Ang ministry ng preaching ay hindi pwedeng ihiwalay sa ministry ng soul care o pangangalaga sa mga kaluluwa; sa katunayan, ang preaching ay karugtong ng soul care. Napakaraming rason kung bakit napakahalaga para sa mga pastor na nais maging makabuluhan ang kanilang preaching na kilalanin ang kanilang mga miyembro sa abot ng kanilang makakaya, ngunit ito ang tatlo sa mga pinakamahalaga.
Beloved, Let Us Love One Another (1 John 4:7-12)
Heto ang tatlong dahilan kung bakit hindi lang tayo inaanyayahang magmahalan kundi obligado tayong magmahalan: una, ang pagmamahalan ay nagpapatunay na tayo nga ay mga tunay na anak ng Diyos; ikalawa, ang pagmamahalan ay bunga ng magandang balita ng kaligtasang tinanggap natin; ikatlo, ang pagmamahalan ay nagpapatotoo na ang presensiya ng Diyos ay nasa church natin. At lahat ng ito ay may kinalaman sa isang mahalagang katotohanan: ang Diyos ay pag-ibig, at ipinakita niya ang pagmamahal niya sa atin sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanyang sarili sa pamamagitan ni Cristo.
Ang Paghaharing Walang Katapusan At Hindi Matitinag (Psalm 2) – Marlon Santos
Ang anumang masamang pagbabalak ng mga tao o kahit ang ginagawa na mismo ng tao para kalabanin ang nag-iisang hari na si Jesus, kailanman ay hindi magtatagumpay. Maaaring parang oo sa ngayon, pero kalaunan ay mauuwi sa balewala. At kung ang Panginoong Jesu-Cristo ang syang hari natin, walang duda, nasa tamang kampo tayo ng pinaka-makapangyarihang Hari.
Be Still and Know that I am God (Psalm 46)
Maaaring dumaranas ka ngayon ng pagsubok o bagyo ng buhay, maaaring marami kang pinoproblema, maaaring dumaranas ka ng pagluha at kabigatan, maaaring nahihirapan ka sa pakikipaglaban against sa kasalanan, para bang kahit paanong gawin mong pagbalanse sa iyong bangka ng buhay ay parang tataob pa rin sa hirap ng iyong pinagdadaanan. Be still kapatid, sapagkat sinabi ni Yahweh "Be still and know that I am God."
