Part 21: Eternal Life (Luke 10:25-37)

eternal_life_title

Life as we experience it today makes us long for something much better, what the Bible calls “eternal life.” James MacDonald, in his book Vertical Church, affirms this: “Deep in the soul of every human being is a longing for transcendence created within us by God Himself.” And more importantly, the Word of God declares this to be true, “God has made everything beautiful for its own time. He has planted eternity in the human heart” (Ecclesiastes 3:11 NLT).

How will this longing be fulfilled? What should we do to have “eternal life”? To these questions, there are three common responses, responses that in the end are not only futile but also destructive.

“I know the right answer.” Is knowing the right answer to those questions enough? Is entering the kingdom of God like a “Question and Answer” portion: You get in if you know the correct answer; You’re out if you don’t?

“I am good enough.” When you know how to get eternal life, do you think you will pass the test? Do you presume that you’re qualified? But by what standard? Can you really meet God’s requirement of perfect righteousness?

“I will try harder.” It is good when you admit that you are not good enough. But you’re heading in the wrong direction when your response to that is just to try harder, improve your life, or be better in your relationships. Entering God’s kingdom is not like re-taking a board exam when you failed your first try or improving yourself to qualify for your school’s basketball varsity team.

Now, if these three common responses are not enough, how then can we really have eternal life? Find out the answer in Jesus’ conversation with an expert in religious law in Luke 10:25-37. I invite you to read or listen to my sermon on this story, and then share it to your friends.

If you want to share some of your reflections or if you have some questions about this, use the comment section below.

pdf_file

Note: To download the audio (in mp3), click the “menu” button on the bottom right corner of the sermon player.

The Story

Lumapit kay Jesus ang isang tagapagturo ng Kautusan upang subukin siya. Nagtanong siya, “Guro, ano po ang dapat kong gawin upang magkaroon ng buhay na walang hanggan?”

Sumagot si Jesus, “Ano ang nakasulat sa Kautusan? Ano ang nababasa mo roon?”

Sumagot ang lalaki, “Mahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong lakas at ng boung pag-iisip. At mahalin mo ang kapwa mo tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.”

“Tama ang sagot mo,” sabi ni Jesus, “Gawin mo ito at makakaroon ka ng buhay na walang hanggan.” Pero ayaw ng tagapagturo na mapahiya, kaya nagtanong ulit siya, “At sino naman po ang kapwa ko?” Bilang sagot sa kanya, nagkuwento si Jesus:

“May isang taong papunta sa Jerico galing sa Jerusalem.

Habang naglalakad siya, hinarang siya ng mga tulisan. Kinuha nila ang mga dala niya, pati ang suot niya.

Binugbog nila siya at iniwang halos patay na sa tabi ng daan.

Nagkataong dumaan doon ang isang pari. Nang makita niya ang taong nakahandusay, lumihis siya at nagpatuloy sa kanyang paglalakad.

Napadaan din ang isang Levita at nakita niya ang tao, pero lumihis din siya sa kabilang daan at nagpatuloy sa kanyang paglalakad.

Pero may isang Samaritanong naglalakad na napadaan doon. Nakita niya ang taong nakahandusay at naawa siya. Nilapitan niya ang lalaki, hinugasan ng alak ang sugat, binuhusan ng langis at saka binendahan.

Pagkatapos, isinakay niya ang tao sa sinasakyan niyang hayop, dinala sa bahay panuluyan at inalagaan doon.

Kinabukasan, binigyan ng Samaritano ng pera ang may-ari ng bahay-panuluyan at sinabi, ‘Alagaan mo siya, at kung kulang pa iyan sa magagastos mo ay babayaran kita pagbalik ko.'”

Nagtanong ngayon si Jesus sa tagapagturo ng Kautusan, “Sino sa tatlong ito sa palagay mo ang tunay na kapwa-tao ng biktima ng mga tulisan?” Sumagot siya, “Ang tao pong nagpakita ng awa sa kanya.” Sinabi sa kanya ni Jesus, “Lumakad ka at ganoon din ang gawin mo.”

A longing for transcendence

Last Monday, nagstart kami ng Story of God sa bahay ng kamag-anak ng asawa ko – 12 sila lahat kasama ang isa na nasa Hong Kong (via Skype!). First question ko sa kanila, “Ano ang gusto n’yong hilingin sa Diyos na baguhin sa buhay n’yo?” Aba, umiiyak na sila agad. Kasi nandoon na sa heart nila na sa mundong ito, sa buhay na ito, something has gone terribly wrong. Iyon bang malaki ang kulang sa buhay natin. We don’t just want to survive, we want to live – to really enjoy life.

