Ang buong Exodus ay nagpapaalala sa atin na hindi lang ito kuwento ng Israel, ito rin ay kuwento ng buhay natin. At bago ito maging kuwento ng buhay natin, dapat nating alalahanin na ito ay kuwento ni Jesus. Siya ang tunay at nakahihigit na Moises. Siya ang tunay at nakahihigit na panganay na Anak ng Diyos. Siya ang tunay at nakahihigit na Passover Lamb. Siya ang tunay at nakahihigit na tinapay at tubig. Siya ang tunay at nakahihigit na Propeta, Pari at Hari. Siya ang tunay at nakahihigit na Tabernacle. Siya ang tunay at nakahihigit sa lahat para sa atin. Siya ang lahat-lahat sa atin.
Exodus 34 • Ang Liwanag ng Mukha ng Diyos
Nakikita mo ba ang liwanag ng mukha ni Cristo every time you hear the preaching of the Word? Nagtitiwala ka ba sa kanya? Kung oo, nababakas ba sa mukha mo ang liwanag ni Cristo? Kung nakatitig ka palagi kay Cristo, mangyayari ‘yan. Isa sa paborito kong verse sa Christian life, 2 Corinthians 3:18, “And we all, with unveiled face, beholding the glory of the Lord, are being transformed into the same image from one degree of glory to another. For this comes from the Lord who is the Spirit.”
Exodus 33 • Ang Walang Katumbas na Halaga ng Presensya ng Diyos
Malaya ang Diyos na piliin kung sino ang kaaawaan niya at ililigtas. Bilang sovereign Lord and Ruler of all, hindi siya obligado na iligtas ang sinumang tao na nararapat lamang tumanggap ng makatarungang paghatol at parusa ng Diyos. Ang biyaya ng Diyos-mula simula hanggang katapusan- ang angkla ng kumpiyansa na kailangan natin para harapin ang mga hamon sa bawat araw.
Para sa Gospel ang Laban na Ito (Phil. 1:28–30) — Robin Siducon
Ang buhay ng isang Kristiyano ay parang boxing. Sa boxing, oras na tumunog na ang bell, ito ay suntukan na o away na. Parang tayo, simula nung araw na tayo ay tumanggap sa ating Panginoong Jesu-Cristo at nag-declare ng allegiance sa Panginoong Jesus, tumunog na ang bell ng ating pakikipaglaban sa mga kaaway ng mabuting balita ni Cristo. - Robin Siducon
