy ang relationship natin sa kanya. He is the Lord. Hindi ibig sabihing we do whatever we want in this relationship, but whatever the Lord demands. Sa loob ng bahay niya ay tumayo si Zaqueo at sinabi, “Panginoon, ibibigay ko po sa mga mahihirap ang kalahati ng kayamanan ko [kahit walang iniutos si Jesus na ganoon]. At kung may nadaya akong sinuman, babayaran ko ng apat na beses ang kinuha ko sa kanya [kahit higit ito sa isinasaad ng Kautusan, Numbers 5:7]” (Luke 19:8). Kung tutuusin, walang sinabi si Jesus sa kanya na ganito ang gawin niya. Hindi ito dahil sa kailangan niyang gawin, kundi dahil gusto niyang gawin, na ang buhay niya, ang kayamanan niya, at ang relasyon niya sa ibang tao ay sakop na ng paghahari ni Jesus sa buhay niya. Hindi tulad ng mayamang pinuno sa Luke 18:18ff na direktang sinabi ni Jesus na ipamigay ang kayamanan niya, pero di sumunod. If we trust in Jesus as Savior and Friend, we follow him as Lord, we obey his will. Ito ang bunga ng pananampalatayang meron tayo. Malaki ang kinalaman nito sa ikatlong dahilan kung bakit ang mga ambisyon natin ay taliwas sa misyon ni Jesus.

Our Life’s New Mission

We don’t fully grasp that following Jesus in his mission is not optional. Ang mga salitang binitawan ni Jesus sa kuwentong ito ay hindi lang para kay Zaqueo, kundi para sa 12 apostol niya, at sa lahat ng mga sumusunod sa kanya papunta sa Jerusalem. Kung ang buhay ni Jesus ay ibibigay niya para sa misyong ito – “to seek and save the lost” – tayo ring mga tagasunod niya ay ibibigay ang buhay natin sa parehong misyon. All Christians, all disciples, all who profess that they are followers of Jesus. Bakit hindi optional?

The call to be his disciples is a call to be disciple-makers. Sa Luke 5:8-10, si Pedro face to face sa Panginoong Jesus, nakita niyang “lost” siya, sabi niya, “I am a sinful man.” Pero tinawag siya ni Jesus na sumama at sumunod sa kanya. At sabi niya “From now on you will be catching men” (o fisher of men). Hindi lang para kay Pedro, kundi para sa lahat sa atin na disciples niya. Sinasabi mo, he is your Lord. Pero di ba’t sabi niya, “Go and make disciples of all nations” (Matt. 28:19)? Pero bakit ang buhay Cristiano ng ilan sa inyo hanggang ngayon ay “Sit and just listen…”? We are disciple-makers, ang layunin natin ay hindi lang para maibahagi si Cristo at itong mga taong ito ay mapunta sa langit at makatakas sa impiyerno. Disciple-making is “helping people to trust and follow Jesus” (Bobby Harrington and Josh Patrick, Discipleship Handbook). It requires time and effort and money on our part to spend our lives with other people to help them trust and follow Jesus. Doon ibinigay ni Jesus ang buhay niya, doon din natin ibibigay ang buhay natin.

The task of disciple-making is urgent. Makikita natin sa kuwento ang sense of urgency: “Hurry…I must…Today.” Alam ni Jesus ang nakasalalay – buhay ng taong makasalanan. Hindi na dapat tayo paupu-upo lang, patumpik-tumpik pa kung alam nating bilyung-bilyong tao sa buong mundo – Muslims, Buddhists, atheists, Hindus, irreligious, nominal Christians – ang patungo sa walang hanggang apoy ng impierno kung di nila makikilala si Jesus at wala man lang silang kaibigang magpapakilala sa kanila. Ang ilan sa mga iyan ay kasama n’yo sa bahay, kakuwentuhan mo sa opisina o eskuwelahan. And we don’t feel the urgency, we pretend that they will turn out just fine. But we know they are on the way to eternal destruction, what are we going to do about it?

Jesus, the one who called us to disciple-making, is infinitely worthy. Inialay niya ang buhay niya para sa atin, para maligtas tayo, para makilala natin ang Diyos, para maranasan natin ang kagalakan at tunay na kapayapaan. He is Savior. He is Lord. He is worthy of all our trust and our wholehearted and radical obedience. He is the King of the Universe, he is worthy of the worship of all people, of all nations. Kung gayon…

Now, What’s Your Ambition?

Sumakay ka ng barko, biyaheng Aklan. Gusto mong makita at maenjoy ang Boracay. Sa kalagitnaan ng biyahe, excited na excited ka pa naman, nagkaproblema. Unti-unting lumulubog ang barko. Walang life vests. Nagtalunan kayong lahat. Ang iba nalunod na. Ikaw nagpupumilit pa rin. Pero di mo na kinaya. Unti-unti ka nang lumubog, naramdaman mo, this is the end. But suddenly, may humawak ng kamay mo. Iniahon ka. You are saved. You are rescued. Lumingon ka sa paligid mo, marami pang nagkukumahog at malulunod na. Sabi ng Savior mo, “I want you to be part of the search and rescue team.” Sasabihin mo, “Yes, Sir.”

How do you now align your ambition with that of Jesus? And if now, that’s your life’s mission – to seek and save the lost, be part of the search and rescue team – what adjustments do you need to make? In your family, in raising up your kids? Your choice of work or school? In how you spend your time, your money, your energy? May mga bagay na dapat baguhin. Maraming bagay ang dapat baguhin.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.