Part 29: Waiting and Faithful (Luke 12:35-59)

Part 29 - Waiting and Faithful

[sorry, audio is not available for this sermon]

Resources

Evernote-iconunnamed

Are You Ready for the Master’s Return?

Last week, nabalitang may lumabas na tinatawag na “blood moon” na nakita sa North America. Merong mga taong nagtatanong ngayon kung sa mga susunod na buwan ay darating na ang Panginoong Jesus. Tinitingnan nila ang sinabi ni Pedro sa Acts 2:20 sa mga tao sa araw ng Pentecostes (nang bumaba ang Espiritu) na galing kay propeta Joel, “Ang araw ay magdidilim, ang buwan ay pupulang parang dugo, bago dumating ang dakila at maluwalhating araw ng Panginoon.” Marami ngayon ang nagtatanong at ang iba naman ay tinatangkang sagutin ang tanong na, “Kailan darating si Jesus?” Pero hindi yan ang mas importanteng tanong. Kundi ito: “Handa ka ba sa kanyang pagbabalik?” Tulad ng sinabing kasunod ni Pedro, “At sinumang tumawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas” (Acts 2:21).

Sa pagpapatuloy ng pag-aaral natin sa Luke 12, makikita natin sa nakaraang talata na hindi maliligtas ang mga taong tulad ng mga “di nananalig sa Diyos” (literal, “all the nations of this world”) na “pinagkakaabalahan” ang mga bagay sa mundong ito (v. 30). Ang mga maliligtas sa kanyang pagbabalik ay ang mga taong tumatawag sa kanyang pangalan, na binibigyang halaga “nang higit sa lahat ang kaharian ng Diyos” (v. 31). Dahil “kung nasaan ang inyong kayamanan ay naroon din ang inyong puso” (v. 34), mananabik kang bumalik si Jesus kung siya ang itinuturing mong kayamanan pero di ka mananabik kung “satisfied” ka na sa mga bagay sa mundong ito.

Dahil ang “second coming” ay siyang Main Event sa pagtatapos ng kasaysayan, nagbigay si Jesus ng ilang mga utos sa atin para bigyang-halaga ang pangyayaring ito. Verse 35, “Maging handa kayong lagi…” Sa ESV ito ay “Stay dressed for action” (na sinalin mula sa Greek na “gird up your loins”). Isa itong idiom sa kultura nila na tumutukoy sa pagsusukbit ng laylayan ng kanilang damit para ready na tumakbo o magtrabaho o lumaban. “…at panatilihing maliwanag ang inyong mga ilawan” (v. 35). Kapag patay na ang ilawan, wala nang dapat gawin kundi matulog at magpahinga. Pero kung bukas pa, ibig sabihin nakahanda pa sa mga dapat gawin. Inihalintulad niya rin tayo sa “mga aliping (Gk. doulos) naghihintay sa pag-uwi ng kanilang panginoon buhat sa kasalan, upang kung ito’y dumating at kumatok ay mabuksan nila agad ang pinto” (v. 36). Tayo ay pag-aari ni Jesus. Siya ang Master. Siya ang pinakamahalagang relasyon natin. Sa kanyang kalooban at kabutihan nakadepende ang buhay natin. Kaya paulit-ulit niyang sinabi na dapat tayo ay “gising at nagbabantay” (v. 37 ASD); “handa” (v. 38); “dapat na humanda” (v. 40).

Isang uri din ng alipin sa panahong iyon ang tinatawag na steward o household manager o katiwala (Gk. oikonomos). Tayo ay dapat na maging “tapat at matalinong katiwala” (v. 42). Na sa pagdating ng Panginoon ay tulad ng isang “aliping madaratnang gumaganap ng tungkulin” (v. 43). Di lang tayo dapat maging handa at sabik sa pagbabalik niya, kundi tapat sa pagsunod sa kanya habang tayo ay naghihintay. We must be ready for our Lord’s return and be faithful as we wait.

Sa laban ni Pacquiao, hindi madali ang paghahanda, hindi rin madali ang maging focused sa training. Sa buhay din natin ngayon, maraming distractions, iba pang responsibilities at mga relationship problems. Bukod pa sa 20 million dollars na guaranteed na matatanggap ni Pacquiao kasama pa ang shares sa pay-per-view, mas mahalagang motivation sa kanya ang maibalik ang honor sa kanya bilang isang boxing champion. Para maging masigasig sa paghahanda sa pagdating ng Panginoon, we need motivations, motivations greater than winning a renowned boxing match.

