Ang sanctification ay isang proseso ng pagbabago sa buhay ng mga Kristiyano na dapat seryosohin. Kabilang dito ang pag-aalis ng mga kasalanan tulad ng pagsisinungaling, galit, at pagnanakaw, at pagpapalit dito ng mga virtues gaya ng katapatan at pagpapatawad. Ang tamang motivations para dito ay nakaugat sa ebanghelyo at sa ating pakikipag-isa kay Cristo.
Masyado bang komplikado ang Bibliya para sa mga taong hirap magbasa?
Ang Bibliya ba ay para lang sa mga pastor, professors, at mga mahihilig magbasa? Masyado ba itong mahirap intindihin ng mga normal na tao? Ipinakita sa article na ang Salita ng Diyos ay mauunawaan ng tao, anuman ang estado niya sa buhay, sa pagkilos ng Banal Espiritu upang alisin ang anumang balakid dito.
Ephesians 4:17-24 • Ang Bagong Buhay kay Cristo (Part 1)
Itinuturo sa atin ni Pablo sa vv. 17-24 ng Ephesians 4 ang ganito: Nang matutunan natin ang katotohanang nakay Cristo, nagkaroon na tayo ng bagong pagkatao; kaya dapat lang na iwanan na natin ang ating dating pamumuhay at ipamuhay ang bagong buhay na meron tayo kay Cristo. Nakilala na natin ang tamang daan. Wala na tayo sa dating daan, kaya dapat na magpatuloy tayo sa bagong daan. Ito ang bagong buhay na meron tayo kay Cristo. Ito ba ang naglalarawan ng buhay mo ngayon?
Bakit mahalaga ang biblical theology sa discipleship at paglago ng isang Kristiyano?
Ang biblical theology ay mahalaga sa isang Kristiyano. Nagtuturo ito ng tamang pagkaunawa sa Diyos, sa sarili, sa sangkatauhan, at kung paano nakaugnay ang Bibliya sa buhay natin ngayon.
