Alam nating walang nakasunod ng perpekto sa kautusan at wala ring maliligtas sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan o paggawa ng mabuti. Ginawa ng Diyos ang hindi kayang gawin ng Kautusan at ginawa ng Diyos ang hindi natin kayang gawin. Christ came down to earth in the likeness of sinful flesh, as an offering for your sin, as an offering for my sin, as an offering for the sin of the world. Preached by Ptr. Aldrin Capili @ Baliwag Bible Christian Church
Ano ang Magandang Balita?
Ang Magandang Balitang ay tungkol sa kapatawaran ng mga kasalanan sa pamamagitan ni Jesus. At hindi lamang iyon, ito rin ay tumutukoy sa “pangako ng Diyos sa ating mga ninuno” na “tinupad na” sa pamamagitan ng muling pagbuhay kay Jesus. Tiyak na ang mga pangako ng Diyos sa mga ninuno, na natupad na kay Jesus, ay hindi lamang limitado sa kapatawaran ng mga kasalanan diba?
Kapag Nanlulupaypay sa Paghihintay (Psalm 119:81-88)
Isang pagbubulay sa bawat isang linya sa Psalm 119 bilang isang panalangin at pakikipag-usap sa Diyos na nagpapakita na anuman ang kalagayan mo sa buhay ngayon, gaano man kahirap, makakaasa ka na tapat ang salita ng Diyos, makakapitan ang tulong na galing sa Diyos, at sigurado ang pag-ibig ng Diyos sa atin.
Sino si Jesus?
Anuman ang iniisip mo tungkol kay Jesus, hindi maitatanggi ang kahalagahan at epekto ni Jesus sa kasaysayan ng mundo. Maraming nagsasabi na kilala nila si Jesus, pero tama nga ba ang pagkakilala nila kay Jesus? Heto ang isang maikling panimula tungkol sa kung sino si Jesus, ano ang mensahe niya, ano ang ginawa niya, at ano ang kahalagahan niya sa buhay natin.
