Part 22: One Thing (Luke 10:38-42)

worship

While it is true that we are “God’s fellow workers” (1 Cor. 3:19), we need to remember that we are not just mere workers. We are worshippers. We are in a love relationship with the Lord Jesus. Our goal in our Christian life is to get closer and closer to him. If being busy for him makes our relationship with him colder, then we must beware. Bible teacher Warren Wiersbe wisely reminds us:

wiersbe quote

I now invite you to listen to this sermon based on the story of Jesus’ encounter with Mary and Martha in Luke 10:38-42.

pdf_file

Note: To download the audio (in mp3), click the “menu” button on the bottom right corner of the sermon player.

The Story

Nagpatuloy si Jesus at ang mga tagasunod niya sa paglalakbay papuntang Jerusalem at dumating sila sa isang nayon. May isang babae roon na ang pangalan ay Marta. Malugod niyang tinanggap sina Jesus sa kanyang tahanan. Si Marta ay may kapatid na ang pangalan ay Maria, na nakaupo sa paanan ng Panginoon at nakikinig sa kanyang salita.

Pero si Marta ay abalang-abala sa paghahanda niya, kaya lumapit siya kay Jesus at sinabi, “Panginoon, balewala po ba sa inyo na nakaupo lang diyan ang kapatid ko at hinahayaang ako ang gumawa ng lahat? Sabihin n’yo naman po sa kanya na tulungan ako sa paghahanda.”

Pero sinagot siya ng Panginoon, “Marta, Marta, hindi ka mapalagay at abalang-abala ka sa maraming bagay. Ngunit isang bagay lang ang kailangan, at ito ang pinili ni Maria. Mas mabuti ito at walang makakakuha nito sa kanya.”

Worshippers not just workers

Hinihikayat natin ang bawat isa dito sa church na sumali sa isang GraceCommunity sa lugar na malapit sa inyo o di kaya naman ay bumuo ng bagong GraceComm. Isang dahilan nito ay para tulung-tulong tayo as a family to live out our five-fold identity as followers or disciples of Jesus. Una na nga iyong “We are family.” Two weeks ago, I emphasized our identity as “missionaries” based on Jesus’ commissioning of the 72 in Luke 10:1-24. Last week naman, sa kanyang pakikipag-usap sa isang “expert of the law,” reflection ito ng identity natin bilang “servants” kung paanong dapat tayong maglingkod at magmahal sa ibang tao tulad ng halimbawa ng Panginoong Jesus.

Pero hindi pwedeng ang tumatakbo sa isip natin ay pagiging “servants” at “missionaries” lang. Oo nga’t we are workers in the Lord’s harvest field (10:2), pero dapat nating tandaang we are more than just mere workers. Na para bang mga trabahador tayo sa isang pabrika. Marami ka ngang “Story of God” groups at maraming involvement sa ministries, pero baka akalain mong para kang trabahador na wala namang relasyon sa may-ari ng pabrika. Malaking problema iyon. Kaya dapat nating tandaang we are not just “workers” but “worshippers.” May relasyon tayo sa Panginoong Jesus. Ang goal natin ay mapalapit nang mapalapit sa kanya at hindi papalayo. At para lalong maging mainit ang relasyon natin sa kanya, we must take time to listen to him and his word. Iyon nga ibig sabihin ng pagiging disciples, unang-una we are “learners” o students ng Panginoong Jesus.

Sabi ng Bible teacher na si Warren Wiersbe:

Worship is at the heart of all that we are and all that we do in the Christian life. It is important that we be busy ambassadors, taking the message of the gospel to lost souls. It is also essential to be merciful Samaritans, seeking to help exploited and hurting people who need God’s mercy. But before we can represent Christ as we should, or imitate Him in our caring ministry, we must spend time with Him and learn from Him.

Jesus won’t stop

Napakahalagang aral ito na matutunan ng lahat ng mga disciples ng Panginoon. Hindi siya titigil hangga’t hindi natin ito natututunan. “As Jesus and the disciples continued on their way to Jerusalem…” (10:38 NLT). Patungo siyang Jerusalem. Alam na natin ang mangyayari doon. He will die on the cross to bear our sins and rise again on the third day to give us the hope of new life. Ito ang “eternal life” na tinatanong ng expert ng law sa verse 25. Anong “new life”? New life in the kingdom of God. Jesus will die on the cross to bring us back to God. Para maenjoy natin ang relasyon sa Diyos bilang ating Ama at tayo ang kanyang mga anak. So that God through his Spirit might live in us. So that we will love God with all our heart.

