Maraming iglesya ang nagtuturo ng ebanghelyo ngunit marami sa kanilang mga miyembro ang nahihirapang ibahagi ito. Takot, pag-aalinlangan, at kakulangan sa oras ang karaniwang nagiging hadlang sa kanila. Ang mga pastor ay may tungkulin sa paghubog ng kultura ng evangelism sa pamamagitan ng pagtuturo, pagiging modelo, at pagbibigay ng pagsasanay sa kanilang mga miyembro.
FREE DOWNLOAD: Ano ang Gospel? [Study Guide]
Madalas nating sabihin ang salitang "gospel" pero hindi ako sigurado kung kaya natin itong ipaliwanag. Sa tulong ng librong "Ano ang Gospel?" ni Greg Gilbert, at ng study guide na ito, umaasa kami na mahihimok nito ang mga di-Kristiyano na pag-isipan ang kanilang katayuan sa harap ng Diyos, habang ang pananampalataya ng mga Kristiyano ay mas mapapatibay.
Ephesians 4:7-14 • Strengthened by Grace for Gospel Growth
Ang church mismo ay biyaya ng Diyos para sa ating paglago sa gospel. Si Cristo ang source ng lahat ng biyaya—para sa kaligtasan at sa pang-araw-araw na lakas na kailangan natin. Binigay niya ang mga church leaders para i-equip ang mga members, at ang bawat member naman ay tinawag para maglingkod at magtulungan. Kapag lahat ay gumagawa ng bahagi nila, ang resulta ay unity, maturity, at paglago kay Cristo. Pero kung walang growth, madaling matangay ng maling katuruan. Kaya’t ang bawat isa—leaders at members—ay mahalaga sa pagpapalakas ng buong katawan ni Cristo.
Sino si Jesus? Study Guide (Free Download)
Isinulat ni Greg Gilbert ang librong Sino si Jesus? upang matulungan ang mga babasa nito na sagutin ang napakahalagang tanong na ito. Sinulat namin ang study guide na ito para gabayan ka sa pagbabasa ng kanyang libro. Nakadisenyo ang mga ito na maging evangelistic tool, pero magagamit din ito para i-disciple ang mga bagong Kristiyano.