I. Your Master will Return

Our Master, the Lord Jesus, will return. This is good news. Kelangan nating marinig, sa kabila ng mga masasamang balitang nangyayari ngayon sa buhay natin at sa paligid natin. Anong klase ang kanyang pagbabalik? Makikita natin ito sa mga pagsasalarawan ni Jesus sa teksto tungkol sa kanyang pagbabalik. Ang kanyang pagbabalik ay…

Matatagalan. At least sa pananaw natin. Ikinumpara tayo sa mga aliping “naghihintay sa pag-uwi ng kanilang panginoon buhat sa kasalan” (v. 36). Ang kasalan kasi sa panahon nila, di tulad ng sa ngayon. Ngayon kapag umattend ng wedding, alam mong mamaya lang din uuwi na. Sa kanila, ang kasalan ay inaabot ng ilang araw, minsan isang linggo. Matatagalan ang pag-uwi. Kaya nga hinalintulad ni Jesus ang ilan sa ibang alipin na nagsasabi, “Matatagalan pa ang pag-uwi ng aking panginoon…” (v. 45). Pero hindi ibig sabihin noong mabagal ang Diyos. “Mga minamahal, huwag ninyong kalilimutan na sa Panginoon, ang isang araw ay tulad ng sanlibong taon, at ang sanlibong taon ay tulad ng isang araw lamang. Ang Panginoon ay hindi nagpapabaya sa kanyang pangako gaya ng inaakala ng ilan. Sa halip, nagbibigay siya ng pagkakataon sa lahat sapagkat hindi niya nais na may mapahamak, kundi ang lahat ay makapagsisi at tumalikod sa kasalanan” (2 Pet. 3:8-9). So, be patient in waiting. 2,000 taon nang naghihintay ang Church sa pagdating ni Jesus. Patuloy tayong maghihintay. Dahil ang pagdating niya naman ay…

Sigurado. Maghihintay tayo sa ating Panginoon “dahil kung ito’y dumating at kumatok ay mabuksan nila agad ang pinto” (v. 36). “Pagdating ng kanilang panginoon (v. 37, 38). Ibig sabihin, hindi na dapat pag-usapan kung darating ba siya o hindi. Sigurado iyon. So, keep believing and hoping. Wag kayong mag-aalinlangan. Ang di na lang natin alam ay kung kelan. Dahil ang pagdating niya ay…

Sorpresa. Kaya dapat maging handa “maging sa hatinggabi o sa madaling-araw man” (v. 38). Dahil karaniwang tulog ang mga tao kapag ganoong oras, maliban lang sa mga may insomnia at mga guard on duty o mga nasa call center. Pero ang point dito, Darating si Jesus sa oras na di inaasahan ng mga tao. Tulad ng isang magnanakaw, sabi sa v. 39, ganoon din sa 1 Thess. 5:2, 4; 1Th 5:4; 2 Pet. 3:10; Rev. 3:3; Rev. 16:15. Sabi ni Jesus, “Darating ang Anak ng Tao (ako!) sa oras na hindi ninyo inaasahan” (v. 40). So, be ready. Huwag n’yong tutulugan ang pananampalataya ninyo kay Jesus. Huwag kayong hihinto sa paglilingkod sa kanya. Don’t say, “Ngayong binata pa ako, magpapakaligaya muna ako sa mundong ito, saka ko na lang seseryosohin ang faith ko.” Don’t ever say that. Dahil malaki ang nakasalalay sa muling pagbabalik ni Jesus.

Nagtanong nga si Pedro, “Panginoon, sinasabi po ba ninyo ang talinghagang ito para sa amin o para sa lahat?” (v. 41). Bagamat di diretsang sinagot ni Jesus, malamang na ang context ng mga sumunod niyang sinabi ay may kinalaman sa mga disciples at mga hindi.

II. Your Master will Reward You

Darating si Jesus. Dapat handa tayo. Di natin alam kung kelan. Pero sigurado iyon. At sa pagdating niya, sigurado ring dala-dala niya ang mga rewards o gantimpala sa sinumang nanatiling tapat sa kanya. Anumang mali sa mundong ito ngayon, itatama niyang lahat. Anumang “losses” ang naranasan natin, mababawi nating lahat at higit pa.

Ipinangako ni Jesus na he will be all-out for us sa kanyang pagbabalik. Kahit pa we feel rejected ngayon o maraming nawala sa atin o iniwanan tayo ng mga mahal natin sa buhay, o sobrang hirap ang nararanasan natin ngayon sa pinansyal natin, nag-uumapaw na pagpapala ang tatanggapin natin sa araw na iyon.