That’s the reason Jesus is calling people to discipleship with him. Pero hindi lahat tanggap ang paanyaya niya. Some people, instead of welcoming Jesus, rejected him. Malamang ganoon ang response ng “law expert” na nakipag-usap para lamang subukin si Jesus (10:25). Tulad din ng isang nayon sa Samaria na hindi pinatuloy si Jesus dahil papunta siya sa Jerusalem (9:52-53).

Martha welcomes Jesus

Pero merong isang tahanan sa Bethany na tanggap na tanggap siya. Ito ang pamilya ng magkakapatid na sina Martha, Maria at Lazarus (na kanyang binuhay mula sa mga patay) (John 12:1). They were all disciples of Jesus. Kaya pagdating ni Jesus sa kanila, ilang kilometro na lang ang layo nito mula sa Jerusalem, malugod at sabik silang tumanggap sa kanila. Dito sa kuwento natin sa Luke, hindi binanggit ang lugar kung saan: “…they came to a certain village where a woman named Martha welcomed him into her home” (10:38 NLT).

Martha. Malamang siya ang may-ari ng bahay, o di kaya naman ay siyang ate sa magkapatid. Welcome na welcome si Jesus at mga disciples niya sa bahay niya. Parang pamilya na rin siguro ang turing sa kanila. At tayong mga Filipino, hinahangaan sa hospitality. Kaya kapag naiiisip natin si Martha, kahanga-hanga naman ang ginawa niya. Kasi di ba’t ganoon din ang gagawin n’yo? Mga nanay, tama ba? Pagkatok pa lang sa bahay, pagbubuksan, tapos sasabihin, “Panginoon, kayo pala. Tuloy kayo sa bahay ko. Pasensya na kayo medyo magulo. Teka lang ha. Mag-aayos muna ko. O, uminom muna kayo ng iced tea. O baka kape gusto n’yo? Upo lang kayo diyan ha. Feel at home. Teka lang ha, magluluto lang ako. Dito na kayo maghapunan.” Pagdating sa kusina, “Naku, kulang pala ito. Baka di sila mabusog at masarapan. Maria, punta ka nga sandali sa talipapa. Bili ka ng tilapya, paborito ng Panginoon iyan. Maria! Maria! Aba, hindi sumasagot. Tamad talaga itong babaeng ‘to.”

Maganda naman ang ginagawa nitong si Martha. Siyempre gusto natin ganyan ang nanay natin, maasikaso. Gusto natin ganyan ang mga “workers” natin sa church, matiyaga, masikap, masipag. Kesa naman nakatunganga lang, walang ginagawa at tatamad-tamad. Pero wag nating kalilimutan na dahil sa maraming “mabubuting bagay” na inaatupag natin, nakakaligtaan natin ang higit na mabuti.

Mary listens to Jesus

At ito ang ginagawa ni Maria. “Her sister, Mary, sat at the Lord’s feet, listening to what he taught” (10:39 NLT). Napakagandang postura o larawan ng discipleship. Si Jesus tinawag na “Lord” o Master o Teacher. At ang disciples niya, students o learners. At ganito ang ginagawa ni Maria. Nakaupo sa paanan ni Jesus – pagkilala na siya’y nagpapasakop sa authority ng Panginoon. Nang mamatay ang kanilang kapatid na si Lazarus, sa paanan pa rin ni Jesus si Maria, “Now when Mary came to where Jesus was and saw him, she fell at his feet, saying to him, ‘Lord, if you had been here, my brother would not have died'” (John 11:32 ESV). Pagkatapos nito, isang araw na tumuloy si Jesus sa bahay nila, “Mary therefore took a pound of expensive ointment made from pure nard, and anointed the feet of Jesus and wiped his feet with her hair. The house was filled with the fragrance of the perfume” (John 12:3 ESV).

