Nagiging malamig ang puso mo sa salita ng Diyos. Nababawasan ang pagpapahalaga mo sa salita ng Diyos. Nababawasan ang tiwala mo sa pangako ng Diyos. Nagiging ordinaryo na lang ang salita ng Diyos na para bang salita rin ng tao. Dito sa Psalm 119:113–120 ay matututunan natin kung paano magkaroon ng mas malalim na pagmamahal, pagtitiwala, at pagkatakot sa salita ng Diyos.
#14: Psalm 119:105–112 • The Joy of My Heart
Hindi lang sa pagpasok ng bagong taon, kundi sa bawat bahagi ng buhay natin ay kailangan natin ang tulong na nanggagaling sa salita ng Diyos, lalo na sa mahihirap na bahagi ng buhay natin. Ito yung ipapahayag ng psalmist sa Psalm 119:105–112 tungkol sa salita ng Diyos habang sinasabi rin niya with all honesty ang hirap na nararanasan niya.
#13: Psalm 119:97–104 • Sweeter than Honey
Ang pag-ibig sa Diyos at sa kanyang salita ay hindi lang natin sinasabi kapag Sunday sa mga prayers at mga songs natin. Ito ay nag-uumapaw sa pang-araw-araw nating buhay as we seek to obey God in all areas of our life. Sabi nga ng Panginoong Jesus, "ang sinumang tumatanggap at sumusunod sa mga utos ko ang siyang nagmamahal sa akin"(John 114:21 ASD). Ang pagbabasa ng Bibliya ay hindi ang ating ultimate goal. It is a means to an end...at ang end goal ay mas ma-enjoy natin ang love relationship natin sa Diyos.
#12: Psalm 119:89–96 • God’s Enduring Word
Ipinapaalala sa atin ng Psalm 119 na permanente ang salita ng Diyos, maaasahan ang salita ng Diyos, at perpekto ang salita ng Diyos. Permanente dahil ang Diyos ay walang-hanggan at nananatili ang kanyang katapatan. Maaasahan dahil ang Diyos ay makapangyarihang nagliligtas at nagbibigay-buhay. Perpekto dahil ang Diyos ay perpekto.
