Sa halip na tayo’y makibahagi sa mga gawain ng mga di-Kristiyano (mga gawa ng kadiliman), dapat na tayo’y ‘wag matitinag na magpatuloy na mamuhay ayon sa liwanag at maging matapang na ilantad ang mga gawa ng kadiliman sa liwanag ni Cristo. At para mas maging personal sa atin ang application nito, kailangang matutunan natin ang dalawang bagay: gospel-driven confession at gospel-exposing confrontation.
Psalm 23:5-6 • Si Yahweh, Aking Tahanan
Makikita natin sa Psalm 23 na mabuti talaga ang Diyos sa atin na kanyang mga anak. Mabuti ang Diyos araw-araw, at magpakailanman. Pero dahil madali para sa atin ang makalimot at pagdudahan ang kabutihan ng Diyos, especially sa mga panahong tayo’y lumalakad sa “libis ng lilim ng kamatayan,” paano nga ba natin palaging maaalala ang kabutihan ng Diyos?
Psalm 23:4 • Si Yahweh, Aking Gabay
Gaano man kahirap ang daan na nilalakaran mo ngayon o lalakaran mo balang araw—anuman ‘yang libis ng lilim ng kamatayan na itinakda ng Diyos na lakaran mo, mao-overcome natin ang anumang takot sa puso natin kung aalalahanin natin at paniniwalaan natin na si Yahweh, ang Panginoong Jesus mismo, ang kasama natin.
Ephesians 3:14-21 • Pagluhod sa Ama
Ang postura ng puso natin sa paglapit sa Diyos sa prayer ay nagpapahayag kung ganito rin ba ang pinaniniwalaan natin tungkol sa Diyos. Paano ba tayo dapat lumapit kung ganito ang Diyos natin?