He will give us honor beyond what we have now. Verses 37-38, “Pinagpala ang mga aliping aabutang nagbabantay pagdating ng kanilang panginoon. (Bakit?) Tandaan ninyo: magbibihis siya at pauupuin sila, ipaghahanda sila ng pagkain at pagsisilbihan. Pinagpala sila kung maratnan silang handa pagdating ng Panginoon.” This is shocking! Ang mindset natin ay tayo ang magsisilbi kay Jesus. Pero pagdating ng araw na iyon, he will give us the honor of being served. Hindi ba’t bago siya mamatay ipinakita niya na ‘to sa pamamagitan ng paghuhugas ng paa ng kanyang mga disciples (John 13) at pagbibigay sa kanila ng tinapay at inumin sa last supper? Hindi lang pala halimbawa ang iniiwan niya kundi a preview of things to come. Noong guest speaker ako last week sa isang church camp sa Antipolo, although I’m not too comfortable with that, lagi ako pinauuna sa pila sa pagkain, may special treatment. Kasi gusto nilang ipadama na special guest ako. Ganoon sa pagbabalik ni Jesus na mararamdaman natin sasabihin ni Jesus sa atin, “You are special to me. You are precious to me.”

He will give us authority beyond what we have now. Tayo ay mga “katiwalang pamamahalain ng kanyang panginoon sa kanyang sambahayan upang magbigay sa ibang mga alipin ng kanilang pagkain sa takdang oras? Pinagpala ang aliping madaratnang gumaganap ng tungkulin pag-uwi ng kanyang panginoon. Sinasabi ko sa inyo, pamamahalain siya ng kanyang panginoon sa lahat ng ari-arian nito” (vv. 42-44). Ngayon, sanay tayong tayo ang nagsisilbi, na wala tayong gaanong “say” sa mga nangyayari sa mundo natin ngayon, pero sa araw na iyon, we will have authority over all nations: “To all who are victorious, who obey me to the very end, To them I will give authority over all the nations” (Rev. 2:26 NLT). This is truly mind-boggling! Hindi ito tulad ng kapitan na may authority sa isang barko o sa isang barangay, o ng isang pastor sa church, o ng isang presidente sa Pilipinas. We’re talking here about “all nations”!

Ito ang napakalaking encouragement sa atin ngayon. Pero may warning din siya. Baka kasi isipin ng iba na para sa kanila ang rewards na ‘to. Di ba sabi sa binasa natin sa Revelation, “To all who are victorious, who obey me to the very end…” Ibig sabihin, may mga tao na sinasabing Christian sila, pero di naman nagtagumpay, di naman sumunod sa kanya hanggang sa dulo (see Matt. 24:13). These are the unfaithful and the unbelievers. Hind ilang iyong mga taong outright ni-reject si Jesus, kundi iyong mga “nominal” – Christians sa pangalan lang, pero walang bunga, wala talagang relasyon kay Jesus, hindi nga sabik sa kanyang muling pagbabalik. Ito ang mga “aliping” di tunay na aliping binabanggit ni Jesus sa verse 45, “Ngunit kung sasabihin ng aliping iyon sa kanyang sarili, ‘Matatagalan pa ang pag-uwi ng aking panginoon,’ bubugbugin niya ang mga kapwa niya aliping lalaki at babae, at siya’y kakain, iinom at maglalasing.” Walang pakialam sa pagdating ni Jesus. Hindi nagpapakita ng pag-ibig sa iba, nagmamalupit pa at ginagamit sa sariling kapakanan, at anumang pag-aari ng May-ari ay inaangking kanya at ginagamit sa sariling kasiyahan lang, at hindi sumunod sa mga tungkuling iniatas sa kanya.

Here’s the stern warning: “darating ang kanyang panginoon sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya alam. Buong lupit siyang paparusahan ng kanyang panginoon, at isasama sa mga suwail” (v. 46). Ibibilang sa mga suwail (o unfaithful o unbelievers o wicked). Ang sasapitin ng mga taong ito (bagamat relihiyoso sila, mabait siguro) ay tulad din ng mga taong di nakarinig kay Jesus. “Buong lupit siyang parurusahan” – sa literal ito ay “cut into two” – hahatiin ang katawan sa dalawa, violent punishment, grabe, unimaginable. Take this warning seriously. Hell is a serious matter. You will not want to go there. But some people, some “church attenders” will go there.

