Our Afflictions and the Faithfulness of God (Psalm 119:73-80)

Ang Diyos na ating Ama ang may hawak ng lahat ng nangyayari sa buhay natin at gumagawa siya para tuparin ang kanyang magandang layunin sa kanyang mga anak—even using the hardest of our afflictions to that end. “In faithfulness you have afflicted me” (Psa. 119:75). Kahit na yung mga afflictions na yun ay hindi mabubura ang faithfulness ng Diyos. Yun nga ang marka na tapat ang Diyos sa kanyang pangako na tatapusin ang mabuting bagay na sinimulan niya sa buhay natin.

Our Afflictions and the Goodness of God (Psalm 119:65-72)

Ang mga tao pa naman ngayon karaniwang sinusukat ang kasiyahan nila in terms of material prosperity, o ayon sa well-being ng family nila, kung mas nagiging ayos ang mga relationships. Pero merong ilan sa inyo ngayon na may pinagdadaanang mabigat na pagsubok sa relasyon n’yong mag-asawa, o sumasakit ang ulo ninyo sa mga anak ninyo, o nag-aalala kung paano makakasabay ang maliit na pasok ng pera sa inyo gayong pataas nang pataas ang mga bilihin. Ano ang “happy” new year para sa inyo?

Consider Jesus (Hebrews 3:1–6)

Everyday kasi, nahaharap tayo sa temptations na mananatili ba tayong faithful kay Cristo o babaling tayo sa ibang mga bagay, babalik sa dati nating buhay, magtitiwala sa mga bagay at mga tao sa mundong ito na para bang sila ang “saviors” natin. Ito ang temptation na kinakaharap ng mga Jewish Christians na malamang na primary readers ng Hebrews. Although hindi tayo sigurado kung sino talaga ang author nito, alam natin na ito ay salita ng Diyos na nagbibigay ng paalala (at warnings din) sa kanila at sa atin din.

Gospel Brotherhood: The Message of Philemon

Paano nga iaapply ang gospel sa mga di-pagkakasundo? Paano kung ikaw ang may atraso sa iba? Mahirap umamin at humingi ng tawad. Kapag ikaw ang naagrabyado—may ninakaw sa ‘yo, may utang na hindi mabayaran o ayaw bayaran, o may ginawang masama laban sa ‘yo—mahirap magpatawad, mahirap maibalik ang dating magandang relasyon. O kung mabalitaan mo na may ganito sa church, mahirap makialam. Mas madali sa atin ang tahimik lang, umiwas lang, o ipalagay na okay lang naman ang lahat at no big deal naman yung mga ganyan. But if we care about the gospel of Christ, we must care about our relationships sa loob ng church.

Gospel Godliness: The Message of Titus

We as a church love the gospel. We love the preaching of the gospel. Yun ang prayer natin palagi na magpatuloy na maging passion ng church natin—a passion for the gospel of Jesus Christ. Pero yung passion na yun ang prayer din natin na maging passion natin for godliness o yung matuwid, tama at banal na pamumuhay. Sabi ni Kevin DeYoung, “There is a gap between our love for the gospel and our love for godliness. This must change” (The Hole in Our Holiness, 21).