Simula nang magkasala sina Adan at Eba, we don’t have access to The Tree of Life. We cannot enjoy life as God meant it to be. Pero nandoon sa heart natin yung longing. Sabi ni Pastor James MacDonald (Vertical Church, p. 33): “Deep in the soul of every human being is a longing for transcendence created within us by God Himself.” Ganoon ang sabi ng sumulat ng Ecclesiastes, “God has made everything beautiful for its own time. He has planted eternity in the human heart” (Ecc 3:11 NLT).

One day an expert in religious law stood up to test Jesus by asking him this question: “Teacher, what should I do to inherit eternal life?” (Luk 10:25 NLT). Bagamat may ibang motibo dito, pero sa isang banda makikita natin na nasa puso ng isang tao ang “longing for transcendence” – o iyon bang buhay na hindi sa mundong ito, life in the Kingdom of God, na ibang-iba sa nararanasan natin at nakikita natin sa paligid natin. Pero ang problema sa atin, we force our way to access the Tree of Life. Tayo ang gumagawa ng paraan – through our happy family; kung hindi magwork-out, achievements sa school o sa work. Kung hindi pa rin, through relationships and sex. Kung hindi pa rin, religion and spirituality.

Tulad ng lalaki sa story. Expert siya sa religious law. Alam niya ang mga Kautusan ni Moises. Baka kabisado niya iyon. Itinuturo sa iba. Nilalapitan siya para tanungin kung ano ang interpretation ng various laws. He has a good reputation. He has achievements. At sa pagtatanong niya kay Jesus – “to test Jesus” – gusto niyang daigin pa si Jesus o ibaba si Jesus para maingat niya ang kanyang sarili.

“Teacher, what should I do to inherit eternal life?” (Luk 10:25 NLT). Good question. Crucial question. Deep inside the hearts of everyone (everyone!), tinatanong natin ito. Meron tatlong karaniwang response ang mga tao kung marinig nila ang sagot sa tanong na ito.

  1. I know the right answer. Sapat ba iyon? Ang pagpasok ba sa kaharian ng Diyos ay parang question and answer portion? Para bang merong set of questions, tapos kapag nasagot natin nang tama sasabihin ng Diyos, “Welcome to my kingdom! Bravo!”
  2. I am good enough. Na kapag nalaman mo kung ano ang dapat gawin, tingin mo sa sarili mo, pasado ka na, qualified ka na. Pero ano ba ang standard o requirement ng Diyos? Sa iba namang tingin nila sa sarili nila ay puro kapalpakan ang nagawa nila…
  3. I will try harder. Kung sa ngayon, di pa nila nakikita ang sarili nilang pasado, pero pagbubutihin pa nila. Parang re-take ng board exam ba iyon? Parang try-out ulit para masali sa varsity team o audition ulit para masali sa choir?

Knowing the right answer is not enough

How did Jesus answer that question? Mahusay na guro si Jesus. Sa halip na sagutin nang diretso ang tanong, nagtanong din siya. “What is written in the Law? How do you read it?” (v. 26 ESV). Alam ni Jesus na sinusubok siya ng taong ito. Pero dahil ibinalik ni Jesus ang tanong sa kanya, Jesus was now letting the man search his heart. Siya na ngayon ang sinusubok ni Jesus. Mukhang kayang-kaya niya namang sagutin ang tanong ni Jesus, expert nga siya sa Kautusan, siyempre.

And he answered, “You shall love the Lord your God with all your heart and with all your soul and with all your strength and with all your mind, and [you shall love] your neighbor as yourself.” (Luk 10:27 ESV). Ang una (“love the Lord”) ay galing sa Deut. 6:4-5 na tinawag ni Jesus sa isang okasyon na “first and greatest commandment” (Matt. 22:37-38). At ang pangalawa (“love your neighbor”) ay galing sa Lev. 19:18 at tinawag ni Jesus na “the second greatest commandment” (Matt. 22:39). Ito ang summary ng 10 Commandments at ng 613 na iba’t ibang utos na nakasulat sa Torah.

Kabisado pa nga nila itong una na tinatawag nilang Shema (“Hear…”, Deut. 6:5).  Kabisado din natin. Kabisado din ng mga anak natin. Marami pa nga tayong memorized na mga verses. Maraming tanong sa Bible ang kaya nating sagutin. Tinatanong nga natin ang mga ibabaptize kung “naiintindihan” nila ang ibig sabihin ng baptism.

