Ang buhay ng isang Kristiyano ay parang boxing. Sa boxing, oras na tumunog na ang bell, ito ay suntukan na o away na. Parang tayo, simula nung araw na tayo ay tumanggap sa ating Panginoong Jesu-Cristo at nag-declare ng allegiance sa Panginoong Jesus, tumunog na ang bell ng ating pakikipaglaban sa mga kaaway ng mabuting balita ni Cristo. - Robin Siducon
Ang Salita na Naging Tao
Sino ba si Jesus? Sa pagkakaalam mo, sino siya? Ano ba siya? Paano mo siya ipapakilala sa iba? Paano mo ipapaliwanag sa iba ang mga ginawa niya?
Ano ang Pinaka Pangunahing Problema na Tinutugunan ng Gospel?
Ang ating mga pangangailangan ba ang pangunahing tinutugunan ng gospel? Ang ating mga hangarin para magkaroon ng meaning ang buhay? Ang pagbabago ng lipunan? Ang kaayusan ng ating pamumuhay? Ang matulungan ang mga mahihirap? Pagpapayaman at pagbuti ng ating kalusugan?
Be Still and Know that I am God (Psalm 46)
Maaaring dumaranas ka ngayon ng pagsubok o bagyo ng buhay, maaaring marami kang pinoproblema, maaaring dumaranas ka ng pagluha at kabigatan, maaaring nahihirapan ka sa pakikipaglaban against sa kasalanan, para bang kahit paanong gawin mong pagbalanse sa iyong bangka ng buhay ay parang tataob pa rin sa hirap ng iyong pinagdadaanan. Be still kapatid, sapagkat sinabi ni Yahweh "Be still and know that I am God."
