Lubos na Pinagpala (Eph. 1:3)

Sa Ephesians 1:3 ay makikita natin na inilahad sa atin ni Pablo ang pagpupuri sa likas na kabutihan at mabubuting ginawa ng Diyos para sa atin. Wala tayong mabuting bagay na ibinibigay sa kanya. Wala rin naman talaga tayong maibibigay sa kanya na hindi sa kanya nagmula. Kaya marapat lang na siya’y ating sambahin, pasalamatan, papurihan at parangalan.

Ang Biyaya ng Pagtawag ng Diyos (Eph. 1:1-2)

Dito sa first two verses ng Ephesians ay nakita natin na inihahatid ito ni Pablo sa atin with authority na galing mismo kay Cristo, and with humility na merong pagkilala sa kalooban ng Diyos. Tatanggapin naman natin ang salitang ito as God’s holy people (mga taong ibinukod ng Diyos para sa kanya) and as faithful people (bilang mga tagasunod ni Cristo). At tatanggapin natin ito dahil ito ay salita ng Diyos na may malaking pakinabang sa atin. Sa pamamagitan nito ay dumadaloy ang biyaya ng Diyos na nagreresulta sa maayos na relasyon (peace) sa Diyos at sa ibang tao.

Exodus 30-31 • Banal na Gawain, Banal na Kapahingahan

Kay Cristo lang natin matatagpuan ang tunay na kapahingahan. Christ is “the Sabbath rest for the people of God” (Heb. 4:9). Kaya nga nagtitipon tayo every Sunday, hindi dahil isa itong obligasyon o kabigatan sa atin. Kundi dahil sa pagpapa-alala sa atin ng Diyos sa natapos nang ginawa ni Cristo para sa atin—sa gospel na inaawit natin, sa preaching na pinapakinggan natin, sa Lord’s Supper natin—nararanasan natin ang espiritwal na kapahingahan na kailangan natin.