Part 14: Pagkain at Pahinga para sa mga Reklamador (Ex. 15:22-17:7)

‌“Sinasamahan ba tayo ng Panginoon o hindi”? Kapag may mga difficulties kasi, napakadali sa atin ang makalimutan ang dakilang kapangyarihan ng Diyos na nagligtas at magliligtas sa atin. Ang dali nating pagdududahan ang kanyang pagsama sa araw-araw, at ang kanyang katapatan na tuparin ang lahat ng kanyang pangako at layunin. Tulad ng nangyari sa mga Israelita sa sumunod na bahagi ng kuwento ng Exodus, mula 15:22 hanggang 17:7. Medyo mahaba ito, at merong tatlong eksena ang nakapaloob dito. Pero merong isang tema na nagbubuklod sa lahat ng ito—yung problema nila sa pagrereklamo. Tingnan natin kung ano ang problema sa puso nitong mga Israelita sa kuwentong ito, at tingnan din natin kung paano ipinapakilala ng Diyos ang sarili niya sa mga responses niya sa pagrereklamo nila.

Abraham Part 9 – Great Judgment, Great Mercy (Gen. 19)

Tanggalin natin sa mindset natin yung pag-aakala ng ilan na ang Diyos ng Old Testament ay God of wrath, at ang Diyos ng New Testament ay God of love. No, the God of the Old Testament is the same God of the New Testament. Hindi siya nagbabago. He is the God of love and wrath, grace and justice, mercy and righteousness. Makikita natin ‘yan pareho—mercy and judgment— sa kwento ng pagtupok ng Diyos sa Sodom at Gomorrah at sa kamatayan ni Jesus sa krus.