So this is not just mere submission, but devotion and loving affection for Jesus. Nakikinig siyang mabuti kay Jesus. Hindi niya iniisip na napapaligiran siya ng mga lalaki at ang expectation sa kultura nila ay lalaki lang ang mga “disciples”. Pero iba si Jesus. Iba si Maria. Kahit maingay sa paligid niya, kahit kumakalasing ang mga kasangkapan sa kusina, kahit nag-iingay na ang ate niya, tuloy pa rin siya sa pakikinig. Ni wala nga siyang sinasabi dito sa kuwento. Hirap kaya noon. Minsan nag-retreat ang mga leaders tapos ilang oras lang ng silence, aba hirap na hirap lalo na ang mga nanay! Pero para kay Maria, mas mainam makinig kay Jesus kaysa siya ang magsalita.

Seeing and savoring Jesus. Imagine kung paano nakatingin si Maria kay Jesus. She was enjoying that moment. Hindi niya na naaamoy ang niluluto ng ate niya. Kahit nagugutom siya, pinakamainam at pinakamasarap na pagkain para sa kanya ang makita at makasama si Jesus. Kahit maghapon at magdamag niyang kasama si Jesus, di siya magsasawa. Do you feel that, disciples of Jesus?

Listening to and loving Jesus. Hindi siya nagsasawang makinig sa kanya. Kasi nandoon ang love for Jesus. At habang nakikinig, mas lalong naiinlove. Iyan kasi ang problema sa relasyon ng mag-asawa, dahil wala nang time mag-usap, hindi lumalago ang relasyon nila. Pero hindi ito dapat mangyari sa relasyon natin kay Jesus. If you don’t spend time listening to him and his word, your love for him will not grow deeper and more intimate. Are you falling more and more in love with Jesus o napapansin mong lumalamig ang pag-ibig mo sa kanya? Alam mo na ang dahilan.

Seeing and savoring Jesus. Listening to and loving Jesus. This is the essence of discipleship. Ang problema kasi, we have mistaken “discipleship” with activity. Kapag busy sa ministry, kapag maraming ginagawa, kapag maraming involvement, kapag nagpapakapagod, kapag maraming programa at mga events – akala natin we’re doing good, akala natin we’re being a healthy church, akala natin iyon ang dahilan para sabihin ng Diyos sa atin, “Well done! Good job!”

Martha “distracted with much serving”

Kapag ganoon ang ginagawa natin, we’re becoming like Martha. She was “serving much” – walang masama doon, OK naman iyon. Sa isang okasyon nga siya pa rin ang nagse-serve (John 12:2). Mahilig talaga siya doon. Kaso nga lang, sa okasyong ito “distracted” siya. “But Martha was distracted with much serving” (10:40 ESV). Nawawala na sa focus. Nakafocus na sa “serving” hindi kay Jesus. Nakafocus na sa ginagawa niya, sa performance niya, at hindi sa salita ni Jesus. Obviously, distracted siya kasi sabi niya kay Jesus, “Lord, do you not care that my sister has left me to serve alone? Tell her then to help me” (10:40 ESV). Haay…ang mga taong abalang-abala at busyng-busy, kahirap pakisamahan, kahirap kausap.

Affected relationship with others. Apektado tuloy ang relasyon niya sa kapatid niya. Hindi natin alam kung anong klaseng relasyon meron ang dalawa. Pero kung pareho silang tagasunod ni Jesus, hindi lang sila magkapatid sa laman kundi pati sa pananampalataya. They were sisters in the Lord. Kaso, naiinggit si Martha sa kapatid niya. Siyempre gusto niya rin makinig kay Jesus. Pero nakatali siya sa kusina. Pwede namang mamaya siya naman ang makikinig tapos si Maria naman ang mag-aasikaso. O kaya naman, simpleng pagkain na lang ang ihanda niya. Di naman kailangan ni Jesus ang serbisyo niya.

Affected relationship with Jesus. Dahil sa pagkakamaling iyon, pati relasyon niya kay Jesus apektado. Sabihin ba naman niya kay Jesus na walang pakialam si Jesus sa kanya, na di man lang napapansing napapagod siya sa pag-aasikaso at ayaw man lang tulungan ng kapatid niya. Tawagin ba naman niyang “Panginoon” si Jesus tapos siya pa ang mag-utos, “Sabihin n’yo nga sa kapatid kong tulungan ako.” Sino ba ang Master? Hindi kailangan ni Jesus ang demands o suggestions natin, hindi niya kailangan ang mga ideas natin, hindi niya kailangan ang serbisyo at talento natin. Tayo ang may kailangan sa kanya.