Verses 47-48, “Ang aliping nakakaalam ng kalooban ng kanyang panginoon ngunit nagpapabaya, o ayaw tumupad sa ipinapagawa nito ay paparusahan nang mabigat. Ngunit ang aliping hindi nakakaalam ng kalooban ng kanyang panginoon, magkulang man siya sa kanyang tungkulin, ay paparusahan lamang nang magaan. Ang binigyan ng maraming bagay ay hahanapan ng marami; at ang pinagkatiwalaan ng lalong maraming bagay ay pananagutin ng lalong marami.” Ibig sabihin, ang warning na ito ay hindi para sa mga bundok at liblib na lugar na di nakarinig kay Jesus, kundi sa mga taong tulad ng ilan sa inyo na palaging nakikinig, to those who profess to be Christians but really don’t care about Christ and his will. Your punishment is worse than those in the tribal regions who don’t hear the gospel. Mas malaki ang pananagutan ninyo sa Diyos.

Ang gantimpala – honor and authority – ay para lang sa mga tunay na tagasunod ni Jesus, mga naghihintay sa kanya at nananatiling tapat sa kanya. Para sa mga hindi, matinding parusa ang naghihintay sa inyo. “Dito’y nakikita natin ang kabutihan at kabagsikan ng Diyos. Naging mabagsik siya sa mga hindi sumasampalataya sa kanya, subalit mabuti siya sa inyo, kung mananatili kayo sa kanyang kabutihan. Kung hindi, kayo ma’y puputulin din” (Rom. 11:22).

III. Your Master is in Relationship with You Now

Oo nga’t napakahalagang motivations ng pagdating ni Jesus at ang gantimpalang naghihintay sa atin para tayo’y matiyagang maghintay at manatiling tapat sa kanya. Pero ang biyaya sa atin ng Diyos ay hindi lang “future,” it is now a present reality. Jesus our Master is in relationship with us now.

Jesus is our Lover now. Verses 51-53, “Akala ba ninyo’y naparito ako upang magdala ng kapayapaan sa lupa? Sinasabi ko sa inyo, hindi kapayapaan ang dala ko kundi pagkabaha-bahagi. Mula ngayon, ang lima sa isang sambahayan ay mahahati, tatlo laban sa dalawa at dalawa laban sa tatlo. Ang ama laban sa anak na lalaki, at ang anak na lalaki laban sa ama; ang ina laban sa anak na babae, at ang anak na babae laban sa ina; ang biyenang babae laban sa manugang na babae, at ang manugang na babae laban sa biyenang babae.”

Totoo ngang si Jesus ang nagbubuklod sa pamilya, tulad ng nararanasan ng marami sa atin ngayon. Iyon ay kung ang buong pamilya ay nakay Jesus. Pero kung hindi, kung ikaw lang ang Christian, sa halip na “peace” magkakaroon ng division. Tulad ng nararanasan ng ilan sa inyo at sa marami nating Muslim-background believers. Bakit ganoon? Nasaan ang encouragement sa atin noon? Na kung totoong Christian tayo, Jesus is our greatest Love. Because of that love, it looks like a disciple “hate(s) his own father and mother and wife and children and brothers and sisters, yes, and even his own life” (Luke 14:26 ESV). Anumang pagmamahal o satisfaction na hinahanap natin sa tatay natin na di natin nakuha, sa nanay natin na di natin nakuha, sa asawa natin na di natin nakuha, sa anak natin na di natin nakuha, sa mga kapatid natin na di natin nakuha, kay Jesus lang (uulitin ko, kay Jesus lang!) natin matatagpuan.

Jesus is our Hope now. Verses 54-56, ““Kapag nakita ninyong kumakapal ang ulap sa kanluran (naroon kasi ang dagat), sinasabi ninyo agad na uulan, at ganoon nga ang nangyayari. At kung umiihip ang hangin mula sa katimugan (naroon kasi ang disyerto) ay sinasabi ninyong iinit, at nagkakaganoon nga. Mga mapagkunwari! Marunong kayong umunawa ng palatandaan sa lupa at sa langit, bakit hindi ninyo nauunawaan ang mga tanda ng kasalukuyang panahon?”

