“Sinasamahan ba tayo ng Panginoon o hindi”? Kapag may mga difficulties kasi, napakadali sa atin ang makalimutan ang dakilang kapangyarihan ng Diyos na nagligtas at magliligtas sa atin. Ang dali nating pagdududahan ang kanyang pagsama sa araw-araw, at ang kanyang katapatan na tuparin ang lahat ng kanyang pangako at layunin. Tulad ng nangyari sa mga Israelita sa sumunod na bahagi ng kuwento ng Exodus, mula 15:22 hanggang 17:7. Medyo mahaba ito, at merong tatlong eksena ang nakapaloob dito. Pero merong isang tema na nagbubuklod sa lahat ng ito—yung problema nila sa pagrereklamo. Tingnan natin kung ano ang problema sa puso nitong mga Israelita sa kuwentong ito, at tingnan din natin kung paano ipinapakilala ng Diyos ang sarili niya sa mga responses niya sa pagrereklamo nila.
Identity and Ministry (1 Cor. 3:1-17)
We all have to evaluate how we do ministry. Kasi mahalaga na tama ang pagkakilala natin sa sarili natin bilang Christians, sa mga leaders natin bilang mga lingkod at katiwala ng Diyos, at sa church natin bilang "God's field, God's building and God's temple."