The problem is – problema ng lalaki, problema natin – we are content and satisfied with just knowing the right answer. Sabi ni Jesus sa lalaki, “Right!” (Luke 10:28 NLT). Sarap lang marinig na masabing, “Correct!” But merely knowing the right answer is not enough. Dugtong pa ni Jesus, “Do this and you will live!” (Luk 10:28 NLT). Ang dapat na tanong ay hindi, “Alam mo ba ang tamang sagot?” Kundi, “Ginagawa mo ba ang iniuutos ng Diyos?”

Being good enough is not enough

Maaari namang sabihin ng iba, “Yes. I am good enough. I love God. Nagsisimba ako. Deboto ako. Nagdadasal ako. Nagbabasa ako ng Bibliya. I love my neighbor. Tumutulong ako sa mahihirap. Nagbigay ako ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyo. Nagbibigay ako ng ulam sa kapitbahay ko. Nakasusuway ako sa utos ng Diyos paminsan-minsan at nagiging selfish, pero kung ikukumpara naman sa iba, I am good enough.”

Ang tanong ngayon, “Is that really enough para magkaroon tayo ng buhay na walang hanggan? Mapabilang sa kaharian ng Diyos? Maging matuwid at katanggap-tanggap sa harapan niya?” Ang problema natin, at ng lalaking kausap ni Jesus, ibinababa natin ang standard para makaabot tayo doon, para ipakita sa iba na we are righteous and good enough. But he, desiring to justify (prove himself righteous or good enough) himself, said to Jesus, “And who is my neighbor?” (Luke 10:29 ESV). Para kasi sa kanila, meron lang mga tao na pwedeng tawaging neighbor nila, depende sa status o katayuan sa buhay. Kung sila Judio, dapat Judio lang. Kapag Samaritan (na Judio na may halong lahing banyaga) o Gentile, hindi neighbor iyan. Kapag hindi nila ka-uri o ka-kulay, hindi neighbor. They are lowering the standard of the second greatest commandment. May response ang Panginoong Jesus diyan, ang kuwento na kilala natin sa tawag na “Parable of the Good Samaritan” (vv. 30-35).

“May isang taong papunta sa Jerico galing sa Jerusalem.” Malamang Judio ang lalaking ito (tulad ng salin ng NLT) dahil galing sa Jerusalem at pauwi siguro sa bahay niya sa Jerico (parang mula Baliwag hanggang Paranaque ang layo). “Habang naglalakad siya, hinarang siya ng mga tulisan. Kinuha nila ang mga dala niya, pati ang suot niya.

Binugbog nila siya at iniwang halos patay na sa tabi ng daan.” Kawawa naman. He was now without protection, without provision, without companion, and he was fighting for his life. Helpless. Miserable condition.

“Nagkataong dumaan doon ang isang pari. Nang makita niya ang taong nakahandusay, lumihis siya at nagpatuloy sa kanyang paglalakad. Napadaan din ang isang Levita at nakita niya ang tao, pero lumihis din siya sa kabilang daan at nagpatuloy sa kanyang paglalakad.”

Priests are from the line of Aaron, serving in the temple and other religious services. A Levite is not necessarily a priest, but also involved in assisting priests in services. In spite of these two being known as “religious,” in spite of their position as “spiritual” – they ignored the man needing help. They pretended as if he doesn’t exist or they have more important duties to attend to. They don’t want to be inconvenience, to spend their energy and money in helping the man. They profess to love God, but they don’t love their neighbor needing help. Sabi ni James, “Religion that is pure and undefiled before God, the Father, is this: to visit orphans and widows in their affliction” (James 1:1 ESV); at ni John, “We love because he first loved us. If anyone says, “I love God,” and hates his brother, he is a liar; for he who does not love his brother whom he has seen cannot love God whom he has not seen. And this commandment we have from him: whoever loves God must also love his brother” (1 John 4:19-21 ESV).