Alam ni Jesus iyon. Kaya nga kahit sa mga panahong “neglected” natin ang Panginoon, he is still very much patient with us. Tinuturuan niya tayo. Hinuhubog niya tayo.

Jesus teaches Martha

Tulad ng ginawa niya kay Martha. Hindi niya sinabing, “Bumalik ka na sa kusina at ayusin mo na ang hapunan. Wag mo muna kaming istorbohin.” Pero ang sabi niya, “Martha, Martha, you are anxious and troubled about many things, but one thing is necessary. Mary has chosen the good portion, which will not be taken away from her” (10:41-42 ESV). Makikilala natin ang Panginoong Jesus sa sinabi niyang ito kay Martha.

Jesus cares for his disciples. Sabi kanina ni Martha, “Don’t you care…? Balewala po ba sa inyo? Wala po ba kayong pakialam? Di n’yo ba napapansin?” Sinagot siya ni Jesus, ibinaling ang atensiyon sa kanya para sabihing, “I do care for all my disciples.” Sinabi niya, “Martha, Martha…” – a sign of affection, of trying to draw attention to what he was going to say. Kahit pa sa panahong abalang-abala ka at nakakalimutan na ang paglalaan ng mas mahabang oras para sa Panginoon, gusto niyang sabihin sa iyo, “I care for you.” At isang paraan ng pagpapakita noon ay ang pagtatama sa atin.

Jesus corrects his disciples. “You are anxious and troubled about many things, but one thing is necessary” (10:41-42 ESV). Jesus pointed out Martha’s problem. Oo nga’t mainam maglingkod, pero kung sobrang abalang-abala na, aligaga na, nag-aalala na, at napakarami nang inaasikaso at napapabayaan ang mga bagay na higit na mahalaga, problema na iyon. Sabi ni Jesus na ang bawat disciple niya ay di dapat “doer of many things” kundi “devoted to one thing.” Ano iyong “one thing” na iyon na kailangan? Ang makasama si Jesus – ang makinig sa kanya, ang mahalin siya, ang sambahin siya – tulad ng ginagawa ni Maria. Kung meron mang bagay na sa tingin natin ay kailangan natin – trabaho o pag-aaral o pamilya – na nagiging dahilan para malayo tayo sa Panginoon at mabawasan ang oras na dapat ay inilalaan natin para sa kanya – ibig sabihin hindi iyon ang mga kailangan natin. Si Jesus lang ang kailangan natin. Alam niya iyon, kaya hindi niya hahayaang malayo si Maria sa kanya.

Jesus cherishes his disciples. “Mary has chosen the good portion, which will not be taken away from her” (10:42 ESV). Si Jesus ang “good portion” niya. Naparito nga si Jesus para ilapit tayo sa Diyos sa pamamagitan niya. Hindi niya hahayaang malayo tayo sa kanya. The presence of Jesus more important than performing for him. It’s not how much you’re doing, but how much you’re enjoying his presence. Iyon nga ang dahilan bakit niya tinawag ang mga disciples niya, “And he appointed twelve (whom he also named apostles) so that they might be with him and he might send them out to preach” (Mark 3:14 ESV). Kaya nga promise niya pagkatapos ng Great Commission, “I am with you always” (Matt. 28:20). Kaya dapat tulad tayo ni David, “The one thing I ask of the LORD– the thing I seek most– is to live in the house of the LORD all the days of my life, delighting in the LORD’s perfections and meditating in his Temple” (Psa 27:4 NLT). Discipleship is about relationship, not about the tasks. It’s about devotion, not duties.

