Gaano man ka-tempting sa atin na umayaw na kapag hirap na hirap na sa buhay Kristiyano, nawa’y hindi natin masabi, “Ayaw ko na kay Cristo!” and walk away from the faith. Gaano man ka-attractive ang mga kayamanan at kasiyahan na inaalok ng mundong ito, nawa’y hindi natin ipagpalit si Cristo sa mga bagay na iyan. At nawa’y ‘wag din tayong maging kumpiyansa sa sarili natin na tinatawag nga natin ang sarili natin na “tagasunod ni Cristo,” kahit na walang nakikitang paglago sa buhay natin ay magiging panatag na tayo at aakalaing okay na ang lahat.
Hebrews 3:1-6 • Worthy of Greater Glory
Sa pagharap sa mga pagsubok at tukso, palagi tayong tumingin kay Cristo at mas mahigpit na kumapit sa kanyang mga pangako. Consider Jesus: with a desire, concentration, time, with other believers, and with confident hope. Fix your thoughts and turn your eyes to the one who is worthy of greater glory. Preached by Jowinik Bautista
“Lumapit sa Diyos nang may Buong Tiwala”
Preached by Ptr. Marlon Santos on Hebrews 10: 19-25 "Ang katiyakan ng pagtanggap ng Diyos sa paglapit natin sa Kanya ay sa pamamagitan lamang ng Panginoong Jesu-Cristo. Kung gayon, tayo ay lumapit na may ganitong katiyakan ng pananampalataya, tapat na puso, at malinis na budhi, habang nagsisikap na mahalin ang iba at gumawa ng mabuti."
Consider Jesus (Hebrews 3:1–6)
Everyday kasi, nahaharap tayo sa temptations na mananatili ba tayong faithful kay Cristo o babaling tayo sa ibang mga bagay, babalik sa dati nating buhay, magtitiwala sa mga bagay at mga tao sa mundong ito na para bang sila ang “saviors” natin. Ito ang temptation na kinakaharap ng mga Jewish Christians na malamang na primary readers ng Hebrews. Although hindi tayo sigurado kung sino talaga ang author nito, alam natin na ito ay salita ng Diyos na nagbibigay ng paalala (at warnings din) sa kanila at sa atin din.
