Part 4 – Pride and Humility (Daniel 4)

Ang dali sa atin na ibaling ang paningin natin palayo sa Diyos as our only source of security in this world. Dahil alam ng Diyos na hindi ‘yan makakabuti sa kanyang mga anak, gagawin niya ang lahat ng magagawa niya—and he is Almighty God!—para magkaroon tayo ng tamang pagkakilala sa sarili natin at sa mga taong tinitingala natin, at tamang pagkakilala naman sa Diyos, to turn our eyes away from human kings to God our Savior-King.