Ito ay mensahe sa mga Judio, lalo na sa mga religious leaders, na hanggang ngayon ay di kumikilala kay Jesus bilang Messiah, ang ipinangakong Haring Tagapagligtas. Sa kabila ng mga “tanda” (miracles, teachings, life) na ipinakita ni Jesus na siya ang Messiah at ang Kaharian ng Diyos ay dumating na, hindi pa rin sila naniwala. Naghihintay sila ng hope o pag-asa na darating ang magliligtas sa kanila mula sa mga mananakop na Romano, pero di nila kinilala si Jesus. Tayo ngayon, Jesus is our hope, our only hope. Sa mga oppression, abuses, brokenheartedness, na naranasan natin, ngayon pa lang may pag-asa na sa puso natin dahil kay Cristo.

Jesus is our Freedom now. Verses 57-59, “Bakit hindi ninyo mapagpasyahan kung ano ang tamang gawin? Kapag ikaw ay isinakdal, sikapin mong makipagkasundo ka sa nagsakdal sa iyo bago dumating sa hukuman; baka kaladkarin ka niya sa hukom, at ibigay ka ng hukom sa tanod, at ibilanggo ka naman nito. Sinasabi ko sa iyo, hindi ka makakalabas doon hangga’t hindi mo nababayaran ang kahuli-hulihang sentimo.”

Kung tutuusin, lahat tayo nang hiwalay tayo kay Cristo ay tulad ng sinabi ni Jesus dito. Nahatulan. Nakabilanggo. Di makalabas sa kulungan, hangga’t di nababayaran ang pagkakautang sa Diyos. Napakalaki ng utang natin. Nadadagdagan pa araw-araw. Kahit tangkain nating bayaran sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti, di natin makakaya. Paano ngayon tayo makakalaya? Paano ngayon tayo muling mapapagkasundo sa Diyos? Sa pamamagitan ni Jesus. He is our freedom. He purchased our freedom. Siya ang nagbayad. Pero may mga tao hanggang ngayon, di pa malaya. Kasi gusto nila sila ang magbayad. The only way we can pay for our sins is by spending eternity in hell – or we can choose to receive Jesus’ payment for our sins.

Gospel Key: The Cross of Jesus

The gospel of Jesus is the key to all of this. Kaya sabi niya sa verse 49, “Naparito ako upang magdala ng apoy sa lupa at sana’y nagliliyab na ito!” Maaaring ang “apoy” dito ay fire of judgment (para sa mga unbelievers) o fire of purification (God’s mercy to believers). Either way, pareho namang nangyari iyon sa pagdating ni Jesus. If we reject his work on the cross at sabihing tayo ang gagawa para sa sarili nating kaligtasan, you will bear God’s judgment. Pero kung sasabihin mong tatanggapin mo ang ginawa ni Jesus na sapat na pambayad sa mga kasalanan mo, you will experience God’s mercy.

Sabi niya sa verse 50, “May isang bautismo na dapat kong danasin, at ako’y nababagabag hangga’t hindi ito nagaganap.” Maaalala n’yong papunta siya sa Jerusalem, doon siya ipapako sa krus. Ang “bautismo” dito ay ang paglubog niya sa tubig ng “poot ng Diyos” para tanggapin at akuin ang parusang dapat sana ay sa atin. Meron tayong Master and Lord na di inurungan ang hamong danasin ang matinding parusa ng Diyos, alang-alang sa atin, para masabik tayo sa kanyang pagbabalik, para matanggap natin ang gantimpala, at maranasan natin ang saya at fulfillment ng isang may tunay na relasyon sa Diyos.

His death on the cross guaranteed his return. Lord’s Supper: “…ipinapahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa kanyang muling pagparito” (1 Cor. 11:26). His death guaranteed the rewards we will get. “Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait, sa halip ay ibinigay para sa ating lahat, hindi kaya niya ibibigay nang masagana sa atin ang lahat ng bagay” (Rom. 8:32)? His death secured our relationship with him – that we will spend eternity with him. “…we were reconciled to God by the death of his Son” (Rom 5:10 ESV).

Kung ikaw ngayon ay di pa sumasampalataya kay Jesus at patuloy na nagtitiwala sa sarili mong gawa, ngayon ang panahon para pakinggan mo ang sinabi ni Jesus sa krus, “It is finished!” Magtiwala ka sa kanya. At para sa ating mga nagtitiwala sa kanya, wag na wag kang magsasawa, wag kang maiinip, wag kang mapapagod, patuloy tayo hanggang dumating ang Panginoon. Sabihin natin sa iba na darating siya, na ang pinakahahanap-hanap at pinakahihintay ng lahat ng tao ay walang iba kundi ang Panginoong Jesus. Maranatha, Come Lord Jesus!

Previous sermons

Part 28 - GiversPart 26 - Inside OutPart 25 - Obedience

3 Comments

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.