Mary was focused on Jesus serving her. The focus was on Jesus. Martha, however, was focused on her serving Jesus. The focus was on her. Iyon ang malaking pagkakaiba. Hindi tayo pinamimili ng Panginoon dito na dapat tularan si Maria at hindi si Martha. May matututunan din naman tayo kay Martha. At mali namang isiping tutulad tayo kay Maria at walang ibang gagawin kundi makinig ng salita ng Panginoon at manalangin at sumamba. May dapat din tayong gawin. Dapat maglingkod. Dapat tumulong sa kapwa. Dapat magmisyon. Hindi rin naman ito tungkol sa pagiging balanse. “Balance”, I think, is not the right word. Na para bang minsan si Maria tayo, minsan si Martha. Sa tingin ko mas mainam gamitin ang term na “overflow” o “flowing.” Our work flows from our worship. Whatever we do in serving and in missions must be an overflow of a worshipping heart. And if our heart is passionate in worship and in loving Jesus, it will overflow in loving service and sacrificial missions. That’s what I will call “overflow” discipleship.

Nitong mga nagdaang araw ganito ang binigay kong advice sa isang “worker” natin sa church at isa pang hopefully ay magiging karagdagang “worker” natin sa church. Na ang unang tanong o concern niya dapat ay hindi kung anu-ano ang kailangan niyang gawin. Kundi iyon bang sinabi ko sa isa na huwag mo munang isiping worker ka. Just enjoy worshipping Jesus. At doon sa isa naman, sabi ko, huwag mo munang isipin ang mga kailangan mong gawin. Tingnan mo muna ang mga ginagawa ng Diyos sa church natin at just enjoy being a part of that.

Some practical suggestions

Narito ang ilang mga suggestions na maaari nating gawin kung gusto nating ma-enjoy talaga itong “overflow” discipleship. May kinalaman lahat ito sa personal time ninyo at sa corporate life natin sa church.

Set a regular special and focused time of enjoying the presence of Jesus. Araw-araw may nakalaan kang oras na para lang sa kanya. Tahimik. Walang istorbo. Walang ibang gagawin. Walang ibang iisipin. Siya lang. Ibabalik ko din ang dati kong “monthly” Day with the Lord. Pwede kayong sumama sa akin. Next Sunday, magkakaroon ang youth natin ng prayer retreat. At sa church natin, nakaset na ang Sunday Worship at Friday Prayer Meeting as special times of enjoying the presence of Jesus.

Guard those special moments of meeting with Jesus. Tulad ng busyng-busyng pastor na si Charles Spurgeon. Guwardiyado niya ang Sabado ng gabi sa pakikinig sa salita ng Diyos para sa kanyang sermon kinabukasan. Walang istorbo dapat. Steven Lawson (The Gospel Focus of Charles Spurgeon):

Once, an uninvited guest came to his home to see him while he was preparing for Sunday. When the maid answered the door, this person sent her to Spurgeon, requesting an audience with him. Spurgeon directed her to say that it was his rule to see no one at that time. The visitor replied, ‘Tell Mr. Spurgeon that a servant of the Lord Jesus Christ desires to see him immediately.’ The frightened maid brought the message, but Spurgeon answered, ‘Tell him I am busy with his Master, and cannot see servants now.'”

Tulad niya, huwag na nating hayaang may umistorbo sa “date” natin sa Panginoon. Tulad ng Sunday Worship. Sabihin mo sa bisita mo o sa trabaho mo, “Huwag kang istorbo. May ka-date ako.”

Practice the presence of Jesus everyday in everything you do. Siyempre, magtatrabaho ka din sa bahay o sa opisina o sa eskuwelahan, pero hindi mo iiwanan si Jesus sa worship hall lang natin o kung saan ka nagprayer time. Kasama mo siya araw-araw. Be aware of his presence. Talk to him. Ask him. Speak to him. Sing to him. Praise him. Kahit nasaan ka.

Remind each other that only one thing is necessary. Madali tayong makalimot. Kaya may church, para tulung-tulong tayong huwag makalimot at maalala, sa kabila ng maraming alalahanin sa buhay, na isang bagay lang naman talaga ang kailangan – ang maenjoy ang presensya ng Panginoon. Sabihan natin ang isa’t isa, paalalahanan, “Martha, Martha…”

Enjoy his presence. Enjoy Jesus. Christian life is not boring. It’s not about duties or tasks. It’s about our joy in the presence of Jesus. Hindi ito para lang sa “kabilang buhay.” You can enjoy it right here, right now. This is what it means to be a Christian, a disciple of Jesus. Everyone is invited to enter the joy of your Master – now, everyday, and forever.

Previous sermons

Part 21 - Eternal LifePart 20 - Sent OutPart 19 - Resoluteness

3 Comments

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.