Merong isang Diyos, merong isang gospel, merong isang church—kaya dapat na nagkakaisa ang church. Hindi tayo ang lumilikha ng pagkakaisang ito; binabantayan natin at pinagyayaman natin ang pagkakaisang ito sa pamamagitan ng pagtataglay ng mga katangiang katulad ni Cristo. Ito ang klase ng pamumuhay na consistent sa gospel na pinaniniwalaan natin. Ito ang mensahe ng Ephesians 4:1-6.
Psalm 23:1-3 • Si Yahweh, Aking Pastol
Ang Psalm 23 ay awit ni David, na awit ni Cristo at tungkol kay Cristo, at awit din ng bawat Kristiyano na mga tupang ang pastol ay si Cristo. Kaya, lumapit ka kay Cristo, patuloy na magtiwala sa kanya, sundin ang boses niya, at masusumpungan natin ang kapahingahan, kasiyahan, at kalakasang hinahanap natin. Sigurado ‘yan.
Ephesians 3:7-13 • Ang Mabuting Balita at ang Iglesya
Kung alam mo ang gospel, kung kilala mo si Cristo, kung lagi mong naaalala kung ano ang ginawa niya para sa atin, Christ is really worth losing our life for. Jesus is our life. This is gospel ministry: ginagawa natin ito dahil kay Cristo at para sa mga taong nangangailangan kay Cristo.
Ephesians 3:1-6 • Ang Hiwaga ni Cristo
Siyempre, imposibleng malaman ang "mystery" kung sa sarili lang nating kaalaman. Pero posibleng malaman, at gusto ng Diyos na malaman natin, kaya nga nakasulat sa Bible, at kumikilos ang Holy Spirit in the preaching of the Word, and as you listen attentively and prayerfully and humbly sa preaching of his Word.