“Pero may isang Samaritanong naglalakad na napadaan doon. Nakita niya ang taong nakahandusay at naawa siya. Nilapitan niya ang lalaki, hinugasan ng alak ang sugat, binuhusan ng langis at saka binendahan.”  Tatlo ang nakakita sa lalaking kailangan ng tulong. Isa lang sa kanila ang nagrespond. Samaritano pa – na sa tingin ng mga Judio ay hindi tunay na sumasamba sa Diyos. “When he saw him, he had compassion” (10:33 ESV). Ibang-iba sa naunang dalawa, pero tulad na tulad sa Panginoong Jesus. Luke 7:13, “And when the Lord saw her (widow weeping for the death of his only son), he had compassion on her and said to her, “Do not weep.” Tulad din ng reaksyon ng ama sa pagbabalik ng kanyang anak na lumayas, “And he arose and came to his father. But while he was still a long way off, his father saw him and felt compassion, and ran and embraced him and kissed him” (15:20 ESV). Ang awa at habag at pag-ibig natin sa iba ay dapat tulad din ng pag-ibig na ipinakita sa atin ng Diyos. When we see someone in need (of help, encouragement, money, food, friendship, prayer) and we have the opportunity to help them, we show them compassion.

At hindi lang ito basta “feeling” – may action na makikita. “Pagkatapos, isinakay niya ang tao sa sinasakyan niyang hayop, dinala sa bahay panuluyan at inalagaan doon. Kinabukasan, binigyan ng Samaritano ng pera ang may-ari ng bahay-panuluyan at sinabi, ‘Alagaan mo siya, at kung kulang pa iyan sa magagastos mo ay babayaran kita pagbalik ko.'” The Samaritan spent his time, his energy, his money, even asking others for help. He was willing to do everything necessary to help the man.

Ngayon, para saan ang kuwentong ito? Para i-expose ang puso ng lalaking nagtanong kay Jesus. Kaya ang tanong niya sa verse 36, “Which of these three, do you think, proved to be a neighbor to the man who fell among the robbers?” Tanong ng lalaki kanina, “Who is my neighbor?” Sabi ni Jesus, “Wrong question! Dapat itanong mo sa sarili mo, “Am I being a good and right neighbor? Do I have a compassionate heart?” Ang Samaritan para sa kanila, hindi matatawag na “good” pero sa pagkakataong ito, siya ang “good example”! Posible lang iyan kung mababago ang puso ng isang tao.

You are not good enough. Sabi ni Jesus kanina, “Do this and you will live.” Actually, galing din ito sa OT, Referring to the Law God has given, “if a man observes them [the Law] he will live” (Ezek. 20:11); “by which [the Law] a man may live if he does them” (Lev. 18:5). Sinasabi ba niya ditong maliligtas ang isang tao sa pamamagitan ng kanyang mabubuting gawa? Oo, kung maabot mo ang standard ng Diyos. You’re not good enough. Do you love your neighbor? Yes? Iyon ba ang utos? Hindi ba’t “Love your neighbor as yourself”? Do you? Ang pag-ibig ba na iyan ay nanggagaling sa pag-ibig mo sa Diyos o dahil may mapapakinabang ka lang sa ibang tao? Do you love God? Yes? Hindi naman iyon ang command kundi, “Love God with all your heart, all your soul, all your mind, all your strength.” Do you? Sabi ni Jesus, “Be perfect, as your heavenly Father is perfect” (Matt. 5:48). Are you? “…no one is faithful anymore; those who are loyal have vanished from the human race. Everyone lies to their neighbor; they flatter with their lips but harbor deception in their hearts” (Psalm 12:1-2 NIV).

Sa standard ng tao, puwedeng “you are good enough,” but not by God’s standard of perfect holiness and obedience. “But those who depend on the law to make them right with God are under his curse, for the Scriptures say, ‘Cursed is everyone who does not observe and obey all the commands that are written in God’s Book of the Law'” (Gal 3:10 NLT). Only Jesus is good enough. Only Jesus is perfectly righteous. Si Jesus lang ang nagmahal sa Diyos nang buong puso. Si Jesus lang ang nagpakita ng tunay at dalisay na pag-ibig sa mga tao. Once you realized that, dapat ang response natin hindi, “I am good enough.” Kundi, “I am not good enough. Only Jesus is good enough.”

At this point in our story, tandaan n’yong papunta si Jesus sa Jerusalem. He has set his eyes on the cross. Ibig sabihin, sinasabi niya sa lalaking kausap niya at sa lahat ng nakikinig sa kanya, “Sumunod kayo sa akin hanggang sa Jerusalem at ipapakita ko sa inyo kung ano ang gagawin ko para sa inyo.” At the cross, he became our substitute. Dinala niya ang parusang dapat sana ay tayo ang magbayad. Bayad na iyon. Hindi na natin kailangang bayaran iyon. We only need to trust him.

