Dahil sa iba’t ibang unbiblical views tungkol sa buhay Kristiyano at tungkol sa kahalagahan ng paglagong Kristiyano, mahalagang sagutin sa Ephesians 4:15–16 ang mga sumusunod na tanong: 1. Ano ang mangyayari kung hindi tayo lalago? 2. Ano ang paglagong Kristiyano? 3. Gaano kahalaga si Cristo sa paglagong Kristiyano? 4. Gaano kahalaga ang church sa paglagong Kristiyano? 5. Ano ang layunin natin bilang mga miyembro ng church? 6. Ano ang kailangan nating gawin para sama-sama tayo sa paglago?
Ephesians 4:7-14 • Strengthened by Grace for Gospel Growth
Ang church mismo ay biyaya ng Diyos para sa ating paglago sa gospel. Si Cristo ang source ng lahat ng biyaya—para sa kaligtasan at sa pang-araw-araw na lakas na kailangan natin. Binigay niya ang mga church leaders para i-equip ang mga members, at ang bawat member naman ay tinawag para maglingkod at magtulungan. Kapag lahat ay gumagawa ng bahagi nila, ang resulta ay unity, maturity, at paglago kay Cristo. Pero kung walang growth, madaling matangay ng maling katuruan. Kaya’t ang bawat isa—leaders at members—ay mahalaga sa pagpapalakas ng buong katawan ni Cristo.
Ano ang success sa ministry? Paano ito masusukat?
Ito ay isang mahirap na tanong dahil maraming naglalaban na mga prinsipyo tungkol dito. 1. Masusukat ba natin ang mga supernatural na bunga? Ang mga supernatural na bunga ay hindi laging nasusukat. 2. Magkatumbas ang success at faithfulness. Isa dapat sa pinakaimportanteng pamantayan natin ng success ay ito: kung ang isang lingkod ng Diyos ay … Continue reading Ano ang success sa ministry? Paano ito masusukat?
Gospel Stewardship: The Message of 1 Timothy
Itinuturo natin ang gospel para makita ng lahat kung sino si Cristo—lahat ng nasa church, lahat ng wala pa sa church. At hindi lang itinuturo, we live in such a way—sa loob ng church at sa labas ng church—na makikita ng mga tao kung sino si Cristo at bakit siya lang ang tunay na Tagapagligtas at kung paanong yung gospel na yun ay “power of God for salvation to everyone who believes” (Rom. 1:16).