Now it is evident that no one is justified before God by the law, for “The righteous shall live by faith.” But the law is not of faith, rather “The one who does them shall live by them.” Christ redeemed us from the curse of the law by becoming a curse for us–for it is written, “Cursed is everyone who is hanged on a tree”– so that in Christ Jesus the blessing of Abraham might come to the Gentiles, so that we might receive the promised Spirit through faith.  (Gal 3:11-14 ESV)

Trying harder is still not enough

Kung ikaw ay Christian na, alam mo iyan, pinaniniwalaan mo iyan. Sinasabi mo sa sarili mo. “I am not righteous. Only Jesus is righteous. He died for me. I trust him. God now accepts me because of what Jesus did for me, not because of anything I have done or will ever do for him.” Pero ang akala natin, naligtas tayo sa pananampalataya kay Cristo, ngayon naman, lalago tayo at mas mapapalapit sa Diyos sa pamamagitan ng pagsisikap natin. Kaya kapag narinig natin ang sagot ng lalaki sa tanong ni Jesus sa verse 37, He said, “The one who showed him mercy.” And Jesus said to him, “You go, and do likewise” (Luke 10:37 ESV) – ang dinig natin parang kulang pa, we need to do more. Try harder. Love others more. Be more committed. Be more sacrificial. Give more. Share the gospel more.

Pero hindi iyon ang mensahe ni Jesus. Yes, iniutos sa ating mahalin natin ang kapwa natin. Pero dapat muna nating marealize, kahit na Christian na tayo, na hindi natin kaya sa sarili natin. Ang pagtitiwala kay Jesus ay hindi lang sa simula, kundi all the time. Ito ang problema ng mga taga-Galacia, “O foolish Galatians! Who has bewitched you? It was before your eyes that Jesus Christ was publicly portrayed as crucified. Let me ask you only this: Did you receive the Spirit by works of the law or by hearing with faith? Are you so foolish? Having begun by the Spirit, are you now being perfected by the flesh” (Gal 3:1-3 ESV)?

Kahit ang mabuting gawa natin ay nagiging kahangalan kung ginagawa natin sa sariling effort natin at sa pagtatangka na iyon ang paraan para maging katanggap-tanggap tayo sa Diyos. We cannot earn God’s love. We don’t even repay him for what he has already done for us. It was not about trying harder, but trusting Jesus. Sinasabi ko bang di na tayo dapat sumunod sa first and second greatest commandments? No! Pero ang pagsunod natin ay dapat nanggagaling sa pagtitiwala natin sa Diyos – through the Spirit in us. Pangako iyan ng Diyos, “And I will put my Spirit within you, and cause you to walk in my statutes and be careful to obey my rules” (Ezek. 36:27).

Di na natin kailangang subukin si Jesus tulad ng ginawa ng lalaki sa kuwento. Subok na siya. Only Jesus and what he has done and is doing for us is enough for us. Hindi ibig sabihing we don’t exert the effort to show love to others. Pero ibig sabihin malaya na tayo ngayong magmahal sa iba. Hindi para maging tanggap sa Diyos, kundi dahil tanggap na tayo ng Diyos. Hindi para makuha ang pag-ibig ng Diyos, kundi dahil siya na ang unang nagmahal sa atin at hayaang ang pag-ibig na iyon ay umapaw sa ibang tao. Hindi para patunayan sa asawa natin, sa anak natin, sa magulang natin, sa church natin, na mabuting tao tayo kundi para ipakita sa kanila na si Jesus lang ang mabuti.

Religious knowledge and self-effort (no matter how hard we try) to love others will never get us to God. Only Jesus will. Ito ang pagkakamali ng isang milyong deboto ng Black Nazarene sa Quiapo noong isang araw. Too much effort to get to touch, not Jesus, but a piece of wood, thinking na magkakaroon sila ng buhay na walang hanggan o blessing from God o healing from sickness o prosperity kapag nagawa nila iyon. Foolish. Tulad din ng ginagawa natin – kahit sa ministry sa church – na ginagawa natin to gain God’s acceptance. Foolish tulad din ng lalaki sa kuwento natin na tanong pa ng tanong kung ano ang gagawin niya samantalang ang sagot ay nasa harap na niya – right in his face. He only need, we only need, to look to Jesus. He is the Answer. He is the Solution. He is the Way. He is the Help we need. The Christian life is not about tying harder but trusting Jesus.

Previous sermons

Part 20 - Sent OutPart 19 - ResolutenessPart 18 - Greatness

3 Comments

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.